Share

CHAPTER 37

Author: MissThick
last update Huling Na-update: 2024-02-25 21:00:52

CHAPTER 37

Oh, why you look so sad?

Tears are in your eyes

Come on and come to me now

Don't be ashamed to cry

Let me see you through

'cause I've seen the dark side too

I’ll stand by you na version ng Glee ang aking kinanta. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. Hinalikan niya ang labi ko.

"Sandali ah! Di pa ako tapos e. Atat ka naman e. Ngayon lang kita kinantahan di mo pa maibigay ang buong moment sa akin."

"Ehhh! Naiiyak ako sa kanta mo. Alam ko 'yan e." nakita ko nga ang pamamasa ng mga mata niya.

"Ituloy ko muna dude, puwede?" seryoso akong tumingin sa kaniya.

Hinalikan niya ako sa labi. "Sige, tuloy mo.

When the night falls on you

You don't know what to do

Nothing you confess

Could make me love you less

Hinawakan niya ang kamay kong naggigitara. Ibig sabihin pinapatigil niya akong kumanta.

"Alam ko 'yun kaya nga kagabi akala ko magbabago ang tingin mo sa akin nang nalaman mong rebelde ako. Ngunit imbes na layuan mo ako. Heto ka ngayon. Mas pinaparamdam mo kung gaano mo ako kam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 38

    Chapter 38Pagkatapos naming kinanta iyon ay tumitig siya sa akin. Tumingin sa paligid. Saka siya kumindat sa akin at ngumiti."Walang tao.""Alam kong iniisip mo." Sinabayan ko iyon ng pilyang ngiti. Nagsimulang lumakbay ang kamay ko doon sa kanina pa galit niyang pagkalalaki."Mas nauna kang nakaisip sa iniisip ko ano? Kababae mong tao pero anlibog mo ha!""I love you." Nakapikit na ako. Nakahanda sa kanyang matatamit at maiinit na halik."I love you more" sagot niya.Dahil pa pagkasabik namin sa isa't isa ay hindi ko mapigilan ang manginig habang tinatanggal ko ang belt ng kaniyang short. Ramdam ko ang kagustuhan niyang mahubaran ako ng mabilisan dahil sa bilis ng kaniyang mga kamay. Halos hindi ako makahinga sa alab ng kaniyang halik. Kapwa kaming sabik na pagsaluhan ang halik na iyon. Ang lamig ng hangin ay tuluyang ginapi ng init ng kaniyang katawan. Ang kaniyang labi sa aking labi ay bumaba hanggang sa aking dibdib. Tinititigan niya ako na parang bang sinusukat niya sa aking re

    Huling Na-update : 2024-02-25
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 39

    CHAPTER 39 HInawakan niya ang kamay ko. Hindi ko ipinagkait. Ako nga noon sa Cubao, marami ding nakakakita nang hawakan ko siya sa kamay e, hindi naman siya tumanggi, ngayon pa kayang napaka romantic ang dagat ay aartehan ko siya. Isa pa, nakuha na niya ako. Magkawahak-kamay kaming naglalakad sa dalampasigan.Nang makarating kami sa may malaking bato ay naghubad siya. Wala siyang itinira."Kailangan naked?" tanong ko."Minsan lang 'to. Saka nakita mo na nga lahat ito noon. Sige na, maghubad ka na din at doon tayo sa likod ng batong iyon sa gitna. Siguro naman walang susunod sa atin doon. Marunong ka naman nang lumangoy hindi ba?""Parang nabitin ka kagabi ha?" pilyo kong ngiti."Sige na! Dami pang satsat ng dude ko e!"Nagtanggal lang ako ng jogging pants at hoody ko. nakashort at t-shirt akong lumusong sa tubig.Nang marating namin ang batong iyon ay nagulat kami dahil mababaw lang din pala. Umupo siya sa buhangin at sumandig sa may bato. Sumunod ako sa kaniya. Pumuwesto ako sa gitn

    Huling Na-update : 2024-02-25
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 40

    Chapter 40Pagkatapos ng aming Christmas Party at bakasyon na naman ay naisipan naming magpalipas ng gabi doon sa gubat malapit sa bahay nina lola. Hindi ko sinabi kina lola na mag-overnight ako sa gubat. Ang alam nila ay sa bahay ng kamag-aral ako magpapalipas ng gabi para sa Christmas Party namin. Sadyang inabuso ko na ang pagtitiwala nila sa akin.Nagtayo na naman kami ng tent ni Dindo. Doon na kami nag-lechon ng manok para may ginagawa kami lalo pa't mahusay naman siyang magluto. Sagana kami sa pagkain at tanging gitara, chessboard at de-bateryang radyo lang ang libangan namin. Ngunit masaya kami. Madalas kaming magkayakap. Laging magkahinang ang mga labi. Pakiramdam ko naa-adik na kami sa isa't isa. Pagkatapos naming kumain ay inilabas ko ang christmas gift ko sa kaniya."Wow! Sapatos. Mukhang mahahalin ito dude." Niyakap niya ako. "Salamat ha. Pangalawang bagong sapatos ko palang ito bukod don sa una na binili mo noon sa akin sa Manila. Kasi naman kung hindi nalumaan ang binibi

