Kumindat ang katulong para ipakita ang kanyang determinasyon. Mukha ring tapat siya. Pagkatapos itong sabihin ng katulong, walang pakialam na tinignan ni Jeremy ang katulong. Sa nagdaang dalawang araw, inaalagaan siya nang mabuti at masigla ng katulong na ito. Ginagamit niya talaga ang kabutihang loob ng katulong sa kanya para makakuha ng impormasyon. Pagkatapos niya itong pag-isipan, hindi na kasing lamig ng kanina ang kanyang ekspresyon. Tamad niyang binuksan ang kanyang mga labi at nagsalita. "Hindi ko kailangan ang pag-aalaga mo. Dapat mong tulungan ang ibang tao. Kahit na gaano pa karaming oras at lakas ang ibubuhos mo sa'kin, wala itong magagawa. Mayroon na akong taong minamahal." Kahit na mas mabait na ang tono niya ngayon, mabilis at simpleng tinanggihan ni Jeremy ang katulong. Mukha na namang nalungkot at naliligaw ang mukha ng katulong. Pagkatapos ay huminga siya nang malalim. "Dahil paulit-ulit mo tong sinasabi, hindi na ako magpapatuloy na isiping may gusto
Pagkatapos sumara ng pinto, lumaki ang ngiti sa mga labi ni Carter. 'Jeremy, ginulo mo ang buhay ko at pinatay mo ang anak ko. Unti-unti kong gagawing impyerno ang buhay mo.' Naghintay si Madeline sa lounge at maingat siyang tinulungan ng stylist na ayusin ang kanyang buhok at wedding dress. Tinignan niya ang orasan sa pader at nalaman niya na malapit nang magsimula ang seremonya, pero hindi pa bumabalik si Carter. Creak.Bumukas ang pinto ng lounge sa sandaling ito at pumasok si Carter nang may mainit na ngiti sa kanyang mukha. Magalang na ngumiti ang stylist kay Carter at pagkatapos ay umalis ng lounge. "Carter, nagbalik ka na." Ngumiti si Madeline, tumayo, at naglakad papunta sa kanya. Nang may malumanay na ekspresyon, tinignan ni Carter si Madeline. "Malapit na ang oras. Dadalhin na kita sa baba." "Sumilip ako kanina. Ang daming bisita sa baba. Lahat ba sila ay mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya mo?" Interesadong tanong ni Madeline. Tumango si Carter. "Mga kam
Hinanap niya si Jeremy sa gitna ng mga tao, ngunit hindi niya siya nakita. Sa halip, si Shirley ang nakita niya. Tahimik na nakaupo si Shirley sa wheelchair sa isang sulok nang nakangiti. Nagkasalubong sila ng tingin at ngumiti sa pagkakaintindihan. "Siya pala ang socialite ng mayamang pamilya sa Glendale?" "Sinuri na siya ng mga Gray. Si Eveline ay isa ngang socialite ng isang mayamang pamilya sa Glendale. Pambihira ang pinagmulan ng pamilya niya." "Kaya pala. Kaya pala pinili siya ni Carter. Makakatulong nga talaga ito para sa laban niya sa karapatang mamuno."Naririnig ni Madeline ang mga bulungan sa paligid niya. Kahit na mahina ito, matalas ang pandinig ni Madeline. Kahit na ganoon, nagpanggap siya na walang narinig at ngumiti na lang. Hindi nagtagal, nakita niya ang isang matandang lalaki na nakaupo sa harap ng Royal Palace. Diretso ng nakaupo ang lalaki at hindi siya gumagalaw. Kahit na matanda na siya, naglalabas siya ng isang malakas na aura. Nakikita ni Ma
Binuking ng nanay ni Jim si Carter nang walang pakialam sa kanyang imahe. Was siyang intensyon na bigyan ng pagkakataon si Carter. Pagkasabi niya nito, biglang naging seryoso ang paligid. Bago magpasya na ikasal kay Madeline, matagal nang naghanda si Carter. Sinabihan niya ang mga nakakaalam na muntik siyang ikasal kay Madeline na manahimik. Ngunit, hindi niya inaasahan na sasabihin ng nanay ni Jim ang ganitong impormasyon sa sandaling ito. Kahit na ganoon, saklaw pa rin ito ng inaasahan. Gustong lumaban ni Jeremy para sa trono, at syempre, gusto rin siyang tulungan ng kanyang ina. Kagaya kung paano tinulungan ni Camille si Carter. Unti-unting nagmukhang hindi natutuwa ang ekspresyon ni Old Master Gray, pagkatapos ay tinignan niya si Carter at nagsalita nang may kalmadong tono. "Carter, malaking bagay to. Totoo ba ang sinasabi ng tita mo?" "Papa, bakit ako magsasabi ng kalokohan sa ganitong okasyon?" Kampante ang nanay ni Jim; nasa kanya ang alas. Ngunit hindi nata
