FATIMA “Stop crying,” ang sabi ni Conti sa gilid ko. “Sana pala talaga pinigilan kita kanina,” dagdag niya. “Can you please shut up Conts?” “And what? Iiyak ka lang diyan? Hayaan kitang pagtitinginan nang maraming tao?” Sinamaan ko siya nang tingin. “If you hate me seeing like this then umalis ka na,” Tinitigan niya mua ako bago siya umalis na naiinis. Isa iyon sa kinaiinisan ko kay Conti, ever since, sobrang insensitive. Ayaw niya akong umiyak, e anong namang gagawin ko kung naiiyak talaga ako? And that Anda, ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon. Hindi ko alam anong nakain niya at may lakas pa siya ng loob na magpakita sa akin. Inis na pumunta ako ng comfort ulit to wash my face and when I’m done, lumabas ako para hanapin si Conti ngunit ang nakita ko ay ang mukha ng lalaking ayaw ko nang makita pa. “What are you doing here?” “Don’t you miss me, Fatima?” Tinalikuran ko siya ngunit hinablot niya ang kamay ko. “Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!” Galit na sabi ko. Nginisihan
FATIMATumayo ako para sana makaalis na sa harapan niya pero inunahan niya ako. He grabbed my arm to stop me.“Let go of me!” Mariing sabi ko.“Paano kung ayoko?”“Kung si Andania ang hinahanap mo pwes wala kang makukuha sa akin.”May mga tao ng tumitingin sa amin, ayaw pa rin niya akong bitawan.Sinamaan ko na siya nang tingin dahil gusto ko ng umalis sa kinatatayuan namin pero ngumisi lang siya."Let her go!" Sabay kaming napatingin kay Conti na masamang nakatingin sa kaniya."Oh, ang laki mo na boy ah?" sabi ni Wilson. Itinago ako ni Conti sa likuran niya at hindi nagpasindak sa panggagagong ginagawa ni Wilson."Mag bestfriend pa rin kayo?" tanong niya habang nakaturo sa amin."Or..." sinadya ng bitinin ang kasunod na sasabihin niya sana.Hinala ko na si Conti paalis sa lugar na iyon dahil baka masuntok niya si Wilson. Magkagulo pa. Alam kong galit na galit siya, pero mas galit ako sa pagtatagpo namin ng demonyong iyon."Umuwi na tayo," ang sabi ko. Maraming nangyari sa araw na ito
FATIMA (Short flashbacks) “Fatima, susunduin ka ba ng daddy mo?” Iningusan ko ang mga ka-klase ko na gustong magpasipsip sa akin. “Wala akong daddy,” “Sino pala iyong kasama ng mommy mo na nag-attend sa meeting kanina?” Bakit ba paborito nilang pag-usapan ang buhay ko? “Boyfriend yata iyon ng mommy ni Fatima kasi patay na ang totoong daddy niya,” sabi ng isa ko pang kaklase. Inis na kinuha ko ang bag ko at lumabas ng classroom, then I saw tito Enrique who’s waiting for me. I don’t like him. He’s mama’s boyfriend. “Hi Fatima, ako ang magsusundo sa ‘yo ngayon dahil may work pa si mama mo kaya nauna siyang umalis,” sabi niya. Hindi ako sumagot pero lumapit ako sa gawi niya at naunang pumunta ng sasakyan. “How’s your school?” tanong niya nang makapasok siya sa driver’s seat at hindi ako ulit sumagot. Pinaandar na niya ang sasakyan paalis. “Gusto mo ba ng burger? Bili muna tayo bago umuwi,” sabi niya. “Ayaw ko,” tipid na sagot ko. Kung pwede lang sana ay umuwi na kami agad sa
FATIMADays has passed, wala na akong contact kay Axcl. Hindi ko na siya matawagan kaya hula ko ay nagpalit siya ng numero.Kaya ang tinatawagan ko ay si Shawn na alam kong alam kung nasaan si Axcl ngayon.“Fatima, on leave nga si Axcl. Ilang araw na siyang hindi pumapasok kahit tanungin mo pa ang ibang kasamahan namin dito,”“Hindi ako naniniwala Shawn. Alam kong tinatago niyo siya sa akin. Kakampi ka na kay Anda hindi ba?”Nag-aalala siyang tumingin sa ‘kin.“Fatima, I’m sorry. Tanggapin mo nalang ang pasya ni Axcl. Mahirap silang paghiwalayin ngayon lalo’t may anak pala sila,”Anak..anak…anak… Nakakasiguro kaya si Axcl na kaniya ang batang iyon?“Shawn, hindi iyon anak ni Axcl. I’m sure pakulo lang iyon ni Anda para makuha niya si Axcl sa akin.”“Fatima, sana nga ganoon lang iyon. Tigilan mo nalang sila,” sabi pa niya.Napanganga ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Paanong sa amin, ako pa ang titigil e ako ang legal wife? Ako ang may karapatan na maghabol sa asawa ko.“Iharap
