Share

Kabanata 1719

Labis na nataranta si Mrs. Lindsay. Wala siyang nagawa kung hindi ang tawagan si Quincy para sabihin ang lahat ng nangyari.

Katatapos pa lang ni Quincy sa kaniyang trabaho. Nagulat siya nang matanggap ang tawag ni Mrs. Lindsay.

Kinidnap ni Dayton ang dalawa niyang anak?

Imposibleng hindi ipaghihiganti ni Dayton si Hayley. Gayunpaman, hindi niya inakalang pupuntiryahin nito ang mga bata!

Noon pa man ay marahas at masama na si Dayton. Wala rin sa katwiran ang mga ginagawa nito. Nahulaan na niya dapat na hindi lalambot ang puso nito kahit sa sariling anak!

Naging pabaya siya. Dapat ay nagsagawa siya ng precautionary measures para sa mga bata.

Pinauwi niya si Mrs. Lindsay. Siya mismo ang maghahanap kay Dayton.

Hindi niya alam kung anong balak ni Dayton sa pagkidnap sa dalawang bata. Balak ba nitong ilayo si Sirius para hindi na sila magkita? Kung ganoon nga, walang rason si Dayton para kidnapin din si Little Cupcake. Marahil…plano nitong gamitin si Little Cupcake para bantaan siya?

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status