Tumingin sa kaniya si Sirius at sinabing, “Ayos lang, Mommy. Kinain na ni Daddy ang pagkain. Kahit ang isang taong sobrang takot sa kamatayan ay naglakas-loob na kainin ang pagkain. Pinapakita lang nito na wala ngang lason ang pagkain. Kakain muna ako. Tutulungan ko kayong tumikim.”Kumunot ang noo ni Dayton at tinitigan ang anak. Dapat niya ba itong purihin dahil sa pagsasabi ng mga salita na iyon?“Sirius, ang tapang mo!” Hindi mapigilan ni Little Cupcake na mapasigaw nang makita niya si Sirius na kinakain ang mga pagkain.Pagkatapos tikman ang mga pagkain, sinabi sa kanila ni Sirius, “Kahit na hindi maikukumpara ang mga ito sa lutong-bahay na hinanda ni Mommy, ayos pa rin naman. Tikman niyo.”Nang marinig iyon ni Dayton, bigla siyang nakaramdam ng matinding selos sa anak dahil natikman nito ang personal na luto ni Quincy! Hindi pa niya kailanman natikman ang luto nito!“Hindi ba’t sinabi ni bad na tito na napakagaling ng mga chef dito dahil isa itong pribadong restaurant? Hindi
Hinawakan ni Quincy ang kamay ng anak na babae habang nakatingin kay Dayton na nakatayo naman sa harapan niya. Malinaw ang intensyon niya. Gusto niyang umalis kasama ang dalawang anak. Ayaw na niyang manatili pa rito ni isang segundo.Mabilis na natapos ang maikli nilang pagtitipon-tipon. Lumulutang pa rin ang pakiramdam ni Dayton dahil sa oras na ito na magkakasama sila. Kumunot ang noo niya at sinisi si Quincy sa pagputol ng masaya nilang oras.Mas sumama pa ang loob niya nang makita ang malamig na ekspresyon sa mukha nito at kung gaano ito nagmamadaling ilayo ang mga bata.Hindi ba nito kayang makasama pa siya kahit na isang minuto lang?Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin ito sa kaniya.Tinikom ni Dayton ang mga labi at sinabing, “Mag-utos ka nang maghahatid sa kanila. Mayroon akong kailangang sabihin sa iyo.”Bahagyang kumunot ang noo ni Quincy at sinabing, “Pwede mong sabihin sa akin ang anumang bagay ngayon mismo.” Bakit kailangan siya nitong kausapin nang wala ang mg
“Ikaw,” Walang alinlangan niyang sagot.Bahagyang natigilan si Quincy. Saka siya mapanghamak na tumawa at sinabing, “Mas mabuting huwag ka nang makipag lokohan. Dumiretso ka na sa punto.”Napakadilim ng titig ni Dayton. Nakatatakot ang lalim ng kaniyang boses. “Sinabi ko na sa iyo ang punto ko. Ikaw lang ang gusto ko.”Bago pa makapagsalita si Quincy, dinagdag niya, “Ibibigay ko sa iyo ang iniwan sa iyo ng mga magulang mo kung sasamahan mo ako ng isang buwan.”Huminga nang malalim si Quincy. Akala niya ay mali siya ng narinig. “Samahan ka ng isang buwan?”Natawa siya. “Dayton Night, mayroon bang problema sa utak mo? Bakit ganiyan ang iniisip mo?” Alam nitong imposible iyon.“Ayaw mo ba ng iniwan sa iyo ng mga magulang mo?” Walang mali sa utak niya. Ito ang totoo niyang naiisip.“Siyempre, oo pero…kung iyan ang kondisyon mo, makukuha ko iyon sa ibang paraan.” Hindi siya papayag sa ganoong klaseng hiling.Tumalikod siya para umalis pagkatapos magsalita.Bumigat at mas lumamig an
“Napakasama mo talaga!” Hindi mapigilan ni Quincy na sumigaw dahil sa galit.Mahirap sa sinuman na baguhin ang pagkatao kahit gaano pa katagal na panahon ang lumipas. Katulad ng inaasahan niya, walang pinagbago si Dayton. Kahit anong sigaw niya rito, hindi nagalit si Dayton. Kakaiba ito sa kaniya.“Maglinis ka na at magsipilyo. Handa na ang almusal,” Walang emosyon na sabi ni Dayton pagkatapos siyang sigawan ni Quincy.Mabuting bagay na hindi siya pinagpira-piraso ni Quincy. Bakit siya magkakaroon ng gana na samahang mag-almusal si Dayton?Inalis niya ang kumot at bumaba sa kama. Tumayo siya sa harapan ni Dayton at kinwelyuhan ito. “Sabihan mo ang mga tauhan mo na alisin ako sa islang ito ngayon! Wala akong oras para makipaglaro sa iyo!”Tiningnan siya ni Dayton mula sa itaas. “Hindi ako nakikipaglaro sa iyo. Gusto ko lang magbakasyon dito kasama ka.”“Pwede kang maghanap ng iba kung gusto mong magbakasyon. Bakit kailangang ako?” Alam naman nitong magkalaban sila!“Asawa kita. S
