Labis na nataranta si Mrs. Lindsay. Wala siyang nagawa kung hindi ang tawagan si Quincy para sabihin ang lahat ng nangyari.Katatapos pa lang ni Quincy sa kaniyang trabaho. Nagulat siya nang matanggap ang tawag ni Mrs. Lindsay.Kinidnap ni Dayton ang dalawa niyang anak?Imposibleng hindi ipaghihiganti ni Dayton si Hayley. Gayunpaman, hindi niya inakalang pupuntiryahin nito ang mga bata!Noon pa man ay marahas at masama na si Dayton. Wala rin sa katwiran ang mga ginagawa nito. Nahulaan na niya dapat na hindi lalambot ang puso nito kahit sa sariling anak!Naging pabaya siya. Dapat ay nagsagawa siya ng precautionary measures para sa mga bata.Pinauwi niya si Mrs. Lindsay. Siya mismo ang maghahanap kay Dayton.Hindi niya alam kung anong balak ni Dayton sa pagkidnap sa dalawang bata. Balak ba nitong ilayo si Sirius para hindi na sila magkita? Kung ganoon nga, walang rason si Dayton para kidnapin din si Little Cupcake. Marahil…plano nitong gamitin si Little Cupcake para bantaan siya?
Naupo si Dayton sa tabi ng malaki at bilog na mesa. Saka niya kinaway ang kamay at pinaupo ang dalawang bata.“Maupo kayo. Pwede kayong mag-order ng kahit anong gusto niyo.” Kinuha ni Dayton ang tablet sa tabi ng mesa. Pwede siyang mag-order ng pagkain gamit ito.Nanatili si Little Cupcake sa tabi ni Sirius at naupo sa upuang katapat ni Dayton. Ayaw nilang masiyadong lumapit kay Dayton.Paulit-ulit na sinasabi ni Little Cupcake na hindi niya kakainin ang anumang pagkain na orderin ni Dayton. Gayunpaman, hindi niya mapigilang mapalunok ng laway ng makita ang mga litrato ng masasarap at nakakatakam na pagkain sa tablet.Tiningnan siya ni Sirius at sinabing, “Pwede kang mag-order ng pagkain kung gusto mo.”“Uh-huh…” Napatango si Little Cupcake. Gayunpaman, kaagad siyang umiling. “Hindi no, hindi ko pwedeng kainin ang anumang pagkaing ibigay niya sa akin. Mayroon iyon lason.”Kahit na mahina ang boses niya, narinig pa rin siya ni Dayton.Natatawa niyang sinabing, “Hindi ako ang nagh
Kaya naman, naisip niyang posibleng lagyan ni Dayton ng lason ang pagkain katulad ng sinabi ni Little Cupcake."Bilisan mo ang pagmamaneho!" Nag-aalala talaga siya sa kaligtasan ni Little Cupcake. Nakatingkayad si Little Cupcake nang makitang binaba na ni Dayton ng tawag. Inunat niya ang kamay at sinubukang agawin ang phone nito. Gusto niyang tawagan ang mommy niya at sabihan itong huwag pumunta.Iniwasan ni Dayton ang nakaunat na mga kamay ni Little Cupcake. "Gusto mo bang tumawag?" Yumuko siya at tinitigan ang bata."Oo! Hindi ko pwedeng hayaang pumunta rito ang mommy ko! Masama kang tao!" Pakiramdam ni Dayton ay mahal na mahal ng mag-ina ang isa't-isa. Sobra nilang inaalala ang isa't-isa.Hindi pinanganak no Quincy si Little Cupcake, pero tinuring niya pa rin itong tunay na anak. Napakabuti niya talagang ina. Tiningnan niya ang anak. Hindi niya kailangang mag-alala sa kaniyang anak dahil kasama nito si Quincy."Hindi mo siya kailangang tawagan. Kahit anong sabihin mo, pupun
Ngumisi si Quincy at sinabing, “Dahil mayroon kang sakit, mas lalong hindi ka dapat namin saluhang kumain. Baka mahawaan mo kami!”Pagkatapos magsalita, sinabi niya sa anak na lalaki, “Halika, Sirius. Tara na.”Binalewala niya ang mga tauhan ni Dayton na nakabantay sa pinto para pigilan silang makalabas. Walang makakabalik sa kaniya basta gusto niyang umalis.Nakinig si Sirius sa sinabi ng ina. Bumaba siya sa upuan at lumapit kay Quincy. Gayunpaman, hinawakan siya ng ama nang madaanan siya nito!“Ah…” Sigaw ni Sirius. Hawak siya sa isang chokehold ng tatay niya!“Dayton Night! Anong ginagawa mo? Nababaliw ka ba?” Pinanlisikan siya ni Quincy ng mga mata sa galit at gulat. Paano niya nagagawang sakalin ang anak? Hindi niya pakakawalan kahit ang sarili niyang anak? Papatayin niya ba ito sa sakal?Kung ibang tao ito, hindi maniniwala si Quincy na kahit gaano pa kasama ang isang tao, hindi nito magagawang saktan ang sariling anak. Gayunpaman, si Dayton Night ito!Malupit at demonyong
