Home / War / Angel With A Shotgun / Chapter 2: Mission

Share

Chapter 2: Mission

Author: Roviiie
last update Huling Na-update: 2021-08-10 06:29:52

Ezra's POV

MAS dumarami pa ang miyembro ng Black Crystal Revolution  at Oo legal ang ginagawa namin. Alam din ng gobyerno ang tungkol sa amin pero walang nakalalabas na impormasyon tungkol sa mga miyembro at iba pang bagay.

Ang  kasalukuyang Commander ngayon ay si Commander Nazi. S'ya ang pumalit kay Commander Alvazar na mismong tatay n'ya pero namatay ito dahil sa isang misyon.

May hinahawakang sagisag ang organisasyon at ito ay ang literal na Black Crystal. Ang sino mang miyembro ng black organization o kung sino man ang may masamang hangarin ang makakakuha noon ay manganaganib ang organisasyon na matagal na pinagka-ingatan ng dating Commander.

Nananatili ang itim na kristal sa loob ng organisasyon. Madaming lasers, CCTV at agents na naka-bantay rito. May bawat patibong na nakalagay sa paligid at hindi ito makukuha ng basta-basta. 

Hawak-hawak ko ang mga papeles na naglalaman tungkol sa kakambal ko. Kung anong misyon ang gagawin n'ya at kung saan dapat siya pupunta, pero nakalagay dito na hindi s'ya nakarating sa lugar kung saan kailangan nilang ilipat ang mga batang kinidnap noon ten years ago.

Medical team ng panahon na 'yon si Chase, dahil 'yon ang mga bagay na pilit kong inaagaw sa kaniya para hindi s'ya matuloy sa pag-alis pero hindi ko pa rin s'ya napigilan. Lahat ng bagay ay itinuturo sa amin. Mag mula sa language, signs, medicines, technology at pati na rin sa combat. 

"I didn't know na 'yan ang rason kung bakit ka sumali sa organisasyon." marahan ang pagkakasabi ni Commander Nazi.

Nandito kami sa meeting room at dalawa nalang kaming natira. Kakabigay lang din n'ya sa akin ng iba pang files patungkol sa mga naganap na misyon ten years ago.

"I just want to find and bring back my twin brother. Ipinapangako kong hindi ko papabayaan ang responsibilidad ko rito habang ginagawa ko ang bagay na 'to Commander." saad ko at ibinaba nito ang anti-radiation glass na suot at matamang tumingin sa akin at bahagyang ngumiti. 

"I told you. No need for any formalities kapag dalawa lang tayo. We both know each other dahil kaibigan ko ang papa mo at sa totoo lang ay nakaka-guilty ang pag iwas ko sa kaniya simula noong sumali ka rito. Natatakot akong baka hindi sinasadyang may masabi akong hindi dapat, anak." napakurap ako at inilapag ang mga papel na hawak. 

Ninong namin ni Chase si Commander Nazi. Noong sumali si Chase dito sa organisasyon ay hindi pa miyembro noon si Commander. Napilitan lang s'yang mag-training at gampanan ang bagay iniwan ng kaniyang ama. 

"Still." Buntong-hininga muna ako bago ito pakatitigang mabuti. "Ayoko sanang makarating ito sa pamilya ko. Aasahan ko ang pinangako n'yong wala kayong pag sasabihan tungkol rito at patungkol sa akin." seryosong saad ko at tsaka ito tumango. 

"Sa totoo lang napapagod na ako. Naiinggit na nga ako sa papa mo dahil may sarili s'yang pamilya. Samantalang ako heto, nakikipag-patintero parin kay kamatayan." malungkot nitong saad.

"Don't worry ninong, nandito pa kami. Pamilya ka din namin. Alam kong mahirap 'to pero marami ka namang natutulungan." wika ko at mas lalong lumungkot ang mukha nito. 

"How ironic." Mapait itong ngumiti at pinipigilan ang sariling h'wag madala ng sariling emosyon. "Did you know na dapat ikinasal na ako five years ago kay Yvette? Pero hindi natuloy dahil muntik ng mapahamak ang babaeng gusto kong dalhin sa altar., At dahil 'yon sa mga nakalaban ng papa, that's why I set her free... kasi 'yon ang hinihingi n'ya sa akin." hindi na nito napigilan ang emosyon at umiyak.

Nanatili lang akong nakaupo at nakikinig lamang. 

