Maagang gumayak si Yzabelle upang daluhan ang mahalagang araw para sa kinabibilangan niyang nunnery congregation. Ang anniversary ng Blue Sisters ay sinecelebrate sa pamamagitan ng mga charity works tulad ng pagbibigay ng mga damit at food packs sa mga less fortunate, pagtuturo sa mga bata, pag-aalaga ng mga may sakit, pagtulong sa mga kababaihan at pagbibigay ng hospice service para sa mga taong malapit ng mamatay. Kahit wala siya sa kumbento ay importante sa kanya ang ganitong okasyon kung kayat wala siyang pag-aalilangang dumalo at makibahagi. Tiyempo namang may mahalagang gagawin si Eric sa kanyang upisina kung kayat si Alkins na lamang ang inutusan nitong sumama sa kanya. Sinabi niya sa binata na kaya naman niyang dumalo mag-isa ngunit hindi ito pumayag sapagkat pinag-iinitan pa ng grupo ang kanyang kapatid at baka pagtangkaan ang kanyang buhay. Dahil sa mga naranasan hinggil dito ay hindi naman na siya nagprotesta pa bagkus ay nagpasalamat siya sa binata.Pagbaba niya sa may ha
“It’s alright, Yzabelle; nandito si Kuya para saiyo.”, pag-aalo ni Yzekiel habang yakap ang umiiyak sa takot na kapatid.“Kuya, anong nangyayari?”, nalilitong pahayag ni Yzabella sa kapatid habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. Simula ng lumabas siya sa kumbento ay ilang ulit na siyang nakaranas ng pagtatangka sa kanyang buhay samantalang wala naman siyang ginagawang masama sa ibang tao.“Ssssh! It’s my fault, hindi kita nabantayan ng maigi. I’m sorry.”, turan ni Yzekiel sa dalaga habang hinahaplos ang likod nito. Ang programa ay pinangungunahan ng religious group, hindi niya akalaing may makakasingit pa ang lalaking nagtangkang dumukot sa kanyang kapatid. Sobra tuloy siyang nagiguilty sa sinapit nito kahit hindi sure kung dahil ba sa kanya ang pagtatangka dito o dahil kay Eric. Kung hindi pa naman kasi gunggong ang lalaking yun, alam niyang marami siyang kaaway ididisplay ba naman niyang fiancée ang kanyang kapatid. Parang teenager lang na sinagot ng crush at kailangan pan
“Don Sebastian?”, halos magkasabay na wika nina Eric at Yzekiel pagkatapos ay kapwa tumingin sa isa’t isa. Malapit kay Eric ang matanda sapagkat bukod sa kaibigan ng kanyang ama ay ninong din niya kung kayat wala sa hinigap nilang dalawa na ito ang mastermind sa tangkang pagdukot kay Yzabella.“Parang awa niyo mga bossing, itago niyo ang pamilya ko baka sila ang pag-initan ni Don Sebastian.”, turan ng lalaki ngunit tumingin lamang ang dalawa dito. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakatanggap ng mensahe ang cellphone ni Yzekiel, nang tingnan niya ito ay halos mapatalon ito sa tuwa na ikinataas ng kilay ni Eric.“Natrace na ni Nate ang location ng cellphone number na ginamit noong naframe-up ako.”, excited na turan niya kay Eric kung kayat bigla ring nagliwanag ang mukha nito.“Really? where?”, ang binatang nasa mukha ang excitement. Kahit naman nagduda at sumama ang loob niya kay Yzekiel dahil sa pag-aakalang nagtraidor ito sa samahan lalong lalo sa kanya ay hindi naman nawala ang paniwa
