Kumuha si Helen ng isang property deed at isang bank card mula sa kanyang wallet. "Ito ang aking savings sa Kinsey ng ilang taon. Masaya ako na nakipaghiwalay ako kay Jean. Ang kumpanya at ang bahay ay mapupunta sa kanya habang nakakuha ako ng eighty percent savings sa dalawang iba pang properties. Ibibigay ko sayo ang isa sa mga bahay at kalahati ng pera. Plano kong magbukas ng isang maliit na kumpanya para sa sarili ko kung may matitira. Kapag namatay na ako, mapupunta sayo ang kumpanya. HIndi maayos ang management ng mga Kinsey noon at gumagana ito ngayon dahil sa partnership nila sa kumpanya ni Mark, kaya hindi masyadong malaki ang halaga na nakuha ko. Hindi ito masyadong malaki para sayo pero alam ko na nangangailangan ka ng pera ngayon."Tiningnan ni Arianne ang mga bagay na nasa kanyang kamay ngunit hindi ito agad tinanggap. Ang ari-arian ay dapat na nagkakahalaga ng hindi bababa sa ilang daang libong dolyar at ganoon din ang laman ng card. Kung hindi dumaan sa financial crisis
Nang-asar si Arianne, "Maaari mo rin siyang pakasalan. Kumain ka at gumastos."Biglang tumawa si Tiffany, ang halakhak niya ay parang evil. “Haha… Ang sakit ng tiyan ko. Naisip ko na din makuha ko din siya bilang asawa na panghabang buhay na. Sabihin na natin na matangkad, gwapo, mayaman at marunong siyang magluto - saan mo mahahanap ang isang lalaking ganoon? At kung minsan naiisip ko siya nang… he he he… hubo't hubad. Stylish ang mga damit niya, siguro maganda ang katawan niya kapag hinuhubad niya ang damit niya! Mabuti na lang at hindi ako masyadong na-infatuate. Kung hindi man, matagal ko na siyang nilamon!"Kinilabutan si Arianne "Ah ... napaka-hopeless mo. Sige, titigil na ako dito. Umalis ka na at kumain ng lunch."Pagkatapos ng tawag, biglang naramdaman ni Tiffany na may isang tao sa likuran niya habang makikita pa rin ang ngiti sa mukha niya mula sa tawag. Nagulat siya pagkatalikos niya at nakita si Jackson na nakatitig sa kanya, naramdaman niya na parang may pumitik na uga
Hindi na nagtaka si Brian. "Okay. Sir. Ayusin mo po ang upo niyo. Ihahatid na kita ngayon." Nagmaneho si Brian hanggang sa apartment ni Arianne at tinulungan niya si Mark na lasing sa taas hanggang sa makarating sa unit ni Arianne. Hindi naglakas loob na kumatok si Brian at mahinahon niyang tinawag si Arianne, "Madam, nandito si sir..."Walang tunog sa kabilang kwarto. Biglang kumalabog ng malakas sa pintuan si Mark. "Buksan mo ang pinto!" Tumalon si Brian at mabilis na pinigilan si Mark mula sa kanyang walang ingat na pag-uugali. Buntis si Arianne. Hindi siya makatakot ng ganito sa kalagitnaan ng gabi. Kung may anumang mangyari dahil dito, magiging huli na para pagsisisihan ito!Si Arianne, na ginising mula sa mga katok, ay maingat na nag-check mula sa peephole. Nakahinga siya nang maluwag nang makita niya na sina Brian at Mark kaya binuksan niya ang pinto. Bago siya magsalita, inipit siya ni Mark at niyakap siya ng mahigpit, binubulungan ang isang bagay na hindi niya nagawa."Aalis
Sumuko si Arianne sa panlalaban. Hindi mahalaga kahit na magpumiglas siya, pipilitin pa rin ni Mark na magawa ang gusto niya... Ang mga galaw ni Mark ay nakakatakot tulad ng nakakabinging kulog, na huminto sa habang umiiyak siya.Tumigil ang ulan noong gabi, mararamdaman ang init ng araw na sumikat at maririnig ang naiwang mga patak ng ulan. Si Arianne ay natakot buong gabi at halos hindi siya nakatulog.Tiniyak niya na ang kanyang sanggol ay mabuti pa, ngunit mayroon pa rin siyang galit kay Mark. Hindi siya napanatag habang naliligo siya. Ang pagod at morning sickness ang umubos sa lahat ng kanyang natitira niyang lakas, kaya hindi niya kayang yumuko at kunin ang isang nahulog na tasa mula sa sahig. Hindi pa siya nagpapakita ng anumang mga palatandaan ng morning sickness dati, ngayon niya lang ito naramdaman nang dumating si Mark. Naisip niya na siguro naapektuhan siya ni Mark...Sa wakas, nagising si Mark dahil sa ingay ni Arianne. Nagtaka si Mark nang makita niya ang hindi pamily