Masakit mawalan ng taong mahal mo. Lalong-lalo na kapag pamilya ang nawala. 

"Hoping for your happiness soon, ninong. There's a rainbow always after the rain."

Tumayo na ako bitbit ang mga papeles pero bago pa man ako makalabas ay napahinto ako dahil sa narinig.

"Tutulong ako sa paghahanap kay Chase.," 

Naghahanda ako sa pag-alis ngayon para pumunta sa isang auction. Hindi mga bagay ang naroon kundi mga kababaihan at mga bata ang mga ibini-bid nila.

Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaya nilang gumawa ng ganiyang bagay. Oo, hindi ako banal o malinis pero pumapatay ako para mabawasan ang mga demonyong nandito. 

"Ready?" Si Justin na nakamake-up pa at dress.

S'ya ang lagi kong kasama sa kahit na anong misyon. Tinanguan ko lang ito at sinuot ko na ang mask para walang makakita ng mukha ko. Si Justin ang papasok sa entrance at manunuod sa auction at galaw ng mga tao roon.

Habang ako naman ang maglalabas sa mga babaeng ibi-bid nila mamaya. 

"Humanda sila sa atin." nakangising sabi ni Justin at agad ko ng pinaandar ang kotse.

Sinuot ko na rin ang earpiece para makapag-usap kami kahit hindi kami magkasama.

"May nabasa ako tungkol sa black organization. Magkakaroon ata sila ng botohan tungkol sa ranking ng mga mafia boss.." kwento nito habang chini-check ang itsura sa salamin.

"Nabasa ko na din 'yan. Sigurado akong mapapalitan si Vladimir sa ranking." sambit ko at napangisi naman s'ya sa narinig.

Para maging isang mafia boss kailangan mayaman ka. Isa 'yan sa mga requirement para makasali ka sa black organization.

Ang black organization naman doon nila ginagawa lahat ng mga ilegal na gawain. Kaya hindi namin sila magiging kakampi. Ang bawat tao na kasali sa black organization ay may kanya-kanyang grupo at may mga sariling leader o boss.

Minsan heredity ang nangyayari, once na ang mga magulang mo ay mafia boss matik ng ang panganay na lalaking anak ang magiging mafia boss sa hinaharap. Kung hindi man panganay basta, lalaki. 

"Alam mo buti nalang hindi naligaw ng landas ang tatay ko at hindi sumali sa black organization dahil kung hindi- ako ang magiging mafia boss, shutanesss!" Napatango naman ako at inihinto na ang sasakyan sa parking lot.

"Mag-iingat ka. Kung may kakaiba sabihin mo sa akin kaagad." paalala ko sa kanya at sumaludo pa ito sa akin at ngumiti.

"Aye Captain!" 

Sumakay na ako sa elevator na nandito sa parking lot. Walang taong dumadaan rito dahil hindi naman dito ang main entrance. Pinindot ko ang 28th floor kung saan nandoon ang mga babaeng ibibenta. Mabuti nalang at walang CCTV sa parteng ito. 

"Captain?" 

Marahan kong idiniin ang earpiece na nasa kanang tainga ko para marinig ng maayos ang sasabihin ni Justin. 

"What?" Malamig kong tanong rito at naghahanda para sa pag bukas ng elevator.

Madilim ang hallway at mukhang sinadyang hindi pailawan. Dahan-dahan akong lumabas sa elevator at sinisiguradong maski ang paglalakad ko ay hindi maririnig habang hawak ang baril sa dalawa kong kamay. 

"Natatae ako, gagi."

Napairap ako sa narinig. Hindi ko alam kong seryoso ba s'ya o hindi sa pinagsasabi n'ya, pero kailangan pa bang sabihin sa akin?

"Siguraduhin mong hindi ka papalpak d'yan." may pagbabanta sa boses ko at narinig ko pa s'yang tumawa. 

Dederetso na sana ako pero agad akong napatago sa likod ng poste dahil may narinig akong paparating. 

"Siguraduhin n'yong maayos ang lahat. Ayokong maudlot ang perang mapapasa akin ngayong gabi, bantayan n'yo lahat ng pwedeng daanan... Naiintindihan n'yo!?"

"Yes sir!!"

Bakit parang pamilyar sa akin ang boses na 'yon? Tsk. 

"Captain, anong ganap d'yan?" 

