Home / War / Angel With A Shotgun / Chapter 5: Ruin Challenge

Share

Chapter 5: Ruin Challenge

Author: Roviiie
last update Huling Na-update: 2021-08-10 06:43:17

Ezra's POV

Nang makapagbihis ako ay agad akong lumabas ng kuwarto at naabutan ko pang inaayos ni Cody ang dala n'yang bag na punong-puno lang naman ng mga pagkain.

"Edi sana, dinala mo na buong bahay."

komento ko at nilagpasan s'ya, imagine naglagay pa s'ya ng unan at kumot. Nang makita ko ang kotse n'ya ay napairap nalang ako sa kawalan.

Paano ba namang hindi? car trip lang daw pero ultimo lotion, shampoo at sabon may dala pa! 

"Oh? Wag mo 'kong tingnan ng ganiyan, pang emergency lang ang mga 'yan." agad itong sumakay sa kotse at ako pa ang gagawing driver. Tsk

"I want to go doon sa medyo magubat, kasi I'm gonna take some videos and pictures."

inirapan ko lang ito at agad na pinaandar ang sasakyan habang s'ya naman ay hinahanda ang camera'ng dala. 

"Para saan ba 'tong kalokohang gagawin mo?" Iritable kong tanong at ngumisi naman s'ya.

"Duh?! It's 3:00 am challenge nga! Wala ka kasing alam sa ganito dahil you're always busy with your work! daig mo pa ang militar na halos hindi na makauwi sa bahay. Madalas mo ding kasama 'yang Justin gay na 'yan! What if ibugaw ka n'yan sa mga mukhang parrot na abangers sa Cubao?!" Maarte nitong saad kaya naman ay pinipigilan kong mapangiti dahil sa kaartehan nitong kapatid ko. 

Baka nga kulang lang s'ya sa aruga! 

After ng mahabang pasakalye ni Cody ay nakarating kami sa isang gubat at restricted area pa. Dito kasi sa subdivision namin sa pinaka dulo may mga bahay pang hindi nabibili at hindi pa tapos gawin.

Last year lang kami lumipat dito dahil nga iniiwas si Cody sa ibang friends n'ya na bad influence sa kaniya. My parents decided to transferred Cody para naman maiba daw ang environment. Paminsan-minsan ay dinadalaw nina mommy ang bahay sa iba pang lugar. 

"So what's up guys! It's me Cody the most handsome Mendivel existed. Gagawin ko na ang most requested challenged. But I will call this vlog a 3:50 am challenge kasi 3:50 am na!" Tumawa pa ito na parang baliw.

Kung alam ko lang na kabaliwan lang pala ang gagawin ng isang 'to sana natulog nalang ulit ako! Itinapat n'ya sa mukha ko ang camera kaya naman mabilis kong tinakpan ng mga kamay ko ang aking mukha. 

"So, I'm with my sister. Shy type s'ya kaya ayaw n'yang magpakita. M*****a s'ya at masungit." tumawa pa ito lalo pero ayokong patulan ang kabaliwan n'ya.

Nang makarating kami sa dulo at halos punong-puno na ng talahib ang lugar panay pa din ang video ni Cody pero hindi na s'ya nagsasalita. Vini-video n'ya lang ang lugar, pinatay ko na din ang flashlight dahil kitang-kita naman sa camera n:ya.

Maya-maya lang ay may narinig kaming parang lumagabog at mahinang yabag,  agad na pinatay ni Cody ang camera at hinatak ko naman s'ya para magtago sa malaking kahoy. 

"H'wag kang mag-iingay!" Bulong ko sa kaniya at mabilis itong tumango. 

May dumaan na lalaking naka-jacket na itim at may dala pa itong palakol habang kinakaladkad ang lalaking mukhang wala ng buhay. 

"The hell." bulong ni Cody at huminto ang lalaki sa paglalakad at binitawan ang lalaking hatak-hatak n'ya sa buhok nito.

Inilabas nito ang baril at marahang inilapag sa lupa, napansin kong naka-gloves ang lalaki.

Tsk, ang utak! Para hindi s'ya makuhanan ng finger prints!

"Ezra. We need to go!" Bulong ni Cody at akmang hahatakin na ako pero may lalaking nasa likuran n'ya!

Itinago ko s'ya sa likuran ko at inihanda ang sarili.

"Putangina, sino kayo!?" Sigaw nito at na alarma naman ang lalaking nasa unahan lang namin.

Tumakbo ito sa direksyon namin at hinarang si Cody na planong tumakas. 