Kaswal na nagtanong si Arianne, "Sinong nagpadala ng mga ito?"Sinagot ng babae kung ano man ang tanungin sa kanya, "Sinabi niya na siya si Brian."Brian? Nakaramdam ng maliit na sakit sa ulo si Arianne. Hindi naging mabait si Mark sa kanya nang makausap siya nito noong umaga. Hindi niya inaasahan na hihilingin niya kay Brian na padalhan siya ng agahan. Kung hindi ito sasabihin sa kanya ni Mark, hindi rin ito gagawin ni Brian. Hindi talaga niya alam kung ano ang iniisip niya.Mainit ang panahon ngayon at ang mga pagkain ay maaaring tumagal lang ng isang araw. Hindi niya ito mauubos. Napaisip ng sandali si Arianne at sinabi, "Kukuha ako ng konti. Pwede mong kunin ang natira kong pagkain. Hindi ko mauubos ang mga ito."Ginawa ng front desk girl ang sinabi sa kanya at tinira niya ang pinakamahusay na pagkain kay Eric. Nang makita ni Eric ang label sa kahon, biglang pumitik ang kanyang dila. "Mukhang bati na sila. Tingnan mo ito, nagpapadala pa ng pagkain sa opisina...”"Mr. Nathanie
Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Mark habang nakatingin sa determinadong itsura ni Arianne habang bitbit niya si Rice Ball. Mukhang sa kanya lang walang pakialam si Arianne. Mas pinapahalagahan niya pa ang ang isang pusa...Hindi naglakas-loob si Arianne na sumakay sa kanyang kotse, alam niya na si Mark ay isang germaphobe at nag-aalala siya na ang balahibo ni Rice Ball ay malaglag sa kotse. "Hindi mo kailangang nagmamadali dito… Tapos na ang drip ngayon, sadyang hindi ko mapakain ang gamot na ito nang mag-isa sa bahay… Babalik ulit siya bukas para sa isang drip pa."Tumalon palabas ng kotse si Mark at dinampot ang pet carrier kung saan nakalagay si Rice Ball bago ito tinapon sa sasakyan. "Wala akong oras para sa kalokohan mo. Pasok."Nagulat si Arianne, nag-alala na may mangyari kay Rice Ball mula sa magaspang na kilos ni Mark, ngunit hindi naglakas-loob na makipagtalo sa kanya. Mainit at tuyo ang panahon, hindi maiwasan na mabilis na mawala ang pasensya ng mga tao. Ang isang
Hindi isinara ni Arianne ang pinto ng kwarto nang siya ay natulog. Sa ganitong paraan, ang aircon sa kwarto ay dadaloy sa sala. Kung hindi, hindi makakatulog ng maayos Mark.Ang pagod sa dalawang araw na ito ay naging sanhi ng mahimbing na pagtulog ni Arianne hanggang sa kinaumagahan. Kung hindi siya nagising mula sa tawag ng kalikasan, hindi siya mag-aabala na iwanan ang kanyang kama. Naglakad siya papunta sa banyo habang inaantok at nabigpa siya nang pumasok siya. Nasa banyo si Mark! At hindi man lang niya sinara ang pinto! Kahit na nakatayo si Mark at nakatalikod sa kanya, malinaw na naririnig siya ni Arianne.Kusa napapikit ang kanyang mga mata at lumingon. "Pwede mo bang isara ang pinto kapag gumagamit ka ng banyo?""Hindi pwede, masyadong mainit." Si Mark ay walang pakialam dahil sa inis sa kakulangan niya ng tulog.Papatayin ba siya ng init sa banyo habang umiinit siya? Wala nang sinabi si Arianne. Kasabay nito, ipinagdasal niya na maging mas mabilis si Maek. Kasama ang sang
Kinurot si Arianne si Tiffany para senyasan siya na tumigil sa pagdaldal. Sinara ni Tiffany pinikit ang kanyang bibig niya ngunit inobserbahan niya ang ekspresyon ni Mark.Ang mga mata ni Mark ay nanatili sa monitor habang sinabi niya, "Oo naman. Ang kotse ay sayo na, hindi ako sanay sa modelong iyon."Hindi inaasahan ni Tiffany na makakakuha siya ng isang bonanza. "Totoo? Pero hindi ko talaga kailangan ng kotse. Napaka bago nito at ginagamit ko lang ito sa loob ng ilang araw. Kung talagang binibigay mo ito sa akin, pwede ko ba itong ibenta? Sobrang hirap ko na ngayon, ang mga mahihirap na tao ay hindi karapat-dapat na magkaroon ng kotse... "Dahil sinabi ni Mark na ibibigay niya ang kotse, wala siyang pakialam kung anong mangyayari dito. "Bahala ka."Sumagot si Tiffany sa pag-unawa, "Mauna na pala ako. Naghihintay ang nanay ko na pagsilbihan ko siya. Umuwi na kayong dalawa. Si Ari ay mayroon pa ring maliit na baby sa loob niya. Pakisiguro na kumakain siya sa tamang oras; nagugutom