Lumabas na ako sa pinagtataguang poste dahil nakaalis na ang mga lalaki kanina. Isa-isa ko ring tinitingnan ang bawat kwarto. 

"Nandito na ako sa 28th floor. Hahanapin ko kung saang kuwarto sila nakakulong." seryoso kong sabi at narinig ko pa sa kabilang linya na para bang may kausap si Justin na lalaki.

Tsk.

Pinihit ko ang pinto ng pang huling kwarto. Kakaiba ang pinto ng isang 'to dahil may design at kulay gold din ang kulay. Bigo akong buksan 'to dahil sa pagkaka-locked. Agad kong kinuha ang pin na nasa aking buhok at isiniksik sa door knob. Nabuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mga babaeng animo'y takot na takot. 

"S-Sino k-ka?"

Agad akong lumapit sa kanila at isa-isang tinanggal ang pagkakatali sa kamay at paa ng babaeng malapit sa akin.

"Tulungan mo silang matanggal ang tali!" Utos ko at iniabot ang isa pang kutsilyo.

"T-Teka? Hindi mo kami ibebenta?" Tanong ng isa sa kanila pero hindi na ako nag-abala pang lumingon.

"Ililigtas ko kayo, makakaalis na kayo rito.." saad ko at ang iba naman ay nag-iyakan at nagpa-salamat sa akin.

Matapos ang ilang minuto ay maayos na at wala ng tali ang kamay at paa nila. Inihanda ko na rin ang baril ko.

"This is Justin a.k.a Fire 00038. Malapit ng mag-umpisa Captain Sierra, makaka-alis na ba kayo d'yan?"

"Five minutes left, Fire." sambit ko at akmang lalapit na sa pinto para buksan ito nang pigilan ako ng isa sa kanila.

"A-Anong pangalan mo? Puwede ba naming makita 'yung mukha mo bago kami maka-uwi sa pamilya namin?" 

"O-Oo nga naman. Sige na po!"

Narinig ko pa ang pagtawa ni bakla sa kabilang linya. 

"Ipakita mo na beshi! Hihihi."

Wala na 'kong nagawa kundi agad na tanggalin ang balabal na nakabalot sa mukha ko pero agad ko rin naman itong sinuot. 

"Wow. Ang ganda mo pala!

"Para kang anghel!"

"Hulog ka ng langit sa amin!"

Agad ko ng binuksan ang pinto at pinalabas sila. Mamaya ay may darating na pulis rito at sila ang magdadala ng mga babae sa ospital, dahil halos lahat sila ay may pasa o sugat sa katawan.

"Kailangan n'yo ng makababa d'yan Captain!"

Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Pero napahinto kami dahil nakasalubong namin ang dalawang lalaking may dala pang pagkain. Mukha itong gulat na gulat sa nakita pero agad ko itong binaril maging ang kasama n'ya.

Hindi kami puwedeng maabutan ng kahit na sinong awtoridad rito, pero nakarinig na agad ako ng putukan ng baril kung saan gaganapin ang pag bi-bid.

"Anong nangyayari d'yan?!" Tanong ko kay Justin.

"May mga dumating Captain, binaril nila 'yong mga masasamang damo rito. Hindi ko alam kung sino sila!" 

"Umalis ka na d'yan!" Utos ko pero hindi na ito nagsalita pa.

Shit! Wala ito sa plano!

Ano ba kasing pinaggagagawa ng taong 'yon? Daig n'ya pa ang wala lagi sa sarili! Humanda talaga s'ya sakin sa oras na malaman kong nagpabaya s'ya!

Kinuha ko ang tracking device at papalayo na ang red dot sa mismong kinaroroonan ko. 

Nakita ko namang kinuha na ng mga pulis ang mga babaeng planong ibenta ng sindikatong walang kasing sama! Sana lang ay maging maayos ang buhay nila pagkatapos ng naranasan nila dito. Siguro ganito talaga ang mundo, hindi patas lumaban ang mga taong kampon ni satanas

Bakit kung sino pa 'yong masasamang damo sila pa 'tong nabubuhay ng matagal! 

Sisiguraduhin kong pagbabayaran ng kung sino mang may kagagawan nito sa mga babaeng kinuha n'ya para lang magka-pera s'ya. Those girls don't deserve to be involved such thing like this! I hope na makabangon sila agad matapos ang pangyayaring 'to. 