"Aba! May idadagdag pa pala tayo sa listahan! Hahahahaha!" itinapat ng isang lalaki sa amin ang flashlight pero agad na dumampot ng bato si Cody at ibinato sa naunang lalaking nakita namin.

Sinipa ko naman ang flashlight na hawak ng isa pang lalaki at inatake ko agad ito ng suntok sa dibdib, napatumba ito at agad na inilabas ang kutsilyo. 

Agad akong napatingin kay Cody nang makitang napaluhod na ito, sinugod ko ang lalaking nag labas ng baril para paputukan si Cody at sinipa s'ya sa mukha.

Nabitawan nito ang baril na hawak at tumalsik sa lupa. Nadaplisan naman ako sa braso ng kutsilyong hawak ng isa pang lalaki dahil nakalapit na pala ito sa akin. 

"Ezra!!!" Sigaw ni Cody dahil nakalayo na ito ng ilang distansya sa amin 

"Tumawag ka ng pulis Cody!" Sigaw ko habang iniiwasan ang pagwasiwas ng lalaking hawak ang matalim na kutsilyo.

Nakita ko namang babangon na ang isa pa kaya agad kong hinatak ang buhok ng lalaki at inuntog ko sa puno, agad itong natumba at narinig ko ang pagputok ng baril. 

Ngumisi pa ito bago tuluyang magpaputok sa direksyon ko at agad akong nagtago sa likod ng puno. Sinundan ako nito at muling nagpaputok ng baril. Tsk. 

"Ayoko sa lahat ay 'yong mga pakialamero at pakialamera!" Sigaw nito at ngumising aso nang makitang natamaan n'ya ako sa tagiliran.

Napahawak ako kung saan ako natamaan pero agad ko itong sinugod at mabilis kong inagaw ang baril, hinampas ko sa mukha n'ya ang baril nang maagaw ko ito at nawalan din ito ng malay tulad ng isa.

Dinaluhan agad ako ni Cody at mabilis nitong napansin ang pagdurugo ng tagiliran ko. 

"Ezra! Damn. May tama ka ng baril!" Sigaw nito at natatarantang hinatak ako palayo.

"We need to go to the hospital!" Agad nitong pinaandar ang sasakyan pero hinawakan ko s'ya sa kanang kamay n'ya. 

"Umuwi na tayo. H'wag mo na 'kong dalhin sa ospital." saad ko pero mabilis itong umiling.

"Sana hindi nalang kita niyaya dito eh! Sana hindi ko na lang naisip tong kalokohan na 'to! I'm so sorry Ezra!"

Unang beses kong nakitang umiyak si Cody at sobrang nag-aalala. Walang ibang gawin 'to kundi asarin at awayin ako at idamay sa mga kalokohan n'ya.

"Kaya kong gamutin ang sarili ko Cody, daplis lang ito." pangungumbinsi ko sa kaniya at mukhang nagtagumpay naman akong kumbinsihin s'ya.

Bago bumaba sa sasakyan ay agad kong sinuot ang itim na jacket ni Cody para hindi makita ng mga guards ang dugo sa damit ko.

Nag mamadali namang bumaba si Cody at pinagbuksan pa ako ng pinto. Inakay ako nito papasok sa loob at dumiretso sa kuwarto pero bago pa man s'ya makapasok ay agad ko s'yang pinigilan. 

"O-Okay lang ako-" napangiwi pa ako ng sabihin ko iyon habang s'ya naman ay pawis na pawis. 

"No, let me help you! Nakinig ako sayo no'ng sabihin mong h'wag ka ng dalhin sa ospital!" Inis nitong saad pero agad ko s'yang tinulak at mabilis akong pumasok sa loob ng kuwarto at ini-lock ang pinto. 

I'm sorry Cody pero hindi ka puwedeng pumasok dito! 

Narinig ko pa ang pagkatok n'ya pero hindi ko na ito pinansin. Kinuha ko agad ang medicine kit at ibinuhos ko ang alcohol sa sugat.

Kinagat ko ang aking labi para hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay, naramdaman ko ang pagkasugat ng labi ko at nalasahan ang sariling dugo.

"Damn!"

Kung sino man ang mga 'yon alam kong hindi sila makakatakas!

Matapos kong gamutin ang sugat ay ibinalot ko sa paper bag ang isinuot kong damit at inilagay sa trashcan.

Nagbihis ako at tsaka lumabas, nakita ko pa si Cody na mukhang pagod at maga ang mga mata. Mabilis itong tumayo sa pagkakaupo at lumapit sa akin, kaya agad kong isinara ang pinto. 

