Nagulat si Ellie. Tiningnan ni Mark ang kanyang maselan na damit ngunit wala siyang reaksyon dito. Medyo nadismaya siya sa reaksyon ni Mark, "Okay… gagawin ko agad ito."Tumawid siya ng kalsada sa ilalim ng mainit na araw patungo sa café. Napabuntong hininga si Ellie nang maramdaman niya ang malamig at nakaka-preskong hangin sa café. Naglakad siya papunta kay Naya at sinabing, "Dalawang cups ng iced black tea, please."Napansin ni Naya ang suot ni Ellie sa isang sulyap ngunit wala siyang masabi. Mahinhin na tao si Naya, pero madalas rin siyang nakabihis ng mga spaghetti strap na damit na may kasamang hot pants o mini skirt. Gayunpaman, ang getup ni Ellie ay mas daring kumpara sa isang simpleng spaghetti strap top..."O-okay ..."Medyo naghiya si Naya. Siya ay masyadong nahihiya na titigan siya nang matagal kahit na pareho silang babae.Sa likuran ng counter, narinig ni Tiffany ang boses ni Ellie at tumalikod siya. Agad siyang nagalit, “Kakaiba ang workwear mo. Bagay ka maging isan
Panandaliang nablangko ang isip ni Ellie at sinundan ito ng banayad na alon ng tuwa. “Siguro dahil napakahusay ko sa bawat aspeto, tama ba?” Bigla niyang nilagay ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likuran ng kanyang tenga at nagtatampo niyang sinabi, "Bakit?""Noon, ang buong atensyon mo ay nasa trabaho lang at hindi mo ako sinusubukang akitin."Agad na nagbago ang itsura ni Ellie at mabilis niyang inayos ang kanyang pagkakatayo, "Sorry..."Tumanggi si Mark na bigyan siya ng isa pang pagkakataon, "Kunin mo ang sahod mo sa finance department. You’re fired. Makakatanggap ka pa rin ng isang magandang severance package.”Hindi makapaniwala si Ellie sa pangyayari na ito. Marami pa sana siyang gustong sabihin, ngunit isinara niya ang kanyang bibig habang nakatitig siya sa nagyeyelong mga mata ni Mark. Ngayon naghiganti ang katotohanan. Napanatili niya ang magandang trabaho na ito sa loob ng maraming taon salamat sa kanyang sariling mga kakayahan sa professionalism niya, hindi dahil lang
Napakunot ang si Jackson, "Malapit na ako. Kinuha ko lang yung kotse. Huwag mo akong minamadali. Wala akong pakialam sayo hangga't hindi pa lumalabas ang resulta. Tigial mo rin ang kakaiyak mo!"Sumugod siya sa hotel na tinutuluyan ng babae at mabilis niyang binuhat ang sanggol sa kanyang mga kamay bago niya ito isinugod sa ospital. Habang hawak ni Jackson ang chubby na baby sa kanyang mga braso, nakaramdam siya ng kakaibang uri ng pakiramdam na huli na niyang napagtanto bilang takot pala. Walang pahiwatig ng pakikiramay sa kanyang mga mata. Patay na siya kung siya ang tatay ng batang ito!Tahimik na nakaupo si Jackson sa isang mahabang upuan sa gitna ng nakakalungkot na corridor ng ospital. Ang dati niyang kasama sa kama ay maluha-luhang nakatitig sa kanya, "Salamat dahil hindi mo kami binalewala sa amin..."Ayaw niyang tingnan ang babae at wala siyang emosyon nang sumagot siya, "Hindi ako masamang tao. Hayaan mong sabihin ko sayo ito - ayaw kong magkaroon ng kinalaman sa batang iy
Sa puntong ito, hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng pagkakamali. Nagpanggap siyang kalmado at umiiyak, "Sa palagay mo ba gusto kong manatili dito at magdusa sa iyong kahihiyan? Kung sa palagay mo ay gusto ko lang ng pera, ibigay mo na lang ito sa akin. Aalis ako kaagad. Pareho tayo dahil ayoko rin maghintay pa ng mas matagal! Ang anak natin ay hindi sanay sa lugar na ito at siya may sakit pa siya. Mas nasasaktan ako kaysa sa ibang tao. Kung ganoon ang mangyayari, mas mainam nang kausapin ko ang girlfriend mo!"Bago pa man makapagsalita si Jackson, biglang lumabas ang doctor mula sa emergency room, "Hinahanap ko ang mga magulang ng baby na ito?"Pinunasan ni Georgina ang kanyang luha at naglakad papunta sa doktor, “Ako ang nanay niya. Kamusta anak ko? Okay lang ba siya? ""Nahihirapan siya dahil meron siyang matinding gastroenteritis. Pero hindi ito masyadong malala, kailangan niya lang manatili sa ospital under observation sa susunod na dalawang araw. Tingnan niyo ang kanyang p
