Medyo nagsalubong ang mga kilay ni Mark. "Hindi, wala pa ring leads sa imbestigasyon namin at pinapatunay nito na may tao minamanipula ang lahat ng ito. Pero huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong maayos namin itong haharapin."Nag-alinlangan ng sandali si Arianne bago siya nagtanong. "Ano... ano ang gagawin natin kung matagpuan man sila?"Kumibot ang labi ni Mark nang marinig niya ang pag-aalinlangan sa boses ni Arianne, “Alam nila ang ginawa nila at alam rin nila na nasa pinaka-maselan na period ang kanilang pamangkin sa kanyang panganganak, kaya talagang nakakagalit ito. Ang masama pa, sila ang iyong tito at tita, hindi ito mapapatawad kung binabantaan man sila kaya nila ginawa iyo. Siyempre, hindi ko rin patatawarin ang puppet master na iyon sa likod ng lahat ng pangyayari na ito. Naiintindihan ko ang iyong mga alalahanin, Ari. Base sa lahat ng mga kaganapan, masasabi ko na ang role ng iyong tita dito ay passive pero forced. May mga dahilan para paniwalaan ito lalo na’t dumatin
Ang sanggol ay kailangang iwan sa pangangalaga ni Mary nang makarating ang grupo sa hotel, dahil kailangan nina Arianne at Mark na maglakad-lakad at batiin ang kanilang mga bisita.Naging maayos ang paggaling ni Arianne mula sa pagbubuntis. Suot niya ngayon ang isang magandang puting damit na pinalamutian ng ilang artistic splashes ng itim, hapit ito kaya talagang makikita ang bawat hubog ng kanyang katawan. Kung hindi lang nakasunod si Mary habang hawak ang kanyang sanggol, walang sinuman ang maghihinala na siya ay nanganak kamakailan lang.Karamihan sa mga bisita ay mga magnate at mga personalidad mula sa iba't ibang negosyo, walang sinuman dito ang pamilyar kay Arianne. Kahit papaano ay nakita niya ang mga makahulugang tingin na makikita sa mga mata ng mga taong nakatingin sa kanya.Hindi masasabi na enggrande ang naging kasal ni Mark at Arianne. Isinapubliko ang kasal nila, ngunit ang mga tao ay hindi maiwasang magtaka kung bakit ang asawa ng sikat na Mr.Tremont ay magkakaroon n
Makikita sa loob ng kahon na regalo ni Tiffany ang mga golden bracelets, habang ang regalo naman ni Tanya isang gold pendant na nakasabit sa pulang string at ito ang horoscope ng sanggol.Sinuri ni Arianne ang mga regalo at pagkatapos nito ay hinalikan niya ang mapulang pisngi ni Aristotle habang sinasabing, "Magpasalamat ka sa dalawang auntie mo, sweetie. Dapat tandaan mo sila paglaki mo, okay? Mamahalin ka nila ng sobra!"Napansin ni Vicy ang eksenang iyon, winagayway niya ang kanyang puwitan at humarap siya sa kanila. Talagang mamahalin ang suot niya ngayon. Siya ngayon ay nakakakuha ng atensyon ng maraming tao dahil sa kanyang pabidang ugali, kabaligtaran sa kanyang mas down-to-earth niyang pagkatao noong una niyang nakilala sina Tiffany at Tanya sa unang pagkakataon.“Oh, nandito na pala kayo?... Ah, ikaw pala si Mrs. Tremont! Masaya akong makilala ka. Ako ang girlfriend ni Eric! Ito! Para maliit na baby. Binili namin ni Ricky ang regalo na ito — aw, sobrang cute niya!”Nabali
Hindi naging mas masigla at masaya ang Tremont Estate ngayong maraming tao ang nasa loob nito. Sa halip, para bang sinipsip ang buhay mula dito.Si Tiffany ay kakampi ni Tanya at hindi niya tinangkang itago ang kanyang galit kay Vicky. Kasama pa dito ang katotohanan na nandoon rin si Jackson, kaya naging mabigat talaga ang pakiramdam sa paligid.Hindi nababalisa si Tanya sa oras na ito. Sa halip, malaya siyang sumali sa grupo ng mga lalaki at nakipag-chat sa kanila at talagang namumukod-tangi siya sa kasalukuyang pinag-uusapan nila.Kinakainis ng kahit sinong tao ang isang babae na umaasta na parang kilala niya ang lahat, ngunit si Vicky ay kakilakilabot pagdating sa category na ito dahil patuloy niyang inuutusan si Mary, na nag-aalaga kay Aristotle, na parang siya ang mistress ng bahay na ito. “Excuse me, Mary, pero pwede bang gawan mo ako ng isang basong juice? Hindi kasi ako mahilig sa tsaa."Pinahintulutan lang siya ni Mary dahil iginagalang niya si Eric. "Masyado akong busy sa