    Huling Na-update : 2024-02-25
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 41

    CHAPTER 41 January 29.Tumawag si Mommy. Nangangamusta.“Kasama mob a si Dindo?”“Oho, bakit Mom?”“Gusto ko sanang makausap.”“Para saan?”“Sa nalalaman ko tungkol sa inyong dalawa. Aya hindi na nakatutuwa.”“Ho? Sinong nagsabi sa inyo?”“So meron nga? May nangyayari na hindi namin alam ng Daddy mo?”“Mom, magsasabi naman ako e.”“Hindi ikaw ang gusto kong makausap kundi si Dindo. Ibigay mo sa kanya ang cellphone.”Huminga ako ng malalim. Mukhang hindi na nga maganda ang nangyayari.“Si Mommy, gusto ka raw makausap.” Iniabot ko sa kanya ang cellphone.“Bakit daw?”“Tungkol daw sa nangyayari sa atin?”“Ano?” nakita konng pumusyaw siya. Kinakabahan.“Sige na, kausapin mo na lang.”“Anong sasabihin ko?”“Hindi ko alam kung anong pag-uusapan.”“Okey bahala na.”Nang una, seryoso ang kanilang pag-uusap. Puro opo lang ang naririnig kong sagot niya sa tabi ko nang biglang kinausap ako ni Dindo."Mahina ang signal. Paputol-putol. Ihanap ko ng malakas na signal sa labas ha?" paalam niya sa a

    Huling Na-update : 2024-02-27
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 43

    CHAPTER 42"Saka sa mga coach ko, mga naging adviser, teachers at classmates. Sobrang nagpapasalamat ako kasi bahagi kayo ng aking pagbabago. Tinulungan ninyo akong mailabas ang mga nakatagong talento ko. Kay Lolo at Lola na patuloy akong inaalagaan. Salamat po sa pagmamahal. Kay Rave na pinsan kong laging nandiyan kahit nasusungitan ko minsan. Salamat ng marami insan. Puwede bang idaan ko na lang sa pagkanta ang pasasalamat ko?""Yes! Ikanta na yang dramang yan insan!" sigaw ni Rave."Sige! Dahil ikaw ang may hawak ng song book. I-enter na sa videoke ang kahit anong kantang may best in me sa pamagat niya. Kung hindi ko alam, tatayo lang ang may alam at maki-duet sa akin. Basta kung anong unang makita mo na may best in me i-enter mo na!" sagot ko.Pumailanlang ang intro. Napangiti ako. Alam ko ang kanta. Best in me ng Blue. Ngunit mukhang patama na naman sa amin ni Dindo. Ang kulit lang. Sana hindi magiging obvious sa ibang naroon na sadyang para kay Dindo ang kakantahin ko."Para sa

    Huling Na-update : 2024-02-27
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 44

    Chapter 44February 14, Anniversary namin.Naisip kong ibahin naman namin ang regular naming araw. Hapon ng Sabado noon kaya wala kaming pasok pareho. Hinintay ko siyang dumating dahil ang tagpuan namin ay doon sa malaking puno malapit sa bahay nina lola. Sumakit na ang puwit ko sa kauupo pero hindi pa rin siya dumadating. Dahil sa sobrang inip ko ay minabuti kong bumalik na lang muna sa bahay nina lola. Papasok na ako ng bahay nang may narinig ako."Pssttt! Pssst!"Alam ko na kaagad kung sino 'yun. Iyon naman talaga ang tawagan namin mula’t sapol. Nilingon ko, siya na nga."Bakit ngayon ka lang?" halata sa boses at mukha ko ang pagkairita."Dumaan kasi ako neto at saka eto. Pasensiya na. Happy first anniversary." Humihingal siya. Pawisan. Mukhang nagmamadali talaga siya para umabot.Nakita ko sa kamay niya ang isang rose at valentine card. Nawala yung inis kong naramdaman kanina.“Oh ang sweet ni Dindo ah.” Si Lolo. Nakita niya ang hawak ni boy friend ko.“Oo nga parang ikaw lang no

