Tumigil si Meredith sa nakakaawa niyang pag-arte at naiilang na tumingin kay Old Master Whitman. Malumanay ang mukha ng old master at ang asal niya ay marangal. "Isa kang babaeng nangialam sa kasal ng iba at nagluwal ka pa ng isang anak sa labas nang buong tapang. Di ka lamang walanghiya sa ginawa mo, sa halip ay ipinagmamalaki mo pa. Walang granddaughter-in-law ang mga Whitman na walang respeto at pagmamahal sa sarili." "..." kumirot ang sulok ng labi ni Meredith nang mababasag na ang peke at mahinhin niyang maskara. Tila ba hindi niya inasahan na ganito ang tingin sa kaya ng old master. Kaya pala ayaw sa kanya ng old master. Nakita ni Madeline si Meredith na tinitikom ang kanyang mga kamao. Nahihirapn itong panatilihin ang kanyang pagpapanggap, subalit, hindi pa rin niya maibaba ang kanyang mahinhin na maskara. "Ama, wag mong sabihin yan. Si Madeline ang naunang nangialam sa kanilang dalawa. Siya ang kabit! Kung di siya namagitan sa dalawa para pagplanuhan si Jeremy, kasa
Hindi inasahan ng lahat sa kwarto na magtatanong nang ganito ang old master, maging si Madeline. Ang maayos na tibok ng puso ni Madeline ay muling tumaas sa isang iglap. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong. Nakita ni Old Master Whitman ang namumulang mukha ni Madeline at naunawaan niya. Mahinahon siyang ngumiti at itinaas ang kanyang ulo para tumingin kay Jeremy. Pagkatapos, mahinahon siyang tumingin kay Meredith at sa nanay ni Jeremy na mga mukhang naiilang. "Walang may karapatang sumira ng kasal na ito hangga't nandito pa ako!" Seryosong ipinahayag ng old master. Nakita ni Madeline na ang mukha ni Meredith ay kasindilim ng uling at napakalagim. Naisip niya na siguro minumura na nito ang old master gamit ng lahat ng murang maisip nito. "Miss Montgomery." Ganito ang tawag ng old master kay Meredith dahil siya na ang dalaga ng Montgomery ngayon. Pinilit ni Meredith na ngumiti. "Opo, Old Master Whitman." "Naniniwala ako na di dinakip ng aking grandaughter-in
Dahil sa lakas ng pwersa, sumubsob ang katawan ni Madeline. Sumakit nang matining ang kanyang tiyan. Namaluktot si Madeline para mabawasan ang sakit, pero bago niya ito magawa ay hinila na siya ni Jeremy. Ang kanyang makisig na mukha ay hindi naaapektuhan ng kanyang galit at lalo pa itong tumindi sa kanyang harapan. Tinitigan nang masama ni Jeremy si Madeline. "So inaamin mo na drinoga mo ako para makaakyat sa kama ko noon?" Tinitigan ni Madeline ang mukha na kanyang minahal sa loob ng napakaraming taon at ngumisi. Kung sa tingin mo ginawa ko 'yon, eh di sige, Mr. Whitman." Hindi na niya gustong magbigay ng mga hindi kailangang paliwanag. Subalit, huminto si Jeremy at tinignan ang nakangising mukha sa kanyang harapan. Isang ngisi na kahalintulad nito ang lumitaw sa kanyang isipan at lumuwag ang hawak niya sa kwelyo ni Madeline. Pagkatapos ng ilang saglit ay napuno ng pandidiri ang kanyang mga mata. "Napaka-cheap mo." Sinambit niya ang mga nakakainsultong salitang iyon mula
Nakakita si Madeline ng isang pares ng mamahaling itim na sapatos na gawa sa balat at isang pares ng mahahaba at balingkinitang mga binti. Itinaas niya ang kanyang ulo, at sa kanyang nanghihinang kalagayan, nakaaninag siya ang isang pamilyar na mukha bago siya mawalan ng malay. Nang magising si Madeline, natuklasan niya na nasa ospital siya. Nakabantay sa kanyang tabi si Ava. Nakita ni Ava na gising na siya pero hindi pa rin gumagaan ang kanyang loob. "Maddie, hindi mo ba alam ang kondisyon ng katawan mo? Bakit ka lumabas sa ulan at napunta sa ganitong sitwasyon?" Nakita ni Madeline na mangiyak-ngiyak na si Ava. Namumula ang kanyang mga mata at nanginginig ang kanyang mga labi. "Gising na ako, hindi ba?" Ngumiti si Madeline. Subalit, naramdaman niya na baka lumala na ang kanyang katawan. Ayaw na niya itong isipin pa. Naalala niya kung paano niya ginastos ang natitira niyang buhay para sabihan ng masama si Jeremy kanina. Siguro dahil matatapos na rin ang kanyang buhay kaya nak
Nang naisip ni Madeline na hindi siya makakailag, isang matangkad at matikas na anyo ang lumitaw sa kanyang harapan. Tumapon ang kape ni Meredith sa bagong plantsang damit ng lalaki. Napakabilis ng pangyayari na sina Madeline at Meredith ay parehong nagulat. "Miss, pwede kitang kasuhan ng assault dahil lang sa ginawa mong pagtapon ng mainit na kape sa ibang tao," sabi ng lalaki. Malalim at suwabe ang kanyang boses, parang red wine sa kanilang tainga. Hindi kagaya ng sa iba ang kanyang tindig. Tinignan muna ni Meredith ang mukha ng lalaki bago mayabang na nagsalita pagkatapos niyang matauhan, "Tsk! Tinatakot mo ba ako? Eh ano naman ngayon kung sasaktan ko siya? Sasaktan ko talaga yang p*ta na 'to. Bakit ka biglang humarang?" "Si Miss Crawford ay empleyado ko. Bilang kanyang superior, mayroon akong responsibilidad na protektahan ang aking staff." Nang marinig ito ni Madeline ay sobra ang gulat niya. Nang may sasabihin sana siya, nagtagpo ang kanyang mata at ang mga malalim
