Natakot si Arianne na baka hindi sinasadyang sabihin ni Tiffany ang mga bagay na dapat sikreto lang kaya mabilis siyang sumagot. "Okay lang ako. Hindi ako titigil sa pag-aalala kung hindi din kita tutulungan." Ngumiti si Will. "Hintayin mo ako. Kailangan kong pumunta sa banyo." Hinawakan ni Tiffany ang kamay ni Arianne pagkalabas ni Will. “Sobrang lamig ng mga kamay mo. Sinabi sayo ng doktor kahapon na magpahinga ka sa loob ng isang linggo, pero kung saan saan ka pa rin pumupunta. Pwede naman akong tulungan ni Will. Bakit hindi ka pa umuwi?" Dahil nandito na rin si Arianne, syempre, hindi siya aalis ngayon. "Ayos lang. 'Wag magsabi ng kalokohan sa harap ni Will. Ok lang ako." Sa kabilang dulo, dumating na si Will sa pintuan ng banyo nang siya ay huminto sa kanyang mga yapak. Ang kanyang titig ay sinalubong ng isang pares ng malamig na mga mata. Matapos ang isang maikling katahimikan, nagsalita siya, "Huwag mong sabihin sa akin na sinundan mo si Ari hanggang dito?" Nagdilim an
Tumingin si Will kay Arianne ngunit hindi niya sinabi ang bagay na may kinalaman kay Mark. "Wala yun. Gabi na, umuwi na tayoi. Tiffie, dapat umuwi ka na at samahan ang nanay mo." Bumuntong hininga si Tiffany. "Alam mo naman ang nanay ko. Ngayon na wala na ang tatay ko, siguro hindi siya makakahinga ng maayos ng ilang taon."Tumango si Arianne, "Aalis na ako. Tawagan mo ako kung may kailangan ka." Habang nagsasalita siya, napansin niya ang isang itim na Rolls-Royce na nakaparada sa hindi masyadong malayo. Naalala niya ng mabuti ang plate number ng kotse — kotse ito ni Mark… Lumipas ang ilang saglit nang biglang bumaba si Brian mula sa kotse, lumakad siya papunta kay Arianne at kinuha ang kanyang handbag. "Tara na, Madam." Hindi inaasahan ni Arianne na makikita niya si Mark dito. Tumingin siya kina Will at Tiffany saka sinundan si Brian sa sasakyan nang tahimik. Ang ekspresyon ni Mark sa kotse ay mahirap basahin. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Napatingin si Mark sa mg
Hiniling ni Mark na ihanda ang mga ito kahapon. Nagkataon na binisita din sila Helen at Aery kanina. Hindi siya sigurado kung hinanda niya ito para kay Aery, ngunit huli na dumating ang mga sangkap at hindi makapaghintay si Aery hanggang sa hapunan, kaya't siya na lang kumain. Mahirap makakuha ng mga high grade prawn sa panahon na ito. Tiyak na nahirapan si Mark mapalipad ito papunta sa kanila. Kakapasok lang niya ito sa kanyang bibig, at ang kalahati nito ay nakabitin, nang dumating si Mark sa hapag-kainan. Nang makita niya ang iritableng mukha ni Mark, naisip niyang naiinis ito sa kanya dahil sa pagsisimula ng pagkain nang walang respeto. Nag-aalangan siya kung ilalabas o hindi ang pagkain mula sa kanyang bibig, itinulak ni Mark ang buong plato ng mga prawns sa harap niya at sinabing, "Walang kang tamang asal sa lamesa." Bigla namang naalala ni Arianne na hindi kumakain ng mga prawn si Mark Tremont. Mukhang magiging panakip butas talaga si Arianne. Kahit na ang kanyang tono
Ngayon na lang ulit silang nagsabay kumain at nagsama sa iisang bahay. Hindi pa niya kinakausap si Arianne sa nagdaang mga araw, kaya huminto si Arianne sa kanyang paglakad nang marinig ang mga salitang ito. "Ay… ayoko ng amoy usok. Sige lang, matutulog ako sa guest room." Hindi pa siya nagsasabi tungkol sa kanyang pagkamuhi sa paninigarilyo ni Mark Tremont dati... Isang kumplikadong glint ang kumislap sa mga mata ni Mark. Itinapon niya ang kahon ng sigarilyo sa basurahan saka tumayo at humiga sa kama. "Matulog ka." Nabigla si Arianne. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito. Naitapon ba niya ang kanyang mga sigarilyo, dahil lamang sa sinabi niyang ayaw niya ang amoy? Hindi posible na gawin niya ito bilang pagsasaalang-alang sa damdamin ni Arianns. Ang pinakamalaking posibilidad ay na-asar sa kanya si Mark... Panandalian siyang napatulala saka lumakad para tanggalin ang mga sigarilyo sa basurahan. Ang basurahan sa kanilang kwarto ay laging malinis. Kung sabagay,