"K-Kamusta? Ano? Nagamot mo na? Gising na sila mommy. Kausap sila ng mga pulis sa labas!" Natataranta pa din ito.

"Sinabi mo bang nadaplisan ako ng bala?" Seryosong tanong ko at mabilis itong umiling.

Lumabas ako ng bahay at agad na lumapit sa kinaroroonan nina mommy. 

"Anak? How are you? Cody told us everything. Mabuti nalang at walang masamang nangyari sa inyo!" si mommy at agad na hinawakan ang kamay ko. 

"You sure you're okay, sis?" Si kuya Shan habang tiningnan pa ang buong katawan ko pero mabilis akong tumango. 

"We are very sorry Mr. and Mrs. Mendivel lalo na po sa inyo Miss Ezra, We'll make sure na hindi na ito mauulit pa. Mabuti na lang po at silang dalawa ang nagkasakitan ng sugurin kayo." sabi ng isang pulis kaya naman ay bahagya lang akong ngumiti at tumango. 

Dumating naman si Cody at nakapagpalit na rin s'ya ng damit. 

"Cody, are sure na okay ka? Mukhang hindi ka kasi okay, anak?" Si daddy naman ngayon ang nang-uusisa sa kaniya pero mabilis s'yang umiling. 

"N-No dad, I'm fine." maiksi nitong tugon at mabilis na pumasok sa loob ng bahay habang napansin ko naman ang pag tataka sa mukha ni kuya Shan. 

Malamang ay nawi-werduhan s'ya sa reaksyon ni Cody. Nauna na akong maglakad palayo kina mommy nang marinig ko ang sinabi ni kuya Shan.

"I think may tinatago si Cody mom and dad-"

Agad akong napahinto sa narinig at pinutol ang ano mang plano n'yang idagdag sa usapan.

"Sa tingin ko kuya, natakot lang s'ya. Armado ang dalawang lalaki na nakita namin. Kaya baka natakot lang s'ya." sabat ko at alanganin namang tumango si kuya. 

"S-Siguro.." si kuya Shan at nauna na akong pumasok.

Agad kong pinuntahan si Cody sa kwarto nya at dali-daling pumasok sa loob. Nakatanaw ito sa labas ng bintana at mukhang nagulat pa ito sa pagpasok ko. 

"Umayos ka nga! Nakakahalata na si kuya Shan!" Asik ko rito at mabilis itong naupo sa kama n'ya at kinagat pa ang isang kuko sa daliri.

Ganiyan s'ya pag nini-niyerbiyos. 

"Kinakabahan lang ako! What if they found out na kasalanan ko? Pag nagka sakit ka, 'yung mga lalaki paano 'pag bumalik sila? At ikaw nilabanan mo sila! I saw it with my two eyes, Ezra! nakipaglaban ka!" Angil nito kaya napahinto naman ako sa narinig.

Damn. Ito na nga ba ang kinakatakot ko!

"It's just my adrenaline rush! H'wag ka ngang mag-isip ng kung ano-anu. Kung sisigaw ba ako doon maliligtas tayo!? Of course not. Kaya pwede ba, Cody- relax, mas makakahalata sina mommy n'yan sa ginagawa mo!" Inis kong sabi rito at lumabas ng kuwarto. 

Naabutan ko pa sina mommy na nag-uusap about sa nangyari pero dumiretso na lang ako sa kusina. 

"Good morning po ma'am Ezra ano pong gusto n'yo?" Si yaya Mending na nagpupunas ng lamesa habang ang isa namang katulong dito na si Bea ay nakaupo lang din.

"Just give me a coffee, yaya." saad ko at napapikit sandali dahil kumikirot ang sugat ko.

Agad naman itong kumilos at nagtimpla ng kape. 

"Iba talaga ang mayaman ate Mending ano? Pautos-utos na lang." rinig kong saad ng Bea na 'yan kaya agad akong napadilat at tumingin sa kaniya.

Bahagya n'ya pang itinaas ang kilay na para bang naghahamon. Hindi marunong kumilala sa amo ha? Ekis na ugali 'yan. 

"Manahimik ka ngang bata ka!" Saway ni yaya Mending rito pero nag kibit-balikat lang s'ya. 

I swear, may problema sa akin itong babaeng 'to. Everytime na nandito ako ay ganiyan ang attitude n'ya, hindi porque't paborito siya ni mommy ibig sabihin noon may karapatan na s'yang umasta ng ganiyan. 

