Matapos naming masubukan ang lahat ng booth e napagdesisyunan namin na umupo muna sa bench.“Gusto mo ng ice popsicle?” tanong ko.“Ako na bibili,” pagpresinta niya pero pinigilan ko siya. Ako na nga ang nag-aya tapos siya pa ang tatayo para bumili.“Ako na. Hayaan mo ‘kong e libre ka this time. Hindi naman mahal ang popsicle para mamulubi ako.”Nakita kong ngumiti si Sandro. Tumayo na ako at pumasok sa isang stall kung saan nagbibenta sila ng palamig.Medyo maraming nakapila kaya pumila ako sa likuran no’ng ibang students. Kung sabagay, ang init nga rin naman ng panahon kaya mabenta talaga ang palamig gaya nitong ice popsicle.Habang nakatayo ako, hinihintay na ako ang maharap, pansin ko ang ibang matang nakatingin sa akin. Marami akong nakita na nagbubulungan, halatang ako ang pinag-uusapan dahil sa akin nakatingin.Isa siguro sila sa audience kanina.“Hoy!” Napatingin ako sa likuran ng may kumalabit sa akin.Isang babae na pula ang buhok at maputi ang nakita ko. She’s pretty and I
Lumapit si Sandro sa amin. Hinanda ko na ang paliwanag ko.“Sandro,”“Let’s go,” aniya at pinagsiklop ang kamay naming dalawa. Kita ko na madilim ang mukha niya na tila ba ay galit na galit.“See you tomorrow Sua!” Sigaw ni Charles na may kasamang nakakalokong ngiti.That prick! Inis na sabi ko sa utak ko.I know why he did that. Gusto niyang gatungan ang inis ni Sandro sa kaniya.Tumigil si Sandro sa paglalakad, pero nakatakbo na palayo si Charles. “Is he hitting on you?” parang nahihirapan na tanong ni Sandro sa akin. Humaba ang nguso ko at ngumiti.“Why are you smiling? Can’t you see that I’m jealous?” halata nga sa mukha niya na inis na inis siya.Pero hindi ko rin alam bakit masaya akong galit siya.“He’s not hitting on me,” sabi ko.Tumitig siya sa mga mata ko, tila hindi naniniwala. Nakipagtitigan nalang rin ako hanggang sa nakita ko siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.Agad niya akong dinala sa dibdib niya at niyakap.“If the time comes na hindi mo na nagus
Alas tres ng hapon, nagliligpit na ng gamit ang mga ka-klase ko.“Sua, what if ayain kita ng date?” nagsimula na naman si Charles sa kalokohan niya. Isang linggo na niyang pini-peste ang buhay ko. Nagpalinga-linga ako at nakita ko sa labas si Sandro na nakatayo at tila hinihintay ako.“Hindi ko pipigilan si Sandro kung naisin niyang suntukin ka.” Sabi ko sa kaniya.Humaglpak siya ng tawa na tila ba tuwang tuwa siya sinabi ko.“Napakaseloso naman kasi ng boyfriend mo. Akala naman niya mawawalala ka ng tuluyan. Sige ka, baka masakal ka at maisipan mong iwan siya.”Sinamaan ko ng tingin si Charles. “Baka si Mica ang magsawa sayo at mahulog siya sa iba.”Siya naman ngayon ay sumimangot at sumeryoso. Inirapan ko siya at nilayasan.Paglabas ko ng room, sinalubong ako ni Sandro. “Anong pinag-uusapan niyo?” tanong niya sa akin.Umiling ako at sinabing tungkol lang sa subject namin kanina.Sabay kaming naglalakad palabas ng building ng Engineerig. Habang naglalakad, pansin ko ang mga tingin ng
Napag-usapan namin ng kambal na lalabas kami mamaya para magshopping. Dahil wala naman akong gagawin, pumayag ako.Nasa couch ako, hinihintay ko sina ate Lucille at ate Lucinne na matapos magbihis. Nakatingin lang ako sa cellphone ko, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring text message sa akin si Sandro.Kung anu-ano ng pumapasok sa isipan ko.Gusto ko siyang tawagan but my pride is kicking in. Nasaktan ako sa sinabi ni Mylene. Alam kong none of them ang responsible sa nararamdaman ko ‘cause she’s hurt but still, nasaktan pa rin ako.And I was expecting na tatawag si Sandro o magtext kung nahatid na ba niya si Mylene or what, or kahit isang Hi man lang, pero wala.Hindi ko maiwasang isipin na kinalimutan na niya ako dahil may ginawa sila ni Mylene. Dahil kahit sinong babae ang titingin, alam na alam na may gusto si Mylene kay Sandro.Iyong nangyari kahapon, iyong paglasing at pag-iyak niya, dahil iyon sa selos.Nang matapos ang kambal sa pagbihis, lumabas na kami. Pu
