"Sa simula pa lang ay ayaw ko na sa babaeng yan. Hindi ako makapaniwala na nakipagsabwatan siya sa p*tang Yvonne yon para kidnapin ako!" Napuno ng pagkasuklam ang mukha ni Karen bago siya lumingon para ngumiti kay Jeremy. "Natutuwa ako na tama na ang pinili mong babae ngayon, Jeremy! Mabait na babae si Felicity. Ngayon, kailangan mo nang putulin ang koneksyon mo kay Madeline!" "Madeline? Hindi ba Eveline ang pangalan niya?" Naguguluhan si Jeremy. "Madeline ang pangalan niya dati noong inampon siya ng Crawford family. Tungkol nga pala sa mga Crawford, puno ng masasamang tao ang pamilyang iyon, lalo na ang Meredith na yun. Anong klaseng kamalasan ba ang nahakot ng pamilya namin para makilala ang p*tang yon? Hindi ko rin alam!" Nasusuklam na sabi ni Karen. Pagtingala niya, nakita niya na nakakunot ang noo ni Meredith. Madilim ang kanyang mukha habang mukhang malalim ang kanyang iniisip. Pagkatapos ay nagpatuloy si Karen, "Alam mo siguro to, Felicity, pero mas malala pa ang Meredith
Habang pinapanood ang eksenang ito, sumama ang kutob ni Meredith. Mabilis siyang sumugod papunta kay Jeremy nang may kinakabahang ekspresyon. Tumingin si Jeremy sa pinagmulan ng tunog at nakita niya si Felicity na tumatakbo papunta sa kanya, sabay gulat na tumingin kay Madeline sa gulat. "Ikaw na naman, Eveline Montgomery!" Pinaglayo ni Meredith ang magkahawak na kamay nina Jeremy at Madeline. "Bakit ba ayaw mo kaming lubayan, Eveline? Wag mong akitin ang fiancé ko! Mahal ako ni Jeremy! Iniisip mo lang yun. Ilusyonada ka!" "Fiancé? Sa tingin ko ikaw ang ilusyonada, Felicity." Ngumiti si Madeline habang humakbang siya papunta kay Meredith, dominante ang kanyang aura. "Ang makisig na lalaking ito na kasama kong nagparehistro ay ang asawa ko, ni Eveline Montgomery." "Ano? Nagparehistro?" Nanlaki ang mga mata ni Meredith. Nilabas ni Madeline ang marriage contract mula sa kanyang bag at winagayway ito sa harapan ni Meredith. "Oo. Nagparehistro. Kinasal." "..." Hindi ito mat
Kasalukuyang nasa ilalim ng isang hypnosis si Jeremy. Ito lang ang natatanging dahilan kung bakit naniniwala siya na ang taong mahal niya ay siya, si Felicity. Nakalimutan niya ang lahat ng tungkol kay Madeline. Ngunit, hindi tiyak ang hypnosis at pwede itong mawala sa anumang oras. Anong dapat niyang gawin? Hindi siya nagtangkang sabihin kay Felipe ang totoo. Kapag nalaman ni Felipe na pumalpak siya, malamang ay papatayin siya nito!… Pagkatapos umalis ni Jeremy, nagmaneho si Madeline papunta sa villa dahil naisip niya na baka bumalik na siya sa bahay. Nang tumayo siyang muli sa tapat ng pintuan ay maraming naalala si Madeline Naging daughter-in-law na naman siya ng Whitman family––ang Mrs. Whitman ni Jeremy. 'Pero talaga bang inakala mo na ako si Felicity nang nagparehistro tayo, Jeremy?' inisip ni Madeline sa loob niya bago naglakad papasok. Dahil alam niya na umalis sina Jeremy at Felicity para magparehistro at babalik para sa hapunan, masayang nagpunta sa kusina
Si Karen, na kanina ay nakangiti, ay kaagad na nanigas nang marinig niya ang mga salitang iyon! Naguguluhang nanlaki ang kanyang mga mata. Habang nakatingin sa magandang mukha sa kanyang harapan ay napagtanto na rin niya sa wakas. "Ikaw si Madeline!" "Eveline Whitman nga pala, salamat." Binuksan ni Madeline ang kanyang bibig para itama siya. "Paanong ikaw yun?!" Sobrang nagalit si Karen. "Ano pa bang gusto mo para makuntento ka? Binabalaan kita, wag mo nang guluhin si Jeremy. Kukuha na siya ng certificate kasama ng future daughter-in-law ko, si Felicity. Magiging legal na silang mag-asawa! Kapag nanggulo ka pa, sasabihin ko sa buong mundo na ang dakilang big shot ng Glendale, si Ms. Montgomery, ay isang walang hiyang homewrecker!" Sa harap ng pagbabanta ni Karen, nilabas ni Madeline ang bago at mainit-init pa na marriage certificate mula sa kanyang bag, hindi siya naapektuhan. Pagkatapos niyang buksan ang nakatuping bahagi, pinakita niya ang marriage certificate kay Karen. "H
