Huminto sa paglalakad si Jeremy. Tapos tinignan niya ang nahihiyang babae nang may mahinhin na titig. Nahuhulaan niya kung anong nangyayari. Nagsimulang kumunot ang kanyang kilay nang maging magmukha din siyang nahihirapan. "Hindi." Tinanggihan niya ito. Ngumiti si Madeline nang mapagbiro. "Di ko pa sinasabi sa'yo kung ano ito." "Alam ko ang gusto mong sabihin." May maliit na kinang sa mga mata ni Jeremy. "Linnie, sabi ko hindi." Idiniin niya ulit habang ang mukha ay lalong naging seryoso. Nagsimulang maglaho ang ngiti sa mukha ni Madeline. "Jeremy, hayaan mong may gawin ako para sa'yo. Asawa mo ako. Di ko kayang panoorin na napapagbintangan ang asawa ko." Naglakad si Jeremy sa harap ni Madeline. "Dahil sa asawa kita kaya di ko hahayaang ipahamak mo ang sarili mo nang ganito." "Gusto ko." "Pero ayaw ko." "..." Di alam ni Madeline ang sasabihin. Muli na naman niyang naramdaman na ang tao sa mundo na mas matigas ang ulo kaysa sa kanya ay si Jeremy. Umalis siya ng
Pinadaan niya ang kanyang daliri sa screen, at bago siya magsalita narinig niya si Madeline na nagsasalita nang may mapagmataas na boses, "Ryan, gusto kitang makita." "Ngayon?" Tinignan ni Ryan ang oras at nakitang alas dos pa lang ng madaling araw. "Oo ngayon na. Gusto kitang makita." Matindig ang tono ni Madeline. Nagtataka si Ryan kaya pumayag siya. "Nasaan ka? Susunduin kita." "Hindi, ako ang pupunta sa'yo." Pakiramdam ni Ryan na lalo itong nagiging nakakatuwa. Sinabi niya nang malakas, "Pumunta ka pala sa kwarto natin. Hihintayin kita doon." Kwarto nila? Itinikom ni Madeline ang kamao niya nang makaramdam siya ng bugso ng pagkamuhi kasama ng pandidiri na tumatama sa loob niya. Ngunit talagang kailangan niyang gawin ito ngayong gabi. Pagkatapos niyang ibaba ang linya, tinignan ni Ryan ang pangalan ni Madeline ss display screen ng kanyang phone at nagkaroon ng hinala sa loob niya. Alam niya na dahil kay Jeremy, hinahanap na rin ng mga pulis si Madeline. Ang krimen
Nagulat si Ryan sa sagot ni Madeline at kumpiyansa sa mata nito. Sa sandaling iyon pakiramdam niya na parang natalo siya. Itinaas niya ang kanyang kilay at tinignan si Madeline na kalmado. Hindi pa siya nakakakita ng ganitong tapang sa isang babae noon. Ss kabilang banda, itong tapang na ito ang nagpahumaling sa kanya kay Madeline kahit na isa siyang diborsyadang may anak. Kakaiba ang damdamin. Maaaring maging makatwiran ito sa mga tao, ngunit kasabay nito, maaari itong mapasunod nito. Ngunit ang pinakamalaking mithiin ni Ryan ngayon ay ang alisin si Jeremy. Palalampasin niya ba ang ganito kagandang pagkakataon para sa isang babae? Hindi. Kampanteng ngumisi si Ryan. Makikinabang siya nang husto dito at magagawa niya rin ito nang perpekto. Kailangang mamatay ni Jeremy pero gusto niya rin makuha si Eveline. "Ryan ano sa tingin mo? Ililigtas mo ba ang asawa ko?" Sinira ni Madeline ang katahimikan at nagtanong. Ngumiti si Ryan. May paghanga sa mga mata niya. "Ev
Ngunit nang magising si Jeremy at makapa ang kalahati ng kama na walang laman sa tabi niya, nanlumi ang puso niya. "Linnie?" Sinubukan niyang hanapin si Madeline sa maliit na kwarto pero nakikita niya ang buong kwarto sa isang sulyap. Wala siya dito. Nagmamadaling naligo si Jeremy at bumaba. Nang tatanungin na niya ang receptionist, binigyan si Jeremy ng sulat ng boss. "Gising ka na pala pogi. Sinabi ng girlfriend mo na kailangan niyang umalis kaninang madaling araw at nag-iwan siya ng sulat para sa'yo. Umalis siya kaninang madaling araw? Nilamig nang sobra ang lumubog na puso ni Jeremy. Kinuha niya ang sulat at nang buksan niya ito, nakita niya ang apat na salita. 'Jeremy, I love you." Tinignan niya ang malinis na sulat-kamay ni Madeline. Ang apat na salitang iyon ay nakita sa mga mata niya at kaagad na tumatak sa kanyang puso. Naalala niya kaagad ang sinabi sa kanya ni Madeline kagabi. "Jeremy, may plano ako para mapaamin si Ryan na siya ang pumatay kay Lana." 'Li
