Habang pauwi na, lumingon si Arianne kay Mark at tinanong, "Nakausap mo na si Jackson, di ba? Bakit niya ginawa ito?"Sinabi ni Mark sa kanya ang totoo. "Ang lalaking iyon ay basura. Sabihin mo kay Tiffany na lumayo sa kanya.”Sa wakas ay naintindihan na niya ang nangyari. "Bakit hindi mo sinabi sa kanya noong una? Sasabihin ko kay Tiffie. Pero bakit hindi mo ito ipinaliwanag agad sa kanya? Mas simple sana iyon. "Inirapan siya ni Mark na parang nakatingin siya sa isang idiot. "Minsan, ang pagiging prangka ang magpapamukha sayo na isang tanga, hindi mo ba alam ‘yon? Walang mali sa pagiging mataktika."Eleven na ng gabi. Ang White Water Bay Café ay nagsara para sa maghapon. Naglakad si Jackson papasok sa garahe na may hawak na mga susi ng kotse. Nakarating na lang siya sa kanyang sasakyan nang biglang lumitaw ang isang grupi ng mga kalalakihan mula sa kadiliman. Si Ken ay kampanteng lumitaw mula sa likuran ng isang Mercedes-Benz. "Hoy, g*go, masaya ka ba nung binugbog mo ako?"Wala
Ang isip ni Tiffany ay puno ng mga katanungan hanggang sa mapatanong siya, "Teka, ikaw ang... nanay ni Jackson West? Masaya ako na makilala ka, Mrs. West. Pamilyar ako sa kanya. Siya ang aking boss at isang kaibigan ng asawa ng kaibigan ko. Pero... Hindi ako masyadong sigurado sa sitwasyon."Inilabas ni Mrs. West ang isang dokumento na puno ng mga salita mula sa kanyang likuran. "Hindi ako kayang ipaliwanag ito sayo. Tingnan mo mismo. Ito ang lahat ng impormasyong ibinigay sa akin."Pinagpapawisan si Tiffany. Kinuha niya ang file at binasa ito ng maigi, lalong naging mahigpit ang kanyang tingin. Malinaw na inilarawan ng dokumento ang lahat, mula sa marahas na pambubugbog ni Jackson laban kay Ken sa White Water Bay Café hanggang sa lahat ng nangyari pagkatapos nito. Magulo ang damdamin niya tungkol dito. Sinugod ni Jackson ang isang tao dahil kay Tiffany? At natapos ang lahat nang sugatan siya ..."Pasensya na po, Mrs. West. Saang hospital ba siya? Bibisitahin ko siya, " sinabi ni Ti
Ang nurse ay tila naiinis, ngunit hindi siya nagsalita tungkol dito. Tumalikod na siya para umalis. Kung tutuusin, kung ang isang pasyente ay may isang tao na mag-aalaga sa kanya, hindi niya ito kakailanganing alagaan.Makalipas ang ilang minuto, sumasakit ang kamay ni Tiffany. "Kaya mo ba talaga? Gumamit ka ng isang urinary catheter kung hindi ka iihi. Huwag mong pilitin ang iyong sarili... "Namula ang mukha ni Jackson saka biglang naging maputla. "Ikaw ang 'hindi kaya'... Babae ka. Hindi ka ba nahihiya sa lahat ng ito? Nabanggit mo pa na ikaw ang nag-alaga sa tatay mo noong siya ay may sakit. Hindi ba ito inappropriate, kahit na ikaw ang kanyang anak na babae? Hindi magiging masama kung ang nanay mo ang nag-alaga sa kanya… "Sumagot si Tiffany na may pangungutya sa kanyang sarili, "Ang nanay ko? Kung nakasalalay lang kay mama si papa sa buhay, hindi niya kailangang maghirap habang buhay pa siya. Ang nanay ko ay isang babae na ang tanging talento ay nag-enjoy sa buhay. Kahit na ak
Nagulat si Arianne kung bakit siya nabibigo. Kay Mark. Bakit siya dapat nadismaya? Hindi siya dapat nagkaroon ng pag-asa noong una pa lang. Dapat siyang magpatuloy tulad ng dati niyang kinagawian - manatiling malapit ngunit panatilihin din ang kanyang distansya, tama?Sa oras ng tanghalian, isang natatanging pigura ang lumitaw sa pasukan ng opisina. Ang mga empleyado na naghanda nang lumabas para sa tanghalian nang bigla silang tumigil sa kanilang paglakakad at nabigla sa kanilang nakita. Nakita nila na sobrang kaakit-akit si Mark. Karagdagan pa doon, siya ay may hawak na isang napakagandang thermal lunch box.Ang bagong kumpanya ay binubuo ng mga bagong staff. Karamihan sa kanila ay hindi pa nakikita si Mark, kaya't hulaan nila kung kanino "noble husband" ang nasa harapan nila. Pagdating niya sa mesa ni Arrianne, sa wakas ay natauhan ang lahat, nagbuntong hininga at dahan-dahang umalis."Anong ginagawa mo dito?" Nabigla si Arianne nang makita siya."Lunch time na," hindi siya masy
