Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa / Chapter 36.1- Deal

Share

Chapter 36.1- Deal

Author: MeteorComets
last update Huling Na-update: 2024-01-05 18:01:15

FATIMA

Days has passed, wala na akong contact kay Axcl. Hindi ko na siya matawagan kaya hula ko ay nagpalit siya ng numero.

Kaya ang tinatawagan ko ay si Shawn na alam kong alam kung nasaan si Axcl ngayon.

“Fatima, on leave nga si Axcl. Ilang araw na siyang hindi pumapasok kahit tanungin mo pa ang ibang kasamahan namin dito,”

“Hindi ako naniniwala Shawn. Alam kong tinatago niyo siya sa akin. Kakampi ka na kay Anda hindi ba?”

Nag-aalala siyang tumingin sa ‘kin.

“Fatima, I’m sorry. Tanggapin mo nalang ang pasya ni Axcl. Mahirap silang paghiwalayin ngayon lalo’t may anak pala sila,”

Anak..anak…anak… Nakakasiguro kaya si Axcl na kaniya ang batang iyon?

“Shawn, hindi iyon anak ni Axcl. I’m sure pakulo lang iyon ni Anda para makuha niya si Axcl sa akin.”

“Fatima, sana nga ganoon lang iyon. Tigilan mo nalang sila,” sabi pa niya.

Napanganga ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Paanong sa amin, ako pa ang titigil e ako ang legal wife? Ako ang may karapatan na maghabol sa asawa ko.

“Iharap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Anne Lorenzo
update po pls Ms. Bulalakaw
goodnovel comment avatar
Jan Esguerra
ms A update po pls.
goodnovel comment avatar
LhordGraythouse Reola
tagal naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 37- Dead

    “What are you doing?” tanong ni Conti nang makapasok siya sa bahay.“Talaga bang nababaliw ka na?” dagdag niya.Sinamaan ko siya nang tingin. “Stop nagging,”“Ano? Siya na ulit ang fvck buddy mo? Alam ba ito ni tita?” agad ko siyang sinampal.“Wala kang pakialam kung sino ang pagagamitin ko sa katawan ko, Conti.”Tumingin siya sa akin. “Kung ganoon, nababaliw ka na Fatima. For pete sake, nag-resign ka sa trabaho at wala ka ng ibang ginawa kun’di makipagsex kay Wilson.”“Anong kaguluhan ito?” napatigil kami ni Conti nang marinig ang boses ng taong matagal ko ng hindi nakikita. “K-Kuya?”Tumingin si kuya sa akin at agad akong tumakbo sa kaniya para yakapin siya.Niyakap niya ako pabalik habang masama siyang nakatingin kay Conti.Ngayon lang siya nakauwi galing Australia. Pero sa itsura niya ay mukhang alam na niya ang nangyayari dito.Hindi ko napigilang hindi umiyak sa harapan niya.“Let’s go to your room. You need to rest,” ang sabi niya sa akin at inakay ako sa kwarto ko. Bakit hindi

    Huling Na-update : 2024-03-01
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 37.1- Bilhem

    ANDANIAPuno ng iyakan ang buong venue. Hindi ko magawang umiyak cause dad never been a dad to me. Kahit no’ng nawala ang ala-ala ko ay hindi ko pa rin naramdaman na ama ko siya.Pero I feel sorry for Wilyn and for mom. They are crying for what happened to dad.He was murdered. Nakita naman namin ang katawan niya sa morgue. He’s been missing for a week. Hindi namin ala kung sino ang may pakana no’n sa kaniya.“Mama, I’m sleepy,” sabi ng anak ko.“You can sleep anak,” ang sabi ko kay Sua.Natulog si Sua sa dibdib ko, nanatili pa rin ako sa position ko na nakaupo habang nakatingin kay dad. Kakarating lang namin dito kanina.“Wife,” nagulat ako nang marinig ang boses ni Bil.Agad siyang dumiretso sa akin. Hindi ako nagalaw kaagad. Why is he here?Alam kong nakauwi na siya galing Australia. Hinihintay ko na nga lang na padalhan niya ako ng Summons na ipapakulong niya ako.So far wala.Kaya nagulat ako na pumunta siya dito.“What are you doing here?” tumingin siya sa batang karga ko.“Is t