“If you could only know how to knock on the door!”, simpleng pahayag ni Eric na tila hindi naman naapektuhan sa biglaang pagpasok ni Yzekiel sa silid ng dalaga at sermonan sila ng wala sa oras.“Hello, this is my sister’s room, how did I know na may nagmoment dito?”, mas suplado namang wika ni Yzekiel dito.“Kuya?”, saway ni Yzabella sa kapatid na noon nagtatago sa malaking katawan ni Eric.“Huwag mo akong makuya kuya diyan, after this, iuuwi na kita sa bahay!” mulagat ni Yzekiel dito.“No way!”, walang kasimbilis na protesta ni Eric sa tinuran ng kaibigan.„Huh! Walang reason na dito pa siya mag-stay at lalong hindi kayo mag-asawa para ipagpatuloy yang mga kahibangan niyo!”.“I will marry her!”, walang pag-aalinlangang pahayag ni Eric kung kayat kagyat itong natigilan mula sapag-aalburuto pagkatapos ay tumingin sa mukha ng binata na tila nananantiya.“Puwes! Pakasalan mo muna bago mo ibahay!”,„Kuya?”, protesta ni Yzebella sa kapatid.„Sure! After this, we’re going to be husband and
Kinabukasan ay nagkaroon ng biglaang pagtitipon ang lahat ng may katungkulan sa grupo. Gabi na ng makatanggap ng short notice ang bawat isa mula sa assistant ng kanilang pinuno kung kayat kanya kanyang cancel sa mga nakaschedule nilang mga meetings at trabaho at napasugod sa napakataas na tower ng Madrigal’s group- ang pinakamakapangyarihan sa mundo ng negosyo sa bansang Pilipinas. Pinamumunuan ito ni Eric Madrigal, batang bata ngunit sa galing nito at impluwensiya ay pinangangatawanan nito ang grupo ng mga mafia sa bansa.Pagdating ni Eric sa malaking conference room ay naroon na ang lahat ng mga natawagang kasapi na agad tumayo at nagbigay galang sa binata pagkapasok pa lamang niya sa may pintuan. Ngunit biglang nag-ingay ang palagid ng mapagsino ang kasama nitong pumasok at parehong naupo sa may gitna ng napakalaking conference table.“Mabuti naman at sumuko na ang traidor na Yzekiel na yan, pero wala siya dapat dito kundi nasa kulungan.”, turan agad ni Marcus ng makaupo ang lahat.
Nang maramdaman ni Yzabella ang mahigpit na pagyakap sa kanya ng binata ay hindi niya napigilang umiyak. Sa takot niyang maari itong mawala dahil sa kaguluhan sa loob ay halos ayaw na niyang kumawala mula sa pagkakayakap nito. Nang mapansin ng binata ang kanyang pag-iyak ay hinawakan nito ang kanyang mukha at tumitig sa kanya.“Don’t cry, it’s over.”, pag-aalo ng binata sa kanya kasabay ng pagpahid sa walang tigil na pagdaloy ng kanyang mga luha. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay kinuha niya ang kamay ng binata na nakahawak sa kanyang mukha at inilapit sa kanyang mga labi at hinalikan.“I love you, Eric; natatakot akong mawala ka.”, hindi niya napigilang pahayag sa binata, it’s really what she feels at kailangan niyang sabihin ito upang gumaan ang kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung kailan, basta naramdaman na lamang niyang mahal niya ang binata at ayaw niya itong mawala.Halos nashocked ang binata sa kanyang sinabi ngunit ng mahimasmasan ay hinila siya nito palapit sa k
Lumipad si Eric papuntang Italy upang imeet ang kanyang ama, ito ang itinuturong utak ng lahat ng nagyayaring kaguluhan sa organisasyon lately at yun ang kailangan niyang kumpirmahin. Kahit matagal silang hindi nag-uusap ng ama ay wala siyang maisip na dahilan upang guluhin ang grupong pinamumunuan niya. Ang kanyang ama ay mula sa pamilya ng mga makapangyarihang mafia sa bansang Italy at humahawak din ng mga grupo ng mafia sa iba’t ibang bansa. Bilang miyembro ng pamilya Madrigal ay ibinigay sa kanya ang pinakamalaking grupo sa Pilipinas. Noong una ay hindi siya interesado ngunit gustuhin man niya o hindi, tradition na sa pamilya ng ama na humawak ng responsibilidad ang lahat ng lalaking miyembro ng pamilya kung kayat wala siyang choice kundi yakapin ang nakatakdang klase ng kanyang buhay.Mga ilang araw lang naman ang ilalagi niya sa Italy, matagal na ang limang araw kung siya’y bumibisita sa lugar ng kanyang ama at pumupunta lamang siya kung kinakailangan. Plano niyang komprontahin