"Totoo naman ate! May mga kamay naman sila mang-uutos pa!" saad pa nito at kinuha ang kape kay yaya Mending at s'ya mismo ang naglagay nito sa harapan ko. 

Natapon ito dahil sa lakas ng paglapag niya sa lamesa kaya agad ko s'yang tiningnan ng diretso sa mga mata. 

"What the hell?!" Asik ko rito pero ngumisi lang ito at binasag ang baso.

Kaya sa sobrang inis ko ay mabilis ko itong sinampal at sa sobrang lakas no'n ay agad naman s'yang napatumba sa sahig. 

Agad naman s'yang umiyak nang makitang nandito na si mom. 

"Don't you dare disrespecting me, not even in my territory. Hindi ko gawain ng manakit lalo na kung wala namang kasalanan sa akin, pero ikaw?  nakakalimot ka ata?" seryosong saad ko at agad itong tumayo at lumapit kay mommy. 

"Ma'am Emerald..I-I'm sorry po!" Paiyak-iyak n'ya pang sabi.

Tsk. 

"I don't want to see your face here! You're fired!" Sigaw ko rito pero mabilis ako nitong hinarap. 

"Ang kapal ng mukha mo! Bakit sino ka ba para tanggalin ako?! Anak ka lang ng boss namin! Hindi ikaw ang nagpapa-sahod sa amin rito!" Sigaw nito at inaawat naman s'ya ni yaya Mending habang si mommy naman ay nanunuod lang. 

Agad akong tumawa. Tawa na may halong pang-aasar. 

"Really? Well, let me tell you something Bea. Ako ang nag papasahod sa inyo. Sa akin nanggagaling ang perang sinasahod mo. Do you understand that? Now pack your things, hindi ka kawalan dito." malamig kong sabi at halos manlumo naman s'ya sa narinig. 

"You heard my daughter, Bea. Masyado naman atang lumaki ang ulo mo." sambit pa ni mom at iniwan ko na sila doon. 

Hindi ko maintindihan ang kinagagalit sa akin ng babaeng 'yan. Tsk. I swear I never look down to anyone pero s'ya? She deserves it. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you like it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

Kaugnay na kabanata

  • Angel With A Shotgun   Chapter 6: One Circle

    Ezra's POV Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari doon sa muntik ng pagpatay sa lalaki na dinala sa gubat, napansin ko namang naging okay na si Cody at bumalik na s'ya sa pagiging pabibo n'ya. Napagpasyahan ko rin na bumili ng condo unit para doon ilipat ang mga gamit ko at hindi na masyadong mag-usisa si Cody. "Siswang, sure ka na ba ditey sa condo unit na ito? Deal na talaga diz?" Maarteng saad ni Justin at napairap nalang ako. "Kailangan ko 'to para hindi na maghinala 'yung magaling kong kapatid.." malamig kong saad habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa hallway. Nang makarating na kami sa tapat ng condo unit na napili ko, nakita ko pa ang palinga-linga ni Justin sa paligid at siguro'y nagbabakasali s'yang maghanap ng lalaki rito. In-enter ko na ang passcode para makapasok kami at literal naman na napanganga si Justin nang makita ang kabuuan sa loob. "Iyang kapatid mo kasi ang galing maka-radar! Daig pa 'yung training dog eh!" Komento nito kaya naman

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • Angel With A Shotgun   Chapter 7: Android Roward Bort

    Ezra's POV "Baka naman gusto mong bilisan?"Mataray kong saad habang nakatayo dito sa rooftop at sinusundan ng tingin si Justin na kunwari ay bibili ng ipinagbabawal na gamot pero ang totoo ay set-up 'to para mahuli sila. "Don't worry Cap. Parang BDO lang 'yan, we find ways!" Tatawa-tawa nitong saad sa kabilang linya na suot n'yang earpiece. Hindi ko alam kung anong konek ng pinagsasasabi n'ya sa mga oras na 'to. Kahit kailan talaga puro katarantaduhan! Napairap nalang ako ng wala sa oras. Nakalapit na s'ya sa lalaking nakasumbrero at may dala pang attaché case. Nang buksan n'ya ito ay puro droga nga ang laman. Tsk, Bakit ba handa silang magbenta ng ganiyan kesa ang piliing magtrabaho ng marangal? Alam ko namang hindi ka kaagad aangat sa buhay pero atlis maayos ang trabaho mo hindi ba? Nang maisarado na ni Justin ang attaché case ay agad n'yang inihampas ito sa lalaking nasa harapan n'ya at naging alerto naman ang iba n'yang kasamahan at sinugod si Justin. Dinampot ko naman a

