Para bang nangyari ang lahat dahil hindi inisip ng mga Graham na nararapat si Ava para kay Daniel kaya nag-isip ang dalawang pamilya ng isang plano para gawin ang lahat ng ito. Pinahayag ni Madeline ang kalungkutan niya pagkatapos marinig ang buong kwento pero masaya pa rin siya para kay Ava. "Ang bait naman ng Maisie na yun. Para bang mapamaraan siya at matuwid. Hindi man lang siya natakot na ipaglaban ka." Masayang ngumiti si Ava. "Oo, napakatapang ni Maisie at matuwid siya. At napakabait niya rin sa'kin." "Mm-hmm…" Sumagot si Madeline bago nagpatuloy nang may pinapahiwatig. "At mayroon pang ibang tao na napakabait sa'yo." "Alam ko, ikaw yun, Maddie," sagot ni Ava nang hindi masyadong nag-iisip, pero narinig niya si Madeline na magsabi na hindi iyon ang ibig niyang sabihin. "Ang nanay mo ang tinutukoy ko." "..."Nanahimik si Ava nang sinabi iyon ni Madeline. "Ava, alam ko na wala ako roon sa eksena, pero sa tingin ko gusto talagang bumawi ng nanay mo sa'yo at nagsisi
Nabigla si Raegan at Daniel sa sinabi ni Ava, na nakatayo sa isang tabi. Akala nilang dalawa na hindi maaawa si Ava, ngunit lumalabas na hindi pala. Huminto saglit si Raegan bago magkaroon ng pagkagulat at tuwa sa kanyang mukha. Hindi pa siya sumaya nang ganito sa loob ng maraming taon. “Syempre, ayos lang sa akin! Ayos lang talaga! Hindi ako busy bukas. Puntahan mo ako bukas pagkatapos mo sa trabaho! Kaya kitang hintayin!” Medyo nanginginig ang boses ni Raegan, at hindi niya maitago ang saya sa mga mata niya. “Magpahinga pala kayo nang maaga. Uuwi na rin ako. Daniel, alagaan mo nang maayos si Ava. Aalis na ako.” “Okay, mag-iingat kayo Mrs. Xander. Aalagaan ko si Ava, ‘wag kayong mag-alala,” Pangako ni Daniel kay Raegan. Nakikita niya nang malinaw kung gaano kasaya si Raegan. Kahit na nakatalikod si Raegan, nakikita niya ang sigla sa mga hakbang nito. Tumayo si Ava sa iisang pwesto hanggang sa hindi na niya naaaninag si Raegan. Pagkatapos nito, inilayo niya ang kanyan
Nang matanggap ni Ava ang ganito kasigurado at taos-pusong sagot mula kay Daniel, hindi na niya mapigilan ang mga luha niya. Umiyak siya nang malakas. Itinaas ni Daniel ang kanyang kamay at malungkot na pinawi ang mga luha nito. Bago ito, hindi niya alam ang nakaraan ni Ava. Ngayon, nauunawaan na niya kung bakit ganito ang naging reaksyon niya sa sarili niyang ina. Ito ay dahil sa na-trauma siya sa murang edad. Ngunit naniniwala siyang balang araw ay gagaling din ang trauma na ito. Balak ni Daniel na manatili kasama ni Ava, ngunit para makapagpahinga ito nang maayos, hindi na nagpagabi pa si Daniel. Nang makauwi siya, nakita niyang hinihintay siya ng mga magulang niya sa sala. Sa sandaling nakita ni Mrs. Graham si Daniel, sumugod ito sa kanya at hinila siya para tanungin, “Talaga bang anak ni Raegan si Ava? Ang Raegan na pinakamayaman sa Y Country? Tunay na anak niya si Ava? Bakit di mo ito sinabi sa amin? Kung sinabi mo sa amin, naiwasan sana ang lahat ng problemang ito.
