Nanigas ang buong katawan ni Arianne."Okay lang sa akin na sa storeroom ako matutulog!" Tiningnan siya ni Mark Tremont, makikita sa mga mata niya na ayaw niya ang sagot ni Arianne."Hindi kita tinatanong kung gusto mong matulog sa kwarto ko. Tutulungan ka ni Mary na ayusin ang guest room sa tabi ng kwarto ko."Nahiya si Arianne dahil napahiya siya sa kanyang inakala...Pagkatapos nito, dinala ng mga katulong ang pagkain sa dining room. "Sir, miss, oras na para kumain."Tumayo at isinara ni Mark Tremont ang magazine na hawak niya."Kumain ka."Niyaya niyang kumain si Arianne. Gaano katagal noong huling sumabay kumain si Arianne kay Mark Tremont? Hindi na niya matandaan.Nakayuko at tahimik na kumain si Arianne Wynn sa dining table. Kinain niya lamang ang mga pagkain na malapit sa kanya. Habang si Mark Tremont ay dahan-dahang kumakain, walang maririnig na tunog mula sa kanya. Nakakabingi lalo ang katahimikan sa malawak na dining room dahil sa inaakto ng dalawa ito. Bum
Madalas itong nangyayari nung bata palang si Arianne, pero hindi niya masyadong matandaan ito dahil awkward ito para sa kanya.Dahil malapit siya kay Mark Tremont, naamoy ni Arianne ang tobacco na bumabalot sa kanyang katawan at naamoy niya rin ang bakas ng… alak– nakainom na naman siya! "Wala na si Will Sivan, sino na naman 'to? Hanggang sa huli, magkasama tayong tatanda… sabihin mo sa akin kung sino ang nagbigay nito sayo." Nakakasindak na sinabi ni Mark Tremont.Hindi makasagot si Arianne Wynn sa sobrang takot. Si Mark Tremont mismo ang dahilan kung bakit umalis si Will Sivan. Ano na lang ang mangyayari sa kanya kung sasabihin ni Arianne na galing kay Will Sivan ang regalo? Kaya naisip ni Arianne na hindi sabihin kay Mark Tremont na si Will Sivan ang nagbigay nito sa kanya."Hin… hindi ko alam…""Hindi mo alam? Bakit mo tinatago kung hindi mo alam? Ari… pasaway ka na naman…" Nakahawak ang kamay ni Mark Tremont sa balakang ni Arianne at humigpit ang hawak niya dito nang mag
Nanatiling tahimik si Arianne. Pumatong siya sa pader dahil nahihirapan siya sa masakit niyang tiyan. Masama ang loob ni Tiffany Lane, pero hindi siya pwedeng mag rason dahil kasalanan niya din naman kung bakit sila pinarusahan. Tumayo siya sa tabi ni Arianne at tiningnan niya ang dorm building na under construction pa. "Alam mo ba na pinagawa ni Mark Tremont ang dorm na 'yon? Ang garbo kamo. Sobrang yaman niya. Wala ang pamilya namin kumpara sa kanya. Ari, nabalitaan ko na bibisita siya ngayong araw sa campus…"Wala siyang nakuhang sagot kay Arianne. Parang impyerno ang sakit na nararamdaman ni Arianne sa kanyang tiyan. Sa isang saglit, lumabas ang instructor nila. "Ang kapal talaga ng mukha niyong dalawa! Pinarusahan ko na kayo pero nagdadaldalan pa kayo? Ilabas niyo ang drawing board niyo at sa corridor kayo mag-drawing! Tingnan niyo kung kaya niyong ipasa ang pinapagawa ko pagkatapos ng klase!"Nakaangat ang baba ni Tiffany Lane nang magmartsa siya papunta sa classroom p
Kinilabutan ang dean."Mr. Tremont… siya lang ang ganoon… bukod tangi na siya lang ang may ganoong ugali. Temporary worker ang tutor. Ako na mismo ang magtatanggal sa kanya!" Walang sinabi si Mark Tremont. Makikita lamang ang apoy sa kanyang mga mata mula sa galit na namumuo sa kanyang puso.Biglang sumabad si Tiffany. "Anong temporary worker?" Walang masabi ang dean. "Miss Lane, 'wag kang mangialam. Hindi pwedeng mangialam ang estudyante sa problema ng school!"Sumimangot si Tiffany, sasagot na sana siya nang biglang lumabas ang doktor. "Nasaan ang pamilya ng pasyente?""Ako." sabay na sinabi ni Tiffany Lane at Mark Tremont.Nabigla si Tiffany sa boses ni Mark Tremont.Sinabi ni Tiffany na ka-pamilya niya si Arianne dahil hindi niya ma-contact ang kuya nito. Nakakapagtaka, bakit sumagot rin si Mark Tremont?Tama lang na kinausap ng doktor si Mark Tremont, mas mapagkakatiwalaan na sa kanya ipaliwanag ang sitwasyon. "Nasa maayos na kalagayan na ang pasyente. May gastritis siy
