Tinitigan ni Mrs. Mendez ang babae na inis. "At sino ka naman? Hindi mo problema kung tuturuan ko ng leksyon ang malanding babaeng ito o hindi! Ito ang engagement ng anak ko sa future son-in-law ko! Sinong nagpapasok sa taong to?" Nang makita ni Ava ang babaeng iniinsulto ni Mrs. Mendez, nailang siya at inisip niyang tapusin ang bagay na ito nang mag-isa nang sumugod si Mr. Mendez para pigilan si Mrs. Mendez na atakihin muli ang babae. "Maghinay-hinay ka sa sinasabi mo! Panauhin ko siya. Siya si Ms. Xander mula sa Y Country!" Seryosong paalala sa kanya ni Mr. Mendez bago humingi ng paumanhin sa babae nang nakangiti. "Oh, Ms. Xander! Sana wag niyong masamain ang sinabi niya. Iimbitahan kita sana sa engagement ceremony na to! Pasensya na talaga at nasaksihan mo ang kahulugang ito." Nang marinig ni Mrs. Mendez kung sino ang babaeng iyon, kaagad na nagbago ang buong ekspresyon niya. "Ito pala si Ms. Xander na ka-meeting mo ngayong araw." Isang malaking ngiti ang lumitaw sa mukha
Nang sinabi iyon ng babae, huminto sina Mrs. Graham at ang iba pa. Pagkatapos ng ilang segundo, lumitaw sa mukha nila ang mga mapangmaliit na ngisi. Hindi pinansin ni Ava ang mga nakakamuhing ekspresyon sa mukha nila. Sa halip, nakatingin siya sa babae, nagpaparamdam na huwag siyang magpatuloy. Nakita ng babae ang titig ni Ava at naintindihan niya ang ibig sabihin ni Ava. Hindi niya gustong tumaliwas sa kagustuhan ni Ava, pero hindi na niya makayanan ang ugali ng mga taong ito sa kanyang harapan. "Mrs. Xander, sinasabi mo ba na mas mataas ang katayuan ni Ava kaysa sa'ming mga Graham? Heh, at bakit mo naman nasabi yan? Ang mga Graham ay isa sa apat na pinakamakapangyarihang pamilya sa lungsod. Ang reputasyon, prestihiyo, at pinagkukunan ng yaman namin ay nasa mataas na ranggo sa lungsod. Samantala, si Ava…"Huminto si Mrs. Graham at tinignan si Ava nang may bakas ng pagkamuhi. "May inutusan ako na magtingin sa kanya noon. Nawalan siya ng magulang noong batang-bata pa siya. Is
Bago matapos ni Naya ang sasabihin niya, kaagad siyang sinampal ni Raegan. Humiyaw sa sakit si Naya. Nagulat siya at hinawakan ang kanyang pisngi habang lumingon siya para tignan si Raegan. "A-Ang lakas ng loob mong saktan ang anak ko!" Nagmadaling lumapit si Mrs. Mendez para depensahan si Naya habang tinitigan niya nang masama si Raegan. "May sinabi bang mali ang anak ko? Malandi si Ava! Sino ka ba sa tingin mo para makasali—" "Dahil ako ang ina ni Ava. Dahil bilang ina, natural lang na poprotektahan ko ang anak ko!" "...""..."Pagkatapos sinabi ni Raegan ang mga salitang iyon, nanahimik ang buong banquet hall. Pagkatapos ng ilang segundo, nagsimulang magbulungan ang lahat. "Ano? Ang taong gustong pakasalan ni Daniel ay ang anak ng pinakamayamang tao sa Y Country?" "Imposible! Hindi ko inasahan na nagmula si Ava sa ganitong klase ng pamilya." "Kaya pala sinabi niya na ang mga Graham ang makikinabang kung ikakasal si Ava sa pamilya nila! Iyon pala ang ibig sabihin ni
Kanina lang ay mapagmataas at makapangyarihan silang pinagbantaan ni Raegan, pero tinignan niya si Ava nang may mga matang puno ng pagmamahal. Hindi inasahan ni Daniel na makikita niya ang ina ni Ava sa ganitong okasyon. Sa sandaling iyon, ang sayang naramdaman niya ay hindi dahil sa nalaman niya ang katayuan ni Ava, kundi dahil sa katotohanan na pumapayag ang magiging biyenan niya sa kanilang relasyon. Hinawakan ni Naya ang pisngi niya at nagngitngit ang kanyang ngipin sa galit. Siya ang naging payaso sa palabas na ito! Bumagsak ang negosyo ng pamilya niya, nakansela ang kasal niya, at sigurado siya na matutuwa si Mrs. Graham na maging manugang si Ava! Pagkatapos ng pekeng ceremony at nang nakauwi na sina Mrs. Graham at ang iba pa niyang kasama, hindi pa rin sila makapaniwala sa nangyari. "T-Totoo ba na si Ava, ang babaeng iyon, ay talagang anak ng pinakamayamang tao sa Y Country?" Sambit ni Mrs. Graham at tinanong ang kanyang asawa. "Paanong pinagdududahan mo pa rin to? S
