Feeling ko, hindi tayo aabot ng 50 chapters kay Sua.
Papa is waiting sa isasagot ni Sandro. Kinakabahan ako na kapag banggitin ni Sandro ang last name ay mabago ang lahat. Na ang kasiyahang ito ay agad na mapawi.Ngunit bago pa masabi ni Sandro kung ano ang last name niya, biglang nag ring ang phone ni papa.“Excuse me,” sabi nito at tumayo.Para akong nakahinga ng maluwag. Si tito Shawn at mama naman ay napabaling kay papa. Kita ko ang panlalaki ng mata ni papa at bumaling sa amin.“Shawn,” tawag niya kay tito.Kinabahan ako bigla. Para bang may hindi magandang nangyayari. “Si grandpa Bilhem,” pagbanggit pa lang no’n ni papa, napasinghap na si mama at si tito ay agad na kumaripas ng takbo papuntang kwarto kung saan siya natulog. Naiwan niya doon ang phone niya at ilang gamit niya. “Axcl, anong nangyari?” tanong ni mama. Kita ko sa mukha ni mama na kabado siya. Ako rin ay nagtataka at kinakabahan.Alam kong hindi na maayos ang kalagayan ni lolo. Ilang ulit ng pinabalik balik ito sa hospital. Sana mali lang ang iniisip ko. Sana hindi t
Kinagabihan, nasa bahay na kami ni tito Shawn. Katabi ko si Blue at kapalitan ko naman ng text messages si Sandro.Sandro: Gumawa ako ng social media account. Confirm mo 'ko.Matapos niyang sabihin yun, agad kong binuksan ang fb ko, at naka add nga siya. Tapos ang profile picture pa niya ay picture ko no'ng entrance exam na kinuha niya ng palihim.Halatang kagagawa lang ng account niya dahil wala pa siyang friend. Haha.Hindi ba siya nag add ng iba? SA N DRO. Iyon ang pangalan niya sa FB. Matapos kong e accept ang friend request niya, bigla siyang nag chat."Hi miss,"Napangiti ako at nag reply sa kaniya. "Bakit? Taken na ako."Napatawa ako sa isipan ko habang hinihintay ang reply niya."Taken ka ba sa akin?"Kung sino sigurong makakita sa akin ngayon, aakalain siguro nilang nababaliw na ako. Gusto kong itago ang mukha ko at nagmumukha akong siraulo kapag kausap ko si Sandro. "Baliw ka!" Sabi ko nalang. Pero hindi niya agad sineen tapos halos sumabog ang notification ko dahil nilal
Balisa ako sa huling natitirang araw ko kasama nina mama. Lagi nila akong tinatanong kung ayos lang ba ako at lagi kong sinasabi na oo, ayos lang ako.“Nag-away ba kayo no’ng manliligaw mo?” iyon ang tanong ni papa ng pumasok siya sa kwarto ko para kunin ang maleta ko. Ihahatid nila ako sa airport ngayon. “Hindi po papa. Naghihintay na nga po siya sa akin doon. Susunduin niya ako.” Ang sabi ko.“So bakit ganiyan ang reaction mo?”“Nalulungkot lang ako syempre kasi aalis ako at babalik na. Mamimiss ko kayo.” Palusot ko.“Kung ganoon, magtransfer ka na dito.”“PA!” Natawa siya sa naging reaction ko.“Oh? Akala ko ba malulungkot ka?” sabi niya. "Iisipin ko talagang inaaway ka ng totoy na yun kung ganiyan ang mukha mo." “Ayaw niyo pa rin po ba kay Sandro, papa?” tanong ko.“It’s too early to decide,” aniya. “Patunayan niya munang karapat-dapat siya sa prinsesa ko.”“He will do that papa,” sabi ko na puno ng kumpyansa dahil kilala ko si Sandro. Ganoon siyang klase ng tao.Sinimangutan niy
May dala siyang ice cream, yung isang tub at gamot."Good afternoon. How was your sleep?"Tumayo at lumapit ako sa kaniya. "Ayos lang. Thank you pala sa paglinis at pag-ayos ng gamit ko." Saad ko sa kaniya.Lumabi siya at sinabing, "I want a thank you hug.Natatawa ko siyang niyakap. "Kaya ka napipilosopo ni papa e."Mahina siyang natawa."Your father is kinda savage.""He is." Pagmamalaking sabi ko. "Kumain na tayo hangga't mainit pa ang niluto mo."Tumango siya at umupo na kami sa mesa para kumain.Excited akong tikman ang niluto niya. Sa tingin pa lang kasi ay masarap na. Marunong akong magluto pero hindi gaya sa kaniya na nakakaluto na ng dish gaya nito.Siya na talaga. Feeling ko e nasa kaniya na ang lahat.And it didn't disappoint. Ang sarap nga ng luto niya."Sasabihin mo bang pwede na ako mag-asawa kasi masarap ako magluto?"Nagpipigil ako ng ngiti sa komento niya. Inirapan ko siya lalo na nang makita ang dimple niya dahil sa ngiti niyang halos ikapunit na ng labi niya."Pwede
REINASobrang laki ng Gaiman. Halos lahat ng studyante na narito ay matatalino, at karamihan ay may kaya. Salat kami sa pera kaya doble kayod ako para lang mapanatili ko ang scholarship ko.Dream school ko ang Gaiman. Dahil alam kong after I graduate from this school, trabaho na ang kusang lalapit sa akin.Pero sa daming tao na narito, isa lang ang nakakuha ng attention ko. At iyon ay si Sandro.Siya lang yata ang naging crush ko mula no’ng freshman ako. Sobra niyang gwapo, seryoso at matalino. Halos nasa kaniya na nga lahat.“Jho, bagay ba sa akin ang shade ng lipstick na ito?”Si Jho ang roommate ko.Pareho lang pala kami ng dorm ni Sandro. Pagbaba ko ng hagdan, makikita ko na siya dahil sa second floor ang room niya.“Oo naman. Pero huwag ka ng umasa doon kay Sandro. May Mylene na yun.”Humaba ang nguso ko.Ano naman ngayon kung kasama niya lagi si Mylene e hindi naman sila. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang silang dalawa."Seryoso ka bang hahangaan mo siya kahit na hindi ka nam
REINAKalat sa campus ngayon ang ginawa ni Sandro sa group project nila. HinaIikan daw kasi ni Mylene si Sandro habang tulog kaya nasampal siya ni Sua.Tapos ngayon, nakikita kong hindi na lumalapit si Mylene sa kaniya. Lihim akong natuwa sa nangyari. Iba nga naman talaga maningil ang karma.Malapit ng matapos ang first sem. Naging tahimik ang lahat. Iyong mga kagaya kong humahanga kay Sandro, bigla nalang naglaho.Dahil iyon lahat kay Sua. Lagi silang magkasama. Rinig ko pa sa iba na tingin pa lang niya ay napapaatras na ang sino mang magtatangkang lumapit kay Sandro.Matunog dati ang pangalang Sandro na crush ng lahat pero ngayon, he was branded as Sua’s boyfriend.“Iba sila ni Sua.” Iyon ang sabi ni Jho. “Seloso si Sandro pero showy siya. Balita ko pinagsi-selosan niya iyong Charles na classmate ni Sua at laging vocal at PDA si Sandro para ipakitang kaniya si Sua while si Sua, hini-head to foot lang niya ang mga babae sa paligid ni Sandro.”Hindi ko siya pinansin. Ayokong makinig s
SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa
Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I