    Huling Na-update : 2024-03-01
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 38- Will

    Palihim akong umalis kasama ni Sua.“Mama, are we going home?” inosenteng tanong niya. Umiling ako. “May pupuntahan muna tayo ni mama,” ang sabi ko.Hindi na kami nagpaalam pa kina lola dahil iba ang pakiramdam ko. Tinext ko rin si Axcl na magkikita kami sa address na binigay ko.“Pupuntahn po ba tayo ni papa, mama?”Natawa ako.“Si papa ang pupunta sa atin,” sabi koLumapad ang ngiti niya at agad na yumakap sa akin. “Mama, ayoko po doon,” aniya, patukoy sa bahay ni lola.Alam ko. “Sorry baby, mama promise na hindi tayo magtatagal doon,” ang sabi ko sa kaniya.Nagpahatid kami sa taxi driver sa bahay ni grandpa Bilhem. One of his houses na pang average living. Walang mag-aakala na bahay niya ito dahil maliit, kumpara sa mga bahay na meron siya.But he likes it better than the mansions he owns.Alam kong walang nakasunod sa amin lalo’t busy ang lahat sa bisita. Pagkapasok ko sa bahay ni grandpa Bilhem, sinalubong niya agad kami ng tawa niya.“Anda!!”“Grandpa,” ngumiti ako at niyakap si

    Huling Na-update : 2024-03-02
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 38.1-Chill

    Grandpa didn’t tell me who’s that girl he was referring to. Sabi niya kailangan ko daw alalahanin ang ala-alang iyon cause it will help me to go through it.Nakita ko si Axcl na bumaba ng sasakyan. Agad ko siyang sinalubong at niyakap. Agad niya akong hinaIikan.“What’s wrong? You looked bothered,” aniya nang makita ang agam-agam sa mukha ko.Napabuntong hininga ako.“Axcl, ang totoo niyan, that part of my memory na hindi ko maalala, I think it has a big impact on my life. Sabi kasi ni grandpa, may tao akong nakalimutan na kamukha ko raw na siyang dahilan ng pagtanan natin. Meron ba akong nabanggit noon sa ‘yo?”Kumunot ang noo niya. Mukhang sinubukan niyang aalahanin ang sinasabi ni grandpa Bilhem na taong kamukha ko. By the way, matagal ng kilala ni Axcl si grandpa. Halos lahat ng importante sa buhay ko ay kilala ni Axcl.“When your family jailed you, wala kang ibang sinasabi sa akin kun’di ang magtanan tayo. You didn’t mention me about that girl nor introduce her.”Nakagat ko ang p

    Huling Na-update : 2024-03-02
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 39- Karma

    "Mama, isn't it interesting?" sabi ni Sua habang nakadapa sa kama at may dino-drawing.Nang tignan ko ano ang ginagawa niya, nakita kong gumagawa siya ng sunset."I like how the colors blend mama. I thought the sky is only blue but I was wrong. Minsan black siya, minsan gray, minsan orange,"Napangiti ako. Saan ba nagmana ang batang ito. All her talents ay wala sa amin ni Axcl, and she's adorable so how can we not protect her?I wanted to protect her."Indeed baby," sabi ko at ngumiti. Lumabas si Axcl mula sa banyo."Anong ginagawa ng dalawa kong prinsesa?" tanong niya."Look papa, I'm making a sunset,""Can I see? Wow. It looks good.""Nagmana po ba ako sa iyo papa?" napatingin sa akin si Axcl."Of course baby. Nagmana ka sa amin ni mama," sabi ni Axcl sa kaniya. Nag-iwas nalang ako nang tingin.The result is positive na anak namin siya, but I am certain in my mind, wala akong nakitang senyales na buntis ako.I asked Axcl if we can trust Milan, he said yes at liban doon, wala namang