Napapitlag ako ng maramdamang nagba-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Agad kong kinuha ito at nakita kong si Cody ang tumatawag, ano namang kailangan ng isang 'to? Tsk. Mabilis kung in-off ang cellphone at umalis na sa building para sundan si Justin. 

Napabuntong hininga ako bago sumakay sa kotse, that Justin is getting into my nerves! Marunong naman sana s'yang makipag-laban pero mas pinili n'yang sumama sa mga lalaking 'yon?! Tsk. 

Wala na talagang pag-asa ang isang 'yon. Lunod na lunod na sa pagiging beki. I must admit by now na kahit papaano ay nakakalimutan ko ang mga problema ko dahil sa mga kalokohan n'ya, he's a good friend though. 

Tamad akong nag-drive at hindi na nakipag-karerahan pa sa mga kotseng nasa daan at nakikipag-siksikan sa iba. Ayokong maging reckless driver. Darating din naman ako doon, hahayaan ko munang mag-enjoy si Justin sa mga lalaking kasama n'ya. Tsk. 

Basta gwapo talaga wala s'yang pinapalampas. Kaya naman n'yang labanan at patumbahin ang mga 'yon pero mas pinili n'ya pang magpa-kidnapped! Naalala ko rin si Vladimir na ang bilis makatakas, tsk. 

Bakit ba nawalan kami ng koneksyon kanina? Okay naman 'yong earpiece at walang sira? Nakakaasar talaga! Imbes na makakauwi agad ako heto't kung saan-saan pa muna kami nakakarating. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you like it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

Kaugnay na kabanata

  • Angel With A Shotgun   Chapter 3: Justin Bebe

    Justin's POV Shutaneeees! Ang daming gwapo ditey! Ay s***a teka? Ba't disconnected na si Captain? Nag alisan na ang iba pang nandito at ang iba ay nakahandusay na sa sahig pero keribels dahil willing akong magpa-gahasa sa kanila hihihi. "Itaas mo ang kamay mo at h'wag kang gagawa ng kahit na anong bagay!" naramdaman ko ang matigas na bagay na nakatutok sa aking ulo. Oh, ang babastos ng mga iniisip n'yo ha? Baril 'yan hindi ano... "Umutot pwede? Hihihi." ngumiti ako ng napakatamis kahit na nakatalikod pa ako sa kanila. "Humarap ka dito!" Agad akong napaharap at Oh-lah-lah! ang yummy naman nito. Super gwapo grabe lungs! "Tangina Flare, h'wag ka namang manakot." sabat naman ng isa pang pogi! "Tsk, epal." "Hoy sinong kasama mo rito?" Maangas na tanong naman sa akin ng isa pang bagong dating. Nakatayo kami dito sa gitna ng venue kung saan dapat ibi-bid ang mga babae. Ano ba 'yan. Dapat pala sa hotel kami eh! "Ah, eh...ako lang mga gwapings! Hihihi." malandi kong sabi at kumi

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • Angel With A Shotgun   Chapter 4: Pabio Mendivel

    Ezra's POV Nang makita kong isinakay na si Justin sa sasakyan ay agad ko itong sinundan hanggang sa makarating sila sa isang building o para bang isang hide out. Ilang minuto pa akong naghintay pero bigla na lang may dumating na mga armadong kalalakihan at pinalibutan nila ang buong hide out. Sigurado akong kalaban nila ang mga 'to. Nainip na ako sa kakahintay na baka pumasok sila sa loob ang kaso wala, mga nagbubulungan pa kung susugod pa ba sila o hindi. Mga baliw diba? Ako na mismo ang sumugod sa kanila hanggang sa binaril ako ng isa pero imbes na ako ang tamaan 'yung kasamahan n'yang nasa likod ko ang nabaril. Tsk, kailangan ko atang i-seminar ang mga 'to para naman mag-upgrade ang shooting skills. Nang maubos ko silang lahat tsaka na ako pumasok sa loob, marahas ko pang binuksan ang pinto at mukha pa silang gulat na gulat sa akin. Nakita ko naman si Justin na nakaposas pa at para bang enjoy na enjoy dahil puro lalaki ang mga kasama. Mukhang hindi basta-basta ang mga 'to.