    Huling Na-update : 2024-02-27
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 45

    Chapter 45Hindi na nga dumating pa ang kuya ni Dindo bago kami magmartiya. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Nilingon niya ako. Nakita ko ang pangingilid ng kaniyang luha. Ngumiti ako. Mapait na ngiti ang kaniyang isinukli sa akin. Alam kong iba pa rin sana kung pamilya niya ang kasama niya. Yung sana may paghahandugan siya sa kanyang mga pinaghirapan.Tinawag ang pangalan niya para sa kaniyang valedictory address. Tinapik ko ang balikat niya at ginagap niya ang palad ko bago siya tumayo. Huminga siya ng malalim. Nagngitian kami bago siya tuluyang tumalikod sa akin. Palakpakan ang lahat nang umaakyat na siya sa entablado.Hindi ko alam kug anong nilalaman ng kanyang speech dahil may ginawa ang adviser namin na speech niya ngunit tinanggihan niya iyon. Gusto daw niyang magsalita sa kung ano ang nasa puso niya at isip sa araw ng aming pagtatapos. Hindi niya gusto ang isinasaulong mensahe. Lahat kami nag-antabay ng kanyang mga sasabihin. Tahimik ang lahat. Mukhang nakuha niya

    Huling Na-update : 2024-02-27
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 46

    CHAPTER 46 Naluha siya sa nabasa niya. Huminga siya ng malalim. Nahihiya ako kay tita. Hindi ko alam kung paano mabayaran ang mga kabutihang pinakikita niya sa akin. Ngunit scholar na ako dahil ako ang Valedictorian na alam kong ginawan mo ng paraan kasi batid ko, mas matalino ka naman talaga sa akin pero pati iyon ipinaubaya mo sa akin. Hindi ko nga lang alam kung saan ako mag-aaral. " umupo siya. "Paano kaya ako makakabayad kay tita sa mga kabutihan niya sa akin?" tanong niya.Lumapit ako sa pintuan. Isinara ko at ni-lock."Simulan ko na ang paniningil sa utang mo kay Mommy." Kinindatan ko siya habang ngumingiti ako ng may pagkapilya."Patay! May iniisip na naman siya na iniisip ko din" nakangiti niyang sambit habang lumalapit sa akin."Kanina mo pa kaya ako gustong kainin, dahil mapagbigay naman ako kaya ibibigay ko ang hilig mo. Graduation gift ko na din sa'yo.""Ang kapal. Ako pa ngayon ang pinalalabas mong may plano nito?""So, ayaw mo?" nagkunyarian akong tumayo at tinungo ang

    Huling Na-update : 2024-02-27

Pinakabagong kabanata

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   FINAL CHAPTER

    FINAL CHAPTER“Go Mama.” Sigaw ng kinikilig na si Shantel."Of course! Yes!" sagot ko. Yumuko din ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay kaming tumayo. Nagyakapan at binuhat niya ako. Ipinaikot niya ako habang nakayakap sa kaniya. Ibinaba niya ako at pinunasan niya ang aking luha. Hinalikan niya ako sa labi. Sumabay iyon sa isang masigabong palakpakan."Tuloy na ang kasal. Double wedding!" wika niya at nag-apir sila ni Rave. Halatang planodo na pala nila ang lahat.Muling itinuloy ni Shantel at Miley ang kanilang pagkanta. Bumalik kami ni Dame sa likod para muling simulan ang aming paglalakad palapit sa aming mga minamahal.On this dayI promise foreverOn this dayI surrender my heartAko ang unang naglakad. Sumunod si Dame. Dama ko ang bawat linya ng kanta. Para akong dinuduyan sa langit. Tanging si Dindo ang nasa paningin ko habang naglalakad ako. Napakaguwapo ng aking magiging asawa sa suot niya. Idagdag pa ang kaniyang nakakikilig na ngiti. Hawig na hawig niya talaga si Ejay Fal

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 102

    CHAPTER 102Dumating ang doctor. Pinalabas kami ni Rave para maeksamin pa daw si Dindo ng maigi. Sila man ay hindi makapaniwala sa nangyari. Kakausapin na dapat nila kami para taggalin ang life support ni Dindo ngunit heto’t nangyari ang isang himala. Naka-recover si Dindo sa hindi nila malaman na kadahilanan.Masaya kami ni Rave sa labas ng kuwarto ni Dindo. Yumakap siya sa akin. Hindi nga lang mahigpit dahil ayaw niyang magalaw ang sugat ko. Sunod naming pinuntahan si Dame sa kaniyang kuwarto. Mahina man si Dame nguni ligtas na siya. Nagawa na nitong itaas ang kamay niya para sumaludo sa akin nang makita kami ni Rave na pumasok sa kuwarto niya. Bakas sa mukha nina Rave at Dame ang kakaibang saya. At sa harap ko, nakita kong hinagkan ni Rave ang labi ni Dame. Tanda na iyon ng isang simula ng tapat at magtatagal na pagmamahalan.Ilang araw pa ay tuluyan ng lumakas si Dindo. Ako man din ay halos bumalik na sa normal ang aking katawan. Ako na ang matiyagang nagbabantay sa kaniya. Masaya