“Magkano ba budget mo?” tanong k okay Sandro habang tumitingin sa phone na nakadisplay.“Baby, you don’t need to think about the money. May pera naman ako ah. Mukha ba akong walang pera?” nakangusong sabi niya.Natawa ang mga nakarinig sa sinabi niya habang ako naman ay nanlalaki ang mata.“Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Ano ka ba!”Natawa siya sa sinabi ko.“Just pick the one you like without minding the price. I can afford.” Sabi pa niya. Ngumuso ako at tumango sa sinabi niya. Tumingin ako sa nag-aassist sa amin.“Please give him the latest one you have here,”Tumango yung babae at tumango. Tumingin ako kay Sandro at nakita ko siyang tinaasan ako ng kilay.I know how costly that Iphone is. It’s the latest one, pero may pera naman akong dala dito. If he can’t afford, ako nalang ang bibili para sa kaniya.Matapos ma-check at pasado sa kaniya, agad niyang nilabas ang wallet niya at kumuha ng card. Oh, may pera nga siya.I wonder bakit may pera siya. May trabaho na ba siya?“Why ar
Naging maayos ang relationship namin ni Sandro. Hindi pa kami but we are constantly keeping each other’s company extra special.Lagi kaming sabay umuuwi kung pareho kami ng dismissal. Sabay ring papasok kung convenient ang availability. Though may times na hindi kami nagkakasabay pero that’s okay, basta kapwa kami may tiwala sa isa’t-isa.Umuwi na rin ang kambal and they promised me na hindi nila sasabihin kay papa ang nakita nila dito. I thanked them for that. Ayokong naglilihim pero alam ko na anong reaction ni papa oras malaman niya.I need to buy time. I need to secure him na hindi naman masamang tao si Sandro. And for me to do that, dapat may mapatunayan muna kaming dalawa.“Sua!” Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Mica. Lagi kaming nagkikita pero hindi kami nagkakasama but at least, kinakausap niya ako na hindi pina-plastik.“Ang aga mo,” aniya. 5 pa lang ng umaga kaya siguro nalito siya na makita niya ako dito.“Gusto ko lang ng mas maaga,” sabi ko sa kaniya.Lum
Nasa isang karenderya kami. Ako na namili ng kakainin naming dalawa at hinayaan ko na muna siya na umupo doon.Matapos kong makapili, bumalik na ako sa table namin at tinignan si Sandro.Kinuha ko ang panyo ko at ako ang nagpunas ng pawis niya.“Bakit humantong sa ganoon ang dalawa?” tanong ko sa kaniya.“Reina confessed,” aniya. Iyon pa lang, natigilan na ako. Alam sa school na boyfriend ko si Sandro nag-confess pa rin siya?Wow. May babae pa lang ganoon. Naiinis ako.“But I told her about you. Na mas mabuti pang ibaling niya sa iba ang nararamdaman niya.”As if she’ll do that.“Nalaman ni Mylene kaya nag-away sila.”Hindi ako nagkomento, nagpatuloy lang ako sa pagpunas ng pawis sa mukha niya. But I know by now na alam niyang hindi ko gusto ang nangyari.Sandro can read me now like an open book. But that's okay. I want him to know me better kahit wala akong sasabihin."I'm sorry," mahinang sabi niya."I'm not mad at you.""I know but still sorry," tumingin ako sa mga mata niya. He l
"What happened?" kunot noong tanong ni Sandro nang makita niya ako. Umiling ako at sinabing hintayin niya nalang ako dahil papasok ako ng faculty.Agad ko lang kinausap ang prof ko na nagbigay ng pointers para sa amin. I-send ko nalang sa gc pag uwi para makita ng classmates ko. Hindi na ako nagtagal pa kaya lumabas na ako para balikan si Sandro.Naikrus ko ang kamay ko sa dibdib dahil sinundan pala ako ni Mylene at ngayon ay pinipilit niya si Sandro na kausapin siya."Mylene, ano ba!" umiiwas si Sandro, umiiyak naman si Mylene. Naiinis ako na pinipilit niya si Sandro na kausapin siya kahit ayaw na ni Sandro sa kaniya. Naiinis ako sa ugali niya."Sandro, please... Pansinin mo na ako," pakiusap niya.Nanginginig na ang kamay ko sa galit. Hindi ako kailanman nakikipag away. Noon pa man, hindi ako mahilig ilagay ang sarili ko sa kahihiyan pero nanginginig talaga ang kamay ko na idapo ito sa pisngi ni Mylene."Mylene, tama na.." Sabi ng mga kaibigan niya na pinipilit siyang hilahin palay
Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.
SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr
ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd
“Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni
Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I
SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa
REINAKalat sa campus ngayon ang ginawa ni Sandro sa group project nila. HinaIikan daw kasi ni Mylene si Sandro habang tulog kaya nasampal siya ni Sua.Tapos ngayon, nakikita kong hindi na lumalapit si Mylene sa kaniya. Lihim akong natuwa sa nangyari. Iba nga naman talaga maningil ang karma.Malapit ng matapos ang first sem. Naging tahimik ang lahat. Iyong mga kagaya kong humahanga kay Sandro, bigla nalang naglaho.Dahil iyon lahat kay Sua. Lagi silang magkasama. Rinig ko pa sa iba na tingin pa lang niya ay napapaatras na ang sino mang magtatangkang lumapit kay Sandro.Matunog dati ang pangalang Sandro na crush ng lahat pero ngayon, he was branded as Sua’s boyfriend.“Iba sila ni Sua.” Iyon ang sabi ni Jho. “Seloso si Sandro pero showy siya. Balita ko pinagsi-selosan niya iyong Charles na classmate ni Sua at laging vocal at PDA si Sandro para ipakitang kaniya si Sua while si Sua, hini-head to foot lang niya ang mga babae sa paligid ni Sandro.”Hindi ko siya pinansin. Ayokong makinig s
REINASobrang laki ng Gaiman. Halos lahat ng studyante na narito ay matatalino, at karamihan ay may kaya. Salat kami sa pera kaya doble kayod ako para lang mapanatili ko ang scholarship ko.Dream school ko ang Gaiman. Dahil alam kong after I graduate from this school, trabaho na ang kusang lalapit sa akin.Pero sa daming tao na narito, isa lang ang nakakuha ng attention ko. At iyon ay si Sandro.Siya lang yata ang naging crush ko mula no’ng freshman ako. Sobra niyang gwapo, seryoso at matalino. Halos nasa kaniya na nga lahat.“Jho, bagay ba sa akin ang shade ng lipstick na ito?”Si Jho ang roommate ko.Pareho lang pala kami ng dorm ni Sandro. Pagbaba ko ng hagdan, makikita ko na siya dahil sa second floor ang room niya.“Oo naman. Pero huwag ka ng umasa doon kay Sandro. May Mylene na yun.”Humaba ang nguso ko.Ano naman ngayon kung kasama niya lagi si Mylene e hindi naman sila. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang silang dalawa."Seryoso ka bang hahangaan mo siya kahit na hindi ka nam
May dala siyang ice cream, yung isang tub at gamot."Good afternoon. How was your sleep?"Tumayo at lumapit ako sa kaniya. "Ayos lang. Thank you pala sa paglinis at pag-ayos ng gamit ko." Saad ko sa kaniya.Lumabi siya at sinabing, "I want a thank you hug.Natatawa ko siyang niyakap. "Kaya ka napipilosopo ni papa e."Mahina siyang natawa."Your father is kinda savage.""He is." Pagmamalaking sabi ko. "Kumain na tayo hangga't mainit pa ang niluto mo."Tumango siya at umupo na kami sa mesa para kumain.Excited akong tikman ang niluto niya. Sa tingin pa lang kasi ay masarap na. Marunong akong magluto pero hindi gaya sa kaniya na nakakaluto na ng dish gaya nito.Siya na talaga. Feeling ko e nasa kaniya na ang lahat.And it didn't disappoint. Ang sarap nga ng luto niya."Sasabihin mo bang pwede na ako mag-asawa kasi masarap ako magluto?"Nagpipigil ako ng ngiti sa komento niya. Inirapan ko siya lalo na nang makita ang dimple niya dahil sa ngiti niyang halos ikapunit na ng labi niya."Pwede