Nang masama na ang loob niya, dalawang tao ang biglang lumitaw sa kanyang tabi. Ngumiti at binati nila Fiona at Kendra si Raegan na amy palakaibigan at mabait na ekspresyon. “Hello, kayo ba ang nanay ni Ava? Mga kasamahan kami ni Ava sa trabaho.” Nang marinig niya ito, kaagad na kumuha ng tisyu si Raegan at pinunasan ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Pagkatapos nun, inangat niya ang kanyang matalas na mga mata. Tinignan niya muna sila Fiona at Kendra bago kumalma ang kanyang tingin. “Mga kasamahan kayo ni Ava sa trabaho?” “Opo.” Mabilis na tumango sila Fiona at Kendra. “Nagtatrabaho kami sa iisang opisina ni Ava. Kadalasan ay kasama namin siyang kumain. Minsan, nagpaplano kami ng mga gagawin namin. Kanina lang, sinabihan niya kami na maunang lumabas at kumain dahil sa kakain siya sa labas kasama ang iba. Hindi namin inaasahan na makakasalubong namin kayo dito. Nagkataon na nakaupo kami sa katabing lamaesa. Patawad kung narinig namin ang pag-uusap niyo.” “Ganun ba.”
Nang tinanong ni Ava ang katanungan na ito, biglang lumitaw ang mukha ni Raegan sa kanyang isipan. Ang tanging tao na naisip niya ay si Raegan. Naisip din ni Daniel ang posibilidad na ito. “Sa tingin marahil ay nanay mo ang may gawa nito. May malasakit talaga siya para sayo.” Mapait na napangiti si Ava ng marinig niya ang mga salitang iyon. “Noong kailangan ko ang malasakit ng mga magulang ko, pinili nila akong iwan. Ngayon, hindi ko na kailangan ang malasakit nila.” Sinabi niya ito habang nakatingin sa malumanay na mga tingin ni Daniel. “Sapat na sa akin ngayon ang pagmamalasakit at pagmamahal mo sa akin.” Naunawaan kaagad ni Daniel kung ano ang kahulugan sa likod ng mga salita ni Ava. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito, at umaapaw ang pag-ibig sa kanyang mga mata. Sa sumunod na mga sandaling iyon, nakakatanggap pa din si Ava ng ilang mga bagay paminsan-minsan. Naisip niya na galing ito kay Raegan, ngunit hindi niya alam kung paano nalalaman ni Raegan kung an
At ganun na nga, tulad ng hula ni Ava, binalita nila Fiona at Kendra ang sitwasyon kay Raegan sa lalong madaling panahon. Pagkatapos malaman ni Raegan ang tungkol sa bag na gusto ni Ava, sinabihan niya ang manager ng isang luxury store na bilhin ang bag sa lalong madaling panahon. Pagkalipas ng ilang sandali, pinadala ni Raegan ang bag sa kumpanya ni Ava at pinakiusapan si Fiona na dalhin ito para sa kanya. Pinakiusapan pa niya si Fiona na ilagay ito sa cabinet ni Ava bago pumasok si Ava sa trabaho sa sumunod na araw. Natanggap na ni Fiona ang pera mula kay Raegan, kaya syempre, kailangan niyang paglingkuran si Raegan. Subalit, nang makuha niya ang bag, medyo napailing siya. Napakaganda ng bag na ito, at ang pagkakayari nito ay maganda. Ang mahalaga pa dito, napakahalaga ng bag na ito dahil sa isa itong limited edition. Habang pinag-iisipan niya ito at tinignan ang bag, nagbago ang isip ni Fiona. Gusto niyang angkinin ang bag para sa sarili niya. Kailangan lang niyang sa
Tinignan ni Ava ang taong nakaupo sa may bintana ng restawran mula sa malayo. Pagkatapos, nabaling ang kanyang tingin sa bag ng taong nakaupo. Pagkatapos niya itong pakatitigan, unti-unting naunawaan ni Ava ang isang bagay. Gumawa siya ng palusot at sinabi na gusto niyang kumain ng cream puffs mula sa isang tindahan na sumikat ngayon online. Pinakiusapan niya si Daniel na bilhan siya nito ngayon. Naramdaman ni Daniel na sinusubukan siyang paalisin ni Ava, pero naisip niya na may dahilan siguro ito, kaya hindi na siya nagtanong pa. Masunurin siyang umalis upang bumili ng cream puffs para kay Ava. Pagkatapos niyang makita na umalis si Daniel, tinignan ni Ava ang direksyon ng taong iyon at kinuha ang kanyang phone upang tawagan si Raegan. Hindi lubos akalain ni Raegan na si Ava mismo ang kusang tatawag sa kanya. Sa sobrang tuwa niya ay muntik na niyang mabitawan ang kanyang phone. Akala niya ay makakausap na niya sa kawas si Ava, pero nagsabi lang ng ilang salita si Ava bago n