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 101

    CHAPTER 101Paggising ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog. Mabilis kong nilingon ang kama na kung saan nakahiga si Dindo ngunit wala na ang kama niya doon. Pinanghinaan na ako ng loob. Alam kong mahaba ang tulog ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kinalalagyan ng kama ni Dindo. Umagos ang aking luha. Sumisikip ang aking dibdib. Ang tahimik na pagluha ay naging hagulgol. Hangga’t hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw sa pangalan ni Dindo. Awang-awa ako sa kanya na kahit sahuling sandali ng kanyang buhay ay hindi man lang siya nakaramdam ng kaginhawaan. Buong buhay niya ay puro pasakit at hirap kasama na doon yung mga panahong dumating si Rave sa buhay ko. lalong nadagdagan yung sakit na kanyang dala-dalawa. Sa buong buhay niya, ako lang ang tanging niyang minahal. Ako rin pala ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Nahihirapan akong huminga. Para akong nalulunod sa matinding emosyon ng pagkawala sa akin ni Dindo.May humawak sa kamay ko. Pinisi

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 100

    CHAPTER 100Nang una ay wala pa akong naririnig hanggang sa lumakas ng lumakas ang kanilang mga sinasabi.“Tita! Tita gising na siya. Gising na si chief!” masayang nasambit iyon ni Rave.Nakita ko si Mommy sa kabilang bahagi ng kama. Hinawakan niya ang palad ko. Naroon din sa paanan ko si Claire. May luha sa kanilang mga mata ngunit nang makita ni Mommy na nagbukas ako ng aking mga mata ay napalitan iyon ng ngiti at tawa.“Sandali lang, tatawag ako ng doktor tita.” Mabilis na lumabas si Rave."Salamat sa Diyos. Salamat anak at buhay ka. Dalawang araw kang walang malay. Salamat anak at lumaban ka para sa amin ni bunso."Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Ngumiti ako. Hinalikan niya ako sa noo."Anak laban lang ha. Tinawag na ni Rave ang anak. Gagaling ka. Hinidi mo kami iiwan. Hindi ko na kakayanin pang pati ikaw ay mawala sa amin ni bunso!"Noon ko lang din naisip ang lahat mula nang nabaril ako at tuluyan na akong ginapi ng kawalang pag-asa. Buhay ako. Buhay na buhay ako.Mabilis na pu

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 99

    CHAPTER 99Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Sandali akong nagising. Pinilit kong ibukas ang aking mga mata. Wala ako naririnig sa paligid ngunit malinaw kong nakita ang pagbukas din ng mga mata ni Dindo. Nahihirapan niyang inaabot ang kamay ko habang nakahiga kami magkatabing stretcher. Pilit ko ding inabot ang kaniyang kamay. Ginamit ko ang natitira kong lakas para pisilin iyon ngunit hindi ko kayang gawin. Sandaling nakita ko ang ngiti sa labi ni Dindo hanggang sa tuluyang unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata. Hindi ko nagawang mapanatili ang kaniyang mga palad sa akin dahil sa sobrang kahinaan. Nahulog ang kamay niya kasabay ng kaniyang pagpikit. Tinawag ko siya. Pinilit kong may lumabas na tinig sa aking labi ngunit walang kahit anong tunog akong mailikha. Gusto kong sabihin sa kanya na lumaban kami. Kailangan naming magpakatatag. Na nandito lang ako para sa kanya ngunit hanggang sa isip ko lang ang lahat. Hanggang sa itunulak na ng isang nakaputi ang kaniyang stretc