Sa isang saglit, bumalik ang manhid na tingin ni Mark Tremont. Totoo ba ang lungkot na nasa mga mata ni Mark Tremont kanina habang nakatingin siya kay Arianne?"May masakit pa ba sayo?" Manhid na sinabi ni Mark Tremont.Umiling si Arianne Wynn. Uminit ang mukha ni Arianne nang makita niya ang mainit kamay ni Mark Tremont na nakahawak sa kanya. "Okay lang ako… hindi ko alam na pupunta ka pala sa campus. Naging pasakit pa ako sayo."Naging pasakit sa kanya? Sumimangot si Mark Tremont. "Ayaw mong maging pasakit sa akin, pero okay lang na maging pasakit ka sa iba? Arianne Wynn, hindi mo kailangang mag mukhang nakakaawa sa harap ng ibang tao. Kailangan mo pa bang mamatay bago ka manghingi ng tulong sa akin?!"Kinagat ni Arianne Wynn ang kanyang labi dahil natakot siya. Galit na naman si Mark Tremont…Pagkalipas ng ilang saglit, tumayo si Mark Tremont nang makita niyang paubos na ang drip, kaya tumawag siya ng nurse para tanggalin ito kay Arianne.Hindi niya tiningnan si Arianne at m
Hinawakan ni Mark Tremont ang kanyang baba. Walang bahid ng malasakit ang boses ni Mark Tremont at ang tono ng pananalita niya ay pautos."Babalik ka sa school kapag maayos at malakas na ang katawan mo. 'Wag kang nagmumukhang kawawa sa harap ng ibang tao!"Nainis si Arianne Wynn at bigla siyang tumayo. "Hindi…"Tahimik si Mark Tremont habang nakatitig siya ng masama sa dalaga.Napakagat si Arianne sa kanyang labi at nanginig ang kanyang boses, "Mag-aaral ako ng mabuti at ibabalik ko sayo lahat ng pera na ginastos mo para sa akin. Nagpapasalamat ako dahil inalagaan mo ako ng sampung taon. Aalis na ako kapag nakapasok na ako sa internship."Lumabas na ang katotohanan. Hindi naniniwala si Arianne na buong buhay siyang dedepende kay Mark Tremont. Malaki ang utang na loob niya dito at ayaw niya na patuloy siyang tutulungan ng lalaking ito. Tumawa ng malakas si Mark Tremont. Ang ngiti niya ay tulad ng malayong buwan, malayo, hindi makakamit at hindi kanais-nais."Ako na mismo ang
Ngayon lang natandaan ni Arianne Wynn na ngayon pala ang campus function event at darating din ngayon si Mark Tremont…Hindi pa siya umuwi simula noong araw na iyon. Anong mararamdaman niya kapag nakita niya ngayon si Mark Tremont?Sa isang saglit, binalot ng emosyon ang puso ni Arianne."May… sinabi ka ba sa kanya?"Hindi napansin ni Tiffany Lane ang tuliro niyang kaibigan. "Wala naman. Pero nagreklamo ako sa kanya tungkol sa kuya mo. Epal kasi yung kuya mo, eh!"Walang masabi si Arianne. Kaya pala ang galit ni Mark Tremont sa kanya ay parang sumabog na bulkan – este, parang iceberg na sumira sa titanic… Sumama siguro ang loob ni Mark Tremont habang sinusumpa siya ng harap-harapan ni Tiffany. Sa isang saglit, umalingawngaw ang mga sigaw at tili mula sa baba. Sumabog ang adrenaline ni Tiffany, kaya hinila niya si Arianne at tumakbo sila papunta sa baba ng school. "Nandito na si Mark Tremont! Puntahan natin siya!"Kinabahan si Arianne dahil hindi niya alam kung paano haha
Nangutya lamang si Mark Tremont. Kinilabutan at napatahimik ang dean dahil sa mapanglait na sagot ng katabi niya. Ilang oras ang lumipas, ilang mga bodyguard na may suot na black suits ang nagmamadaling pumunta kay Mark Tremont. "Sir, inimbestigahan na namin kung sino ang kriminal. Mentally challenged ang taong iyon. Twenty-one years old ang edad niya at anak siya ng tindera sa cafeteria. Madalas siyang runner ng cafeteria. Walang rason ang pananaksak niya at hindi niya kayang sumagot nung tinanong na siya kung bakit niya ginawa 'yon. Malaki ang posibilidad na hindi siya makukulong dahil sa kondisyon niya.""Dalhin niyo siya sa mental institution! Dapat ba pakalat kalat lang ang isang aggressive lunatic sa campus, para makapanakit pa siya ng ibang tao?" Galit na galit si Mark Tremont. Umalingawngaw ang nakakatakot niyang boses sa buong corridor. "Yes, sir!" Mabilis na umalis ang mga bodyguard.Makikita sa mukha ng dean na nag aalala at siya ay nangangambang magsalita. Tiningnan