    Huling Na-update : 2024-03-03
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 39.1- Help

    "Sa tingin mo grandpa, ito kaya ang rason bakit pumayag si Bil maging asawa ko? Dad became his father so possible na humingi ng pabor si dad sa kaniya?"Umiinom ng tea si grandpa. "Sa tingin ko ay hindi. Si Bil ang tipo ng tao na hindi sumusunod sa sinuman.""Kung ganoon grandpa, e ano?""Hindi ko rin alam. Anyway, gusto ko nitong tea? Masarap," aniya. Natawa ako sa agad na pagpalit niya ng topic. Hindi niya talaga siniseryoso ang lahat. Isa lang ang advice niya lagi, mag enjoy lang daw ako na manood sa gulo ng mga tao sa paligid ko. "Grandpa Bilhem, I need to go," sabi ko sa kaniya."Okay, ingat ka hija,"Umalis na ako ng tuluyan sa bahay niya. Plano kong pumunta sa hospital, doon kay Doc Milan. I need to confirm something. Nang nasa hospital na ako nang makita ko si Elaine na lumabas. Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya."Elaine!" Ang tawag ko sa kaniya.Lumingon siya sa akin, at kitang kita ko kung paano ka nanlalaki ang mata niya nang makita niya ako.Agad siyang tumakbo ka

    Huling Na-update : 2024-03-03
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 40- Scared

    "Mama, this man-""That man is innocent Gen. Why are you accusing your son in law?"Bil is right. Walang kapangyarihan sa bahay na ito si mommy. Pero dahil ako si Anda na half baked ang naalala sa dating buhay niya, nagmumukha akong hilaw na sanggol sa harapan nila.Kung magdisisyon sila sa buhay ko sa harapan ko, para bang wala akong kakayahan na ipagtanggol ang sarili ko. Na para bang wala ako sa matinong pag-iisip. Nakakagalit sila. They are toying with me then pwes, I'll play their game.Among them, isa lang ang nasa isipan ko. Si Bil at lola ang magkakampi."Excuse me, I want to drink a coffee," sabi ko at plano na sanang iwan sila."Anda! Huwag kang bastos!" Sabi ni lola.She's using her authority again. Well I'm not afraid of her now. Ngayon pa na alam ko na salimpusa lang pala sila sa yaman na iniwan ni lolo sa akin.Lahat ng meron sila, ultimo damit na suot nila ngayon ay pagmamay-ari ko. "Kung sinabi ko bang hindi ko gustong harapin si Bil, may magbabago ba la?" natigilan

    Huling Na-update : 2024-03-03
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 40.1- Don't

    Matapos ng libing ni dad, agad akong lumapit kay mommy. Nagmamadali dahil gusto kong makalayo kay Bil. "Are you alright?" tanong niya. Tumango ako at pumasok sa sasakyan. Nakita ko pa si Bil na nakatingin sa amin.Sobra akong natakot kanina nang makita ang ngiti niya. Hindi mawala sa isipan ko ang posibilidad na siya nga ang pumatay kay dad.Paano kung tama mga si Wilyn? Nanayo pa rin ang balahibo ko sa kaisipang napaka delikadong tao niya.Pagkauwi namin ng bahay, nandoon na si Axcl.Agad akong lumapit sa kaniya. Noon, may problema si mommy sa amin, ngayon, tumango lang siya kay Axcl at pumasok na ng bahay. Na para bang ayos lang sa kaniya na magsama kami. "Hey, is there something wrong? Bakit ang putla mo?" tanong ni Axcl sa tabi ko. Hapon na natapos ang libing, at makulimlim pa ang panahon."Axcl, I have something to tell you," bulong ko. "But first I wanna go home,"Tumango siya at hinawakan ang kamay ko para dalhin sa sasakyan niya. Nakita pa namin si Wilyn at Avo. Nakatingin s