Binabantayan dapat ng mga tauhan ni Dayton ang area sa labas…“Maupo ka at mag-almusal,” Sabi ni Dayton nang makita siya.“Ako mismo ang nagluto nito. Sakto lang ang cooking skills ko. Pwede kang magluto sa susunod,” Dagdag nito.Pinagmasdan ni Quincy ang pagkain sa mesa. Isa itong simpleng Western-style na almusal. Mayroong mga sandwiches at pritong itlog.Nagugutom na talaga siya. Kahit gusto niyang tumakas, kailangan niyang punuin ang sikmura niya para magkaroon siya ng lakas.“Gusto mong ipagluto kita? Huwag ka nang mangarap.” Hindi iyon mangyayari.“Ipagluto mo ako, kung ayos lang sa iyo.” Ayos lang iyon sa kaniya.“Bakit hindi ka nagdala ng chef rito?” Kumagat siya ng sandwich. Kakaiba ang lasa nito. Pwede niyang sabihin na pangit ang lasa nito.“Akala ko ay marunong kang magluto.”“Kahit na marunong akong magluto, hindi ako magluluto para sa iyo.”“Hindi kita pipilitin.” Bakit nagiging maunawin si Dayton sa kaniya ngayon?Hindi na kaya pa ni Quincy na makipag-usap sa
Kinagabihan, si Dayton ulit ang nagluto para sa kanila. Sinabi nito sa kaniya na wala siyang sinamang chef.Pakiramdam ni Quincy ay sinasadya ito ni Dayton. Hindi ba’t napakadali naman para kay Dayton na magpapunta ng chef?At saka, napakarami nitong tauhan. Hindi nito kailangang gawin ang ganitong bagay.Posible bang gusto nitong personal siyang pinagluluto?Balak ba nitong lagyan ng kung anong droga ang pagkain para makontrol siya nito?Sa sandaling ito, naghahanda si Dayton ng hapunan para sa kaniya sa kusina.Gusto niyang makita ang ginagawa nito.Pumasok siya sa kusina at nakita itong abalang nagluluto.“Anong hinahanda mo?” Nakita niya ang itim na laman ng wok. Mayroon ba itong dinagdag na sikretong sangkap?“Isda. Medyo nasobrahan ang prito ko, kaya medyo sunog,” Tapat na sabi ni Dayton.“...” Walang masabi si Quincy.“Sigurado ka bang sunog lang iyan? Hindi mo iyan nilagyan ng droga, tama?” Tanong niya.Tiningnan siya ni Dayton at tinaas ang kilay. “Bakit kailangan
Naghahanda na siyang mahiga sa kama pagkatapos mag-shower nang gabi.Dalawang araw na niyang hindi nakikita ang mga bata. Miss na miss na niya ng mga ito. Bilang isang mapanlamang na tao, kinuha ni Dayton ang phone niya at pinagbawalan siyang kumontak ng ibang tao. Sinabi pa nito sa mga bata na sinama siya nito sa bakasyon kaya hindi nila kailangang mag-alala.Tok, tok, tok. Narinig ang pagkatok ng isang tao sa labas ng pinto niya. Walang ibang mang-iistorbo sa kaniya bukod kay Dayton Night.Humiga siya sa kama nang walang hindi sumasagot. Ayaw niya itong kausapin. Nagsalita si Dayton mula sa kabila ng pinto. "Ka-video call ko si Sirius. Gusto mo ba siyang makita?" Napaupo si Quincy pagkatapos marinig iyon. Siyempre ay gusto niyang makita ang anak niya!Sinusumpa niya si Dayton sa pagiging tuso nito. Ginagamit nito ang anak nila para kumagat siya sa isang patibong! Binuksan niya pa rin ang pinto kahit na anong sumpa niya rito. Mayroong hawak na isang tablet si Dayton
Umupo kaagad si Quincy nang ilapag siya sa kama. Gayunpaman, hinawakan siya ni Dayton sa mga balikat at pinahiga siya kaagad.Nagdilim ang kaniyang paningin habang tinataas ang kamay papunta kay Dayton. Mabilis itong kumilos. Hinawakan nito ang kabila niyang kamay at dinikit sa kama.Bumilis ang paghinga ni Quincy. Saka niya tinaas ang paa para sipain si Dayton palayo sa kaniya. Gayunpaman, ang matangkad at matipuno nitong katawan ay nakadagan sa kaniya. Tuluyan nitong inipit ang ibaba niyang katawan sa kama.Hindi niya maigalaw ang mga paa niya ngayon. Hawak rin nito ang mga kamay niya. Hindi niya maigalaw ang anumang parte ng katawan niya bukod sa kaniyang bibig.“Dayton Night, anong balak mong gawin?” Galit niyang sigaw rito.Tiningnan siya ni Dayton habang mayroong naiiritang ekspresyon sa mukha. “Gusto ko lang matulog. Ano pa ba?”“Gusto mong matulog, at gusto ko rin matulog. Bakit mo ako hinahawakan?”Dahil pinipilit nitong matulog rito, pwede naman siyang magbigay ng espa