Tumingin sa kaniya si Sirius at sinabing, “Ayos lang, Mommy. Kinain na ni Daddy ang pagkain. Kahit ang isang taong sobrang takot sa kamatayan ay naglakas-loob na kainin ang pagkain. Pinapakita lang nito na wala ngang lason ang pagkain. Kakain muna ako. Tutulungan ko kayong tumikim.”Kumunot ang noo ni Dayton at tinitigan ang anak. Dapat niya ba itong purihin dahil sa pagsasabi ng mga salita na iyon?“Sirius, ang tapang mo!” Hindi mapigilan ni Little Cupcake na mapasigaw nang makita niya si Sirius na kinakain ang mga pagkain.Pagkatapos tikman ang mga pagkain, sinabi sa kanila ni Sirius, “Kahit na hindi maikukumpara ang mga ito sa lutong-bahay na hinanda ni Mommy, ayos pa rin naman. Tikman niyo.”Nang marinig iyon ni Dayton, bigla siyang nakaramdam ng matinding selos sa anak dahil natikman nito ang personal na luto ni Quincy! Hindi pa niya kailanman natikman ang luto nito!“Hindi ba’t sinabi ni bad na tito na napakagaling ng mga chef dito dahil isa itong pribadong restaurant? Hindi
Hinawakan ni Quincy ang kamay ng anak na babae habang nakatingin kay Dayton na nakatayo naman sa harapan niya. Malinaw ang intensyon niya. Gusto niyang umalis kasama ang dalawang anak. Ayaw na niyang manatili pa rito ni isang segundo.Mabilis na natapos ang maikli nilang pagtitipon-tipon. Lumulutang pa rin ang pakiramdam ni Dayton dahil sa oras na ito na magkakasama sila. Kumunot ang noo niya at sinisi si Quincy sa pagputol ng masaya nilang oras.Mas sumama pa ang loob niya nang makita ang malamig na ekspresyon sa mukha nito at kung gaano ito nagmamadaling ilayo ang mga bata.Hindi ba nito kayang makasama pa siya kahit na isang minuto lang?Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin ito sa kaniya.Tinikom ni Dayton ang mga labi at sinabing, “Mag-utos ka nang maghahatid sa kanila. Mayroon akong kailangang sabihin sa iyo.”Bahagyang kumunot ang noo ni Quincy at sinabing, “Pwede mong sabihin sa akin ang anumang bagay ngayon mismo.” Bakit kailangan siya nitong kausapin nang wala ang mg
“Ikaw,” Walang alinlangan niyang sagot.Bahagyang natigilan si Quincy. Saka siya mapanghamak na tumawa at sinabing, “Mas mabuting huwag ka nang makipag lokohan. Dumiretso ka na sa punto.”Napakadilim ng titig ni Dayton. Nakatatakot ang lalim ng kaniyang boses. “Sinabi ko na sa iyo ang punto ko. Ikaw lang ang gusto ko.”Bago pa makapagsalita si Quincy, dinagdag niya, “Ibibigay ko sa iyo ang iniwan sa iyo ng mga magulang mo kung sasamahan mo ako ng isang buwan.”Huminga nang malalim si Quincy. Akala niya ay mali siya ng narinig. “Samahan ka ng isang buwan?”Natawa siya. “Dayton Night, mayroon bang problema sa utak mo? Bakit ganiyan ang iniisip mo?” Alam nitong imposible iyon.“Ayaw mo ba ng iniwan sa iyo ng mga magulang mo?” Walang mali sa utak niya. Ito ang totoo niyang naiisip.“Siyempre, oo pero…kung iyan ang kondisyon mo, makukuha ko iyon sa ibang paraan.” Hindi siya papayag sa ganoong klaseng hiling.Tumalikod siya para umalis pagkatapos magsalita.Bumigat at mas lumamig an
“Napakasama mo talaga!” Hindi mapigilan ni Quincy na sumigaw dahil sa galit.Mahirap sa sinuman na baguhin ang pagkatao kahit gaano pa katagal na panahon ang lumipas. Katulad ng inaasahan niya, walang pinagbago si Dayton. Kahit anong sigaw niya rito, hindi nagalit si Dayton. Kakaiba ito sa kaniya.“Maglinis ka na at magsipilyo. Handa na ang almusal,” Walang emosyon na sabi ni Dayton pagkatapos siyang sigawan ni Quincy.Mabuting bagay na hindi siya pinagpira-piraso ni Quincy. Bakit siya magkakaroon ng gana na samahang mag-almusal si Dayton?Inalis niya ang kumot at bumaba sa kama. Tumayo siya sa harapan ni Dayton at kinwelyuhan ito. “Sabihan mo ang mga tauhan mo na alisin ako sa islang ito ngayon! Wala akong oras para makipaglaro sa iyo!”Tiningnan siya ni Dayton mula sa itaas. “Hindi ako nakikipaglaro sa iyo. Gusto ko lang magbakasyon dito kasama ka.”“Pwede kang maghanap ng iba kung gusto mong magbakasyon. Bakit kailangang ako?” Alam naman nitong magkalaban sila!“Asawa kita. S