    Huling Na-update : 2024-03-03

Pinakabagong kabanata

  • Ang Makasalanang Asawa   END

    Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 49

    SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 48

    ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 47

    “Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 46

    Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 45

    SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 44

    REINAKalat sa campus ngayon ang ginawa ni Sandro sa group project nila. HinaIikan daw kasi ni Mylene si Sandro habang tulog kaya nasampal siya ni Sua.Tapos ngayon, nakikita kong hindi na lumalapit si Mylene sa kaniya. Lihim akong natuwa sa nangyari. Iba nga naman talaga maningil ang karma.Malapit ng matapos ang first sem. Naging tahimik ang lahat. Iyong mga kagaya kong humahanga kay Sandro, bigla nalang naglaho.Dahil iyon lahat kay Sua. Lagi silang magkasama. Rinig ko pa sa iba na tingin pa lang niya ay napapaatras na ang sino mang magtatangkang lumapit kay Sandro.Matunog dati ang pangalang Sandro na crush ng lahat pero ngayon, he was branded as Sua’s boyfriend.“Iba sila ni Sua.” Iyon ang sabi ni Jho. “Seloso si Sandro pero showy siya. Balita ko pinagsi-selosan niya iyong Charles na classmate ni Sua at laging vocal at PDA si Sandro para ipakitang kaniya si Sua while si Sua, hini-head to foot lang niya ang mga babae sa paligid ni Sandro.”Hindi ko siya pinansin. Ayokong makinig s

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 43

    REINASobrang laki ng Gaiman. Halos lahat ng studyante na narito ay matatalino, at karamihan ay may kaya. Salat kami sa pera kaya doble kayod ako para lang mapanatili ko ang scholarship ko.Dream school ko ang Gaiman. Dahil alam kong after I graduate from this school, trabaho na ang kusang lalapit sa akin.Pero sa daming tao na narito, isa lang ang nakakuha ng attention ko. At iyon ay si Sandro.Siya lang yata ang naging crush ko mula no’ng freshman ako. Sobra niyang gwapo, seryoso at matalino. Halos nasa kaniya na nga lahat.“Jho, bagay ba sa akin ang shade ng lipstick na ito?”Si Jho ang roommate ko.Pareho lang pala kami ng dorm ni Sandro. Pagbaba ko ng hagdan, makikita ko na siya dahil sa second floor ang room niya.“Oo naman. Pero huwag ka ng umasa doon kay Sandro. May Mylene na yun.”Humaba ang nguso ko.Ano naman ngayon kung kasama niya lagi si Mylene e hindi naman sila. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang silang dalawa."Seryoso ka bang hahangaan mo siya kahit na hindi ka nam

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 42

    May dala siyang ice cream, yung isang tub at gamot."Good afternoon. How was your sleep?"Tumayo at lumapit ako sa kaniya. "Ayos lang. Thank you pala sa paglinis at pag-ayos ng gamit ko." Saad ko sa kaniya.Lumabi siya at sinabing, "I want a thank you hug.Natatawa ko siyang niyakap. "Kaya ka napipilosopo ni papa e."Mahina siyang natawa."Your father is kinda savage.""He is." Pagmamalaking sabi ko. "Kumain na tayo hangga't mainit pa ang niluto mo."Tumango siya at umupo na kami sa mesa para kumain.Excited akong tikman ang niluto niya. Sa tingin pa lang kasi ay masarap na. Marunong akong magluto pero hindi gaya sa kaniya na nakakaluto na ng dish gaya nito.Siya na talaga. Feeling ko e nasa kaniya na ang lahat.And it didn't disappoint. Ang sarap nga ng luto niya."Sasabihin mo bang pwede na ako mag-asawa kasi masarap ako magluto?"Nagpipigil ako ng ngiti sa komento niya. Inirapan ko siya lalo na nang makita ang dimple niya dahil sa ngiti niyang halos ikapunit na ng labi niya."Pwede

DMCA.com Protection Status