"Si Tiffany Lane, isang empleyado sa kumpanya ko," kalmadong sagot ni Jackson, pagkatapos ay tumingin kay Tiffany. "Coincidence nga naman. Mag-isa kang pumunta dito?"Medyo awkward ang nararamdaman ni Tiffany. "Hindi ... May kasama akong sa kaibigan, pero umalis muna siya." Ngumiti si Jackson sa kanya. "Okay, bigyang pansin ang lunch break sa susunod. Aalis muna ako." "Um..." Hindi makapagsalita si Tiffany. Kung talagang umalis si Jackson, sino ang makakatulong sa kanya? "Hmm?" Huminto si Jackson para tingnan siya. Kinuha niya ang kanyang lakas ng loob at dinala niya si Jackson sa isang gilid. "Pahiram ako ng pera at ibawas mo ito sa aking sweldo... Nakalimutan kong magdala ng pera," bulong niya. Natawa si Jackson at mahinahon siyang tiningnan. "Magkano?" "$ 6,600..." Pinilit niyang sabihin ang halaga. "Waiter, bill para sa table eight." Masiglang tinawag ni Jackson ang waiter upang mag-swipe ng kanyang card. Matapos kunin ang bayarin, kaagad umalis si Jackson kasama ang
Hindi na nagulat si Tiffany na hindi tinuloy nina Will at Wendy ang kanilang engagement, pero paano siya naaksidente sa kanyang kotse kinahapunan? Si Will ay isang steady na driver. Naisip ni Tiffany hindi kasing simple ng inaakala niya ang sitwasyon. Ang kanyang unang reaksyon ay tawagan si Arianne, na ngayon ay nililinis si Rice Ball. Nabigla si Arianne nang matanggap ang balita tungkol sa hindi natuloy na engagement nila Will at Wendy, pati na rin ang aksidente ni Will. "Ano? Totoo ba yan?" Sabi niya. Agad na sinabi ni Tiffany ang balita sa kanya. "Pumunta ka dito nang makita mo. Hindi ito isang pagkakamali. Ang aksidente ay nabalita sa loob ng dalawang oras matapos itong nangyari. Pinaghihinalaan kong inayos ng pamilya Galena ang car accident dahil sa hiya ng nasirang engagement. Hindi ako naniniwala na si Will maaaksidente sa dahil sa kanyang sariling pagkakamali!" Huminahon sandali si Arianne, pagkatapos ay sinabi, “Tiffie, alamin mo kung nasaan ang ospital ni Will at magta
Napangiti si Nina at tinitigan ng mabuti si Arianne. "Ang intuwisyon ng isang babae." Ngumiti si Arianne at walang sinabi. Totoo na naiinis siya kay Nina. Hindi dahil gusto niyang makipag-away kay Nina, ngunit kailangan niyang patuloy na mag-ingat sa sinumang babae na lumilitaw sa paligid ni Mark at tiyaking hindi na sila magbabanta muli sa kanya. Hindi nagtagal pagkatapos nito, tinawag siya ni Mark mula sa taas. "Tapos na akong maligo." Umakyat si Arianne at iniwan si Rice Ball sa sala. Mahigpit niyang sinarado ang pinto nang bumalik siya sa kwarto at hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. “Wala na ang engagement nina Will at Wendy. Hindi lang iyon, naaksidente rin si Will sa kanyang kotse." Si Mark ay nakabalot ng bathrobe habang pinatuyo ang tumutulo niyang buhok. Makikita ang inis sa kanyang mga mata. "Ganoon ba? Wala akong oras para alamin ang balita. Mukhang nalaman mo ang tungkol dito bago ko pa malaman iyo. Ikaw ba ay naging proactive dahil si Will ang naaksidente?" Hin
Nainis si Arianne at tumayo siya habang nakatingin kay Nina. “Aba, pwede kang umalis! Ako ang maybahay ng bahay na ito. Hindi ko kailangan ng pahintulot ng sinuman para mapanatili ang isang alagang hayop, at lalong hindi kailangan ang opinyon ng isang bisita na tulad mo. Kasalanan ng aking pusa na nakalmot ka niya, pero hindi nito kakalmutin ang kahit sino. Pasensya na sayo at babayaran ko mismo iyong injection mo. Okay na ba? " Si Nina ay masungit na tinakpan ang mga kalmot sa kanyang kamay at umakyat. Hinampas niya ng malakas ang pinto, malinaw itong narinig sa baba. Pumasok si Mark sa kwarto ni Nina, siguro dahil narinig niya ang insidente. Walang ideya si Arianne kung ano ang pinag-usapan nila, ngunit si Nina ay bumaba hindi pa nagtatagal dala ang kanyang bagahe habang may kausap sa kanyang cell phone. Mula sa kanyang tono, parang siya ay nakikipag-usap kay Charles Moran sa telepono. Inagaw ni Mark ang cellphone sa kamay niya. "Uncle Moran, hindi ganun kaseryoso ang mga baga