Para bang nangyari ang lahat dahil hindi inisip ng mga Graham na nararapat si Ava para kay Daniel kaya nag-isip ang dalawang pamilya ng isang plano para gawin ang lahat ng ito. Pinahayag ni Madeline ang kalungkutan niya pagkatapos marinig ang buong kwento pero masaya pa rin siya para kay Ava. "Ang bait naman ng Maisie na yun. Para bang mapamaraan siya at matuwid. Hindi man lang siya natakot na ipaglaban ka." Masayang ngumiti si Ava. "Oo, napakatapang ni Maisie at matuwid siya. At napakabait niya rin sa'kin." "Mm-hmm…" Sumagot si Madeline bago nagpatuloy nang may pinapahiwatig. "At mayroon pang ibang tao na napakabait sa'yo." "Alam ko, ikaw yun, Maddie," sagot ni Ava nang hindi masyadong nag-iisip, pero narinig niya si Madeline na magsabi na hindi iyon ang ibig niyang sabihin. "Ang nanay mo ang tinutukoy ko." "..."Nanahimik si Ava nang sinabi iyon ni Madeline. "Ava, alam ko na wala ako roon sa eksena, pero sa tingin ko gusto talagang bumawi ng nanay mo sa'yo at nagsisi
Nabigla si Raegan at Daniel sa sinabi ni Ava, na nakatayo sa isang tabi. Akala nilang dalawa na hindi maaawa si Ava, ngunit lumalabas na hindi pala. Huminto saglit si Raegan bago magkaroon ng pagkagulat at tuwa sa kanyang mukha. Hindi pa siya sumaya nang ganito sa loob ng maraming taon. “Syempre, ayos lang sa akin! Ayos lang talaga! Hindi ako busy bukas. Puntahan mo ako bukas pagkatapos mo sa trabaho! Kaya kitang hintayin!” Medyo nanginginig ang boses ni Raegan, at hindi niya maitago ang saya sa mga mata niya. “Magpahinga pala kayo nang maaga. Uuwi na rin ako. Daniel, alagaan mo nang maayos si Ava. Aalis na ako.” “Okay, mag-iingat kayo Mrs. Xander. Aalagaan ko si Ava, ‘wag kayong mag-alala,” Pangako ni Daniel kay Raegan. Nakikita niya nang malinaw kung gaano kasaya si Raegan. Kahit na nakatalikod si Raegan, nakikita niya ang sigla sa mga hakbang nito. Tumayo si Ava sa iisang pwesto hanggang sa hindi na niya naaaninag si Raegan. Pagkatapos nito, inilayo niya ang kanyan
Nang matanggap ni Ava ang ganito kasigurado at taos-pusong sagot mula kay Daniel, hindi na niya mapigilan ang mga luha niya. Umiyak siya nang malakas. Itinaas ni Daniel ang kanyang kamay at malungkot na pinawi ang mga luha nito. Bago ito, hindi niya alam ang nakaraan ni Ava. Ngayon, nauunawaan na niya kung bakit ganito ang naging reaksyon niya sa sarili niyang ina. Ito ay dahil sa na-trauma siya sa murang edad. Ngunit naniniwala siyang balang araw ay gagaling din ang trauma na ito. Balak ni Daniel na manatili kasama ni Ava, ngunit para makapagpahinga ito nang maayos, hindi na nagpagabi pa si Daniel. Nang makauwi siya, nakita niyang hinihintay siya ng mga magulang niya sa sala. Sa sandaling nakita ni Mrs. Graham si Daniel, sumugod ito sa kanya at hinila siya para tanungin, “Talaga bang anak ni Raegan si Ava? Ang Raegan na pinakamayaman sa Y Country? Tunay na anak niya si Ava? Bakit di mo ito sinabi sa amin? Kung sinabi mo sa amin, naiwasan sana ang lahat ng problemang ito.
Hawak ni Ava ang isang baso ng tubig nang mukhang nagtataka habang nakatingin siya sa dalawang taong nakaharang sa daan niya. Ito ang dalawang tsismosang babae sa kanyang opisina. Habang nakatingin si Ava sa mga ito, unti-unti niyang napagtantong may pakay ang mga ito.Gayunpaman, tinignan lang niya ang mga ito nang nagtataka at itinanong, “Ano ‘yun? Gusto niyo bang kumain ng almusal kasama ko?” Sa sandaling marinig ito ni Fiona at Kendra, kumislap sa gulat ang mga mata nila. “Sis, kung ayos lang sa’yo, gusto naming mag-almusal kasama ka!” “Oo, kung pwede sana, Sis!” "..."Nang marinig ni Ava kung paano siyang tawagin ni Fiona at Kendra, kinilabutan siya. Sinubukan niyang ngumiti ngunit nagmukha lang itong isang nakakailang at pekeng ngiti. “Anong ginagawa niyo dito? Parang hindi angkop na tawagin niyo akong ‘Sis’ kung nahuli akong pumasok sa kompanya kumpara sa inyo. Junior niyo ako.” Pagkatapos itong sabihin ni Ava, inikutan niya ang mga ito at kaagad na dumiretso s