Sa gitna ng katahimikan, narinig ni Jeremy si Madeline na tumawa. "Jeremy, huli na ang lahat. Wala na akong nararamdaman para sa'yo kahit na ano pang sabihin mo ngayon," malamig na sabi ni Madeline. Hindi na niya siya hinahanap-hanap ngayon. "Dahil hindi na kita mahal." Kahit na alam na niya na hindi na siya mahal ni Madeline, nang marinig niya itong magmula sa kanya, pakiramdam ni Jeremy ay parang may isang milyong palaso sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay mayroong mga kutsilyo na umuulan sa kanya, hinihiwa ang kanyang laman mula sa kanyang katawan. Ang natitira na lang sa kanyang katawan ay buto. Tinaas ni Madeline ang kanyang kamay at biglang tinulak ang walang buhay na mga kamay ni Jeremy. Tumalikod siya at sarkastikong tinignan ang nanlilumong"Jeremy, tapos na ko sa'yo. Sa sandaling may inutusan ka na sirain ang puntod ng lolo ko, kaagad kong pinagsisihan na minahal ko ang isang walang pusong lalaki na kagaya mo." Nang marinig ni Jeremy ang kanyang sinabi, nakaram
Siguro dahil na rin sa gulat pero tumalon ang puso ni Madeline. Gusto niyang hindi pansinin ang lalaki sa lapag noong una, pero nang makita niyang nakakunot ang noo ni Jeremy at mukhang mayroong masakit sa kanya, umupo siya bago tingnan ang temperatura niya nang hindi niya namamalayan. Malamig ang kanyang pisngi pero mainit ang kanyang noo. Nang makalapit siya sa kanya, maliban sa kanyang amoy, mayroon ring malakas na amoy ng alak. Marami siyang nainom at nanatili pa sa labas sa gitna ng malamig na panahon nang buong gabi. Malamang ay nilalagnat siya ngayon. Ayaw na ni Madeline na maistorbo pa ni Jeremy kaya inisip niya na tawagan na lang ang 911 para kukunin na lang siya ng ambulansya. Pero nang tumalikod siya para gawin iyon, hinawakan ni Jeremy ang kanyang kamay. Malamig ang kanyang kamay ang para bang nagyeyelo ito. Ang lamig mula sa kanyang kamay ay tumagos sa kanyang mga buto. "Wag kang umalis…" bulong niya na para bang nananaginip pa rin siya, bahagyang kumilos ang
Ang mga usap-usapan tungkol sa mga utang at pagbagsak ni Jeremy ay nagsimula na ring dumami. Maraming tao ang naghihintay sa sagot ni Jeremy. Ngunit, pagkatapos ng mahabang panahon ay wala pa rin siyang pahayag sa Twitter. Hinuhulaan rin ni Felipe kung anong gagawin ni Jeremy. Pero kahit nakalipas na ang isang araw ay hindi pa rin lumilitaw si Jeremy. Para bang nawala siya. Pinatay niya rin ang phone niya.Sa kabilang banda, alam ni Madeline na nasa loob ng kanyang apartment si Jeremy. Pero isang araw na ang nagdaan. Tulog pa rin ba siya? Imposible para sa kanya na hindi kumibo pagkatapos ng press conference ngayon. Lumala ba ang lahat niya? Tahimik itong pinag-iisipan ni Madeline. Pagkatapos, sinundan niya si Felipe sa isang magarang restaurant sa Glendale. Nagbukas si Felipe g isang bote ng pinakamahal na wine para magdiwang. "Congratulations at nagawa mo na ang pinapangarap mo. Ngayon, sa'yo na ang Whitman Corporation." Tinaas ni Madeline ang baso niya. Nakangiti ang
Ito na ang ikaanim na taon. Lumipas ang anim na taon sa isang kurap. Nilagay ni Madeline ang kanyang daliri sa ID fingerprint lock at binuksan ang pinto ng apartment. Sa sandaling ito ay naglayag ang kanyang isipan. Naalala niya kung paano siya nakulong sa salang hindi niya ginawa at pinahirapan sa mga taong naroon siya. Hindi niya nakalimutan kung paano siya pwinersang manganak ng mga babaeng preso na iyon sa isang maulang gabi. Paano niya makakalimutan na bukas na ang kaarawan ng anak niya? Pero iba ang taong ito dahil hindi siya iiyak sa harapan ng isang walang lamang libingan. Alam na niya na hindi patay ang kanyang anak. "Mommy, birthday ko bukas," sabi ni Jackson. Parang mga batingaw ang kanyang boses at bumalik sa realidad si Madeline. Medyo nabigla siya at hindi niya mapigilan ang kirot sa kanyang puso. Si Jackson ay ang anak nina Jackson at Meredith. Ang nakakatawa pa roon ay pinanganak ang kanyang anak sa parehong araw na pinanganak si Jackson. "Mommy, kas