Sa narinig ay hindi niya napigilang tumawa, mukhang malabong mangyari ang sinasabi nito sapagkat wala pang bente anyos sina Mat at Damon, not unless meron pa itong anak sa labas na hindi niya alam.“That’s impossible unless the twins wanted to get married at an early age.”, wika niya ngunit tumingin lamang sa kanya ng mariin ang ama.“Oh, don’t look at me like that, I’m not buying it.”, pagdidismiss niya agad sa kung ano ang iniisip ng ama. He is already engaged with Yzabella at ito lamang ang babaing pakakasalan niya.“Eric!”“No! ““It’s the only way.”“I don’t care!”, matigas niyang turan pagkatapos ay tumayo upang iwanan ang ama. Hindi siya kailanman sasang-ayon sa gusto nitog mangyari at lalong lalong hindi siya magpapakasal sa iba. Paglabas niya sa conference room na ito ay kukunin na lamang niya ang ilang mga gamit at babalik na siya sa Pilipinas.“You can’t run with this, Eric.”, wika ng kanyang ama at tiim-bagang siyang humarap dito.“Stop controlling my life, Dad. Noong nag-
Mataas na ang araw ng magising si Yzabella. Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang siya nagising ng lampas lampas sa alas singko. Matagal silang nag-usap at nagkwentuhan ni Eric kagabi at sa ilang buwang napupuyat dahil sa kaiisip dito ay ngayon lamang siya nakatulog ng nakangiti at matiwasay. She was wrapped by Eric’s arm the whole night kung kayat umaapaw ang labis na kaligayahan sa kanyang puso. Inextend niya ang braso sa katabi upang siya naman ang magbigay ng mainit at mahigpit na yakap dito ngunit naimulat niya ng bahagya ang mata sapagkat wala naman ang binata sa kanyang tabi. Mabilis siyang bumaling sa kabilang side and came to realized na napagitnaan siya ng dalawang unan na malalaki.“Eric?!”, agad siyang napabalikwas ng bangon at hinanap sa loob ng kuwarto ang bulto ng binata. Tinignan niya sa ibat ibang sulok ng kuwarto, sa likod ng mga kurtina at maging sa ilalim ng kama ngunit ni anino nito ay hindi niya nakita. Sapo ang ulo ay napaupo siya sa gilid ng higaan kasabay ng pa
“I’m sorry, sweetheart; I’m really sorry!”, si Eric na pinupog ng halik ang ulo ng dalaga habang hindi mapigilan ang pag-iyak. Akala niya hindi tanggap ni Yzabella ang kanyang pagkatao kaya bigla itong nagdesisyong lumayo sa kanya. Si Yzabella ang una at tanging babaing kanyang minahal kaya sobra siyang nagalit sa gainagalawang mundo, feeling niya siya ang pinakamasamang tao sa mundo at hindi siya nararapat sa pagmamahal nito. Pero mahal na mahal niya ang dalaga at kaya niyang talikuran ang lahat upang maging karapat dapat lamang siya dito.“I love you so much, hindi ko na alam ang mabuhay kung wala ka.”, madamdaming turan niya dito. Sa halos mahigit dalawang buwan nilang hindi pagkikita ay tila walang saysay ang kanyang buhay dahil walang oras na lumipas na hindi niya ito iniisip.“Wait lang, anong pinagsasabi mo?”, ang dalagang biglang kumawala mula sa kanyang pagkakayakap at bahagyang idinistansiya ang sarili. Sa inasal ng dalaga ay nakangiti siyang tumingin sa mukha nito. Still, t