“Uy, hindi ba yan ang yung bag na gusto kong bilhin pero wala akong pera para bilhin? Fiona, tumaas ba ang sahod mo? Kaya mo na palang bilhin ang bag na to? Mahirap ap amn din na bilhin ang bag na yan. Kahit nga ang kapatid ni Mr. Lowe ay hindi makahanap ng taong makakatulong sa kanya para mabili ang bag na yan. Fiona, ang galing mo naman talaga!”: Patuloy na pinuri ni AVa si Fiona hanggang sa kilabutan na ang buo niyang katawan. Alam niya na mas nahihiya at naiilang na si Fiona kaysa sa kanya sa mga sandaling ito. Sa kabilang banda naman, hindi alam ng lalake kung ano ang nangyayari, kaya nang marinig niya ana pinupuri ni Ava si Fiona, pinuri din niya ito. “Miss Channing, talagang napakagaling mo. Matuwid ka at kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa. Ang isang mabuting babae na kagaya mo ay talagang mahirap matagpuan.” Pagkatapos niyang puriin ng ganun si Fiona, lalo siyang naging aligaga. Akala niya ay makukuha na niya ang mayaman na lalake, pero hindi niya inaasahan n
Direktang binanggit ni Ava na mayroong mali sa pinagmulan ng bag na ito at tiniyak na hindi katiwa-tiwala si Fiona. Dahil dito, hindi nakapagtimpi si Fiona at kaagad na nagwala. "Ava, nananadya ka na!" Hindi na ito nakayanang panoorin ng lalaki. Inakusahan niya rin si Ava. "Hindi ba sumosobra ka na? Normal lang sa magkakatrabaho na magkaroon ng hindi pagkakasundo pero bakit ka nagtatanim ng galit? Nagdadate kami ni Ms. Channing ngayon. Tinuruan ka ba ng mabuting asal? At saka may kakayahan si Ms. Channing. Hindi ba bag lang to? Sa tingin mo ba hindi niya to kayang bilhin?" Kumampi ang lalaki kay Fiona. Malinaw na malapit siya sa hipokritong karakter ni Fiona. Walang pakialam si Ava na ang lalaking naloko ay nagrereklamo tungkol sa kanya. Kalmado niyang tinignan si Fiona na ang mukha ay namumutla sa galit. "Fiona, ayaw kong makipagtalo sa'yo. Mas maingay ang katotohanan." Hindi nagsayang ng salita si Ava. Hindi maintindihan ni Fiona ang sinasabi ni Ava, pero sa sumunod na
Pagkatapos niyang sabihin ang huling pangungusap, tumalikod si Ava at umalis. "Ava!" Nagmadaling tumalikod si Raegan at gusto niyang habulin si Ava, pero bumalik siya pagkatapos niyang magsimulang maglakad. Tumitig nang masama ang kanyang matatalim na mga mata kay Fiona. "Ang totoo, nakikita ko ang mga motibo at masamang intensyon ng mga taong kagaya mo sa unang tingin. Kung hindi dahil gusto kong malaman nang lubos ang buhay ni Ava, ang isang taong kagaya mo ay wala sanang pagkakataon na makausap ako. Pero ang tapang mo para kunin ang bag na to na nagkakahalagang ilang daang libo para lang angkinin mo. Idadaan ko sa korte ang bagay na to. Maghintay ka lang na damputin ka ng mga pulis!" Pagkatapos magsalita ni Raegan, umalis siya ng restaurant para habulin si Ava. Hindi kumilos si Fiona nang ilang segundo. Pagkatapos, narinig niya ang naiinis na boses ng lalaki sa kanyang tainga. "Fiona, lumalabas na hindi ka pinagbibintangan ng katrabaho mo ngayon lang. Hindi ko inasahan na
Nang makita ni Fiona ang dalawang pulis na pumasok mula sa pinto, namutla ang mukha niya sa takot. Talagang tumawag si Raegan ng pulis! Ang lahat ng mga empleyado sa opisina na walang alam sa sitwasyon ay nanonood lang, pero nakikita nila na nandito ang mga pulis para kay Fiona. "Sino sa inyo si Fiona Channing?" Tanong ng isang pulis habang tinitignan ang mga tao sa kanyang harapan nang may matatalas na mata. Hindi nagtagal, nakita niya ang natatarantang mukha ni Fiona. "Ikaw ba si Fiona Channing?" Paanong magsisinungaling si Fiona sa pulis? Tahimik siyang tumango. Nang makita bilang inamin ito ni Fiona, diretsong nagpunta sa kanya ang mga pulis. "Fiona Channing, may nag-ulat sa'min na nagnakaw ka ng pagmamay-ari ng iba. Maaaring sumama ka sa'min sa presinto para tulungan kami sa imbestigasyon." "Ano? May ninakaw si Fiona? Hindi kaya ang bag na yun?""Ayos lang sakin na usisera siya pero magnanakaw din pala siya?" "Base sa kayabangan niya, posible talaga na gawin n