Tumalikod si Tiffany habang puno ng luha ang mga mata niya. Sa simula pa lang ay hindi na siya pinapansin ni Jackson at nakikipaglandian pa siya sa girlfriend ng kanyang bestfriend! Pagkalipas ng ilang segundo, kinuha niya ang kanyang handbag at sinabi kay Arianne, “Ari, may oras pa tayo bago kumain. Maganda ang panahon ngayon. Bakit hindi tayo mag-shopping? Si Mary na ang bahala sa sanggol. Nakapaghanda ka na rin naman ng breastmilk."Natutuwa ang lahat ng babae kapag namimili sila at si Arianne ay hindi exemption doon. Dahil dito ay pumayag agad siya. "Good idea; imbitahin mo si Tan. Sabay-sabay na tayo. Hindi ka ba nag-drive papunta dito? Gamitin natin ang kotse mo…”Tinititigan siya ng maigi ni Tiffany bago pa man matapos ang kanyang sinasabi. “Hindi yan ang kotse ko. Oras na para ibalik ko ito sa aktwal na may-ari nito. Hayaan mo akong imaneho ang isa sa mga kotse ng asawa mo."Napawi ang ngiti sa mukha ni Jackson. Matagal silang nagsama ni Tiffany at alam niya kapag nagagalit
Nagbigay ng "okay" sign si Tiffany. "Walang problema. Ang palayaw ng iyong anak ay 'Smore' dahil sinabi mo na mukha siyang marshmallow! Medyo cute ito pakinggan."Smore, Rice Ball. Isang sanggol at isang pusa. Ang dalawang iyon ang mga tagapagligtas ni Arianne. Pinoprotektahan siya ng dreamcatcher na may abo ni Rice Ball mula sa lahat ng mga bangungot. Siguro naman ay kasing malumanay niya si Smore.Hindi nag-aksaya ng oras ang mga babae sa mall at siniguro nilang bumili ng kahit anong gusto nila. Hindi nagtagal, ang mga kamay ng tatlo ay puno ng mga shopping bag.Biglang nag-ring ang phone ni Tiffany sa sandaling ito. Pilit niyang sinagot ito gamit ang isang braso. "Hello?"“Shopping?” Sagot ng kakaibang paos na boses ni Alejandro."Sinusundan mo ba ako?" Naalarma si Tiffany.Humalakhak naman si Alejandro, “Hehe... Hindi naman. May binili si Jett para sa akin at nakita ka niya sa shopping mall. Nabalitaan ko na one month celebration ng kanyang baby, kaya nagpadala ako ng regalo
Pagpasok sa kwarto ng sanggol, nakita ni Arianne ang isang dreamcatcher na nakasabit sa maliit na higaan ni Aristotle. Nagulat siya na may nilagay na dream catcher si Mark doon. Misan pala ay nagiging malambot ang mga lalaki...Mahimbing na natutulog ang bata at paminsan-minsan ay gumagalaw ang kanyang maliliit na labi. Napaka-cute ng itsura nito. Ang kanyang dalawang maliliit na kamay ay nakasara at nakalagay ito sa kanyang tagiliran. Ang kanyang mga braso ay mabilog na may hiwa sa pagitan. Mukhang hindi napunta sa wala ang kanyang pagdudusa sa ospital. Sapat ang gatas na binigay niya sa baby dahil mukhang malusog ang itsura nito.Maingat siyang umalis pagkatapos suriin ang sanggol. Bumaba siya at nakita niya si Tiffany na binubuksan ang kanyang mga nabili sa kanilang shopping trip. "Hindi ko na pinaplano na gamitin ang kotse ni Jackson, pero mukhang kakailanganin ko ito. Masyadong marami ang nabili ko. Ibabalik ko ito sa kanya nang personal pagkatapos kong gamitin ito. Ito na lang
Sa wakas ay inilipat ni Jackson ang kanilang makeout session sa sopa nang nagsisimula nang bumigay ang kanyang mga binti. Nakawala na ang mga kamay ni Tiffany at agad niya itong sinampal.Nabigla siya ng saglit bago niya inipit ang mga braso nito sa itaas ng ulo ni Tiffany at ibinaon ang balakang nito sa kanya. Pagkatapos ay hinalikan niya ito.Tuluyan nang sumunod si Tiffany nang maamoy niya ang kanyang madugo at matamis na halimuyak. Hindi pwedeng magpatumpik-tumpik sa isang lasing na lalaki, ngayon niya lang ito naintindihan. Hindi dapat siya dumating para ibalik ang sasakyan!Pagkaraan ng ilang oras, nahihilo siya nang marinig niyang umungol si Jackson sa kanyang tainga. “Mas magaling ba siya kaysa sa akin? May nangyari na ba sa inyo? Sagutin mo ako!”Ang tanging naramdaman ni Tiffany ay ang gumagalaw na kisame. Masyadong malakas ang pwersa ng kanyang thrust at talagang hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam na igo. Sa tuwing bubuka ang kanyang bibig, siya ay umuungol na may ha