Tinignan ni doktor si Jeremy na mukhang nababahala at dinamayan ito. "Sir, di mo kailangang mag-alala masyado. Walang malaking panganib sa asawa mo at wala ring mga gasgas at pasa sa katawan niya, pero ang mga sugat sa kamay mo ay mas seryoso kaysa sa kanya." Di man lang tumingin si Jeremy sa dumudugo niyang palad. "Ang akin ay isa lamang sugat. Gusto kong malaman ang kalagayan ng asawa ko. Kung ayos lang siya, bakit siya nawalan ng malay? Kumusta na siya? Gusto kong pumasok para makita siya!" Nang magsalita siya, susugod na siya papasok ng emergency room. Noong nakaraang tatlong taon, pumasok si Madeline sa emergency room sa katulad na paraan at di na nakalabas. Ang pangyayari noong araw na yun ay nag-iwan ng matinding sugat at trauma sa puso niya. Natatakot siya na mauulit ang pangyayari noong araw na yun at di na makakalabas si Madeline pagpasok niya ng kwarto. Hindi na niya kakayanin ulit ang sakit. Nang makita ito ng mga doktor at nars, kaagad nilang hinawakan si Jer
Nang naiinis dahil malambing na nakatitig si Felipe kay Madeline, naglakad palapit si Jeremy at hinarangan ang titig ni Felipe. "Tara sa labas, may sasabihin ako sa'yo." Ngumiti si Felipe nang marinig niya ang mga sinabi ni Jeremy. Tapos lumingon siya at sinundan ito palabas. Sa dulo ng pasilyo, tapatang sinabi ni Jeremy sa kanya, "Felipe, maaaring maloloko mo si Linnie, pero di mo ako maloloko. Ginagamit mo si Linnie para makuha ang pakay mo." Tahimik na nakinig si Felipe nang di nakikipagtalo. Sa halip ay ngumiti siya at sinabi, "Tama, ginagamit ko si Vera. Kung di dahil kay Vera, magiging napakahirap para sa akin na makuha ang Whitman Corporation at Whitman Manor nang ganito kabilis." Pagkatapos pakinggan ang walang pagsisising sagot nito, itinupi ni Jeremy ang kanyang daliri at nagsimulang tumunog ang kamao niya. "Felipe, talagang naoakasama mo" "Napakasama?" Tumawa si Felipe nang dumaloy ang kayabangan mula sa mata niya. "Diba masama ka rin? Sinaktan mo si Vera hanggang
Nabigla ang lahat ng nasa ward sa tanong na ito. "Eveline, ako ang nanay mo." Tinuro ni Eloise ang sarili niya habang natataranta. Tumutulo na ang luha sa mga mata niya. Mahirap para kay Jeremy na paniwalaan ito. Mas naging di kapani-paniwala ito nang makita niya na mukhang naguguluhan at nag-iingat ang taong nasa harap niya. Paano nangyari ito? Paano nangyari ang ganitong bagay? Ang babaeng minahal siya nang sobra, na minahal at kinamuhian siya ay talagang nakalimutan siya? Pagkatapos magulat, saglit lang na naayos ni Felipe ang pagtataka niya. Pagkatapos ay ngumiti siya at lumapit kay Madeline. "Vera, wag kang mag-alala. Kahit anong mangyari, nasa tabi mo ako. Patignan lang muna natin sa doktor ang kalagayan mo." Pagkatapos pakinggan nang maigi ang mga salita ni Felipe, hinayaan ni Madeline ang doktor na suriin siya. Ayaw talagang paniwalaan ni Jeremy ang nangyayari sa harap niya. Hindi siya kilala ni Madeline pati si Eloise, pero naaalala niya nang malinaw si Felip
Nang maglakad si Madeline palapit sa kanya, magalang lang na ngumiti ito. "Hello Mr. Whitman. Ako ang fianceé ni Felipe, si Vera." Dinurog ng pagpapakilala niya ang puso ni Jeremy, pero ngumiti nang matagumpay dito si Felipe. Pinilit ni Jeremy na kumalma, pero sa huli, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at bigla niyang hinawakan ang kamay ni Madeline. "Linnie, di ako si Mr. Whitman. Ako ang asawa mo!" Pwersahang hinila palayo ni Madeline ang kanyang kamay nang marinig niya ang mga salitang ito. Tinignan niya ito nang masama. "Mr. Whitman, respetuhin mo naman ako. Ako ang future aunt mo." Hiss. Dumaan sa tainga ni Jeremy ang mga pamilyar na salitang ito at lalong nasaktan ang bugbog niyang puso. Napuno ng dugo ang puso niya nang mahirapan siyang huminga dahil parang pinupunit ang puso niya. "Jeremy, wag kang magbiro nang ganyan. Magagalit si Vera." Lumapit si Felipe at nagbigay ng seryosong paalala. Nakatagpo ni mata niya ang masamang tingin ni Jeremy at lalong luma