Sa kalagitnaan ng gabi, nagpadala siya ng message kay Mark pagkatapos ng kanyang pag aalangan: Busy ka ba? Narinig ko na may nangyari sa iyong mga internasyonal na kumpanya.Pinili niyang ipadala ang mensaheng iyon sa kalagitnaan ng gabi dahil sa pagkakaiba ng oras sa ibang bansa. Ang dalawang tao ay kailangang magtulungan para lumago ang isang relasyon. Wala itong katuturan kung hindi siya nagpakita ng pag-aalala sa kanya.Matapos ang higit sa limang minuto, sa wakas ay dumating ang sagot ni Mark: Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo. Ingatan mo lang ang sarili mo.Binasa niya ulit ang mensahe sa screen ng cellphone ng ilang beses, unti-unti siyang nalulungkot sa tuwing binabasa niya ito. Siya ay naging mabait sa pamamagitan ng pagtanong kay Mark ng isang katanungan pero kahit na ganoon, hindi nagbago ang trato ni Mark sa kanya. Hindi niya dapat ito tinanong noong una pa lang!Kinabukasan, patuloy na kumalat ang balita ng internasyunal na kumpanya ni Mark. Mayroong kahit isang pan
Hindi mapigilan ni Arianne na ibahagi ang kagalakan niya. Ito ay nakapagtataka. Ang kauna-unahang tao na naisip niya ay si Mark ngunit hindi niya ito tinetext, natatakot na baka maabala siya. Sa halip, si Tiffany lang ang mabibigyan niya ng balita.Matapos makipag-chat sandali kay Tiffany, naramdaman niya na ang bigat ng kanyang mga talukap ng mata, nakatulog siya nang hindi namamalayan.Walang ideya si Arianne kung gaano katagal ito nang hindi niya marinig na may nagbukas ng pinto. Hindi pa niya nakasanayan ang katotohanang bumalik siya sa Tremont Estate at inaantok na inakala niyang nasa apartment pa rin siya. Siya ay nag-iingat kapag nag-iisa lang siya, nag-aalala tungkol sa mga thugs papasok sa bahay kaya't siya ay nagising sa sobrang gulat. "Sino yun ?!"Ang ilaw ng kwarto ay nakabukas bigla habang nakatingin sa kanya si Mark sa sobrang pagod. Tumayo siya sa isang lugar, maingat na hindi mag-ingay. "Ako to. Matulog ka na ulit, maliligo na ako."Huminga nang maluwag si Arianne,
Sa pagtingin sa relo, huminto sandali ang hininga ni Arianne ng kumalas siya kaagad. Pamilyar siya sa relo na iyon, iyon ang madalas na suot ni Mark. Hindi siya nagbigay ng pansin kung may nawawala sa pulso ni Mark nang umuwi siya kagabi... Nangangahulugan din ito na kasama niya si Aery bago siya bumalik sa Tremont Estate.Sa kanyang pagbabago ng ekspresyon, inilagay ni Aery ang relo sa harap niya bilang pangangasar. "Huwag mong sisihin si Mark, dear. Nasa ilalim siya ng maraming pressure kamakailan at buntis ka pa. Hindi maganda para sayo... Kahit na hindi ako, magkakaroon din siya ng iba pang mga babae. Magagalit ka rin kahit anong mangyari. Ginagawa ko ang tungkulin mo para sayo, hindi mo kailangang magpasalamat sa akin."Kinuha ni Arianne ang relo at bumangon. "Babalik ako sa trabaho kung wala nang iba."Natupad ni Aery ang kanyang layunin kaya hindi na niya kailangang manatili pa ng mas mahaba. "Oo naman, sabihin mo kay Eric na ang kanyang bagong kumpanya ay mukhang disente. Sa
Hindi naman talaga ito masama. Kinuha ni Arianne si Rice Ball. "Late na rin ako, hindi na ako pupunta sa opisina ngayong umaga. Pupunta ako pagkatapos ng tanghalian. "Malakas na yapak ng paa ang biglang narinig sa likuran niya. Inilapag ni Arianne si Rice Ball at alam niya na si Mark ang dumating. Paparusahan siya ni Mark dahil binuhat niya si Rice Ball, kaya natatakot talaga siya.“Itigil ang paghawak sa bobong pusa na ‘yon. Pupunta na ako sa opisina. Ihahatid ka ni Henry kung lalabas ka." Nagmamadaling umalis si Mark, medyo nagmamadali siya. Ni hindi niya nalagay ang butones ng kanyang manggas. Nang sumilaw sa kanya ang ginintuang araw, mayroong isang pakiramdam ng kabanalan na nakatingin sa kanya.Hinihimas ni Arianne ang kanyang labi at pumunta sa kusina upang magtanong kung ano ang pagkain kay Mary. Nagugutom na siya.Sa villa ng Kinsey, si Aery ay naging abala sa kusina buong umaga. Ito ay dahil pupuntahan doon si Helen para sa tanghalian.Malungkot si Jean na nakaupo sa cou