Ano? Hindi makapaniwala si Madeline sa kanyang narinig. Parang ilusyon nga ang pagtawag sa kanya ni Jeremy bilang asawa, pero ang mas nagpagulat sa kanya ay kung ano ang tinawag nito sa kanyang boss. Uncle? Hindi niya alam ang pangalan ng taong tumulong sa kanya ng dalawang beses. Alam niya lang ay tinatawag siyang Mr. Whitman ng mga nagtatrabaho roon. Subalit, hindi ito masyadong pinag-isipan ni Madeline noong mga oras na iyon. Napakaraming tao ang magkakaapelyido sa buong mundo. Kaya hindi niya inaasahan na tito pala siya ni Jeremy. Mabagal na lumabas si Felipe Whitman mula sa kanyang kotse at nagtatakang tumingin kay Madeline. "Kung ganoon, ikaw ang asawa ni Jeremy?" Binuka no Madeline ang kanyang bibig pagkatapos niyang matulala. "Sa ngayon." Nanlumo ang mukha ni Jeremy nang marinig niya ang sagot ni Madeline. "Sa ngayon?" Naging interesado si Felipe sa kanyang sagot. Tinignan niya si Jeremy nang may maliit na ngiti sa kanyang mukha. "Kung ganoon, hindi kita pipig
Madilim na sa labas at tinulungan ni Madeline ang lasing na si Ava papasok sa taksi. Paglingon niya, nagulat siya nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa tapat ng pintuan. Nakatanday siya sa kanyang kotse. Ang isa niyang kamay ay nasa kanyang bulsa habang ang isa naman ay may hawak na sigarilyo. Nakasindi ang dulo ng sigarilyo bago ito unti-unting maglaho sa gabi. Mukha siyang malungkot. Lumukso ang puso ni Madeline. Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya. Gusto niyang lumayo kay Jeremy pero nakita na siya ng lalaki. Malamig ang titig niya kay Madeline. "Sakay." Lagi niya siyang inuutusan, hindi niya hinahayaan si Madeline na makapili. Kalmadong nilihis ni Madeline ang kanyang tingin. "Pasensya na, Mr. Whitman. Bukas na tayo mag-usap. Gabi na masyado." Kumunot ang noo ni Jeremy. Sa inis niya at tumayo siya sa harapan ni Madeline. "Ang sabi ko, sakay." "Sino 'yan? Bakit ang ingay?" Mayroong nakaharang sa kanyang daanan kaya tumingala si Ava habang lasing na lasing. T
Napagtanto ni Madeline na nagalit ng husto si Jeremy sa huling sinabi ni Ava. Bigla niyang pinatay ang sigarilyo niya at nagmistulang si Satanas na mula sa impyerno. Pagkatapos ay hinila niya si Madeline palapit sa kanya. Bumagsak sa lupa si Ava nang mabitawan siya ni Madeline. âAva!âNapasigaw si Madeline at sinubukan niyang tulungan si Ava. Subalit, pilit siyang itinulak ni Jeremy papasok ng kanyang kotse. Galit na galit si Jeremy. "Madeline, seryoso ka ba? Nagsinungaling ka sa kaibigan mo na binigo kita at ikaw ang biktima? Pambihira ka talaga." Galit na galit na tiningnan ni Jeremy si Madeline. Para bang sinusubukan niyang butasin si Madeline gamit ng mga mata niya. "Yung pangako nating dalawa? Ano bang pinangako ko sayo? Pwede ba tumigil ka na?" Muli niyang binura ang mga pangako niya noon kay Madeline.Hindi na umasa si Madeline na maaalala pa ni Jeremy ang mga pangako na 'yon. Matagal nang nabaon sa limot ang mga alaalang iyon. Maglalaho na lamang ang mga iyon
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.âHuwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?ââSino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?âNabigla ang asawa niya. âPumapayag ka na dito?â Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, âAva, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isaât isa.ââPero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,â sinabi ni Ava nang walang magawa. âAyaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.ââPero AvaâŠâ âMaddie, âwag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hanggaât ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na âyun diba?â Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.âAva, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.âHmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,â umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. âHuwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?âHindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.âHindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.âKalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?âSinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng âyun, hindi siya ikakasal?âHindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?âHindi ko dapat hayaang mangyari ito.âPaglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.âDan, napagpasya
âUuwi na ako!âTumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.ââWag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.âSa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. âAno? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?ââTingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.â mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.âAnong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?â tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, âGusto ko ring malaman.ââPaanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.â âWala na sa ward si Dan pagdating ko,â sinabi ni Ava at tumalikod. âPupunta ako sa nurse station para magtanong.ââSandali.â Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.âAva, sasabihin ko saâyo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil saâyo. Dahil saâyo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.âLily.â lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. âLily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.â Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.âMs. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako saâyo.â Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk⊠Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si