Tahimik lang si Arianne habang namumula ang mga mata niya. Hindi mailalarawan ng mga salita ang kanyang nararamdaman ngayon. Kahit na halos sigurado siyang si Mark ang nagplano ng aksidente ni Will, mas gusto niya itong tanggihan kaysa galitin si Mark. Sobra siyang nadidismaya ngayon. Ang pusa ang nagsimula ng away nila. Alam ni Arianne na siya ay kumikilos tulad ng isang bata na nagtatampo. Bago sila ikasal, si Arianne ang isang bata habang si Mark ay isang mahigpit na magulang sa kanya. “Mary, hayaan mo na. Ihatid siya sa kwarto. Kung tumanggi siya, magpadala ka ng tao para kunin ang pusa at itapon,” walang pakialam na sinabi ni Mark bago siya bumalik sa hapag kainan. Halos pilit na hinila ni Mary si Arianne pabalik sa kwarto. Pagkatapos ay pinayuhan niya ito. "Ari, bakit kailangan mong kausapin si sir ng ganoon, alam mo naman na nagbabago na siya ng ugali sayo? Malaki ang pinagbago niya, bakit mo kailangan mong lumapit at sirain ito? Hindi ba kayong dalawa ay naging maayos na
Hindi bumalik sa Tremont Estate si Nina at Mark noong gabing iyon. Kahit pa ganoom, si Arianne ay nakatulog pa rin tulad ng dati. Hatinggabi, sa wakas ay hindi na nakatiis si Mary at pumasok siya sa kwarto ni Arianne para gisingin siya. “Talagang natutulog ka pa? Hindi ba sapat si Aery Kinsey para mapunta ang asawa mo sa ibang babae? Hindi pa nakabalik sila Sir at Nina. Hindi ka ba nag-alala kahit kaunti?" Walang pakialam na sinabi ni Arianne, "Sa palagay mo makokontrol ko ang mga ginagawa niya?" Inabot sa kanya ni Mary ang phone. “Heto, tawagan mo siya! Kung hindi bumalik si sir, makatulog ka lang diyan dahil hindi ako makakatulog! Sasabihin ko sayo ito; basta't ikaw si Mrs. Tremont, kailangan mong makuha ang kanyang puso! Para ito sa kabutihan mo, naiintindihan mo ba?" Nakatitig saglit si Arianne sa cellphone bago siya tuluyang tumawag. Hindi inaasahan, agad na sinagot ni Mark ang tawag. Parang namamaos ang boses ni Mark, ngunit hindi siya tunog galit. "Kamusta?" Pinakalma
Ang ulap na nakabitin sa itaas ni Arianne ay agad na nawala nang marinig niya ang tunog ng mga pages mula sa isang libro na nakabukas. "Hindi ako makakalabas. Alam mo naman ang sitwasyon ko. Pumunta ka na lang at kamustahin siya para sa akin.” Medyo sumama ang loob ni Tiffany nang marinig 'yon. "Sige kung ganon… tatanungin ko siya kung anong nangyari kapag nagkita kami. Paano siya maaksidente ng biglaan? Kung talagang ang mga Galenas ang may pakana nito, hindi ko sila mapapatawad!" Nangibabaw ang kunsensya ni Arianne, pakiramdam niya ay nagkakasala siya para kay Mark. "Sure... Pumunta ka na... Hindi pa ako nakakabangon sa kama. Ibababa ko na 'to." Pagkababa niya ng tawag, nagtagal pa siya sa kama bago tuluyang pumasok sa banyo para maligo. Dahil ginugol niya ang karamihan sa kanyang oras sa kama, natuklasan niya na ang kanyang buhok ay humaba na. Naging magulo ito nang matulog siya kagabi, at anuman ang gawin niya, hindi niya masuklay ang mga buhol. Nang makita niya ang isang g
Natawa si Tiffany. "Ang nanay mo at ang b*tch na babae na iyon, si Aery. Ang sarap maging mayaman sa panahong ito. Sinasagasaan ka ni Aery ng kanyang kotse at naging dahilan iyon ng pagkalaglag mo, pero nandito siya, pagala-gala lang. Akala ko mapupunta siya sa kulungan ng maraming taon! Nakakasuka! Siguro malaki ang nagastos nila upang makapagpiyansa siya. Paano ito natitiis ni Mark?" Huminga ng malalim si Arianne, hindi naglakas-loob na isiwalat ang katotohanan sa kabila ng kanyang konsensya. "Siya ang nakababatang kapatid ko. Pareho kami ng ina. Dahil ipinanganak ako ng nanay ko, iyon na ang tatanggapin ko bilang kabayaran sa ginawa. Ano ang ginagawa nila sa ospital?" Saglit na inisip ito ni Tiffany bago siya sumagot, “Mukhang pumunta ang iyong nanay doon para sa isang health check. Nakakuha siya ng isang magandang buhay, mas maganda kaysa sa iyo. Maganda ang kanyang kalusugan. Wala siyang maraming isyu sa kabila ng kanyang edad. Narinig kong sinabi ng doktor na ang kanyang phys