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 98

    CHAPTER 98Ang kanina'y makulimlim na kalangitan ay tuluyan nang bumigay. Pumatak ang ulan. Sabay ang madamdaming paggapang namin palapit sa isa't isa ang pagtawag ng pangalan ng bawat isa sa amin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang luha. Umiiyak siya. Ganoon din ako. Hirap akong huminga dahil sa mga tama ko sa katawan. Nagsalubong ang aming mga palad. Hindi ko na iyon binitiwan. Gusto kong maramdaman siya. Sa kabila ng nararamdaman kong hapdi ng tama ng bala ay mas gusto kong mayakap siya hanggang sa lumalaban pa kami para sa aming mga buhay. Pinilit pa rin niyang gumapang palapit sa akin. Sinikap niyang maigapang ang sugatang katawan.“Hindi, hindi tayo susuko dude ko. Hindi tayo mamatay di ba?” bulong niya. Nakita kong pinilit niya talagang tumayo pagkatapos niyang huminga ng malalim. Nang nakatayo na siya kahit pa duguan na siya ay nagawa niya akong buhatin. “Aya, dude ko… Aya. Huwag kang pipikit ha? Huwag kang bibigay dude ko.” Ang madamdamin niyang pagtawag sa aking pangalan ay

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 97

    CHAPTER 97Mga putok ng baril ang siyang hudyat para ituloy ang laban dahil nasa paligid na namin ang mga kaaaway.Kasunod iyon ng isa pang putok hanggang sa natumba ang isang rebelde na malapit sa amin."Kung ayaw ninyong umalis dito, utang na loob, gamitin ninyo ang hawak ninyong baril!" si Rave. Siya ang bumaril sa rebeldeng dapat kikitil na sa aming buhay.Ikinasa ni Dindo ang hawak niyang armas. Ganoon din ako. Nagkatinginan kami."Sigurado ka, kaya mo talaga?""Kaya ko. Ako na lang ang magsisilbing back up ninyo. Dito lang ako.”“Kahit anong mangyari ngayon, lagi mo lang tandaan na nandito ako para sa’yo. Wala akong hindi kayang gawin para sa’yo dahil mahal na mahal kita.”“Sige na, dude. Tulungan mo na sina Dame at Rave."Gumapang siya at umasinta. Alam kong hirap ang kalooban niyang kalabanin at barilin ang dati niyang mga kasamahan ngunit ginagawa na niya iyon dahil sa pagmamahal niya sa akin. Noon ko lalong napatunayan kung gaano niya ako kamahal.Nakita kong maraming inasint

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 96

    CHAPTER 96“Katapusan mo na! Papatayin kita hayop ka!” sigaw ko kasabay ng kaagad kong pagkalabit sa gatilyo...Inulit ko pa, inulit ng inulit ng inulit...Ngunit walang putok...Walang bala ang lumabas. Nanlumo ako.Walang bala ang naagaw kong baril.Nagtawanan silang lahat. Lalo akong kinabahan."Ano ha? Akala mo mauutakan mo pa kami gaga!" singhal ng kumander nila.Hindi ko kailangan sagutin iyon. Hindi ko kagustuhang magkamali sa aking diskarte."Sige Jacko. Dalhin mo ang mainit na tubig na iyan at ibuhos mo sa kaniya para malapnos siyang buhay!"“Pero kumander paano naman yung usapan. Mas masarap ‘yang kainin na hindi luto. Pwede bang matikman na muna bago lutuin ng buhay?” paningit ng dumidila-dila pang isang rebelde.“Oo nga kumander. Tirahin na muna kaya namin ‘yan.”“Tumahimik nga kayo. Kahit naman lapnos na ang balat niyan ay titirahin niyo pa rin. Mamayang gabi na lang ‘yan tirahin kapag hindi pa dumating ang kanyang tagapagligtas para bukas ng umaga, hindi na ito sisikata

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 95

    CHAPTER 95Madaling araw nang kumulog at kumidlat. Bumuhos ang ulan. Naging dobleng pasanin ang ibinigay niyon sa akin. Malamig at tuluyan nang parang walang pakiramdam ang aking mga paa. Namamanhid na ang aking katawan. Dahil sa pagod, hirap at hapdi ng natalian kong kamay at paa, idagdag pa ang mga suntok at sipa nila sa akin ay hindi ko na kaya pang pigilan ang aking pagluha. Gusto kong ilabas ang sakit na aking nararamdaman. Ganito ba kahirap ang kailangan kong pagdaanan? Paano kung bukas nga ay hindi na ako sisikatan ng araw? Paano kung hanggang bukas wala pa rin ang aking tagapagligtas? Ngayon palang naiisip ko na ang gagawin ng lahat sa akin. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa babuyin ako’t pagpapasa-pasaan.Isa pang nakakapagbagabag sa akin ay ang takot na maaring nasa hospital si Dindo ngayon kung hindi man siya natuluyan kanina ng mga rebelde. Bakit laging ganoon? Bakit lagi akong walang magawa kung nasa kapahamakan ang taong mahal ko? Lagi bang kailangang ako ang

DMCA.com Protection Status