Hindi binalak ni Madeline na magpumiglas o pumalag nang maipit siya sa isang sulok. Kahit na di niya nakikita ang mukha nito, pumasok na sa ilong niya ang amoy ng damo. Natulala siya saglit bago mahimasmasan. Nang makatitigan niya ang lalaki sa harapan niya, sinimulan niyang itulak ito palayo nang natataranta. "Anong ginagawa mo dito? Lumayo ka! Baka pinapanood pa ako ng mga pulis. Di ka pwedeng makipagkita sa akin, di mo ba alam yun?" Pinindot ni Madeline ang open button para itulak palabas si Jeremy pero hinila lang siya ni Jeremy at inipit muli sa isang sulok. "Sumama ka sa akin," Sinabi ni Jeremy. Napakalambing at napakatamis ng kanyang tono. Hindi niya ito sinisi o pinagdudahan. Alam niyang ginagawa lang niya ito para sa kanya. Umiling si Madeline habang nakatingin nang maigi. "Hindi. Sinimulan ko na ito at di ako aatras." Huminga nang malalim si Jeremy at nagsalubong ang kilay niya. "Anong problema?" Hinawakan ni Madeline ang braso ni Jeremy nang mapansin niya n
Namimilipit sa sakit ang puso ni Madeline. Gusto niyang sabihan ito na umalis. "Jeremy… mhm…" Nag-aalala si Jeremy na mabubuking ni Madeline kung nasaan sila kaya ginamit niya ang labi niya para pigilan ito na gumawa ng ingay. Hindi inasahan ni Madeline na hahalikan siya ngayon ni Jeremy. Gusto niya itong itulak palayo pero ginagamit nito ang buong lakas nito para ipitin siya sa braso nito. Pumatak sa katawan nila ang malalaking patak ng ulan, kaya lumabo ang paningin ni Madeline. Sa sandaling ito halos di na niya maidilat ang mga mata niya. Nagsimula siyang makalimutan ang katotohanang kailangan niyang paalisin ang lalaking ito. Pakiramdam niya natutunaw siya nang magpatuloy si Jeremy sa paghalik sa kanya… Kasabay nito, pakiramdam ni Jeremy na sumusuko na si Madeline. Kaya humiwalay siya at hinawakan ang basa nitong mukha. "Linnie, sumama ka sa akin okay?" "Okay…" Tumango si Madeline. Wala na siyang mahanap pang dahilan para tanggihan siya. Nag-alala lang siya nang sobra
Hindi inakala ni Ryan na gagawin ito ni Madeline. Tinginan niya ang kamay niyang walang laman at di mapigilang malito. Nabigla din si Jeremy. Ang mabilis at di natitinag na desisyon ni Madeline ay hindi niya inaasahan. Kasabay nito, naagaw din nito ang pansin niya. Ngunit di nababahala si Madeline. Itinikom niya ang kanyang bibig at tinitigan nang diretso si Ryan. Sa sandaling ito, ang tapang niya ay di natitinag. Di nagsalita si Madeline kay Ryan. Lumingon siya nang bahagya at sinabi nang marahan kay Jeremy, "Jeremy, umalis ka na." "Linnie." "Alis!" Nagpanggap na galit si Madeline nang itaboy niya si Jeremy. "Jeremy, naniniwala ako na di ka papatay ng kahit sino. Naniniwala din ako na ang tunay na salarin ay mabubunyag din balang araw!" Tinignan niya si Jeremy na may pag-aalinlangan sa kanyang mata. Pakiramdam ni Jeremy na di niya pwedeng biguin ang babaeng ito matapos niyang makita ang determinasyon at pag-aalala sa mata nito. Tinignan niya nang malambing si Madelin
Nasa elevator si Jeremy at paakyat na para makita ang nangyayari. Nagkataon nakita niya si Ryan na dinadala si Madeline papasok ng elevator. Nang pasara na ang pinto, nakita niya ang madugong braso ni Madeline at ang walang malay at maputlang mukha nito. "Linnie!" Pakiramdam ni Jeremy na parang umalis sa katawan niya ang kaluluwa niya. Ngunit nang hahabulin na niya ang mga ito, nakita siya ng mga pulis sa bubong. "Si Jeremy Whitman!" "Habulin niyo siya! Barilin niyo siya kapag pumalag!" Si Madeline lang nasa isip ni Jeremy ngayon kaya di siya pwedeng tumunganga at hayaan silang arestuhin siya. Kapag naaresto siya, di na niya mababantayan pa si Madeline at baka ma-frame up na naman siya ni Ryan. Pinili niya ang hagdan. Tapos tiniis niya ang matinding sakit nang umalis siya ng gusali ng Whitman Corporation. Lumabas siya sa pinto sa gilid at nang papunta na siya sa bukasan para makita kung anong nangyayari, nakita niya ang ilang pulis na nagbabantay. Kaya tumawag na lang
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si