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • Angel With A Shotgun   Chapter 8: 2|5| • |4|2

    Ezra's POV Umuwi muna ako para makapagbihis. Dito na rin ako sa condo dumiretso dahil magtataka naman sila mommy kung makikita ang itsura ko na animo'y kagagaling lang sa giyera. Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang gumawa ng robot na 'yan. Inaalam pa ni Tito kung ano ang mga naka-program sa kaniya. Kung titingnan, mukha lang itong normal na tao, hindi naman din s'ya ganoon kabigat. Si Vladimir ba? Pero kung s'ya man- bakit? Para ano at para saan? Sa pagkakaalam ko ay madami namang tauhan ang isang 'yon! Kung s'ya nga ang may gawa n'yan ganoon na talaga s'ya ka-desperado! Agad akong pumasok sa bathroom at isa-isang tinanggal ang damit sa katawan. Binuksan ko rin ang shower at hinayaang dumaloy ang tubig sa akin. Mahihirapan kami sa pakikipaglaban kung ganito ang kalaban! Hindi naman forever ang bala sa baril namin, napapagod din kami. Pero kung katulad n'ya na may kahinaan hindi naman din ganoon kahirap. Ang problema paano kung marami pang katulad ni Android Roward? Hindi magi

    Huling Na-update : 2021-08-12
  • Angel With A Shotgun   Chapter 9: Black Crystal

    Ezra's POV Itinapat ko sa isang biometric ang aking palad at agad na bumukas ang metal na pinto kung saan nandoon ang itim na kristal. Kasama ko din sina Commander Nazi, Justin at Dia. Pinagmasdan kong mabuti ang kristal na pinalilibutan ng bawat baril na awtomatikong maglalabas ng bala kung magtatangka kang kunin ang itim na kristal. Nakalagay sa loob ng transparent glass diamond ang kristal na kung mabubuksan mo man ito ay maglalabas ng air poison na puwede ring ikamatay. Sa bawat paligid ay may trap na puwedeng kumitil ng buhay ng kung sino man ang maglalakas loob na kunin ito. "Kung totoo man ang sinasabi ni Pabio na gawa sa itim na Kristal ang robot na 'yon masama ito. Dahil tayo lang ang may hawak sa lahat ng itim na kristal at wala ng iba pa." seryosong sambit ni Commander at maging sina Justin ay napatango rin. "Naniniwala kaming wala kang kinalaman dito Commander Nazi. Ang bawat isa sa atin ay may alarm para maging alerto sa kung sino man ang gagawa ng kalokohang kunin an

    Huling Na-update : 2021-08-12
  • Angel With A Shotgun   Chapter 10: Box

    Ezra's POV Today is my father's birthday. Sobrang busy nila ngayon especially si mom para sa paghahanda. Kuya Shan and Cody sent the invitation dahil nitong mga nakaraang araw ay puro pag-inom ang inatupag nilang dalawa at nakalimutan na nilang ipamigay sa mga imbitado ang invitation cards. Kahapon lang din nakabalik si daddy galing sa business trip habang si mom naman ay talagang pinaghandaan ang araw na 'to. "Where are you going, anak?" Tanong ni mom ng makasalubong ko s'ya sa sala. "Work?" Maikli kong saad at saka naman ito bumuntong hininga. "Anak, makakaabot ka ba mamaya? You know you're dad. Matampuhin 'yon.." wika ni mommy at halatang lumungkot ito. Nginitian ko na lang s'ya at niyakap, I know her. Gusto lang magpalambing. "Don't worry mom, Hahabol ako." paninigurado ko at tumango naman ito bago kumalas sa pagkakayakap sa akin. Nasabi ko na bang may maganda akong mommy? Well, kung hindi pa, s'ya ang pinakamaganda! "Well, it's better late than never," ngumiti ito bag

    Huling Na-update : 2021-08-13
  • Angel With A Shotgun   Chapter 11: Marthinie Garcia

