Hindi niya gustong gumuho ngayon ang impresyon niya sa puso ni Daniel na pinaghirapan niyang buuin simula noong bata pa siya. Nang makita ni Madeline si Naya na huminto sa pagsagot, kuntento siyang ngumiti. Hindi na niya kinausap si Naya. Sa halip, hinarap niya si Daniel. "Dan, sa tingin ko may sagot ka na kung sino ba talaga ang nagsisinungaling at umaarte. Gusto ko lang sabihin sa'yo na huwag kang gagawa ng kahit na anong pagsisisihan mo. Pansamantala lang ang amnesia mo. Maaalala mo rin ang lahat. Sa sandaling iyon, maaalala mo rin kung sino ang tunay mong minamahal." Pagkatapos sabihin iyon ni Madeline, sinilip niya si Naya at tumalikod para umalis. Nakita ni Madeline na nakatitig sa kanya si Naya nang may napakaagresibong ekspresyon. Kalmado at aroganteng ngumiti si Madeline. "Wala naman talagang nakuha ang dashcam ko, pero sa huli ay inamin ng may-sala ang katotohanan sa katahimikan niya." “...” Napagtanto na ni Naya na naglakad siya diretso sa patibong ni Madeline.
Hindi alam ni Daniel kung ano ang problema, ngunit sumakit ang ulo niya sa mabilis na pagkatok.“Dan, buksan mo ang pinto ngayon na!” Naririnig ang nagmamadaling boses ng nanay ni Daniel.Bumangon si Daniel at binuksan ang pinto. Nang makita niyang mukhang nababahala ang nanay niya, sumimangot siya.“Anong nangyari? Bakit nagmamadali kayong hanapin ako?”“May nangyaring masama kay Naya!” Idiniin ng nanay niya.Sa hindi malamang dahilan, kalmado si Daniel nang marinig niya ito. Nairita lang siya nang sobra.“Anong nangyari sa kanya?”“Nag-iwan siya ng isang suicide note at nagtangkang mag-overdose!” Hindi mukhang nagbibiro ang nanay ni Daniel. “Kasalukuyan siyang dinadala sa ospital ngayon. Hindi kami sigurado kung kakayanin ba niya. Dan, kailangan mo siyang puntahan kahit anong mangyari.”Nang malaman ni Daniel ang nangyari, hindi na siya nagpatagal pa. Kinuha niya ang kanyang coat at sumugod sa ospital kasama ang kanyang nanay.Lumabas ng emergency room ang doktor sa sandalin
[Paalam, Dan. Dapat sumaya ka.]Sa huli, ito ay may lagda ni Naya Mendez.Isa itong suicide note kahit paano pa ito tingnan.Makikita ang kagustuhan ni Naya na mamatay mula sa mga salitang sinulat niya.“Dan, ginawa ito ni Naya para sa’yo.” Pinayuhan ng nanay ni Daniel si Daniel pagkatapos niyang basahin ang sulat ni Naya. “Ang tanga ni Naya na gawin ang bagay na ito dahil sa dalawang tagalabas.“Si Ava at Eveline ang pumatay sa kanya, sigurado ‘yan. Pero ang mas ikinalulungkot ni Naya na wala kang tiwala sa kanya, Daniel,” Diin ng nanay ni Naya. “Dan, nailigtas na si Naya, kaya dapat alagaan mo siya nang maigi hanggang sa gumaling siya. Narinig mo naman ang sinabi ng doktor kanina. Hindi mo pwedeng pasamain ang loob ni Naya.”Hindi kilala ni Daniel ang mga tao sa harapan niya, ngunit tumango siya nang tingnan niya ulit ang sulat ni Naya.Nang makita ng nanay ni Naya na tumatango siya, lalong gumaan ang pakiramdam nito. Subalit, nang maalala niya ang nilalaman ng sulat ni Naya,
Mukhang mababaliw na ang nanay ni Naya sa sobrang galit pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Karen para protektahan si Madeline.Inilabas niya ang sulat na nakuha niya mula kay Daniel at galit na ibinato ang papel kay Karen.Pagkatapos itong masalo ni Karen, tiningnan niya nang nagtataka ang nanay ni Naya.“Ano ‘to? Bakit mo ‘to binato sa akin?”“‘Yan ang suicide note ng anak ko!” Mukhang isinigaw ng nanay ni Naya ang salitang ito habang nagkikiskisan ang mga ngipin. “Karen, tingnan mo ang suicide note ng anak ko. Tingin mo pa rin ba walang kasalanan ang daughter-in-law mo?”Nang marinig ni Madeline ang galit na pananalita ng nanay ni Naya, naalala niya ang nangyari nitong umaga noong nagpunta siya sa Graham Manor.“Suicide note ni Naya?” Kumunot ang noo ni Ava at naglakad sa likuran ni Karen kasama si Pudding.Pagkatapos buksan ni Karen ang sulat, kaagad nakita nila Madeline ang laman ng sulat.Ang mukhang nagigipit at nalulungkot na reklamo ni Naya ay nakasulat dito. Pinag