Hawak ni Ava ang isang baso ng tubig nang mukhang nagtataka habang nakatingin siya sa dalawang taong nakaharang sa daan niya. Ito ang dalawang tsismosang babae sa kanyang opisina. Habang nakatingin si Ava sa mga ito, unti-unti niyang napagtantong may pakay ang mga ito.Gayunpaman, tinignan lang niya ang mga ito nang nagtataka at itinanong, “Ano ‘yun? Gusto niyo bang kumain ng almusal kasama ko?” Sa sandaling marinig ito ni Fiona at Kendra, kumislap sa gulat ang mga mata nila. “Sis, kung ayos lang sa’yo, gusto naming mag-almusal kasama ka!” “Oo, kung pwede sana, Sis!” "..."Nang marinig ni Ava kung paano siyang tawagin ni Fiona at Kendra, kinilabutan siya. Sinubukan niyang ngumiti ngunit nagmukha lang itong isang nakakailang at pekeng ngiti. “Anong ginagawa niyo dito? Parang hindi angkop na tawagin niyo akong ‘Sis’ kung nahuli akong pumasok sa kompanya kumpara sa inyo. Junior niyo ako.” Pagkatapos itong sabihin ni Ava, inikutan niya ang mga ito at kaagad na dumiretso s
Hindi nagsalita si Fiona at Kendra. Bumalik sila sa kanilang bangko at pinalabas ang video kaninang umaga. Habang pinapanood nila ito, lalo silang nainggit. Bakit napakaganda ng background ni Ava? Higit pa rito, napakayaman din ng nanay niya. Gaano ba talaga siya kayaman? Pagkatapos mag-almusal ni Ava, wala siyang pakialam kung binabantayan ba siya ni Fiona at Kendra. Abala siya sa sarili niyang trabaho, at nang malapit nang mag alas dose, nakatanggap siya ng mensahe mula sa hindi niya kilalang numero. Maikling pangungusap lamang ang nandito. [Ava, nasa baba ako ng kompanya niyo. Pwede kang bumaba kapag may oras ka na. Hihintayin kita palagi.] Tinignan ni Ava ang text sa screen ng kanyang phone, at naantig siya nang hindi niya mailarawan. “Ava, malapit nang magtanghali. Gusto mo bang magkasama tayong magtanghalian?” Lumapit si Maisie. Itinago ni Ava ang phone at bumangon. “Maisie, may appointment ako ngayon.” “Oh? Sa gwapong boyfriend mo ba ito? Hindi. Hindi, fiance m
Malinaw na sinusubukan ni Raegan na mapalapit kay Ava, ngunit napakalamig pa rin ng pakikitungo sa kanya ni Ava. Walang pagbabago sa mukha nito. Tahimik lang nitong tinitignan ang mga pagkain sa harapan nito. Nang makitang ayaw siyang kausapin ni Ava, unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ni Raegan. “Ava…” “Mas mabuting hindi manahin ang ilang mga bagay.” Biglang nagsalita si Ava. Medyo nabigla si Raegan. Tinignan niya si Ava nang nagtataka, pagkatapos narinig niyang nagpatuloy sa pagsasalita si Ava. “Ayaw kong manahin ng magiging anak ko ang pagiging malupit mo. Ayaw kong iwan nila ang mga anak nila nang walang pakundangan at umalis nang hindi man lang lumilingon pabalik.” Nang marinig niya ang mga sinabi ni Ava, para bang hinampas nang malakas ang puso ni Raegan. Ngunit kahit gaano pa kasakit ito, wala siyang ibang masisisi o malalapitan. Ang naiisip lang niya ay ang sakit na ibinigay niya sa kanyang anak nang umalis siya nang walang pakialam. Dapat nagkaroon sana ng
Nang masama na ang loob niya, dalawang tao ang biglang lumitaw sa kanyang tabi. Ngumiti at binati nila Fiona at Kendra si Raegan na amy palakaibigan at mabait na ekspresyon. “Hello, kayo ba ang nanay ni Ava? Mga kasamahan kami ni Ava sa trabaho.” Nang marinig niya ito, kaagad na kumuha ng tisyu si Raegan at pinunasan ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Pagkatapos nun, inangat niya ang kanyang matalas na mga mata. Tinignan niya muna sila Fiona at Kendra bago kumalma ang kanyang tingin. “Mga kasamahan kayo ni Ava sa trabaho?” “Opo.” Mabilis na tumango sila Fiona at Kendra. “Nagtatrabaho kami sa iisang opisina ni Ava. Kadalasan ay kasama namin siyang kumain. Minsan, nagpaplano kami ng mga gagawin namin. Kanina lang, sinabihan niya kami na maunang lumabas at kumain dahil sa kakain siya sa labas kasama ang iba. Hindi namin inaasahan na makakasalubong namin kayo dito. Nagkataon na nakaupo kami sa katabing lamaesa. Patawad kung narinig namin ang pag-uusap niyo.” “Ganun ba.”
Nang tinanong ni Ava ang katanungan na ito, biglang lumitaw ang mukha ni Raegan sa kanyang isipan. Ang tanging tao na naisip niya ay si Raegan. Naisip din ni Daniel ang posibilidad na ito. “Sa tingin marahil ay nanay mo ang may gawa nito. May malasakit talaga siya para sayo.” Mapait na napangiti si Ava ng marinig niya ang mga salitang iyon. “Noong kailangan ko ang malasakit ng mga magulang ko, pinili nila akong iwan. Ngayon, hindi ko na kailangan ang malasakit nila.” Sinabi niya ito habang nakatingin sa malumanay na mga tingin ni Daniel. “Sapat na sa akin ngayon ang pagmamalasakit at pagmamahal mo sa akin.” Naunawaan kaagad ni Daniel kung ano ang kahulugan sa likod ng mga salita ni Ava. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito, at umaapaw ang pag-ibig sa kanyang mga mata. Sa sumunod na mga sandaling iyon, nakakatanggap pa din si Ava ng ilang mga bagay paminsan-minsan. Naisip niya na galing ito kay Raegan, ngunit hindi niya alam kung paano nalalaman ni Raegan kung an