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • Angel With A Shotgun   Chapter 5: Ruin Challenge

    Ezra's POV Nang makapagbihis ako ay agad akong lumabas ng kuwarto at naabutan ko pang inaayos ni Cody ang dala n'yang bag na punong-puno lang naman ng mga pagkain. "Edi sana, dinala mo na buong bahay." komento ko at nilagpasan s'ya, imagine naglagay pa s'ya ng unan at kumot. Nang makita ko ang kotse n'ya ay napairap nalang ako sa kawalan. Paano ba namang hindi? car trip lang daw pero ultimo lotion, shampoo at sabon may dala pa! "Oh? Wag mo 'kong tingnan ng ganiyan, pang emergency lang ang mga 'yan." agad itong sumakay sa kotse at ako pa ang gagawing driver. Tsk "I want to go doon sa medyo magubat, kasi I'm gonna take some videos and pictures." inirapan ko lang ito at agad na pinaandar ang sasakyan habang s'ya naman ay hinahanda ang camera'ng dala. "Para saan ba 'tong kalokohang gagawin mo?" Iritable kong tanong at ngumisi naman s'ya. "Duh?! It's 3:00 am challenge nga! Wala ka kasing alam sa ganito dahil you're always busy with your work! daig mo pa ang militar na halos hindi

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • Angel With A Shotgun   Chapter 6: One Circle

    Ezra's POV Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari doon sa muntik ng pagpatay sa lalaki na dinala sa gubat, napansin ko namang naging okay na si Cody at bumalik na s'ya sa pagiging pabibo n'ya. Napagpasyahan ko rin na bumili ng condo unit para doon ilipat ang mga gamit ko at hindi na masyadong mag-usisa si Cody. "Siswang, sure ka na ba ditey sa condo unit na ito? Deal na talaga diz?" Maarteng saad ni Justin at napairap nalang ako. "Kailangan ko 'to para hindi na maghinala 'yung magaling kong kapatid.." malamig kong saad habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa hallway. Nang makarating na kami sa tapat ng condo unit na napili ko, nakita ko pa ang palinga-linga ni Justin sa paligid at siguro'y nagbabakasali s'yang maghanap ng lalaki rito. In-enter ko na ang passcode para makapasok kami at literal naman na napanganga si Justin nang makita ang kabuuan sa loob. "Iyang kapatid mo kasi ang galing maka-radar! Daig pa 'yung training dog eh!" Komento nito kaya naman

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • Angel With A Shotgun   Chapter 7: Android Roward Bort

    Ezra's POV "Baka naman gusto mong bilisan?"Mataray kong saad habang nakatayo dito sa rooftop at sinusundan ng tingin si Justin na kunwari ay bibili ng ipinagbabawal na gamot pero ang totoo ay set-up 'to para mahuli sila. "Don't worry Cap. Parang BDO lang 'yan, we find ways!" Tatawa-tawa nitong saad sa kabilang linya na suot n'yang earpiece. Hindi ko alam kung anong konek ng pinagsasasabi n'ya sa mga oras na 'to. Kahit kailan talaga puro katarantaduhan! Napairap nalang ako ng wala sa oras. Nakalapit na s'ya sa lalaking nakasumbrero at may dala pang attaché case. Nang buksan n'ya ito ay puro droga nga ang laman. Tsk, Bakit ba handa silang magbenta ng ganiyan kesa ang piliing magtrabaho ng marangal? Alam ko namang hindi ka kaagad aangat sa buhay pero atlis maayos ang trabaho mo hindi ba? Nang maisarado na ni Justin ang attaché case ay agad n'yang inihampas ito sa lalaking nasa harapan n'ya at naging alerto naman ang iba n'yang kasamahan at sinugod si Justin. Dinampot ko naman a

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • Angel With A Shotgun   Chapter 8: 2|5| • |4|2

    Ezra's POV Umuwi muna ako para makapagbihis. Dito na rin ako sa condo dumiretso dahil magtataka naman sila mommy kung makikita ang itsura ko na animo'y kagagaling lang sa giyera. Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang gumawa ng robot na 'yan. Inaalam pa ni Tito kung ano ang mga naka-program sa kaniya. Kung titingnan, mukha lang itong normal na tao, hindi naman din s'ya ganoon kabigat. Si Vladimir ba? Pero kung s'ya man- bakit? Para ano at para saan? Sa pagkakaalam ko ay madami namang tauhan ang isang 'yon! Kung s'ya nga ang may gawa n'yan ganoon na talaga s'ya ka-desperado! Agad akong pumasok sa bathroom at isa-isang tinanggal ang damit sa katawan. Binuksan ko rin ang shower at hinayaang dumaloy ang tubig sa akin. Mahihirapan kami sa pakikipaglaban kung ganito ang kalaban! Hindi naman forever ang bala sa baril namin, napapagod din kami. Pero kung katulad n'ya na may kahinaan hindi naman din ganoon kahirap. Ang problema paano kung marami pang katulad ni Android Roward? Hindi magi