After 5 minutes’ drive ay narating din nila ang maraming kabahayan, hindi niya inexpect na may malaking community na nakatago sa loob ng isang private property. Halatang may magaganap na special occasion dahil maraming nakasabit na banderitas at nagkalat sa paligid ang maraming tao. Nang makitang parating ang kanilang sasakyan ay nagsipagtabi ang mga ito upang bigyan ng madadaanan hanggang sa kung saan nagpark ang binata.“We’re here, I hope you’ll enjoy.”, bago tinanggal ang seatbelt ay tumingin muna sa kanya ang binata.“Surely, I will.”, pahayag naman niya habang nakangiti. Ngayon lamang siya mkaattend ng pista sa bayan at kanina pa siya naeexcite ng makakita ng banderitas at maraming tao.“I’m happy to hear that because this will be your home.”, nakangiting wika ng binata at bahagya siyang natawa dito.“Baba na tayo, kanina pa yata namamaga ang mga mata ng mga tao sa kahihintay saiyo , ilang minuto na lang mahihigblood ang mga yan saiyo.”, turan niya pagkatapos ay binalingan na an
Mula sa pagkaidlip ay nagisng si Yzabella ng maramdamang may humahaplos sa kanyang buhok. Parang ayaw pa niyang ibuka ang mga mata dahil feeling niya ay gusto pa ng kanyang katawan ang magpahinga at matulog. Ngunit hindi tumitigil ang humahaplos sa kanyang buhok kung kayat unti unti niyang ibinuka ang mga mata; napakunot siya ngunit bigla ring pinanlakihan ng mata ng mamulatan si Earl Rick habang nakaupo sa gilid ng kama at nakangiting nakatunghay sa kanya.“Time to get up sweetie, were going to attend the program in the farm.”, saad nito habang hindi matanggal tanggal ang magandang pagkakangiti sa mga mukha. Agad naman siyang napabalikwas ng bangon ngunit ng maramdamang walang siyang kahit na anumang saplot sa katawan ay mabilis niyang hinila ang kumot at ibinalot sa sarili. Ngunit ng maalala ang mga nangyari ay agad siyang bumaba sa higaan at kumaripas ng takbong tinungo ang banyo at naglock ng pinto.Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakasandal sa likod ng dahon ng pinto n
Pagdating nila sa malawak na komedor ay halos maglaway siya sa mga pagkaing nakahain, ang sasarap at iba’t ibang putahe. May tinolang manok, may inihaw na isda, may hipon, meron ding alimango, mga gulay. Parang may pista sa dami ng pagkain at parang gusto niya agad maupo at kumain.“Wow! ang mga paborito kong pagkain, ang sasarap.”, tila hindi rin napigilan ni Eric ang sarili, tinungo niya agad ang gripo at naghugas ng kamay pagkatapos ay tila hindi na nakapaghintay na kumurot ng inihaw na hito at isinawsaw sa nagawang sawsawan. Natuwa naman si Yzabella sa sobrang excitement ng binata sa pagkain kung kayat di niya napigiling mapangiti habang pinagmamasdan ito. Maya maya lamang ay bigla itong bumaling sa kanya at inilapit sa kanyang bunganga ang kinurot na isda.“Sobrang sarap, tikman mo.”, saad nito at hindi siya nakahindi, bagkus ay ibinuka niya ang bibig at kinain ang isinubo nito.“Masarap?”, masayang tanong nito pagkatapos niyang magnguya at tumango tango siya dahil totoo namang
“Feeling better?”, bigla ay nagising ang diwa ni Yzabella mula sa pagkakayakap sa lalaking inaakalang si Eric. Naimulat niya ng malaki ang mga mata at dahan dahang tinanggal ang mga kamay na nakapulupot sa baywang nito at pasimpleng inilayo ang sarili. Nang humarap ito sa kanya ay parang gusto na lamang niyang lumubog sa kinatatayuan dahil sa kahihiyan.“So…sorry, pa…sensiya na kasi...”, halos nawala ang kanyang dila at maging ang kanyang isip ay hindi makapagprocess ng sasabihin. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng labis na pagkapahiya dahil nakangiti ito na tila nag-eenjoy sa nakikitang reaction niya.“It’s alright.”, turan nito na tila tuwang tuwa at wala siyang nagawa kundi tawanan na lamang ang sarili habang napapailing na hinawakan ang noo.“Sorry talaga.”, saad niya at tumango tango ito habang hindi maialis ang tuwa sa mukha.“And I said it’s alright, you can hug me day and night if you want.”, panunukso nito at napailang siya habang nakatawa.“Bakit ka nga pala nandito?”, maya ma
