"Salamat, Mr. Carter. Salamat, Mr. Carter!" paulit-ulit siyang pinasalamatan ng katulong, pero lumitaw ang bakas ng kalungkutan. "Pero Mr. Carter, sabi ni Ms. Montgomery sa'kin kamakailan lang na kasal na daw si Mr. Whitman. Totoo ba to?" Bahagyang nagbago ang mga mata ni Carter nang marinig niya ito. "Kailan to sinabi sa'yo ni Ms. Montgomery?" "Kanina lang," sagot ng katulong na nagpakita ng kalungkutan. "Nahulaan rin ni Ms. Montgomery na gusto ko si Mr. Whitman, pero sabi niya may asawa na daw si Mr. Whitman." Pagkatapos pakinggan ang paliwanag, kalmado ang mukha ni Carter pero tuso ang ngiti sa kanyang mukha. "Oo, kasal na nga talaga si Jeremy, pero matagal na silang hiwalay ng asawa niya. Kaya may pag-asa ka pa." "Talaga?" Sobrang nasabik ang katulong nang marinig niya ito, pero mabilis niyang napansin na nakalimutan niya ang kanyang galang at mabilis na yumuko. Hindi na siya nagsalita. Namumuhing tinignan ni Carter ang katulong, pagkatapos ay ibinuka ang kanyang labi p
Dumiretso si Carter kay Madeline. Nakasuot siya ng isang mamahaling dark blue na suit na bumagay sa kanyang perpektong katawan. Nilampasan niya si Shirley at pumunta sa tabi ni Madeline. Bahagya niyang nginitian si Madeline pero hindi umabot sa kanyang mga mata ang kanyang ngiti. "Eveline, ang ganda-ganda mo ngayong araw," pinuri niya siya at para bang sinulyapan niya si Shirley mula sa gilid ng kanyang mga mata. "Maghanda ka na. Pupunta muna tayo sa Royal Palace ng St. Piaf." Tumango si Madeline. "Okay." Mukha siyang masunurin. Pagkatapos ay nauna siya at naglakad papunta sa pinto. Nagmadaling pumasok ang stylist na nasa labas ng pinto at inabot kay Madeline ang bouquet. Isa-isang nagwatak-watak ang mga tao sa kwarto at tumalikod rin si Shirley. Naglakad si Carter sa kanyang likuran. "Sa tingin ko mas maganda ka pag nakasuot ka ng wedding dress." "Heh, hehe." Sarkastikong tumawa si Shirley. "Ang isang taong lumpo at sira ang mukha ay hindi magmumukhang maganda sa kah
'Ganun na nga, hindi lang pala ako. Mukhang may pakialam rin sa'kin si Linnie kahit kaunti. 'Kahit na nasa ilalim ng kontrol ni Carter ang kanyang isipan, sa loob ni Linnie, ako pa rin ang pinakamahalagang tao para sa kanya.' Naglakad si Madeline sa pasilyo ng Royal Palace papunta sa entablado ng pangalawang palapag at tumingin sa baba. Sa gitna ng mga panauhin, nakita niya kaagad si Jeremy sa isang tingin. Nakaupo siya sa isang lugar malapit sa sulok nang mag-isa. Hindi, hindi siya mag-isa. Sinasamahan siya ng katulong na nakatayo sa harapan ni Jeremy. Tahimik na tinignan ni Madeline si Jeremy at napansin na ang kanyang gwapong mukha ay puno ng isang malumanay na ngiti. Mukhang masaya siyang nakikipag-usap sa katulong. Nagsalubong ang kilay ni Madeline, at nang tatalikod na siya, isang palabirong boses ang biglang narinig mula sa kanyang likuran. "Hello, magandang cousin-in-law." Napahinto si Madeline. Nakilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Lumi
Nang may nalilitong mga mata, tinignan ni Madeline ang lalaki na nagsalita. Kinakaawaan ba siya ng lalaking ito? Bakit siya kinakaawaan nito at nakikisimpatiya sa kanya? Nang makita ang pagkalito sa malilinaw at magagandang mga mata ni Madeline, hindi nagmamadaling sumagot si Jim. "Ginagamit ka lang ni Carter para makuha niya ang hangarin niya. Wala siyang totoong nararamdaman para sa'yo, pero gusto mong pakasalan ang lalaking ito nang buong puso. Hindi ba nakakaawa yun?" Pagkatapos makinig sa mga salita ni Jim, bahagyang ngumiti si Madeline. "Sa tingin ko masyado kang nag-aalala at naaawa ka sa maling tao. Walang nakakaalam kung sino ang kaawa-awang tao hangga't hindi pa dumarating ang huling sandali." Nang marinig ito, natulala si Jim dahil hindi niya naintindihan. Sa maganda at perpektong mukha ni Madeline, nakita ni Jim ang isang maliwanag at nakakaantig na ngiti, isang ngiti na bahagyang nagbigay ng isang malalim na kahulugan. Naging interesado siya, pero hindi niy