Marangal na sinabi ni Madeline at inabot ang sulat sa nanay ni Naya.“Sige lang. Pwede mo akong siraan sa internet, at pwede ka rin kumuha ng mga bayaran para atakihin ako nang buong lakas nila. Pero kung tingin mo magiging tama ka sa paggawa mo nito, edi mas mangmang ka pa sa bunsong anak ko.”“...” Sunod-sunod na pinagalitan ni Ava at Madeline ang nanay ni Naya. Namutla ang mukha nito sa galit.Kinuha niya ang sulat mula sa kamay ni Madeline at galit na tinuro si Madeline. “Eveline, huwag mong akalain na pwede kang maging matapang at mayabang dahil lang sinusuportahan ka ng mga Whitman at mga Montgomery. Gusto kong makita kung paano ka makakapagpatuloy sa pagyayabang mo kapag ibinunyag ko ang katotohanang pinilit mong magpakamatay ang anak ko sa internet!”Galit na tinuro ng nanay ni Naya si Madeline at kaagad na lumingon pagkatapos pagbantaan ito. Pag-alis ng nanay ni Naya, lalong gumaan ang pakiramdam ni Madeline, ngunit nag-aalala si Ava para kay Madeline. “Maddie, kaila
Ang totoo, nagpapanggap lang talaga na may sakit si Naya. Ang pagbabalak niyang magpakamatay ay isa lamang palabas na ginawa niya.Masigla siya at hindi man lang nasaktan ang katawan niya.Nang lumabas ang nanay niya upang bumili ng pagkain, komportable niyang hawak ang kanyang phone at binabasa ang mga masasamang salitang binabato ng mga netizen kay Madeline.Sa sandaling ito, bigla niyang narinig ang tunog ng isang taong binubuksan ang pinto. Akala niya nagpunta si Daniel upang makita siya, kaya kaagad niyang ibinaba ang kanyang phone at nagpanggap na mahina. Subalit, nang makita niyang si Ava ito, natulala siya saglit. Hindi siya nagsalita at tiningnan lang niya si Ava nang mukhang nagtataka. Patuloy siyang nagmukhang nanghihina.“Ava, anong ginagawa mo dito? Sinong nagpapasok sa’yo sa ward ko? Ayaw kitang makita.” Kumunot ang kilay ni Naya at tinignan si Ava nang mukhang nandidiri.“Mom, nasaan ka? Mom?” Tinawag ni Naya ang nanay niya sa direksyon ng pinto nang parang nanghihi
“Tulungan mo ko, Dan. Tulungan mo ko…” Tumawag ng tulong si Naya sa may direksyon ng pinto. Natigilan sandali si Ava, at sa kanto ng kanyang mga mata, ankita niya ang anino ni Daniel. Nang makita niya na natulala si Ava, binawi ni Naya ang kanyang kamay. Pagkatapos, pinahalang niya ang kanyang katawan paharap at nalaglag siya sa lapag. “Ah!”Napasigaw si Naya sa sakit. Bumalik si Ava sa kanyang sarili at nakita niya si Daniel na nagmamadaling tumakbo sa harapan ni Naya. Tumayo ka. Lumapit si Daniel para tulungan si Naya. Umiyak si Naya, at tumulo ang luha sa kanyang mukha. Ngayon, nakasandal ang kanyang ulo sa dibdib ni Daniel. “Dan, ayoko nang mabuhay pa. Bakit mo pa ako niligtas? Hayaan mo na lang akong mamatay…” “Huwag kang magsalita ng ganyan. Tumayo ka muna,” pinakiusapan ni Daniel at mahinahon na tinulak ang ulo ni Naya palayo mula sa kanyang balikat. Subalit, mukhang ayaw ni Naya na maitulak siya paalis. Masakit ito sa paningin ni Ava, kaya lumapit siya,
Biglaang lumitaw ang nanay ni Naya, kaya walang oras si Ava para makakilos. Hini din napigilan ni Daniel ang nanay ni Naya sa oras na iyon, kaya nasampal si Ava sa mukha. Nagsimulang magtipon-tipon ang mga tao sa kanilang paligid habang pinag-uusapan ang nangyari. “Mrs. Mendez, paano mo nagawang sampalin si Ava?” Walang malay na hindi natuwa si Daniel ng makita niya ang nakatulalang ekspresyon ni Ava, kaya kinuwestyon niya ang nanay ni Naya. Dinuro ng nanay ni Naya si Ava ng pagalit, habang nagmumura ng hindi alintana ang kanyang sariling imahe. “Dan, ikaw ay ang aking manugang. Bakit mo pinagtatanggol ang haliparot na ito ngayon? Ang haliparot na ito ay muntik nang patayin ang asawa mo! Bukod sa hindi mo sinasamahan ang asawa mo, ngunit lumabas ka pa nga para kausapin siya. Paano ka nagkaroon ng puso para harapin si Naya?” Ang sigaw ng nanay ni Naya ang gumulat sa mga nakikiusyoso. “Ano? Ang babaeng ito ay isang kabit?” “Mukha nga siyang isang kabit kung titignan ang muk