Share

Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont
Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont
Author: Lemon Flavored Cat

Kabanata 1 Ang Pagtanda

“Wow, bumalik na siya. Nabalitaan ko na nagbigay rin siya ng malaking donasyon sa mga kilalang art schools sa capital. Nakakahanga talaga kapag isa 'kang mayaman!”

“Narinig ko na alumni pala natin siya, graduate siya ng Southline University. Iyon siguro ang rason kaya mapagbigay siya sa mga donasyon niya. Hindi nakapagtataka dahil siya nga naman ang pinakamayamang tao dito sa lungsod.

Dagdag pa ang pagiging charming niya… mayaman, gwapo at mapagpakumbaba pa, siya na talaga ang ideal man ng ating bansa. Bukod tangi siya, walang ibang katulad niya sa mundong ito!”

Kumalat sa buong Southline University ang balita tungkol sa pagbabalik ni Mark Tremont, pero hindi ito umabot kay Arianne Wynn, isang babae na namumukod tangi sa iba.

Kinakain niya ang malamig na tinapay habang nakaupo sa hagdan. Katumbas ng winter season sa lamig ang tubig na ginamit niyang panulak sa kanyang tinapay na mahirap lunukin.

Mark Tremont. Bumalik na siya pagkalipas ng tatlong taon...

“Bakit kumakain ka na naman ng tinapay, Ari? Tara, Bilhan kita ng maayos na pagkain!”

Padalos-dalos na tumabi si Tiffany Lane kay Arianne.

Umiling si Arianne bago niya ipinasok ang natitirang tinapay sa kanyang bibig, agad niyang dinampot ang kanyang bag at pinatong ito sa kanyang balikat. Kitang-kita tuloy sa kanyang galaw ang mahina niyang pangangatawan.

Napabuntong hininga si Tiffany. “Okay. ‘Wag kang magdala ng tinapay bukas. Magdadala na lang ako ng breakfast para sa’yo.” Sa bawat padyak ni Arianne ng kanyang bike, unti-unting humina ang boses ni Tiffany hanggang sa mawala ito sa tangay ng winter breeze.

Sa kanyang pag-uwi, dahan-dahan na pinarada ni Arianne ang kanyang sira-sirang bike sa isang gilid at maingat siyang pumasok sa pintuan sa likod ng bahay. Agad niyang binaba ang kanyang bag at pumasok siya sa kanyang clammy storeroom.

Magpapalit na sana siya ng damit nang biglang pumasok si Mary, “Ari, ‘wag mo muna akong tulungan. Hinahanap ka ni Sir… ah, at saka, mag-ingat ka ha? ‘Wag kang magsalita kapag galit o naiinis siya, kung hindi, ikaw na naman ang malilintikan.”

Tumango si Arianne Wynn at maingat siyang umakyat sa hagdan. Pinagpag niya ang kupas niyang jacket dahil natandaan niyang ayaw ng lalaking ito ang nanggigitatang itsura.

Kusa niyang pinigilan ang kanyang paghinga, nanginig ang kanyang mga daliri habang siya ay kumakatok sa pintuan.

Tatlong taon na ang lumipas at malaki na pinagbago ni Arianne, kaya naisip niya rin kung malaki ba ang pinagbago ng lalaking ito? "Pumasok ka."

Narinig sa loob ng kwarto ang malambing na boses, katulad ito ng banayad na winter sunlight. Kung pakikinggan ng mabuti, hindi agad mapapansin ang manhid at malamig na tono na kasama sa kanyang malambing na boses.

Tumigil ng saglit ang tibok ng puso ni Arianne. Tinulak niya ang pinto para buksan ito at sinadya niyang hindi ito isara.

Makikita ang mahabang mga binti ng lalaking ito, kahit pa nakaupo siya.

Paminsan-minsan, ang kanyang matikas na mga daliri ay tumutuklap sa mga pahina ng magazine.

Flawless ang kanyang itsura, parang maingat siyang nililok ng iskultor at kung makikita mo siya sa ilaw ay parang nasa panaginip ka.

Nakabalik na pala talaga si Mark Tremont.

"Magiging eighteen ka na sa susunod na kalahating buwan, tama?"

Parang nabutas ng manhid niyang boses ang puso ni Arianne.

Hindi sumagot si Arianne kaya hinagis ni Mark Tremont ang kanyang magazine sa katabi niyang coffee table. Humarap siya kay Arianne at makikita ang lamig kanyang malalim na mga mata.

Biglaang umatras si Arianne, naniniwala siya na walang kahit anong awa ang taong ito sa kanya! "Oo…" sabi ni Arianne.

Takot na takot siya, tulad siya ng isang deer na nakakita ng headlights ng isang tumatakbong sasakyan. Namutla siya na parang naubusan na ng dumadaloy na dugo ang kanyang mukha.

Lumapit si Mark Tremont sa kanya, sa bawat hakbang ng lalaking ito ay unti-unti siyang napa-atras sa sobrang takot.

Pagkarating nila sa pinto, muntikan nang matapilok si Arianne sa siwang ng pintuan na iniwan niyang nakabukas.

Mabilis na humakbang papalapit si Mark at bigla niyang sinara ang pinto gamit ang kanyang braso na malapit sa tenga ni Arianne. Siya ay nasa gitna ni Mark at ng pinto, wala na siyang kawala.

"Natatakot ka ba sa akin?" Mapangasar ang tono ng pananalita niya, parang punong-puno ito ng poot at galit.

Hindi na sinubukan ni Arianne na tingnan ang kanyang mga mata. Mas matangkad ang lalaking ito kumpara sa kanya, kaya tinitigan ni Arianne ang dibdib ni Mark, habang kinakain siya ng nakakatakot na aura ng lalaking ito.
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Saballo Junjun
date un hingi gscd
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status