    Ezra's POV Ilang oras na ang nakalipas simula ng nakarating kami dito at naghihintay sa babaeng nagpadala ng box. Hindi na rin ako mapakali sa kinalalagyan ko kaya palakad-lakad at babalik ang ginagawa ko. Nandito rin ngayon sina Tito Pabio pati na rin si Nexus. Hindi ko alam kung sino ang tumawag sa kanila para pumunta dito, basta abala ako sa pag-iisip kung darating ba s'ya o hindi. "Damn. Bakit ba ang tagal n'ya?!" Hindi na ako nakatiis at naisatinig ko na ang iniisip. "Kalma Captain. Baka na traffic!" Sabat naman ni Drake habang kumakain ng pizza. "Hey fucker, track her down." malamig na utos naman ni Nexus sa isa sa mga tauhan n'ya at mabilis nitong sinunod ang iniutos sa kaniya. Nasabi ko na bang mafia boss ang isang 'to? Panay naman ang tingin ko sa wall clock at naupo sa bakanteng sofa. Si Dia at Justin naman ay nilalantakan ang pagkaing dala nina Tito Pabio galing sa birthday ni dad. Oo, galing na raw sila doon at tinatanong nga raw ako nina mommy kay Tito. Napahint

    Huling Na-update : 2021-08-13
  • Angel With A Shotgun   Chapter 12: Marthinie 2.2

    Marthinie's POV Panay ang sugal at waldas ni mama sa sinabi n'yang inutang n'ya raw sa isang kakilala. Kung sino man ang pinagka-utangan n'ya ay masama ang pakiramdam ko dito. Pinabalik din ako ni mama sa pag-aaral at s'ya mismo ang nagbayad sa matrikula ko. Kaya laking gulat ko na lang at pinayagan n'ya akong bumalik sa pag-aaral. Mabait din ang mga kapit-bahay namin kay mama at halos araw-araw ay may piyesta sa amin! Lumipas ang ilang buwan at bumabalik na naman sa pagiging mainitin ang ulo ni mama at mas madalas silang mag-away ni Tito Edward. Hindi ko alam ang mga pinagtatalunan nila pero mukhang tungkol ito sa pera. Noong una ay naisip ni mama na magnegosyo ng sari-sari store pero nalugi 'yon dahil panay utang ang mga amega n'ya tapos ang tagal magsi-bayad. Sinubukan rin ni mama na mag karinderya pero agad din n'yang hininto dahil lugi s'ya kasi nanghihingi pa ng discount 'yong mga kapit-bahay namin kapag bumibili. Kaya sa huli ay bumalik s'ya sa pagsusugal hanggang sa nalubo

    Huling Na-update : 2021-08-14
  • Angel With A Shotgun   Chapter 13: Failed

    Ezra's POV It's been a week had passed nang makausap namin si Marthinie. Lagi naman s'yang nag u-update tungkol kay Chase at sa kalagayan nito. Marami ding problemang kinakaharap ngayon ang organisasyon dahil sa pagkawala ng ilang tao at pati na ang ilang miyembro ng organisasyon! "Captain, na-hack na namin ang system nila!" Wika ni Ranz sa kabilang linya. Habang kami namang tatlo nina Dia at Justin ay nandito sa abandonadong building kasama ang iba pa para makuha ang mga dinukot na buntis kahapon. Mga walang hiya talaga! Pati mga buntis dinadamay pa! "Alright." malamig kong saad at mas naging alerto ng makarinig kami ng isang malakas na sigaw. Tumingin naman sa gawi ko sina Justin at Dia at sinenyasan ko silang mauuna ako at tumango lang sila bilang tugon. Nauna akong mag lakad at habang palapit ako nang palapit ay palakas nangjhg palakas din ang tunog ng sigaw. Damn! Agad akong pumasok sa pinanggagalingan ng sigaw at nakita ko ang isang babaeng buntis na nakahiga sa isan

    Huling Na-update : 2021-08-15

Pinakabagong kabanata

  • Angel With A Shotgun   Epilogue:

    Years had passed and I must say that I am now fully contented with my life. After the day I proposed to her we got married right away, it was a church wedding and we are so happy back then and now. We have four kids, since Ezra my wife got pregnant and it's quadruplets! I feel so blessed and that was a memorable time for me. My friends have their own family too. "Kuya Nero, Nitro and kuya Nix! Mom will come and you surely get ready! She's mad right now!" I glanced at my daughter, Savierra Erza. She's really beautiful like her mom! Well, her name origin to his aunt Aviana which was my sister, and the name and code name of her mommy in the organization which is Captain Sierra. Samatha, Aviana and Sierra. Binaliktad lang din ang pangalan ng mommy niya na Ezra. Kaya naging Savierra Erza Mendivel Atkinson ang pangalan ng unica hija ko. See? Talagang nakisingit pa ng isang letra ang kapatid ko. While the name of my boys are, Caiden Nix, Cenduce Nero and Caleb Nitro. Well, my dad and