Kumindat ang katulong para ipakita ang kanyang determinasyon. Mukha ring tapat siya. Pagkatapos itong sabihin ng katulong, walang pakialam na tinignan ni Jeremy ang katulong. Sa nagdaang dalawang araw, inaalagaan siya nang mabuti at masigla ng katulong na ito. Ginagamit niya talaga ang kabutihang loob ng katulong sa kanya para makakuha ng impormasyon. Pagkatapos niya itong pag-isipan, hindi na kasing lamig ng kanina ang kanyang ekspresyon. Tamad niyang binuksan ang kanyang mga labi at nagsalita. "Hindi ko kailangan ang pag-aalaga mo. Dapat mong tulungan ang ibang tao. Kahit na gaano pa karaming oras at lakas ang ibubuhos mo sa'kin, wala itong magagawa. Mayroon na akong taong minamahal." Kahit na mas mabait na ang tono niya ngayon, mabilis at simpleng tinanggihan ni Jeremy ang katulong. Mukha na namang nalungkot at naliligaw ang mukha ng katulong. Pagkatapos ay huminga siya nang malalim. "Dahil paulit-ulit mo tong sinasabi, hindi na ako magpapatuloy na isiping may gusto
Pagkatapos sumara ng pinto, lumaki ang ngiti sa mga labi ni Carter. 'Jeremy, ginulo mo ang buhay ko at pinatay mo ang anak ko. Unti-unti kong gagawing impyerno ang buhay mo.' Naghintay si Madeline sa lounge at maingat siyang tinulungan ng stylist na ayusin ang kanyang buhok at wedding dress. Tinignan niya ang orasan sa pader at nalaman niya na malapit nang magsimula ang seremonya, pero hindi pa bumabalik si Carter. Creak.Bumukas ang pinto ng lounge sa sandaling ito at pumasok si Carter nang may mainit na ngiti sa kanyang mukha. Magalang na ngumiti ang stylist kay Carter at pagkatapos ay umalis ng lounge. "Carter, nagbalik ka na." Ngumiti si Madeline, tumayo, at naglakad papunta sa kanya. Nang may malumanay na ekspresyon, tinignan ni Carter si Madeline. "Malapit na ang oras. Dadalhin na kita sa baba." "Sumilip ako kanina. Ang daming bisita sa baba. Lahat ba sila ay mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya mo?" Interesadong tanong ni Madeline. Tumango si Carter. "Mga kam
Hinanap niya si Jeremy sa gitna ng mga tao, ngunit hindi niya siya nakita. Sa halip, si Shirley ang nakita niya. Tahimik na nakaupo si Shirley sa wheelchair sa isang sulok nang nakangiti. Nagkasalubong sila ng tingin at ngumiti sa pagkakaintindihan. "Siya pala ang socialite ng mayamang pamilya sa Glendale?" "Sinuri na siya ng mga Gray. Si Eveline ay isa ngang socialite ng isang mayamang pamilya sa Glendale. Pambihira ang pinagmulan ng pamilya niya." "Kaya pala. Kaya pala pinili siya ni Carter. Makakatulong nga talaga ito para sa laban niya sa karapatang mamuno."Naririnig ni Madeline ang mga bulungan sa paligid niya. Kahit na mahina ito, matalas ang pandinig ni Madeline. Kahit na ganoon, nagpanggap siya na walang narinig at ngumiti na lang. Hindi nagtagal, nakita niya ang isang matandang lalaki na nakaupo sa harap ng Royal Palace. Diretso ng nakaupo ang lalaki at hindi siya gumagalaw. Kahit na matanda na siya, naglalabas siya ng isang malakas na aura. Nakikita ni Ma
Binuking ng nanay ni Jim si Carter nang walang pakialam sa kanyang imahe. Was siyang intensyon na bigyan ng pagkakataon si Carter. Pagkasabi niya nito, biglang naging seryoso ang paligid. Bago magpasya na ikasal kay Madeline, matagal nang naghanda si Carter. Sinabihan niya ang mga nakakaalam na muntik siyang ikasal kay Madeline na manahimik. Ngunit, hindi niya inaasahan na sasabihin ng nanay ni Jim ang ganitong impormasyon sa sandaling ito. Kahit na ganoon, saklaw pa rin ito ng inaasahan. Gustong lumaban ni Jeremy para sa trono, at syempre, gusto rin siyang tulungan ng kanyang ina. Kagaya kung paano tinulungan ni Camille si Carter. Unti-unting nagmukhang hindi natutuwa ang ekspresyon ni Old Master Gray, pagkatapos ay tinignan niya si Carter at nagsalita nang may kalmadong tono. "Carter, malaking bagay to. Totoo ba ang sinasabi ng tita mo?" "Papa, bakit ako magsasabi ng kalokohan sa ganitong okasyon?" Kampante ang nanay ni Jim; nasa kanya ang alas. Ngunit hindi nata