Pagkatapos niyang malinisan ni Yzabella si Maya mula sa pagCR nito ay ipinasama niya ito sa kasamahan niyang papunta sa gym. Naiiyak pa rin siya dahil sa nakitang kamukha ni Eric kung kayat minabuti na niyang huwag bumalik doon habang naroon ang lalaki. Bagkus ay tinungo niya ang pinakachapel ng shelter at lumuhod sa harap ng altar upang ipagdasal ang kululuwa ni Eric at humingi guidance at lakas sa Panginoon upang mapagtagumpayan niya ang lahat ng pinagdadaanang pagsubok kanyang buhay.Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ginagawang taimtim na pagdarasal ngunit naramdaman niyang lumuhod sa kanyang tabi at agad siyang kinilabutan ng maamoy ang hindi makalimutang amoy ng pabango ni Eric. Natigil siya sa ginagawang pagdarasal at dahan dahang iminulat ang mata upang tignan kung sino ang nasa lumuhod sa kanyang tabi ngunit laking gulat niya ng makita ang lalaking nasa gymnasium. Napatakip pa siya ng makita ang hawak nitong pink na rosary, kahawig nito ang iniwan niyang rosary kay Er
Simula ng malaman ni Yzabella na wala na si Eric ay halos araw araw siyang nagagawi sa simbahan upang ipagdasal ang kaluluwa nito. Hindi man lamang niya ito nasilayan kahit sa mga huling sandali nito dahil ayon sa balita ay nacremate din ito kinabukasan pagkatapos madead on arrival sa hospital mula sa pagkakabaril. Kung alam lamang niyang mawawala ito ay sana nakipag-ayos na lamang siya sa binata at piniling makasama ito kesa lumayo dito. Mahal na mahal niya si Eric at sa palagay niya habang buhay niyang ipagluluksa ang pagkawala nito.“Yzabella?”, palabas na siya sa loob ng simbahan ng marinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan. Paglingon niya ay nagulat siya ng makita si Adrian habang nakasuot ng polo shirt ng pari.“Adrian?”, hindi makapaniwalang turan niya pagkakita dito.“Father Adrian!”, nakangiting wika ni Adrian. Nagulat man ngunit hindi naman naitago ang sobrang kasiyahan para dito.“Talaga po?”, excited niyang pahayag kahit naguguluhan pa rin kung paanong nangyari lalo a
“I want to build my own empire.”, si Eric at sa unang pagkakataon ay sinadya niyang harapin ang ama.“What do you mean?”, ang kanyang ama na tila nagulat sa kanyang ekpresiyon. He is quite serious and as cold as ice that even the bond of father and son cannot break.“I don’t want to be a Mafia anymore!”, saad niya na hindi nagbabago ang expression ng mukha."That’s impossible; you can’t get away with that!”, hindi makapaniwalang bulalas ng kanyang ama.“Yes, I can!”, matigas niyang pahayag kasabay ng pangingislap ng mga mata. Halatang may tinitimping galit at ora mismo ay sasabog. Tinitigan siya ng ama ngunit hindi siya nagpatalo, kung tumigas ang mukha nito ay sampung beses na mas matigas sa kanya. This time, he doesn’t know defeat. He's at his scariest, which even his father couldn't predict.“This is a voice recorder of your loving wife.”, pagkalipas ng ilang minutong labanan ng titigan ay ipinatong ang hawak na bagay sa harapan ng ama. Bahagya itong natigilan pagkatapos ay inilipa