    Huling Na-update : 2021-08-12
  • Angel With A Shotgun   Chapter 9: Black Crystal

    Ezra's POV Itinapat ko sa isang biometric ang aking palad at agad na bumukas ang metal na pinto kung saan nandoon ang itim na kristal. Kasama ko din sina Commander Nazi, Justin at Dia. Pinagmasdan kong mabuti ang kristal na pinalilibutan ng bawat baril na awtomatikong maglalabas ng bala kung magtatangka kang kunin ang itim na kristal. Nakalagay sa loob ng transparent glass diamond ang kristal na kung mabubuksan mo man ito ay maglalabas ng air poison na puwede ring ikamatay. Sa bawat paligid ay may trap na puwedeng kumitil ng buhay ng kung sino man ang maglalakas loob na kunin ito. "Kung totoo man ang sinasabi ni Pabio na gawa sa itim na Kristal ang robot na 'yon masama ito. Dahil tayo lang ang may hawak sa lahat ng itim na kristal at wala ng iba pa." seryosong sambit ni Commander at maging sina Justin ay napatango rin. "Naniniwala kaming wala kang kinalaman dito Commander Nazi. Ang bawat isa sa atin ay may alarm para maging alerto sa kung sino man ang gagawa ng kalokohang kunin an

    Huling Na-update : 2021-08-12
  • Angel With A Shotgun   Chapter 10: Box

    Ezra's POV Today is my father's birthday. Sobrang busy nila ngayon especially si mom para sa paghahanda. Kuya Shan and Cody sent the invitation dahil nitong mga nakaraang araw ay puro pag-inom ang inatupag nilang dalawa at nakalimutan na nilang ipamigay sa mga imbitado ang invitation cards. Kahapon lang din nakabalik si daddy galing sa business trip habang si mom naman ay talagang pinaghandaan ang araw na 'to. "Where are you going, anak?" Tanong ni mom ng makasalubong ko s'ya sa sala. "Work?" Maikli kong saad at saka naman ito bumuntong hininga. "Anak, makakaabot ka ba mamaya? You know you're dad. Matampuhin 'yon.." wika ni mommy at halatang lumungkot ito. Nginitian ko na lang s'ya at niyakap, I know her. Gusto lang magpalambing. "Don't worry mom, Hahabol ako." paninigurado ko at tumango naman ito bago kumalas sa pagkakayakap sa akin. Nasabi ko na bang may maganda akong mommy? Well, kung hindi pa, s'ya ang pinakamaganda! "Well, it's better late than never," ngumiti ito bag

    Huling Na-update : 2021-08-13

Pinakabagong kabanata

  • Angel With A Shotgun   Epilogue:

    Years had passed and I must say that I am now fully contented with my life. After the day I proposed to her we got married right away, it was a church wedding and we are so happy back then and now. We have four kids, since Ezra my wife got pregnant and it's quadruplets! I feel so blessed and that was a memorable time for me. My friends have their own family too. "Kuya Nero, Nitro and kuya Nix! Mom will come and you surely get ready! She's mad right now!" I glanced at my daughter, Savierra Erza. She's really beautiful like her mom! Well, her name origin to his aunt Aviana which was my sister, and the name and code name of her mommy in the organization which is Captain Sierra. Samatha, Aviana and Sierra. Binaliktad lang din ang pangalan ng mommy niya na Ezra. Kaya naging Savierra Erza Mendivel Atkinson ang pangalan ng unica hija ko. See? Talagang nakisingit pa ng isang letra ang kapatid ko. While the name of my boys are, Caiden Nix, Cenduce Nero and Caleb Nitro. Well, my dad and