"Daddy," tinawag siya ni Jackson sa sandaling ito. Lumingon si Jeremy sa gulat. Nakangiting lumapit sa kanya ang gwapong bata, ang kanyang malilinaw na mga mata ay nagsimulang maging mas lalong kamukha ng kay Madeline. Sa totoo lang, sa tatlong taon ng 'pagkamatay' ni Madeline, bihira niyang marinig na tawagin siyang 'Daddy' ni Jackson. Kahit na gawin niya iyon, palaging walang buhay ang kanyang boses hindi kagaya ngayon. "Daddy, andito ka rin? Gusto mo bang i-celebrate ang birthday ko kasama ni Mommy?" Birthday. Biglang naalala ni Jeremy na bukas na ang birthday ni Jackson. Limang taon na si Jackson pero base sa kanyang alaala, mukhang hindi pa niya naipagdidiriwang ang kaarawan niya nang kasama siya. "Jack, kailangan nang umalis ng tatay mo. Sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin sa kanya sa susunod," lumapit si Madeline at nakangiting kinausap si Jackson. Sinasadya niyang sabihin iyon kay Jeremy para umalis na siya. Lumingon siya sa lalaki, ang kanyang mga mata ay
Maraming tao ang umusyoso sa paligid nang dahil sa aksidente. Sa sandaling umandar ang kotse, inisip ni Madeline na hindi na siya makakaalis. Ngunit sa isang mabilis iglap, mayroong isang malakas na pwersa na humawak sa kanya. Sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng kaligtasan na hindi pa niya nararamdaman noon. Habang natataranta pa rin siya, mayroong nakahawak ng mahigpit sa kanyang mga balikat. "Eveline, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Nang marinig niya ang pamilyar na boses na nag-aalala, napansin na rin ni Madeline na ang taong nagligtas sa kanya ay si Eloise. Ang maganda at eleganteng mukha ni Eloise ay napuno ng pag-aalala. Ang kanyang nag-aalalang nga mata ay nagpapaakyat baba sa buong katawan ni Madeline para tignan kung mayroon siyang mga sugat. Natulala si Madeline ng ilang segundo bago nagsabing, "Ayos lang ako. Salamat, Mrs. Montgomery." Nang marinig ni Eloise kung anong tinawag sa kanya ni Madeline ay namula ang kanyang mga mata. Ngunit wala siyang masabi.
Dapat matagal na siyang nawalang ng pakialam sa kanila. Ngunit, naramdaman niya ang luha na lumitaw sa kanyang mga mata nang makita niyang nahihirapang maglakad si Eloise. Pagkatapos umalis ni Jeremy sa lugar ni Madeline, kinulong niya ang kanyang sarili sa kwarto niya sa Whitman Manor. Sa oras na ito, kumatok sina Yvonne ay Karen sa pinto, ngunit hindi niya sila pinansin. Nakaupo siya roon magdamag, paulit-ulit na pinapanood ang wedding video nila ni Madeline. Tama ang kanyang lolo. Matagal na niyang mahal si Madeline. Ang pinakamalaking patunay na siya ang pumili sa kanya na maging katuwang sa buhay ay noong kinasal siya kay Madeline gamit ang pangalan ng old master. Ngunit, niloko siya ni Meredith sa loob ng anim na taon nang dahil sa pangako na ginawa niya noong bata pa siya. Sa huli, peke lang pala si Meredith. Ang babaeng minahal niya ay ang babaeng pinangakuan niya noon. Tahimik na sumandal si Jeremy sa upuan. Bigla siyang tumawa. 'Ang taong minahal ko, kahit n
Pagkatapos itong sabihin ni Jeremy ay nagyelo ang hangin sa kanilang paligid. Nayanig ang galit sa mga mata ni Madeline. "Jeremy, anong sinabi mo?" Tinignan ng lalaki ang kanyang matinding titig at nakaramdam ng kirot sa kanyang puso. "Jeremy, ulitin mo ang sinabi mo ngayon! Alam mo na ba na hindi pa patay ang anak natin? Alam mo ba kung nasaan siya?" Hindi na mapigilan ni Madeline ang kanyang mga emosyon. Hinawakan niya ang balikat ng lalaki at nagtanong, "Sabihin mo sa'kin! Sabihin mo sa'kin ngayon! Asan ang bata?" Sobrang nanlumo si Jeremy at sinisi niya ang kanyang sarili nang makita niya ang mga luha sa namumulang mga mata ni Madeline. "Maddie, kumalma ka…" "Kumalma? Sa tingin mo kakalma ako ngayon?" Suminghal si Madeline at nagtanong. Ang kanyang tingin ay kasing tulis ng isang ice pick. "Jeremy, wala kang pakialam sa bata na iyon pero ako meron! Alam mo ba kung gaano kasakit mahiwalay sa'yo ang anak mo? Hindi mo alam kasi wala kang puso! Ang bruhang Meredith lang na yu