Kahit na ang Porsche ay isang marangyang brand ng kotse, ang isang ordinaryong Cayenne ay mahigit isang milyon lang.Ang German’s Volkswagen ay itinuturing na karaniwang brand ng kotse rin, pero, ang Phaeton ay isang napakabihira at mahal na model.Ang top-spec Phaeton ay mahigit dalawang milyong dolyar, ang katumbas nito ay ang top-spec Audi A8. Mercedes-Benz S-Class, at BMW 7-Series.Kanina, nagulantang si Max sa logo ng Porsche Cayenne kaya naisipan niyang bumangga sa mas murang kotse. Nang makita niya ang Phaeton, nakita niya lang ang Volkswagen logo at mukhang murang Passat ang kotse, kaya binangga niya ito nang mabilis.Hinding-hindi niya inaasahan na ito pala ang underrated Phaeton...Nang maisip niya ang presyo ng kotse—2 milyong dolyar!—nalungkot siya sa punto na gusto na niyang mamatay doon.Ang parts-to-whole price raton ay isang importanteng elemento sa kotse na nagpapakita ng babayaran sa maintenance. Sa ibang salita, kung tatanggalin ang mga parte ng kotse, ang auto
Ang Four Great Guardians ay kilala sa Aurous Hill, at si Jayden ang pinakasikat sa kanila.Ang palayaw niya sa underworld ay Chief Jay.Hinding-hindi inaasahan na mababangga niya ang Phaeton ni Jayden para maiwasan ang isang Porsche Cayenne.Pinagsisisihan niya nang sobra ang kanyang desisyon. Kung alam niya lang na magkakaganito, ‘yung Porsche na lang binangga niya!Hindi! Kung alam niya lang na magkakaganito, hindi siya papayag na makipagkarera kay Charlie! Isa itong patibong!Oo, tama!Si Charlie ang dapat sisihin sa lahat ng ito! Niloko siya ng g*gong iyon! Marahil ay modified ang BMW 520 niya dahil sobrang lakas nito.Kung hindi ginawa ni Charlie ang patibong, hindi niya gagawin ito!Kinamumuhian nang sobra ni Max si Charlie habang iniisip niya ito.Suminghal si Jayden sa namumula at nanginginig na mukha ni Max, at sinabi nang galit, “Hoy, ipakita mo sa’kin ang driver’s license mo at ID!”Tumango nang paulit-ulit si Max, pumasok sa kanyang kotse para kunin ang lahat ng c
Nanginig si Max sa takot at sindak. Sobrang gulo ng isipan niya, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.Walang pakialam si Jayden sa kanya. Bumalik siya sa kanyang Phaeton para kunin ang mga gamit niya at itinapon ang susi ng kotse kay Max.“May isa pa akong susi para sa kotse na ito, ibibigay ko ito sa’yo pagkatapos mong ibigay ang bago kong kotse. Huwag kang mag-alala, kahit na mandurumog ako, hindi akong nangblackmail ng kahit sino. Kukunin ko ang akin, at hindi ko kukunin ang hindi sa akin. May prinsipyo kami sa underworld—katapatan!”“Pero, kung hindi mo ibibigay ang kailangan ko, hahanapin kita!”Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang kamay para pumara ng taxi, at umalis na parang isang bugso ng hangin.Namamangha at nagulantang na pinanood ng mga kaibigan ni Max ang eksena.Isa talagang boss ng underworld si Jayden, mabilis siyang magpasya at wala siyang loko-lokong ugali. Tinapon niya lang ang 2 milyong dolyar na kotse niya rito at umalis. Napakagaling niya.Sa kabilan
“Sige.” Tumango si Stephanie nang walang pakialam. Tinawagan niya ang isa sa mga kaibigan niya na nakasakay sa kotse ni Max.“Hey, sinabi ni Max na naaksidente kayo, tama? Kamusta kayo? Ayos lang ba ang lahat? Nag-aalala nang sobra si Mrs. Lewis!”Nilinis ng lalaki ang kanyang lalamunan at nag-utal nang hindi mapalagay, “Um… nabangga ni Max ang isang Phae…”Bago pa siya matapos, kinuha ni Max ang cellphone at sinabi, “Stephanie, ayos lang ako, bumangga kami sa isang Passat. Nakikipagkasundo na ako sa driver ngayon para lutasin ang problema. Huwag kang mag-alala, malapit na kaming matapos dito, malapit na akong makapunta diyaan.”Sinabi nang payak ni Stephanie, “Okay, hihintayin namin kayo sa entrance ng hotel. Matagal na kaming nandito.”Sinabi nang mabilis ni Max, “Ah, pasensya na sa pagkaantala. Pakisabi kay Charlie na pasensya na at hindi ko nakumpleto ang karera, magkakarera ulit kami sa mga susunod na araw!”Bumulong si Stephanie ng isang nag-aalangan na ‘Okay’ at tinapos an