  • Angel With A Shotgun   Chapter 58: Surprise

    Ezra's POV "Are you ready?" Tanong ni Nexus sa akin bago paandarin ang sasakyan kaya mabilis ko s'yang tinanguan. Nakasuot ito ng shade at black plain t-shirt at pants. Bakit naman kahit ganito kasimple ang suot ng lalaki 'to ay ang lakas pa rin ng dating? Ang effortless masyado. Kainis. Ngayon ay susunduin namin sina aling Belen at mang Rogelio, siyempre pasasalamat ko narin ito sa kanila. Mabubuti silang tao at deserve nilang pasalamatan. Napatingin ako kay Nexus at talagang nakangiti ito habang nagda-drive. Teka? Anong meron? Tsk. "What?" Natatawa nitong tanong ng makita n'yang nakatingin na ako sa kanya. "What are you thinking?" Tanong ko rito pero nag kibit balikat lang ito at mas lalong ngumiti kaya namab napairap ako. "Ano nga?" Pangungulit ko rito at tuluyan s'yang hinarap. "Nothing, it's just so good to be true that you're here beside me!" Tuluyan na akong napangiti sa sinabi nito. I know he wants the best for me, but he's the man

  • Angel With A Shotgun   Chapter 57: Together

    Ezra's POV Nang makatulog siya ay marahan ko siyang inakay papunta sa kaniyang kwarto, iniligpit ko rin ang mga nag kalat na bote sa sahig pati na ang ibang gamit. Awang-awa ako kay Nexus, hindi ko lubos akalain na magiging ganito kahirap para sa kaniya ang lahat. Ang dami kong pinag daanan bago ako nakabalik dito. Nang sumabog ang mga bomba ay nadiskubre kong may isa pang daanan na hindi naisara. Nang makatalon ako sa tubig ay inabot parin ako ng malakas na pag sabog at iyon din ang huli kong naalala sa tagpong iyon. Nang magising ako ay nakilala ko sina aling Belen at mang Rogelio na nag alaga sa akin noong mga panahong wala akong maalala. Ilang buwan rin akong nanatili sa kanila hanggang sa may iilang alala akong nakikita sa isipan ko. Nalaman nina aling Belen at mang Rogelio na isa akong Mendivel, dahil sa delikadong sitwasyon ay nag tulong tulong silang maidala ako sa aking pamilya. Kayanaman sobrang saya k

  • Angel With A Shotgun   Chapter 56: Case Closed

    Nexus POV It's been three years since I've searched for her but..until now still there's no avail. Everything has changed, simula sa kumpanya at maging sa kaniya kaniya naming pamilya. My mother and father decided to visit our relatives in Texas. While Aviana was married last year and giving birth to her first child. I am still longing to her presence. I am still hurt. "Sir, you have an appointment-" "No, cancel all of my appointments for today." Saad ko rito at agad na tumayo at kinuha ang coat ko. Ang sabi ni Cody ay maya maya lang ay pupunta na doon sina Officer Almonte sa bahay nila. Kaya naman kailangan ko ring makapunta roon. Who knows diba? Baka may maganda silang ibabalita. "Yown! Buti naman bossing lumabas ka na sa lungga mo! Kanina pa kaya dito sa parking lot!" Nakasimangot na sabi ni Drake kaya sinamaan ko lang ito ng tingin. "Alam mo dapat pala nilagyan natin ng tape iyang

  • Angel With A Shotgun   Chapter 55: Unforgotten Memories

    Gemma's POV Kakarating ko lang dito sa siyudad at medyo maraming tao dahil ngayon kasi ang araw ng fiesta rito. Sa tinagal ko dito ay mabilis ko lang nakabisado ang buong lugar at kaagad na nakapag adjust sa pamumuhay nila. Sobrang laking pasasalamat ko dahil nandiyan sina Mang Rogelio at aling Belen para alagaan ako. Utang ko sa kanila ang buhay ko dahil nakuha nilang tulungan ako kahit na kinukulang pa ang pang kain nila sa araw-araw. Bagama't wala pa akong naaalala ay nahihirapan akong alamin kung ano nga bang nangyari sa akin. Kung may pamilya pa ba ako o wala na. Iniisip ko kung ano bang buhay ko bago ako mawalan ng ala-ala. Dumiretso na ako sa bilihan ng gamot at medyo may kahabaan din ang pila, kaya naman ay tumingin tingin lang ako sa paligid at nag babakasaling may trabaho akong pwedeng pasukan ng makatulong man lang ako kila aling Belen. Napatingin naman ako sa telebisyon na nandito sa labas ng bilihan kung sa