Nang marinig ang mga salitang ito, di mapigilan ni Madeline na kumunot ang noo. Itutulak na niya ang pinto nang biglang may humawak sa kamay niya. Lumingon si Madeline at nakita ang malambing na ngiti ni Felipe. "Tapos na ang proseso. Tara na." Hinawakan niya ito sa kamay at aalis na nang hawakan siya ni Madeline. "Felipe, may babae sa loob na inaapi ang isang matanda." "Di tayo dapat manigaalam sa problema ng ibang tao." Kumunot ang noo ni Felipe na parang nababahala siya, ngunit ang kanyang titig ay malambing. "Atsaka, di natin alam kung ano talaga ang nangyayari. Tara na." Tinignan ulit ni Madeline ang ward. Ang galit na mukha ni Yvonne at ang miserableng taong nasa wheelchair ay nagpabagabag sa kanya. Sinundan ni Karen si Madeline hanggang sa elevator, ngunit bago pa siya makapaglabas ng galit, sumara ant pinto sa harap niya. Nagmura siya sa galit at nang tatalikod na siya, bumukas ang pinto ng elevator sa gilid. Si Jeremy, na kakabalik lang mula sa police station,
Matapos malaman na nakalabas na si Madeline sa ospital kasama ni Felipe, kahit na medyo kinakabahan si Eloise at Sean, di sila masyadong natataranta. Kahit na di nila kilala si Felipe, sigurado silang di sasaktan ni Felipe si Madeline. … Sa kabilang banda, kaagad na dinala ni Felipe pabalik si Madeline sa dati nilang apartment. Malinaw na alam ni Madeline ang apartment na ito. Pumunta siya nang kusa sa kwarto tapos nagpalit siya ng damit pambahay. Pinanood siya ni Felipe nang maigi mula sa isang tabi. Kahit na pakiramdam niyang bihira ang magkaroon ng amnesia, ang gawi ni Madeline ay mukhang nagpapakita na talagang nawalan siya ng bahagi ng alaala niya. Ang mga alaalang ito ay puro may kinalaman kay Jeremy. Tuluyan na niyang nakalimutan si Jeremy. Kahit pagmamahal o hinanakit man ito, hindi niya ito maalala. Para kay Felipe, mabuting bagay ito. Nang makitang biglang inimpake ni Madeline ang kanyang damit, lumapit si Felipe nang nagdududa. "Vera, anong ginagawa mo?"
Nakinig si Sean at Eloise sa pagpapakilala ni Felipe nang mukhang umaasa. Nanlaki ang mga mata niyang Madeline sa gulat. "Tunay kong magulang?" Malinaw na nakalimutan niya ang tungkol dito. Ngumiti si Eloise at Sean habang pinipigilan ang sakit. "Eveline, kami talaga ang tunay mong magulang." Nang makita ang malungkot at nababahalang mata ng mag-asawa sa harap niya, unti-unting bumigat ang pakiramdam ni Madeline. Isang kamag-anak lang ang naaalala niya mula noong pagkabata niya at ito ay si Grandpa Len. Mula noong bata pa siya, kinainggitan niya ang ibang mga bata. Hindi niya naranasan ang pagmamahal ng magulang at di niya maisip kung anong itsura ng mga magulang niya. Lumalabas na ito ang itsura nila. "Vera, nakilala mo na noon ang tunay mong magulang bago ang aksidente. Ang tunay mong pangalan ay Eveline Montgomery." Seryosong ipinaliwanag ni Felipe. Unti-unting nahimasmasan si Madeline. Tapos sumimangot siya at sinabi, "Di ko talaga matandaan." Bumulong siya nang
Noong una, medyo kinakabahan sila na tawagin si Felipe. Atsaka, pinaalalahanan sila ni Jeremy na si Felipe ay isang delikadong tao. Pero mula sa nakikita nila, mukhang elegante at maginoo si Felipe. "Salamat, Mr. Whitman." Pinasalamatan siya ni Eloise. "Walang anuman. Ang tanging hiling ko lang ay ang kasiyahan ni Vera," Sinabi ni Felipe nang may hiya, "Pero pakiusap wag niyong babanggitin ang pamangkin kong si Jeremy sa harap ni Vera." "Ang sugat na iniwan ni Jeremy kay Vera ay napakalalim. Walang kahit isang minutong masaya si Vera noong kasama niya pa ito. Ngayong pinili na niyang kalimutan si Jeremy, ito ang pinakamalaking patunay na si Jeremy ang pinakanakasakit sa kanya. "Atsaka, noong kami ni Vera ay nasa F Country, nagkaanak kami. Ang pangalan niya ay Lilian at ang palayaw niya ay Lily. "Gusto ko na talagang tapusin ang mga bagay dito at ibalik doon si Vera para iparehistro ang kasal namin, pero dahil nakilala na niya kayo, umaasa ako na siya ang magiging asawa ko b