Tumingin si Madeline kay Carter tapos tumingin sa mga tao sa paligid niyang naghihintay sa sagot niya. Tapos bigla siyang ngumiti. “Syempre, hindi ako hypnotized.” Simple, malinaw at sigurado ang sagot ni Madeline. Tuwang-tuwa si Carter sa sagot na ito. Ngunit sa loob niya, bigla niyang naramdaman na parang may kakaiba. Sobrang sigurado ang sagot ni Madeline. Hindi siya mukhang nasa ilalim ng hipnotismo. Sa isang tabi, tumawa ulit ang nanay ni Jim. “Kalokohan yan. Tinatanong mo ang isang taong hypnotized ng ganitong tanong. Malalaman ba niya kung hypnotized siya?”“Tama ka. Ang isang taong hypnotized ay hindi malalaman kung hypnotized ba sila dahil wala silang naiisip. Pero madam, ako, si Eveline Montgomery ay hindi hypnotized.”Kampante ang tono ni Madeline. Nang sabihin niya ito, binalong niya ang tingin niya kay Carter. Nagsimulang magbago ang itsura ng mata niya. “Dahil nasira na ang hypnosis ko.”“...”Ito ang sagot na ayaw marinig ni Carter. Ito rin ang sagot na i
“Talo ka na, Carter Gray.”Ang limang salitang ito ay dahan-dahang dumaan sa tainga ni Carter. Ang boses ni Madeline na masarap sa tainga ay nakakabinging pakinggan para kay Carter ngayon. Isang malamig na kislap ang lumitaw sa mga mata niya, pero walang takot na tumingin sa mga mata niya si Madeline. “Hindi mo ito inasahan ano, Carter? Nasira na naman ang hypnosis ko. Sinasabi ng lahat na ikaw ang master of hypnosis at magaling ka sa hypnosis, pero ipinapakita nito na hindi ka naman ganun kagaling.” Nagsalita si Madeline at nagpatuloy nang may sarkastikong tono. “Pero siguro dahil lagi kang nakikipaglaban para sa royal succession, kaya nawala ang husay mo.”“...”Dahan-dahang kumunot ang noo ni Carter sa sinabi ni Madeline. Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung paano sasagot kay Madeline, pero hindi niya hinayaan ang sarili niyang manahimik nang matagal. Makalipas ang ilang segundo, tumawa si Carter. “Galit ka pa rin ba sa akin Eveline? Ang daming mga bisita, nandit
Bukod sa mga sigaw ng mga taong nakakilala kay Shirley, ang mga taong hindi nakakakilala kay Shirley ay nagulat din. “Sino ang babaeng yan?”“Mukhang nandito siya para ibunyag si Carter.”“Shh. Itigil mo ang kalokohang yan. Yan ang viscount ng St. Piaf. Bago natin malaman kung anong nangyayari, wag ka munang magbintang sa mga tao dahil baka mapahamak tayo.”Nang marinig ito ng lahat, ang ihip ng hangin sa loob ng bulwagan ng Royal Palace ay naging sobrang tahimik. Malalim din ang impresyon ni Old Master Gray kay Shirley. Alam niyang muntik nang ikasal si Carter at Shirley noon, pero pagkatapos noon, umalis si Shirley sa pamilya at umalis ng St. Piaf sa di malamang dahilan. Hindi inasahan ng Old Master na ganito na ang itsura ni Shirley nang makita niya ito ulit. “Old Master Gray, nainiwala akong kilala mo naman ako diba?” Tumingin si Shirley nang walang-takot sa mga mata ng Old Master. “Kung naaalala mo pa ako, tingin ko maniniwala ka sa sasabihin ko diba?”Tinikom ni Old M
Habang tulala, tumingin si Carter kay Shirley na kakasabi lang nito. Paano nangyari yun? Hindi dapat nangyari yun. Paulit-ulit itong tinanggi ni Carter sa loob niya, pero sinabi sa kanya ng pirming titig ni Shirley na totoo ito. Pagkatapos magtinginan nang matagal ni Shirley at Carter, inilayo ni Shirley ang titig niya nang walang pakialam at nagsalita nang tapat at hindi natitinag sa Old Master. “Totoo ang sinasabi ko, Old Master Gray. Kung ayaw mong maniwala sa akin, pwede kang humanap ng tao para masiguro ito. Sa kakayahan mo, naniniwala akong walang makakatakas sa mga mata mo basta gusto mong malaman ang isang bagay.” Pagkatapos sabihin ito, tumingin si Shirley kay Carter at walang-awa itong minaliit. “Kampante kong masasabi sa lahat ng nandito sa walang karapatan si Carter Gray na makipaglaban para sa trono ng hari ng St. Piaf dahil hindi siya karapat-dapat.”“...” Hindi na maipaliwanag ni Carter ang nararamdaman niya ngayon. Ang bagyo na ang galit niya ay malapit n