  • Angel With A Shotgun   Chapter 54: Belen and Rogelio

    "Belen! Mas mabuti pang dalhin na natin siya sa ospital!" May halong galit na sa boses ng aking asawa habang nakatingin ito sa babaeng nakahiga sa aming katre ng kama. Ilang buwan na rin simula ng makita namin siyang mag asawa sa dalampasigan, noong una ay akala namin patay na siya. Pero nagulat kaming dalawa ng makitang humihinga pa ito pero wala nga lang malay! "Aba'y mag isip ka nga Rogelio! Napaka raming tao sa lungsod! Wala din tayong sariling sasakyan at kailangan pa nating sumakay ng bangka. Napaka hirap ng sitwasyon natin!" Angil ko dito at naupo sa kinahihigaan ng babae. Tinitigan ko ito at araw-araw ay ako ang nag aalaga sa kaniya. Umaasa akong gigising siya at makakausap naming mag asawa pero simula ng makita namin siya at dalhin dito ay hindi pa ito nagkaka malay. Wala ding ospital o mga doctor dito sa lugar namin, tanging mga mang hihilot lang at iyong mga albularyo! "Baka may nag hahanap na sa kaniya

  • Angel With A Shotgun   Chapter 53: Seducing

    Janina's POV Mahigit tatlong buwan ng hindi umuuwi dito si sir Nexus, noong nandito pa siya ay wala siyang ibang ginawa kundi ang mag lasing hanggang sa makatulog siya at mapagod kakaiyak. HIndi ko rin maintindihan kung bakit ba masyado siyang apektado sa pagkamatay ng Ezra na iyon! Like duh! Ang dami pa kayang babae sa mundo, at isa pa baka mas lalo lang siyang mapahamak kapag kasama niya ang babaeng iyon. Matapos din niyang hind mag pakita ay pinabalik kami sa mansyon ng pamilyang Atkinson, at kahapon ay sinabi ni ma'am Aviana, ang nakakatandang kapatid ni sir Nexus na pinapalinis nito ang bahay nila ng asawang niyang si Ezra. "Nandito naman kasi ako! kayang-kaya ko siyang pasayahin at ibigay ang lahat sa kaniya." bulong kong saad habang inis na pinupunasan ang picture frame nilang mag asawa. "Janina, aba'y mukhang pinanggigigilan mo ata iyang piktyur ni sir Nexus at ma'am Ezra?" Bahagya naman akong napa

  • Angel With A Shotgun   Chapter 52: Self-blaming

    Justin's POV "Calliope!" Sigaw ko ng makita itong naka impake na ang mga gamit. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin at alam kong hanggang ngayon ay patuloy niyang sinisisi ang sarili niya dahil sa mga nangyayari. "Leave me alone, Justin." Malamig nitong sabi at nagpatuloy sa pag hila ng maleta niya. Pero hindi ko siya hahayaang umalis, hinding-hindi ako papayag. Walang may gusto ng nangyari at kahit ako ay nasasaktan dahil sa nangyari kay Captain! She's my best friend, and it's painful that she bid a goodbye to us that we know she'll never come back! "Shuta naman Cal, why are you doing this?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Oo, tulad nga ng sinabi nila ibang-iba na ako ngayon at hindi na tulad ng dati. Maging si papanay nagulat ng ipakilala ko si Calliope bilang girlfriend ko. Everything went fast, siguro na ako sa kaniya. Natakot lang naman ako noong una dahil baka masaktan ulit ako. "It

  • Angel With A Shotgun   Chapter 51: Searching

    Nexus POV It's been almost six months since I haven't smile. Not even in my dreams, and it's also six months since Ezra nowhere to be found. Sumasakit ang ulo ko sa mga sunod-sunod na meeting, siguro ay dahil narin wala akong sapat na tulog. Pagod kong binitawan ang hawak na sign pen at saglit na yumuko. I wonder where am I going to find her? I did everything to find her or even a single evidence that she's still alive but there's no to avail. Anim na buwan ko na ring hindi sila nakikita-. Hindi ko alam kong ano ang iniisip nila, galit ba sila? Or bahala na. Gusto ko munang mapag isa, gusto ko munang makapag isip ng mas mahabang panahon na walang ibang iisipin kundi siya lang. Hindi naman ako pumapasok sa company ng actual, nakikipag communicate ako sa kanila via online calls, and ganoon rin sa meeting.Ako ang boss kaya desisyon kong wag magpakita, I am still doing my best to comply what the company needs. My

DMCA.com Protection Status