“What are you doing?” tanong ni Conti nang makapasok siya sa bahay.“Talaga bang nababaliw ka na?” dagdag niya.Sinamaan ko siya nang tingin. “Stop nagging,”“Ano? Siya na ulit ang fvck buddy mo? Alam ba ito ni tita?” agad ko siyang sinampal.“Wala kang pakialam kung sino ang pagagamitin ko sa katawan ko, Conti.”Tumingin siya sa akin. “Kung ganoon, nababaliw ka na Fatima. For pete sake, nag-resign ka sa trabaho at wala ka ng ibang ginawa kun’di makipagsex kay Wilson.”“Anong kaguluhan ito?” napatigil kami ni Conti nang marinig ang boses ng taong matagal ko ng hindi nakikita. “K-Kuya?”Tumingin si kuya sa akin at agad akong tumakbo sa kaniya para yakapin siya.Niyakap niya ako pabalik habang masama siyang nakatingin kay Conti.Ngayon lang siya nakauwi galing Australia. Pero sa itsura niya ay mukhang alam na niya ang nangyayari dito.Hindi ko napigilang hindi umiyak sa harapan niya.“Let’s go to your room. You need to rest,” ang sabi niya sa akin at inakay ako sa kwarto ko. Bakit hindi
ANDANIAPuno ng iyakan ang buong venue. Hindi ko magawang umiyak cause dad never been a dad to me. Kahit no’ng nawala ang ala-ala ko ay hindi ko pa rin naramdaman na ama ko siya.Pero I feel sorry for Wilyn and for mom. They are crying for what happened to dad.He was murdered. Nakita naman namin ang katawan niya sa morgue. He’s been missing for a week. Hindi namin ala kung sino ang may pakana no’n sa kaniya.“Mama, I’m sleepy,” sabi ng anak ko.“You can sleep anak,” ang sabi ko kay Sua.Natulog si Sua sa dibdib ko, nanatili pa rin ako sa position ko na nakaupo habang nakatingin kay dad. Kakarating lang namin dito kanina.“Wife,” nagulat ako nang marinig ang boses ni Bil.Agad siyang dumiretso sa akin. Hindi ako nagalaw kaagad. Why is he here?Alam kong nakauwi na siya galing Australia. Hinihintay ko na nga lang na padalhan niya ako ng Summons na ipapakulong niya ako.So far wala.Kaya nagulat ako na pumunta siya dito.“What are you doing here?” tumingin siya sa batang karga ko.“Is t
Palihim akong umalis kasama ni Sua.“Mama, are we going home?” inosenteng tanong niya. Umiling ako. “May pupuntahan muna tayo ni mama,” ang sabi ko.Hindi na kami nagpaalam pa kina lola dahil iba ang pakiramdam ko. Tinext ko rin si Axcl na magkikita kami sa address na binigay ko.“Pupuntahn po ba tayo ni papa, mama?”Natawa ako.“Si papa ang pupunta sa atin,” sabi koLumapad ang ngiti niya at agad na yumakap sa akin. “Mama, ayoko po doon,” aniya, patukoy sa bahay ni lola.Alam ko. “Sorry baby, mama promise na hindi tayo magtatagal doon,” ang sabi ko sa kaniya.Nagpahatid kami sa taxi driver sa bahay ni grandpa Bilhem. One of his houses na pang average living. Walang mag-aakala na bahay niya ito dahil maliit, kumpara sa mga bahay na meron siya.But he likes it better than the mansions he owns.Alam kong walang nakasunod sa amin lalo’t busy ang lahat sa bisita. Pagkapasok ko sa bahay ni grandpa Bilhem, sinalubong niya agad kami ng tawa niya.“Anda!!”“Grandpa,” ngumiti ako at niyakap si
Grandpa didn’t tell me who’s that girl he was referring to. Sabi niya kailangan ko daw alalahanin ang ala-alang iyon cause it will help me to go through it.Nakita ko si Axcl na bumaba ng sasakyan. Agad ko siyang sinalubong at niyakap. Agad niya akong hinaIikan.“What’s wrong? You looked bothered,” aniya nang makita ang agam-agam sa mukha ko.Napabuntong hininga ako.“Axcl, ang totoo niyan, that part of my memory na hindi ko maalala, I think it has a big impact on my life. Sabi kasi ni grandpa, may tao akong nakalimutan na kamukha ko raw na siyang dahilan ng pagtanan natin. Meron ba akong nabanggit noon sa ‘yo?”Kumunot ang noo niya. Mukhang sinubukan niyang aalahanin ang sinasabi ni grandpa Bilhem na taong kamukha ko. By the way, matagal ng kilala ni Axcl si grandpa. Halos lahat ng importante sa buhay ko ay kilala ni Axcl.“When your family jailed you, wala kang ibang sinasabi sa akin kun’di ang magtanan tayo. You didn’t mention me about that girl nor introduce her.”Nakagat ko ang p
Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.
SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr
ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd
“Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni
Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I
SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa
REINAKalat sa campus ngayon ang ginawa ni Sandro sa group project nila. HinaIikan daw kasi ni Mylene si Sandro habang tulog kaya nasampal siya ni Sua.Tapos ngayon, nakikita kong hindi na lumalapit si Mylene sa kaniya. Lihim akong natuwa sa nangyari. Iba nga naman talaga maningil ang karma.Malapit ng matapos ang first sem. Naging tahimik ang lahat. Iyong mga kagaya kong humahanga kay Sandro, bigla nalang naglaho.Dahil iyon lahat kay Sua. Lagi silang magkasama. Rinig ko pa sa iba na tingin pa lang niya ay napapaatras na ang sino mang magtatangkang lumapit kay Sandro.Matunog dati ang pangalang Sandro na crush ng lahat pero ngayon, he was branded as Sua’s boyfriend.“Iba sila ni Sua.” Iyon ang sabi ni Jho. “Seloso si Sandro pero showy siya. Balita ko pinagsi-selosan niya iyong Charles na classmate ni Sua at laging vocal at PDA si Sandro para ipakitang kaniya si Sua while si Sua, hini-head to foot lang niya ang mga babae sa paligid ni Sandro.”Hindi ko siya pinansin. Ayokong makinig s
REINASobrang laki ng Gaiman. Halos lahat ng studyante na narito ay matatalino, at karamihan ay may kaya. Salat kami sa pera kaya doble kayod ako para lang mapanatili ko ang scholarship ko.Dream school ko ang Gaiman. Dahil alam kong after I graduate from this school, trabaho na ang kusang lalapit sa akin.Pero sa daming tao na narito, isa lang ang nakakuha ng attention ko. At iyon ay si Sandro.Siya lang yata ang naging crush ko mula no’ng freshman ako. Sobra niyang gwapo, seryoso at matalino. Halos nasa kaniya na nga lahat.“Jho, bagay ba sa akin ang shade ng lipstick na ito?”Si Jho ang roommate ko.Pareho lang pala kami ng dorm ni Sandro. Pagbaba ko ng hagdan, makikita ko na siya dahil sa second floor ang room niya.“Oo naman. Pero huwag ka ng umasa doon kay Sandro. May Mylene na yun.”Humaba ang nguso ko.Ano naman ngayon kung kasama niya lagi si Mylene e hindi naman sila. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang silang dalawa."Seryoso ka bang hahangaan mo siya kahit na hindi ka nam
May dala siyang ice cream, yung isang tub at gamot."Good afternoon. How was your sleep?"Tumayo at lumapit ako sa kaniya. "Ayos lang. Thank you pala sa paglinis at pag-ayos ng gamit ko." Saad ko sa kaniya.Lumabi siya at sinabing, "I want a thank you hug.Natatawa ko siyang niyakap. "Kaya ka napipilosopo ni papa e."Mahina siyang natawa."Your father is kinda savage.""He is." Pagmamalaking sabi ko. "Kumain na tayo hangga't mainit pa ang niluto mo."Tumango siya at umupo na kami sa mesa para kumain.Excited akong tikman ang niluto niya. Sa tingin pa lang kasi ay masarap na. Marunong akong magluto pero hindi gaya sa kaniya na nakakaluto na ng dish gaya nito.Siya na talaga. Feeling ko e nasa kaniya na ang lahat.And it didn't disappoint. Ang sarap nga ng luto niya."Sasabihin mo bang pwede na ako mag-asawa kasi masarap ako magluto?"Nagpipigil ako ng ngiti sa komento niya. Inirapan ko siya lalo na nang makita ang dimple niya dahil sa ngiti niyang halos ikapunit na ng labi niya."Pwede