Tumingin nang galit si Max kay Charlie at sinabi, “Sa tingin mo ba ay natatakot ako sa’yo? Kung hindi dahil sa aksidente, nanalo na ako!”Sinabi ni Stephanie na may naiiritang hitsura, “Sige, ipagpatuloy mo lang ang kasinungalingan mo! Kanina, tinapakan lang ni Charlie ang accelerator, at hindi ka na nakita sa likod namin! Sa tingin ko, siguradong natalo ka na kung hindi nangyari ang aksidente.”“Huh! Binibiro mo ba ako?” Sinabi ni Max, sinusubukang gumawa ng dahilan, “Nalampasan lang ako ni Charlie dahil nakalimutan kong ilipat sa sports mod ang kotse.”Pagkatapos, mabilis niyang iniba ang paksa, “Ah! Hindi mo naiintindihan ang mga kotse, wala nang saysay ang usapan na ito. Bilis, pumasok na tayo. Nagpareserba na ako.”Nagkibit-balikat nang walang pakialam si Charlie at pumasok sa Hyatt Hotel kasama ang iba.Ang Hyatt Hotel ay isang komprehensibong hotel na may dining, entertainment, at leisure, pero dahil sa tagong lokasyon nito, mas mababa ang katanyagan nito kumpara sa Shangri
Umupo sina Charlie at Claire sa kanang bahagi ni mrs. Lewis dahil hiling niya ito. Isa-isa na ring umupo ang iba.Sa sandaling nakaupo na ang lahat, tumingin si Mrs. Lewis sa kanilang lahat at naglabas ng isang marahan na ngiti. “Mga bata, sobrang saya ko at nagpapasalamat ako na naalala niyo pa ako sa mga taong ito at binisita niyo pa ako!”Sinabi ng lahat nang mabilis, “Mrs. Lewis, anong sinasabi mo? Dapat naming gawin ito.”Tinanong ni Mrs. Lewis, “Kamusta na kayo sa mga nakaraang taon?”Sumagot sila nang nakangiti, “Salamat sa pag-aalala, ayos lang kami.”Pagkatapos umalis sa bahay ampunan, nagkaroon ng sari-sariling buhay ang lahat, pero karamihan sa kanila ay ordinaryong tao lang. Kahit ano pa ang mga ideolohiya at ambisyon nila dati, tinapakan ito ng malupit na realidad. Sa kalaunan ay bumalik din sila sa ordinaryong buhay.Nagbago na ang lahat. Habang pinag-uusapan nila ang kanilang buhay, kaswal at relax ang tono nila, pero nananahimik ang mga nakikinig. Mukhang hindi na
Si Scott ay isa sa mga alipures ni Max na ilang taon na siyang sinusunod.Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ah, nasa kumpanya niyo ba rin si Scott?”“Oo,” sumagot si Max nang nakangiti, “Isa siya sa mga assistant ko.”Pagkatapos, humarap siya kay Charlie at sinabi, “Tara at tulungan mo ako. Hindi ko kailangan ng kahit anong karanasan sa trabaho o hindi rin ako umaasa na mayroon ka nito, kailangan mo lang gawin ang mga utos ko. Halimbawa, gawan mo ako ng kape, linisin mo ang opisina ko, at iba pa. Ikaw ang pinakamagaling sa pagsisilbi sa mga tao. Bibigyan kita ng tatlong libong dolyar kada buwan. Ano sa tingin mo?”Gawan siya ng kape, linisin ang opisina niya, at iba?Tatlong libo kada buwan?Sumagot si Charlie nang nakangiti, “Ah, sobrang ganda ng alok mo. Hindi ako karapat-dapat para dito, hindi ko na tatanggapin.”Tumango nang matagumpay si Max at sinabi, “Hindi sa pagmamayabang, pero magtiwala ka sa’kin, malaki ang kikitain mo kapag nagtrabaho ka sa akin. Tingnan mo si Scott
Nilalarawan talaga ni Max ang sarili niyang karanasan.Siya ang nag-akala na ang kotse ay Passat nang tiningnan niya lang ang Volkswagen na logo, hindi niya nakita ang ‘Phaeton’, at binangga niya ito.Ang laki na ng problema niya ngayon. Mayroon na siyang milyong-milyong dolyar na utang at hindi niya alam kung paano niya ito mababayaran.Yari siya kung hindi magtatagumpay ang plano niya.“Grabe! Isa talaga itong Phaeton?”Nakilala ng isang lalaki ang susi ng kotse ng Phaeton. Sinabi niya sa sabik nang makita niya ang W12 doon, “Grabe, ito ang pinakamahal na model ng Volkswagen! Ang top-spec model ay mahigit 2 milyong dolyar! Kilala ito bilang pinaka underrated na super luxury car. Grabe, Max, nakabili ka talaga ng maalamat na Phaeton! Sobrang galing mo, pre!”Sa kabilang dako, ang mga lalaking sumakay sa kotse ni Max at nakakita sa buong pangyayari ay tumingin nang hindi mapalagay sa isa’t isa.Hindi nila inaasahan na ginamit talaga ni Max ang kwento tungkol kay Jayden para mag
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango