Share

Broken

Author: Remnis Luz
last update Last Updated: 2025-02-11 20:00:37

Bhe, napapadalas na iyan ah,” sita niya sa lalake.

Bhe naman, ngayon lang naman ulit ito, tsaka sina Arnold naman ang kasama ko eh,” mahinahon na saad ni Bobby.

Napabusangot na lamang tuloy siya. Iyon nga eh!”

Hindi niya napigilan ang pagtaasan ito ng boses dahil sa pagkainis, matapos kasi nilang makapag-ayos nitong nakaraan ay medyo naging palalabas na si Bobby at napapadalas na rin ang pagsama nito sa mga naturang kaibigan.

Kilala mo naman sina Arnold ah, birthday niya kasi ngayon,” muling turan nito.

Eh paano naman ako!” papadyak na lang niya ng paa sa kinauupuan.

Minsan lang naman ito bhe, intindihin mo naman,” bahagyang pag-aangat nito ng tono.

Paanong minsan, hindi ba noon nakaraan magkasama lang kayo!singhal na niya dito.

Bhe naman, kababata ko iyon tao, syempre palagi kami magkakasama dahil taga dito lang sila!bara ni Bobby.

Hmp, bahala ka na nga!Nagigitgit ngipin na saad na lang niya rito bago ito babaan ng telepono.

Bumigat nanaman tuloy ang pakiramdam ni Sheryll, bigla tuloy bumagal ang takbo ng oras at tila nawalan siya ng ganang gumalaw, lalo pa nang matapos ang ilang minuto ay hindi na nagpaparamdam ang kasintahan sa kanya.

Tulala na tuloy siya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin sa loob ng restroom, tinitingnan niya kung ano ang maaring mali sa kanya at posibleng naging dahilan ng biglaang pagwawalang bahala sa kanya ni Bobby.

Sakto naman ang pagpasok ni Celina roon para makita si Sheryll na parang baliw na paulit-ulit lang sa paghaplos ng buhok sa harap ng salamin.

"Sheryll, Sheryll!" Alog ng kaibigan sa kanya, subalit tila wala siyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. "Wala ka nanaman sa sarili!" Marahang tapik na ni Celina sa pisngi niya.

Napakunot na lang ito ng noo nang balingan ni Sheryll ng maluha-luhang mga mata habang nakatodo ang pagsimangot.

"Ano bang nangyari?" Agad hinawakan ng babae ang magkabilang pisngi niya, alala itong tumitig sa kanyang mga mata.

"Cel, friend," yakap niya kaagad dito, hindi niya na napigilang mapaiyak sa sobrang sama ng loob.

Ganoon na lang ang lalong pagkunot ng mukha nito sa pagkabalisa sa ginawa niya, agad siya nitong inalalayan dahil parang mawawala na siya sa balanse pakakapit dito.

"Sheryll, ano bang problema?" agad nitong tapik sa kanyang likod para mpakalma siya.

Panaka-naka ang haplos ni Celina sa likod ni Sheryll upang mahimasmasan, parang gripo na kasi ang pag-agos ng kanyang mga luha at hindi niya ito magawang pigilan.

"Si...si Bobby kasi." Hikbi niya dito. "Alam mo iyon, ang laki ng pinagbago niya nitong nakaraan."

Inilayo siya nito sa pagkakaakap at maingat na pinunasan ang kanyang mukha dahil basang-basa na ito ng luha. Mukha tuloy isang modelong nanay si Celina na nagpapatahan ng anak sa ginagawa.

"Baka naman may problema lang iyong tao," malambing nitong saad.

Napasimangot lang siya lalo dito, kung kaya isang tipid na ngiti lang ang ibinalik nito habang hinahawi ang kanyang buhok na humarang na sa kanyang mukha.

Paanong may problema, eh todo happy-happy nga siya ngayon!” Napapatalong na wasiwas na lang siya ng kamay sa inis.

Hindi niya kasi mapigilan ang paninikip sa kanyang dibdib nang hanggang ng mga oras na iyon ay hindi pa rin ito tumatawag sa kanya.

Naroon kasi ang katotohan na kilala niya na si Bobby, hindi nito gawain na hinahayaan siyang mayroon sama ng loob ng matagal, madalas kahit siya ang may kasalanan ay ito pa ang nanunuyo sa kanya.

Wala naman siguro masam kung paminsan siyang nag-aaliw sa sarili.” Pilit patahan ni Celina.

Pero nagtuloy-tuloy lamang ang paghagulgol niya dahil sa tila paghigpit sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon.

"Hindi Cel, may nararamdaman ako, you know that feeling that there is something fishy like tilapia," paliwanag niya dito.

Panaka-naka pa ang singhot niya habang sinasabi iyon, pero kahit mukha na siyang tanga sa harapan ng kaibigan ay taimtim lang itong nakinig.

"Bakit hindi kayo mag usap?" haplos ni Celina sa kanyang balikat.

"Iyon nga eh, alam niya naman na nagtatampo ako sa kanya pero ni hi ni ho wala akong natatanggap, hindi tulad ng dati mabilis pa sa alas kuwatro kung tumawag iyon sa akin para mag sorry." Muli nanaman niyang nadama ang kakaibang hapdi sa kanyang puso habang sinasabi iyon.

Hindi nanaman niya napigilan ang mapahagulgol sa harap nito, napahawak na lang siya sa kanyang mukha para piliting pigilan ang sarili ngunit sadyang nangingibabaw ang kanyang hinanakit.

"Shhh tahan na, intindihin mo na lang muna si Bobby, at least diba nagpapaalam pa rin siya sa iyo,buong lambing na saad ng kaibigan.

Nadama niya ang malambing na pagpunas ni Celina sa kanyang buhok, yinakap siya nito kaya humagulgol na lang siya sa balikat ng kaibigan. Kahit papaano ay medyo gumaan na ang pakiramdam niya dahil sa pakikiramay ni Celina, ngunit sadyang hindi niya pa rin mapigilan ang sarili dahil naroon pa rin ang kakaibang sikip sa kanyang dibdib.

Nagpapasalamat na lang siya at nagawa siyang pakinggan at intindihin ng kaibigan kahit pa parang bata siyang ngumangawa roon, hindi siya nito iniwan kahit pa pinagtitinginan na sila ng ilang mga tao na pumapasok roon.

Ilang minuto rin ang inabot bago siya humupa sa pag iyak, mabuti na lang at lunch break nila noon kaya hindi sila nasita, kahit papaano ay nakaluwag ng kaunti sa kanyang alalahanin ang paglalabas ng sama ng loob, pinilit niya na lang na ayusin ang sarili bago bumalik sa trabaho.

Inalalayan na lang siya ni Celina pabalik sa kanilang opisina, pinilit niya na lang na iwaksi ang mga prinproblema upang kahit papaano ay makakilos siya muli ng maayos, hindi niya rin naman gustong maging alalahanin pa ng kaibigan lalo na at batid niyang may sarili rin itong iniisip noon.

Ngunit hanggang sa pagkatapos ng trabaho nila ay nanatiling nakadikit sa kanya ang kaibigan, lalo pa nang ipaalam niya ang planong pamamasyal sa mall, kaya naman alam niyang nag-aalala pa rin ito sa kanya.

Friend, okay na ako, nagpasundo na lang ako kina mama, mamimili rin kasi kami ngayon dahil sweldo ko,pagpapaalam niya rito.

Isang tipid na ngiti ang gumuhit dito habang pinapakatitigan siya. Sure ka ha,lambing nitong haplos sa kanyang pisngi.

Iniangat na lang niya ang kamay upang ipakita ang braso rito. Oo naman, ako pa! Thank you sa pakikinig mo kanina friend,” yakap na lang niya rito bago sila maghiwalay.

Tinanggal niya na lang muna sa isip ang paghihinala sa kasintahan, naisip niya na lang na intindihin na muna ang lalake dahil na rin sa payo ng kaibigan.

Ibinaling niya ang atensyon sa pamimili ng araw na iyon, hahayaan niya na munang lumipas ang tampuhan nilang dalawa, tutal siya lang rin naman ang may sama ng loob dito.

"Anak, tingnan mo ito, mukhang bagay sa iyo," dikit ng mama niya sa isang floral dress na hanggang hita lang ang palda.

"Ma naman, ang iksi-iksi niyan, makikita na kaluluwa ko riyan eh," sita niya sabay layo sa naturang damit.

"Uso naman ito ngayon ah!" baling ng mama niya dito, pinakiramdaman pa nito ang tela sa harap niya na parang bang inaakit siya na subukan ito.

"Ma naman!" inis niyang sambit dahil tinopak nanaman ito na pilitin siyang makiuso.

Hindi niya maipagkakailang maganda nga ang damit ngunit sadyang masyadong bastusin and desenyo nito para sa kanyang panlasa.

"Mama, huwag niyo na po pilitin si ate, alam niyo naman na manang iyan manamit." Paghalakhak na lang ni Sherwin sa kanya.

Agad na nagsalubong ang kilay ni Sheryll sa kapatid. "Siraulo ka ah!" Pakita niya ng aktong pag-batok dito.

"Ma oh!" mabilis nitong sigaw.

Dali-dali naman itong nag-angat ng kamay para sanggain iyon sa pag-aakalang itutuloy niya ang gagawin.

"Sukatin mo lang kung bagay," pagpapagitna ng kanilang ina sabay muling pagtutulak ng damit sa katawan niya.

Walang gana na lang iyong kinuha ni Sheryll para mapatigil na ito, nakasisiguro nanaman siya na bibilhin rin iyon ng ina kahit tanggihan niya.

Pumunta siya sa isang malapit na changing room subalit napakahaba ng pila kaya naman sa may malaking salamin na nasa gilid noon na lang siya tumungo.

Iniangat niya na sa harap ang naturang kasuotan upang makita kung babagay ba iyon sa kanya, napangiti siya nang makitang medyo maayos itong tingnan pero napakunot na lang siya ng noo nang may maaninag sa repleksyon ng salamin.

Agad-agad siyang napaikot patalikod dahilan para biglaan siyang makaramdam ng pagsikip sa dibdib na wari ay mayroon pumipiga dito, idagdag pa ang parang tuloy-tuloy na pagtusok ng karayom sa kanyang puso.

Literal na nagdilim ang kanyang paningin nang makita si Bobby na ngiting-ngiting nakatayo sa hindi kalayuan, hinahalik-halikan pa ito ng kasamang babae sa labi na para bang nakikipaglaro, halata naman ang tuwa ng lalake sa ginagawa nito.

Wala sa sarili siyang lumapit sa dalawa, alam ninya na hindi maaring maging kaibigan o kamag anak ang babaeng iyon dahil sa paraan ng pakikipaglandian nito sa kasintahan niya.

"Please baby, dalawa na ibili mo sa akin." Mapang akit nitong niyakap sa leeg si Bobby sabay nguso na halatang nagpapa-cute dito, bago nagpaulit-ulit nanaman ng halik sa mga labi ng binatilyo.

Tila nagpintig ang tenga ni Sheryll sa narinig kasabay nang mabilisan pagliyab sa kanyang kaloob-looban dahil sa ginagawa ng mga ito. Hindi na siya nakapagpigil na magtuloy-tuloy sa paglapit sa mga ito, doon niya kasi napagtanto ang dahilan ng pagiging malamig at kakaiba ng kilos ng nobyo nitong nakaraan mga buwan.

"Walang hiya ka!" Malakas niyang hampas sa balikat ng lalake.

Mabilis naman nagsalubong ang kilay ng dalawa pakasalag ni Bobby ng kamay sa kanya.

Naroon na ang init sa mga mata ni Sheryll subalit ang matinding galit na nakalukob sa kanya ng mga sandaling iyon ang nagsilbing pambara niya rito.

"Sabi ko na nga ba!" ibinato niya dito ang hawak hawak na damit.

Naroon ang agaran panglalaki ng mata ni Bobby nang makilala siya. "She..Sheryll!" gulat nitong sambit na halos napanganga pa.

Nagtataas baba na ang balikat ni Sheryll ng mga sandaling iyon habang matalim na nakatitig sa dalawa dahil sa pag-aalburoto ng kanyang kalooban lalo pa nang mapansin ang agaran na pagharan ng lalake sa kasama nito.

"Iyan ba iyong girlfriend mo?" biglang singit ng haliparot na babaeng kasama nito.

Napalingon na lang si Sheryll dito na nanlilisik ang mga mata. "Kaya naman pala," padaskol nitong saad sabay ngisi habang tinitingnan pa siya mula ulo hanggang paa na nakataas ang isang kilay.

Abat!” Napakuyom na siya ng palad ng mga sandaling iyon.

Parang sumabog ang kumukulong dugo ni Sheryll ng mga sandaling iyon dahil sa tono ng boses nito, batid niya ang panunuya ng babae sa suot niyang uniporme dahil sa haba nito at pagkakabalot sa katawan niya.

Kung kaya naman ganoon na lamang ang bilis niya sa pagkilos, para siyang pusa sa liksi nang lampasan ang lalake upang hablutin ang buhok nito kaya naman hindi na ito nakaiwas.

"Ay!" tili na lang ng babae sabay subok na hawak sa kamay ni Sheryll nang masunggaban ito.

"Puta ka, mang-aagaw!" buong lakas niyang hatak sa buhok nito.

Ngunit halatang palaban ang naturang babae dahil hindi ito nagpatinag bagkos ay nanlaban ito, kaya naman nahawakan rin siya nito sa buhok. Nauwi sila sa pagtatagisan ng lakas sa paghatak sa isa't isa. Wala ng nagawa si Bobby kung hindi ang magpabalik-balik na lang ng tingin sa dalawang babae.

"Akala mo uurungan kita!" nanggagalaiti nitong saad habang gumaganti ng pag-sampal.

Kahit dehado si Sheryll sa lakas nito ay hindi siya nagpatinag, mas lalo niya lang hinigpitan ang paghawak dito, dama niya na kasi ang bahagyang pagkakatanggal ng ilan sa mga buhok nito kaya naman nais niyang kahit papaano ay magawang kalbuhin ang babae.

"Tang ina Sheryll, bumitaw ka na!" Sa wakas ay awat ni Bobby.

Napasubsob na lang siya nang mabitawan ang naturang babae dahil sa pagtulak ng nobyo . Nanlalaking matang pinakatitigan niya ito, doon niya lang nabatid na mayroon halong galit ang tingin nito sa kanya. Isang malalim na paglunok ang tanging nagawa niya para pigilan ang sarili sa tuluyan pag-iyak, dahil sa tila pagpilipit sa kanyang puso dulo’t ng ginawa nito.

Buong higpit na napakuyom na lang siya ng kanyang kamay nang talikuran na siya ng lalake para mailayo na ang kasama nito.

"Ano, akala mo kaya mo ko!" sigaw ng babae sa kanya habang hinahatak palayo doon ni Bobby.

Napatulala na lang siya ng makita kung gaano kaingat itong inaalalayan ng kasintahan kaya naman mas lalo lamang naglagablab ang kanyang dugo. Subalit hindi niya rin maitago ang mabilis na pagpapaibabaw ng matinding kirot sa kanyang dibdib, hindi niya na nagawa pang tumayo sa panlulumo dahil sa mas pinili ng lalake na kampihan ang naturang babae.

Hindi niya na nagawang pigilan pa ang sarili nang tuluyan na itong makalayo. Napatakip na lang siya sa mukha sa paghagulgol dahil sa kahihiyan at panghihina.

Batid niya na halos lahat ng mata ng mga taong naroon ay nakatingin sa kanya, dinig niya rin ang pagtatawanan ng ilan sa mga ito, kung kaya’t ganoon na lamang ang pagnanais niyang lamunin na lang ng lupa ng mga sandaling iyon.

"Sheryll, anong nangyari?" bungad kaagad ng isang malumanay na boses.

Napanatag siya ng kaunti nang madama ang yakap ng ina, balisa siya nitong hinaplos pakayakap.

"Ate!" alalang sambit naman ng nakababatang niyang kapatid, agad itong umupo sa kanyang tabi upang siya'y haranangan mula sa mga mapanghusgang titig ng mga nakapalibot sa kanila. "Hindi ba si kuya Bobby iyon!" ngitngit na turo ni Sherwin nang makita ang lalake na nagmamadali sa paglayo habang akbay-akbay ang kasama nito.

Agad naman kinapitan ni Sheryll ang pantalon ng kapatid nang akmang tatayo ito, pansin niyang nakuha na nito ang dahilan ng naturang pangyayari.

"Gago iyon ah!" nagngingitngit na duro ni Sherwin, pero minabuti na lang nitong manatili sa kanyang tabi.

Sinubukan siyang itayo ng ina at kapatid pero naging mahirap iyon lalo na at nanginginig ang kanyang mga tuhod dulo’t ng panlulumo, ilang sandali pa at may dumating ng mga security guards na pumalibot sa kanila at umalalay upang makaalis na roon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Anticipating   Afterwards

    Buong araw nagkulong si Sheryll sa kanyang kuwarto kinabukasan, wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa tindi ng sakit ng nadarama. Naroon ang paulit-ulit na pagtusok sa kanyang dibdib na ayaw mawala kahit anong sigaw ang gawin niya, hanggang sa umabot sa puntong napagod na siya at nakatulog sa sobrang pag ngawa. Para siyang patay kung kumilos nang lumabas sa kanyang kuwarto, tu

    Last Updated : 2025-02-12
  • Anticipating   Erasing

    "Ate ano yan?" takang tanong ng kanyang kapatid pakababa niya mula sa kuwarto.Kasalukuyang nag-aalmusal ang pamilya nila kaya naman sa kanya napukol ang atensyon ng mga ito. Kaagad lumapit ang mama niya sa kanya para suriin ang hawak-hawak niyang box at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata nito. "Hind

    Last Updated : 2025-02-13
  • Anticipating   Changed girl

    "Sister, ikaw ba yan?" bati ni Delila pakalapit niya sa tindahan para bumili ng softdrinks. Napansin kaagad ng mga kaibigan ang suot niyang fitted na t-shirt at shorts na maong. "Ay ate, blooming!" masaya naman turan ni Paloma. "Winner ka ate!" dagdag naman ni Rosana. Napangiti na lang siya sa mga ito, kahit hindi ganoon kaiksi ang shorts niya ay maganda pa rin itong tingnan dahil sa pagkakahapit sa kanyang katawan at hindi kabastos-bastos ang hitsura. "Pagbilhan niyo na lang ako ng softdrinks," naiilang niyang sambit.

    Last Updated : 2025-02-14
  • Anticipating   Up's and down

    Hindi niya mapigilan ang paghinga ng mabilis habang pinagmamasdan ang mga labi ng lalake, ramdam niya ang kakapusan ng hangin dahil sa tuloy-tuloy na paglapit ng mukha ni Ray sa kanya. Isang pigil na ungol ang kumawala kay Sheryll

    Last Updated : 2025-02-15
  • Anticipating   Falling apart

    Hindi na mabilang ni Sheryll kung nakakailang bote na siya ng beer ng mga oras na iyon, natagpuan na lang niya ang sarili na sa bar na pinuntahan nila ng mga kaibigan ng wala sa oras sa sobrang sama ng loob, pakiramdam niya kasi ay doon siya magagawang matanggal ang nadarama.Wala siyang ibang gustong gawin ng mga oras na iyon kung hindi ang uminom muli upang kahit papaano ay makalimot at lunurin ang

    Last Updated : 2025-02-16
  • Anticipating   Saved

    "Gaga ka!" kurot ni Delila sa tagiliran niya. "Ganyan ka na ba kabaliw? Mabuti na lang at napadaan ako doon kung hindi, naku!" gigil nitong sambit sabay subok ulit na kurutin si Sheryll, ngunit nagawa niya ng umilag dito. "Ano ba kasing iniisip mo?" panggagalaiti ng kaibigan. "Bakit ba? Wala naman akong ginagawang masama ah," napanguso na lang siya dito. "Wala!" tili ni Delila.Napangiwi na lang siya dahil sa parang pagkakabingi sa lakas ng boses ng kaibigan dahil sa lapit ng bibig nito sa kanyang tenga."Eh muntik ka na sumama doon sa macho gwapitong lalaking iyon! Alam mo ba na tirador iyon ng mga shushunga-shunga na tulad mo," sermon nito.Subalit pansin niya ang kakaibang ngisi sa mukha ng kaibigan habang sinasabi ang mga iyon kaya naman napalabi na lang siyang muli habang napapataas ng isang kilay dito."Kung hindi ko pa nilandi iyong papable na bartender noon nakaraan ay hindi ko pa malalaman, kahit mukhang anghel iyon, Jusko! demonyo naman daw iyon sa mga babae niya," ngitngi

    Last Updated : 2025-02-18
  • Anticipating   Curiosity

    "You may now kiss the bride." Ganoon na lang ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Hindi mapigilan ni Sheryll ang kumawala ang kanyang mga luha habang pinagmamasdan ang bagong kasal, kahit pa todo na ang pagpipigil niya sa pag-iyak. Parang mayroon kasing maliliit na karayom ang tumutus

    Last Updated : 2025-02-19
  • Anticipating   Big bang boom

    Hindi matigil sa pagkabog ang kanyang dibdib habang nakaupo sa malambot na kama, para siyang batang hindi matigil sa kakahimas sa makinis na puting kubrekamang nakabalot doon. "You want anything?" Napatuwid na lang siya kaagad ng upo nang madinig ang malalim at nanghahalinang