  • Angel With A Shotgun   Chapter 58: Surprise

    Ezra's POV "Are you ready?" Tanong ni Nexus sa akin bago paandarin ang sasakyan kaya mabilis ko s'yang tinanguan. Nakasuot ito ng shade at black plain t-shirt at pants. Bakit naman kahit ganito kasimple ang suot ng lalaki 'to ay ang lakas pa rin ng dating? Ang effortless masyado. Kainis. Ngayon ay susunduin namin sina aling Belen at mang Rogelio, siyempre pasasalamat ko narin ito sa kanila. Mabubuti silang tao at deserve nilang pasalamatan. Napatingin ako kay Nexus at talagang nakangiti ito habang nagda-drive. Teka? Anong meron? Tsk. "What?" Natatawa nitong tanong ng makita n'yang nakatingin na ako sa kanya. "What are you thinking?" Tanong ko rito pero nag kibit balikat lang ito at mas lalong ngumiti kaya namab napairap ako. "Ano nga?" Pangungulit ko rito at tuluyan s'yang hinarap. "Nothing, it's just so good to be true that you're here beside me!" Tuluyan na akong napangiti sa sinabi nito. I know he wants the best for me, but he's the man

  • Angel With A Shotgun   Chapter 57: Together

    Ezra's POV Nang makatulog siya ay marahan ko siyang inakay papunta sa kaniyang kwarto, iniligpit ko rin ang mga nag kalat na bote sa sahig pati na ang ibang gamit. Awang-awa ako kay Nexus, hindi ko lubos akalain na magiging ganito kahirap para sa kaniya ang lahat. Ang dami kong pinag daanan bago ako nakabalik dito. Nang sumabog ang mga bomba ay nadiskubre kong may isa pang daanan na hindi naisara. Nang makatalon ako sa tubig ay inabot parin ako ng malakas na pag sabog at iyon din ang huli kong naalala sa tagpong iyon. Nang magising ako ay nakilala ko sina aling Belen at mang Rogelio na nag alaga sa akin noong mga panahong wala akong maalala. Ilang buwan rin akong nanatili sa kanila hanggang sa may iilang alala akong nakikita sa isipan ko. Nalaman nina aling Belen at mang Rogelio na isa akong Mendivel, dahil sa delikadong sitwasyon ay nag tulong tulong silang maidala ako sa aking pamilya. Kayanaman sobrang saya k

  • Angel With A Shotgun   Chapter 56: Case Closed

    Nexus POV It's been three years since I've searched for her but..until now still there's no avail. Everything has changed, simula sa kumpanya at maging sa kaniya kaniya naming pamilya. My mother and father decided to visit our relatives in Texas. While Aviana was married last year and giving birth to her first child. I am still longing to her presence. I am still hurt. "Sir, you have an appointment-" "No, cancel all of my appointments for today." Saad ko rito at agad na tumayo at kinuha ang coat ko. Ang sabi ni Cody ay maya maya lang ay pupunta na doon sina Officer Almonte sa bahay nila. Kaya naman kailangan ko ring makapunta roon. Who knows diba? Baka may maganda silang ibabalita. "Yown! Buti naman bossing lumabas ka na sa lungga mo! Kanina pa kaya dito sa parking lot!" Nakasimangot na sabi ni Drake kaya sinamaan ko lang ito ng tingin. "Alam mo dapat pala nilagyan natin ng tape iyang

  • Angel With A Shotgun   Chapter 55: Unforgotten Memories

    Gemma's POV Kakarating ko lang dito sa siyudad at medyo maraming tao dahil ngayon kasi ang araw ng fiesta rito. Sa tinagal ko dito ay mabilis ko lang nakabisado ang buong lugar at kaagad na nakapag adjust sa pamumuhay nila. Sobrang laking pasasalamat ko dahil nandiyan sina Mang Rogelio at aling Belen para alagaan ako. Utang ko sa kanila ang buhay ko dahil nakuha nilang tulungan ako kahit na kinukulang pa ang pang kain nila sa araw-araw. Bagama't wala pa akong naaalala ay nahihirapan akong alamin kung ano nga bang nangyari sa akin. Kung may pamilya pa ba ako o wala na. Iniisip ko kung ano bang buhay ko bago ako mawalan ng ala-ala. Dumiretso na ako sa bilihan ng gamot at medyo may kahabaan din ang pila, kaya naman ay tumingin tingin lang ako sa paligid at nag babakasaling may trabaho akong pwedeng pasukan ng makatulong man lang ako kila aling Belen. Napatingin naman ako sa telebisyon na nandito sa labas ng bilihan kung sa