Sa kabilang dulo ng tawag, biglang sumulpot sa isipan ni Tiffany si Ethan. Hindi niya naikwento ang kanilang paghihiwalay, ngunit naging medyo mapait ang kanyang tono. "Oo nga... Magiging maayos na ang buhay ko at magiging okay na kaming lahat!" Sa sandaling binaba ni Arianne ang tawag, bumalik siya sa kanyang komplikadong trabaho. Mabilis na lumipas ang abalang umaga. Lunch time na, naisip niya ang isang Chinese Restaurant na malapit sa kanyang opisina na naghahain ng mga light meals dahil iyon ang nararamdaman niyang kainin ngayon. Sa Chinese Restaurant, nag-order siya ng dalawang meals na gusto niya at nagsimulang kainin agad dito. Sa oras na siya ay umalis, napagtanto niya na umuulan na sa labas. Ang panahon ay palaging hindi mahulaan, tulad ni Mark Tremont... Bumubuhos ang ulan at hindi nagpapakita ng mga palatandaan ng pagtila sa lalong madaling panahon. Sa pagdaan ng panahon, nalamang niyang stranded na siya dito. Kahit na ang kanyang opisina ay hindi masyadong malayo, h
Si Arianne ay napa-tahimik ng sandali."... Pinagdududahan mo ako tulad ni Tiffie. Sige, dito na ako. Pwede ka nang huminto dito." Hinintay niya na huminto ang sasakyan saka umalis na nagmamadali matapos pasasalamatan si Ethan. Pinagmasdan ni Ethan ang kanyang madilim na mga mata nang umalis siya. Parang hindi sinabi sa kanya ni Tiffany ang tungkol sa breakup nila... Nang oras na para umalis sa trabaho sa araw na iyon, nakatanggap si Arianne ng isang mareklamong text mula kay Tiffany. ‘Napakahirap maghanap ng trabaho! Hindi lang iyon, umuulan pa ng sobra ngayon. Nakakainis!' Halos tapos na si Arianne sa kanyang trabaho sa oras na ito, kaya't sumagot siya sa kanyang text. 'Mayroon kang Ethan na susuporta sayo, bakit ka nag-aalala ? Tinutulungan mo siya dati, ngayon ay kanyang pagkakataon na ibalik ang pabor. Dahil mayroon siyang magandang trabaho ngayon at nagmamaneho ng kotse na nagkakahalaga ng halos one hundred thousand dollars, pwede ka nang mabuhay ng disente. Maglaan
Sa oras na lumabas si Arianne, nakaupo na si Mark sa hapag kainan. Siya ay nasa kanyang light grey loungewear na may bahagyang basang buhok. Naamoy niya ang bango ng bagong ligo sa katawan ni Mark. Anuman ang mangyari, palaging binibigyang pansin ni Mark ang kanyang tindig at pag-uugali. Pinapanatili niyang diretso ang kanyang pustura sa lahat ng oras at tila hindi siya nagpapahinga ng kahit sandali. Dahil hindi alam ni Arianne kung ano ang sasabihin niya, kaya nagpasya siyang huwag na lang magsalita ng kahit ano. Mayroong dalawang plato ng malalaking prawn para sa hapunan ngayong gabi. Nang naghahain si Mary ng mga pagkain, sadya niyang inilagay ang mga prawn sa harap ni Arianne. Agad na sinimulang balatan ni Arianne ang mga shell ng prawn at pinagpistahan sila. Sa kabilang banda, malumanay na nilagay ni Mark ang maliit na mangkok sa kanyang labi at dahan-dahang humigop sa sopas. Hindi niya maisip kung paano ang isang tao na may ganang kumain ay naghihirap mula sa gastritis, k
Napaisip si Arianne. Hindi ba natulog si Mark sa kanilang kwarto kagabi? Bakit siya lumabas ng study room? Parang siya ay... kakagising lang. Lumabas ba siya ng kwarto at pumunta sa study room noong hatinggabi? Likas na hindi niya maintindihan ang pag-uugali ni Mark, ngunit dahil alam niya ang mas mabuti na hindi siya gumawa ng problema, umalis siya nang hindi man lang nag-agahan. Lumabas mula sa kusina si Mary na may dalang isang mangkok ng millet porridge, ngunit wala na si Arianne doon. "Nasaan siya?" nagtaka siya. Pagkasabi nito ni Mary, nakita niya si Mark na pababa ng hagdan. Agad na nanahimik siya dahil sa naiinis na mukha ni Mark Tremont. Hindi nakatuon si Arianne sa kanyang trabaho sa buong umaga. Hindi niya kailanman inaasahan ang kanyang sarili na manghina at nahilo siya dahil hindi siya nag-agahan. Ang kanyang morning sickness ay naging mas matindi kaysa sa dati na nagugutom siya. Noong tanghalian na, nakatanggap siya ng tawag mula kay Tiffany. “Ari, nasa baba ako n