    Last Updated : 2025-02-20

Latest chapter

  • Anticipating   The decision

    Hindi mapigilan ni Raymond ang kakasabunot sa sarili habang idinuduyan-duyan ang sarili. Hindi mawala ang matinding kaba at takot niya nang kargahin si Sheryll na walang malay kani-kanina lamang, kinailangan pa siyang hatakin ng mga kaibigan upang maihiwalay

  • Anticipating   Cavalry

    Hindi niya mapigilan ang panginginig habang katabi si Raymond, tahimik lamang ito sa pagmamaneho pero damang-dama niya ang nag-uumapaw na galit nito. Tiim na tiim ang bagang ng lalake habang nakatitig sa harapan at napakahigpit ng hawak sa manibela, halos lumilipad na rin ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito.

  • Anticipating   Back and forth

    "Uy Bobby! ano na, ikaw na ba ang magdridrive para sa amin?" biglang sigaw ni Delilah sa kanya. Kararating niya pa lang sa bahay nina Sheryll ng mga oras na iyon upang maghatid ng mga paninda, iyon kaagad ang naging bungad nito sa kanya.Agad siyang napaharap sa mga kaibigan, doon niya lang naalala ang pakiusap ng mga ito noon nakaraang buwan ukol sa pagmamaneho ng sasakyan para sa plinano ng mga ito na

  • Anticipating   Broken request

    "Please sit down iha." Turo ng matandang lalake sa upuan sa harap ng office desk nito. Maingat naman siyang naupo na hindi pa rin ibinababa ang kanyang pagka-alerto, hindi niya pa rin mapigilan ang panginginig ng kanyang katawan lalo pa at nandoon na rin si Raymond sa m

  • Anticipating   Deceit

    "I'm asking you again, Natalie," seryoso at malalim niyang saad. Nagsisimula na kasing magdilim ang kanyang paningin ng mga sandaling iyon nang maulinigan ang mga naturang pangalan ng mga dating kasambahay.Halata ang takot ng dalawang babae kay Raymond dahil na rin sa parang walang emosyon na tingin nito.

  • Anticipating   Lash

    "I'm glad you came back." Biglang pag-aamo ng mukha ni Raymond habang papalapit sa kanya na may matamis na ngiti. Sinalubong naman ito ni Sheryll ng isang malutong, malakas at magkapatid na sampal, halos mamanhid ang kanyang kamay sa ginawa subalit ininda niya lang iyon, naroon ang malalim na paghinga niya upang habulin ang hininga sa sikip na nadarama sa kanyang dibdib dahil na rin sa pag uumapaw ng galit ng mga sandaling iyon. Ganoon na lang ang pagtitiim bagang ni Raymond sa ginawa ni She

  • Anticipating   Confession

    Ang tahimik na kapaligiran nanggigising na amoy sa kapaligiran at ang pagkakatago nila sa isang gilid ng naturang lugar ang bahagyang nakapagpadulot ng pagkalma kay Sheryll.Dinala siya ni Natalie sa isang sikat na coffee shop upang makapag muni-muni at mahimasmasan. Parehas silang nakatulala sa mga dumadaang sasakyan sa labas. Laking pasalamat niya na lang at medyo may pagkapribado ang lugar kaya naman walang masyadong tao ang nakakakita sa kanila. Halos para siyang bata na nakabaluktot habang nakaupo, yakap-yakap ang tuhod dahil hindi pa rin siya makabawi sa tindi ng pagkabiglang di

  • Anticipating   Duped

    Duped"Salamat sa paghatid Bobby," pumupungay na paalam niya na lamang sa lalake pakababa sa owner jeep nito. Nandoon pa kasi ang kaunting pagkahilo at antok sa kanya dulo’t ng tama ng alak, kahit nakainom na siya ng kape at nakapagpahinga. Bigla na lang lumitaw

  • Anticipating   Atonement

    Nanlulumo pa rin siya ng mga sandaling iyon dahil sa inasal niya noon nakaraan. Hindi niya matanggal ang matinding panghihinayang sa pagkakataong nawala upang makausap muli ang dating kasintahan. Sigurado niyang nagalit si Sheryll sa mga tinanong niya kaya umalis ito kaagad. Pakiramdam niya tuloy ay parang walang kabuhay-buhay ang mga oras na sumunod matapos noon.Sa kakaisip

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status