Naghintay siya para makumpleto ang IV transfusion ng kanyang anak at pagkatapos ay dinala niya ito, nagpara siya ng isang taxi at pumunta siya patungo sa dessert shop ni Arianne. Matagal na niya nagawa ang kanyang imbestigasyon tungkol dito. Tulad ng sasabihin ng sinaunang Chinese General Sun Tzu, alamin ang iyong sarili at alamin mo ang iyong kalaban, panigurado na hindi ka matatalo.Nakita niya kaagad si Tiffany mula sa sandaling naglakas siya sa loob ng café. Ang mga babae ay may tumpak na intuition. Sa katunayan, mabilis niyang nalaman ang kasalukuyang girlfriend ni Jackson, batay lamang sa kanyang intuition. Hindi agad siya gumawa ng anumang eksena pagpasok niya. Sa halip, dinala niya ang kanyang anak, naghanap ng isang mesa, at umupo. Masama ang pakiramdam ng baby niya kaya't kaya umiiyak siya habang nandoon siya. May karanasan si Naya sa pag-aalaga ng bata, kaya lumapit siya sa kanya at tinanong, "Kailangan mo ba ng tulong?"Mabilis na pinakita ni Georgina ang mahina at marupo
Ngumisi si Mark, "Heh... Takot ka na baka hindi ka makakuha ng isang sentimo kapag lumabas sa resulta na hindi si Jackson ang tatay ng anak mo, hindi ba?"Makikita sa mga mata ni Georgina na nagulat siya dito. Nanatili siyang kalmado at sinabi, "Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo. Hindi ko kailanman sinabi kay Jackson na kunin niya ang responsibilidad bilang tatay ng bata na ito, pero pinahirapan ako ng realidad. Single mother ako na nagpapalaki ng isang anak kahit na wala akong pinagkakakitaan. Wala akong ibang mapupuntahan. Ayoko rin guluhin ang buhay niya. Tumanggi siya na pakasalan ako at tanggapin ako at ang baby ko, kaya ang pera lamang ang makukuha ko. Alam ko na pareho kayong magagaling na lalaki, pero hindi mo dapat pahirapan ang isang mahinang babae, di ba?"Makikita ang nakakaawang itsura sa mga mata ni Mark, "Hindi namin ito kailangan at hindi namin ito gagawin. Kilala ko si Jackson at hindi siya magiging madamot para sa medical bills ng bata. Pwede ka nang umalis
Napansin ni Tiffany na parang nagsisinungaling sa kanya si Jackson, "Pinagtatakpan mo siya. Ano ang ibig mong sabihin sa 'hindi mo alam'? Sigurado akong alam mo ang tungkol dito. Ari, makipaghiwalay, ngayon din. Hindi mo dapat palampasin ito!"Tumango si Arianne bilang pagsang-ayon, “Gagawin ko iyan. Maghihiwalay na lang kami... "Si Jackson ay nagtatampo ngunit tinago niya ito, "Tama na ‘yan. Tigilan niyo na ‘yan. Kakausapin ko si Mark tungkol dito. Hindi ba kailangan niyong asikasuhin ang negosyo niyo? Manatili kayong dalawa dito!”"Sorry, Ari..." Nalungkot si Naya para kay Arianne kaya nanghingi siya ng tawad nang umalis si Jackson, "Hindi ko alam na kilala pala ng babaeng iyon ang asawa mo... Tinulungan ko pa siyang buhatin ang kanyang anak…"Kakaibang tuwa ang naramdaman ni Arianne dahil napunta kay Mark ang lahat ng sisi. Kahit papaano ay maganda ang kanyang pakiramdam ngayon, "Okay lang. Bumalik ka na sa trabaho. Babalik na rin ako sa kusina…” sabi niya sa isang sing-song na
Tumingin si Tiffany kay Mark dahil naramdaman niya na nakatingin ito sa kanya. Tumingala si Mark kasabay ng mabilis na pagtulak ni Arianne kay Tiffany papasok sa kusina. "Tumulong ka muna!"Biglang nag-ring ang cellphone ni Jackson na nasa coffee table ng sala. Kinuha ito ni Mark para sa kanya; Ang malakas na boses ni Summer ay narinig mula sa speaker. "Ikaw bulok na bata ka, ano ang ginawa mo sa $150,000? Hindi ko narinig mula sa kumpanya na nangangailangan ito mga pondo kamakailan, anong ginastos mo? May pinaplano ka bang masama?"Inilayo ni Mark ang cellphone sa kanyang tainga at ramdam na ramdam niyang umiiyak ang kanyang eardrums sa lakas ng boses ni Summer. "Mrs. West, ako ito, si Mark. Busy si Jackson. Alam ko ang tungkol dito. Hindi niya ginastos ang pera sa mga walang kwentang bagay, kaya't huwag kang mag-alala. Hindi na rin siya bata at $150,000 ay hindi malaking halaga."Nang marinig ni Summer ang boses ni Mark, naging mas banayad ang tono ng pananalita niya. "Ah, ikaw p