Tinapos ni Madeline ang kanyang babala bago pinutol ang tawag. Nilagay pa niya sa blacklist ang numero ni Felicity. Hininto niya ang kotse at inabot ang phone nang may seryosong ekspresyon. "Jeremy, asawa na kita ngayon. Wag ka nang makikisalamuha sa ibang mga babae kung hindi ay malulungkot ako." "Wag kang malungkot. Ipinapangako ko iyon sa'yo." Parang nag-aalinlangan ang kanyang sagot pero kaagad siyang pumayag. Nakuntento si Madeline sa kanyang sagot. Dinala niya si Jeremy sa clinic ni Adam. Sinuri ni Adam si Jeremy at wala siyang nakitang kahit na anong problema sa katawan ni Jeremy. Higit pa roon, ang katawan ni Jeremy ay mas mabuti kumpara sa ibang tao. Binigyan rin ni Adam si Jeremy ng isang psychological evaluation at pinakita nito na wala siyang problema. Sa ganito, hindi makapagsimula si Adam na gamutin si Jeremy. Dahil dito, kailangan muna siyang iuwi ni Madeline. Nang mapadaan sila sa pulang ilaw trapiko sa kanilang biyahe pabalik, hindi mapigilan ni Madeline
Nang paakyat pa lang si Jeremy papunta sa kwarto, mahina niyang narinig ang boses ni Madeline na nanghihingi ng tulong. Naramdaman niyang biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya tumakbo siya pababa bago pa niya ito mapag-isipan. Tumakbo siya sa may gate pero nakita niya si Madeline na pasakay ng kotse. "Anong nangyari?" Lumapit si Jeremy at nagtanong. "Wala, ayos lang ako," sagot ng babae mula sa loob ng kotse, "Akala ko may daga kanina kaya nagulat ako. Sige, Jeremy. Uuwi na muna ako." Pagkatapos nito, umandar ang kotse papalayo mula sa paningin ni Jeremy. Pakiramdam ni Jeremy ay mayroong kakaiba pero hindi niya ito matukoy. Nang tumalikod siya para umalis, binaba niya ang kanyang tingin para makita ang isang butones sa lapag sa harapan ng pinto. Pinulot niya ito at tinignan nang maigi. Ang kulay gintong butones na ito ay isa sa mga butones sa coat na suot ni Madeline ngayong araw. Paano itong natanggal? Minamaneho ni Meredith ang kotse ni Madeline. Tinaas ni
Ngumiti ang mapupulang labi ni Meredith at tinuro ang kanyang daliri sa mukha ni Madeline. "Sa mundong ito, isang Eveline lang ang kailangan." Nang marinig niya ito, unti-unting naintindihan ni Madeline kung ano ang ibig sabihin ni Meredith. Gusto ni Meredith na burahin siya nang permanente, palitan siya at maging si Eveline. "Madeline, hindi kita napatay noon, hinayaan kitang mag-agaw-buhay. Hindi na ako magpapakakampante ngayon." Ngumiti si Meredith at initsa ang mahinang si Madeline sa lawa. "Hindi ba namimiss mo na ang anak mo? Dadalhin kita doon kasama niya ngayon. Madeline, mula ngayon, wala nang ikaw sa mundong ito habang ako ang magiging tunay na Eveline, hahaha…" Nagwawala siyang tumawa, ang kanyang mga mata ay biglang naging malamig. "Mabulok ka sa impyerno!" Sinubukan ni Meredith ang lahat ng kanyang makakaya para itulak si Madeline papunta sa nagyeyelong lawa. Gustong tumakas ni Madeline, pero nanghihina siya at naglaho siya sa lawa. Ang matinding lamig
Nanginig ang kamay ni Meredith na may hawak sa wedding dress! Tinignan niya ang anyo na lumitaw sa salamin sa gulat at hindi makapaniwalang lumingon. "Eveline!" Nanlaki ang mga mata ni Meredith sa pagkataranta habang dahan-dahan siyang umatras. Tinuro niya si Madeline na nakasuot ng isang purong puting dress, ang kanyang buhok ay hinahangin. "Tao ka ba o multo? Bakit ka narito?" Tinignan siya ni Madeline nang nakangiti. "Ano sa tingin mo? Isa ba akong tao o isang multo?" "...""Ang lamig-lamig sa tubig, kapatid ko. Sasamahan mo ba ako?" "Ah!" Sumigaw si Meredith sa takot, binato niya ang wedding dress na hawak niya at binalak na tumakbo palabas. Ngunit, humakbang paharap si Madeline at hinawakan ang kanyang pulso. "Kapatid ko, bakit ka nagmamadali? Kukunin kita, wag kang mag-alala." Nang maramdaman niya ang malamig na kamay sa kanyang pulso ay mas lalong natakot si Meredith. Isa itong patay na tao! Paanong ganito kalamig ang kamay ng isang buhay na tao? Imposible!
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si