  • Angel With A Shotgun   Chapter 54: Belen and Rogelio

    "Belen! Mas mabuti pang dalhin na natin siya sa ospital!" May halong galit na sa boses ng aking asawa habang nakatingin ito sa babaeng nakahiga sa aming katre ng kama. Ilang buwan na rin simula ng makita namin siyang mag asawa sa dalampasigan, noong una ay akala namin patay na siya. Pero nagulat kaming dalawa ng makitang humihinga pa ito pero wala nga lang malay! "Aba'y mag isip ka nga Rogelio! Napaka raming tao sa lungsod! Wala din tayong sariling sasakyan at kailangan pa nating sumakay ng bangka. Napaka hirap ng sitwasyon natin!" Angil ko dito at naupo sa kinahihigaan ng babae. Tinitigan ko ito at araw-araw ay ako ang nag aalaga sa kaniya. Umaasa akong gigising siya at makakausap naming mag asawa pero simula ng makita namin siya at dalhin dito ay hindi pa ito nagkaka malay. Wala ding ospital o mga doctor dito sa lugar namin, tanging mga mang hihilot lang at iyong mga albularyo! "Baka may nag hahanap na sa kaniya

  • Angel With A Shotgun   Chapter 53: Seducing

    Janina's POV Mahigit tatlong buwan ng hindi umuuwi dito si sir Nexus, noong nandito pa siya ay wala siyang ibang ginawa kundi ang mag lasing hanggang sa makatulog siya at mapagod kakaiyak. HIndi ko rin maintindihan kung bakit ba masyado siyang apektado sa pagkamatay ng Ezra na iyon! Like duh! Ang dami pa kayang babae sa mundo, at isa pa baka mas lalo lang siyang mapahamak kapag kasama niya ang babaeng iyon. Matapos din niyang hind mag pakita ay pinabalik kami sa mansyon ng pamilyang Atkinson, at kahapon ay sinabi ni ma'am Aviana, ang nakakatandang kapatid ni sir Nexus na pinapalinis nito ang bahay nila ng asawang niyang si Ezra. "Nandito naman kasi ako! kayang-kaya ko siyang pasayahin at ibigay ang lahat sa kaniya." bulong kong saad habang inis na pinupunasan ang picture frame nilang mag asawa. "Janina, aba'y mukhang pinanggigigilan mo ata iyang piktyur ni sir Nexus at ma'am Ezra?" Bahagya naman akong napa

  • Angel With A Shotgun   Chapter 52: Self-blaming

    Justin's POV "Calliope!" Sigaw ko ng makita itong naka impake na ang mga gamit. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin at alam kong hanggang ngayon ay patuloy niyang sinisisi ang sarili niya dahil sa mga nangyayari. "Leave me alone, Justin." Malamig nitong sabi at nagpatuloy sa pag hila ng maleta niya. Pero hindi ko siya hahayaang umalis, hinding-hindi ako papayag. Walang may gusto ng nangyari at kahit ako ay nasasaktan dahil sa nangyari kay Captain! She's my best friend, and it's painful that she bid a goodbye to us that we know she'll never come back! "Shuta naman Cal, why are you doing this?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Oo, tulad nga ng sinabi nila ibang-iba na ako ngayon at hindi na tulad ng dati. Maging si papanay nagulat ng ipakilala ko si Calliope bilang girlfriend ko. Everything went fast, siguro na ako sa kaniya. Natakot lang naman ako noong una dahil baka masaktan ulit ako. "It

  • Angel With A Shotgun   Chapter 51: Searching

    Nexus POV It's been almost six months since I haven't smile. Not even in my dreams, and it's also six months since Ezra nowhere to be found. Sumasakit ang ulo ko sa mga sunod-sunod na meeting, siguro ay dahil narin wala akong sapat na tulog. Pagod kong binitawan ang hawak na sign pen at saglit na yumuko. I wonder where am I going to find her? I did everything to find her or even a single evidence that she's still alive but there's no to avail. Anim na buwan ko na ring hindi sila nakikita-. Hindi ko alam kong ano ang iniisip nila, galit ba sila? Or bahala na. Gusto ko munang mapag isa, gusto ko munang makapag isip ng mas mahabang panahon na walang ibang iisipin kundi siya lang. Hindi naman ako pumapasok sa company ng actual, nakikipag communicate ako sa kanila via online calls, and ganoon rin sa meeting.Ako ang boss kaya desisyon kong wag magpakita, I am still doing my best to comply what the company needs. My

DMCA.com Protection Status