Sumigaw si Lady Wilson, “Wendy, pumunta ka dito, dalhin natin ang masamang babaeng ito sa banya at lininasan natin ang pagkain sa ulo niya gamit ang malamig na tubig! Baka pagsamantalahan niya habang nakatalikod tayo at kainin niya ito nang hindi tayo nakatingin! Ayokong mangyari ito!”Umiyak sa takot si Elaine, “Hindi! Halos taglamig na ngayon! Papatayin mo ako mo ako kung huhugasan mo ang ulo ko gamit ang malamig na tubig!”Si Jennifer, na pinapanood ang eksena, ay sinabi nang galit, “Tigilan mo na ang kalokohan mo! Kung may maririnig pa akong salita sa’yo, papaliguan kita gamit ang malamig na tubig pagkatapos kang linisan ng matandang babae!”Umiyak sa sobrang takot si Elaine habang kinaladkad siya nina Lady Wilson at Wendy sa banyo.Pagkatapos, agad siyang hinila ni Wendy papunta sa ilalim ng grupo at binukan ito nang hindi nag-aalangan!Tumalsik ang malamig na tubig sas ulo ni Elaine, agad nanigas ang utak niya at sinundan ito ng matinding sakit mula sa lamig na nagpanginig s
“Ano?!”Tumili si Claire sa gulat, “Maganda, elegande, mabuti ang ugali, perpektong pagkatao. Ang mas mahalaga, wala na siyang asawa, isang mayaman na walang asawa… Siya na ang pinakabihirang bachelorette sa kategorya ng mga di gaano katandang babae, hindi ba?!”Tumango si Charlie at sinabi sa seryosong tono, “Oo, isa nga siyang bachelorette, pero para hindi siya mukhang tita, mukha lang siyang ate.”Nasorpresa si Claire at tinanong, “Talaga? Mga gaano katanda?”Sumagot si Charlie, “Mga tatlumpu’t pito o walong taon, apatnapu sa pinakamataas.”“Seryoso?!”Napanganga si Claire sa sobrang gulat at hindi siya makapaniwala. Bihira lang siyang makakita ng 50 taong gulang na babae na mukhang 10 taon na mas bata.Hindi ba’t medyo hindi ito kapani-paniwala kahit na sa isang artista?Tumango nang matatag si Charlie. “Hindi ako nagbibiro, sobrang bata nga ng hitsura niya at maganda siya. Kilala mo si Catherine Zeta-Jones, tama? Mas mukhang bata si Tita Hall at mas maganda sa kanya.”Nag
Sa sandaling ito, 24 oras na ang lumipas simula nang nawala si Elaine.Kaya, nag-aalala nang sobra si Claire at kinakabahan siya, naglabas-pasok siya sa mga beauty salon na madalas pinupuntahan ni Elaine.Pumasok siya sa isa sa mga beauty salon at tinanong ang may-ari habang ipinakita niya ang litrato ni Elaine, “Hi, nakita mo na ba ang babaeng ito dati?”Tumingin nang mausisa ang may-ari sa litrato at tinanong, “Ah, hindi ba’t si Mrs. Wilson ito?”Nagulantang si Claire. “Kilala mo ang ina ko?”Ngumiti ang may-ari at sinabi, “Ah, ikaw pala ang anak na babae niya. Dati ay suki ko siya dito, pero hindi ko na siya nakikita kailan lang. Dati ay madalas siyang pumunta dito kasama ang mga kaibigan niya. Bakit? Nawawala ba siya?”Tumango si Claire at tinanong, “May kilala ka bang kaibigan niya? Maaari mo bang ibigay sa akin ang mga number nila? Pakiusap.”Napanganga ang may-ari at tila ba may pumasok sa kanyang isipan at sinabi, “Ah, nagpapa-facial ang isa sa mga kaibigan niya ngayon.
Naging mapanghamak ang hitsura ni Mrs. Wayne sa punta na nasira na ang masikip na maskara at nahulog na ito mula sa kanyang mukha dahil sa pagbabago ng mukha niya.Tumingin siya sa nakakaawang maskara sa sahig, sumama ang loob niya.Mas lalong sumama ang loob niya nang maisip niya ang nangyari kahapon.Kahit na hindi sila matalik na magkaibigan ni Elaine, may magandang pagkakaibigan sila kung saan madalas silang naglalaro ng mahjong at pumupunta nang magkasama sa mga facial at spa treatment.Marami silang kakilalang ganito na ginagalang ang isa’t isa, pero nagalit siya nang sobra sa pambihirang reaksyon ni Elaine kahapon sa punto na hindi siya nakatulog kagabi.Hindi maiwasang mataranta at malito ni Claire nang marinig ang reklamo ni Mrs. Wayne. Bakit nakipag-usap nang ganito ang mama niya sa kaibigan niya? Kailan lang ang ay hindi siya masyadong kumikilos dahil wala siyang pera, pero bakit biglang nagbago ang ugali niya? May kakaibang kayamanan ba siyang nakita?Sinabi niya pa n
Sa ibang salita, walang pera si Elaine.Kung gano’n, bakit niya ininsulto si Mrs. Wayne sa tawag na parang isang supladong mayamang babae hindi matagal pagkalipas nito?Bigla ba siyang naging mayaman sa maikling panahon?Saan nanggaling ang pera?Kahit na mayaman talaga siya, bakit kailangan niyang maglaho?Ito ba talaga ay dahil kinamumuhian niya siya at ang ama niya pagkatapos niyang maging mayaman?Hindi naman ito imposible, ayon sa pagkakaintindi niya sa ugali ng ina niya, pero paano naman ang villa sa Thompson First, ang pangarap na bahay niya na matagal na niyang pinaglalawayan?Kung pag-iisipan ito, kung nakakuha nga talaga siya ng kayamanan nang hindi sinasadya, tatago niya ang pera at patuloy siyang titira sa marangyang villa, ganito ang ugali niya. Hindi siya maglalaho kasama ang pera at iiwan ang villa nang gano’n lang, lalo na dahil hindi pa siya nakakapagpalipas ng gabi sa villa.Sa tuwing iniintindi at pinag-iisipan ni Claire ang sitwasyon, mas lalo siyang nalilit
Nagmaneho nang walang patutunguhan si Charlie sa siyudad. Nang maktanggap siya ng tawag kay Jacob na nagsasabing malapit nang pumunta si Matilda sa bahay nila, nagmaneho siya pauwi.Natanggap din ni Caire ang tawag ng kanyang ama na may parehong mensahe, at umuwi siya kahit na nag-aalangan siya.Pinilit ni Loreen na lumabas para maghupunan ngayong gabi nang nalaman niya na may mga bisitang darating. Gusto ni Claire na isama siya para maiwasan niya ang nakakahiyang katahimikan, pero nahihiya na siya kaya tinanggihan niya ang alok niya at sinabi na kailangan niyang magtrabaho ng overtime at kailangan niyang maghapunan nang mag-isa.Walang lugar si Claire para pwersahin si Loreen, nagbigay na lang siya ng babala kay Jacob, “Pa, kapag dumating ang kaibigan mo, huwag mong subukan na pag-usapan ako, wala ako sa mood para makipag-usap ngayong araw.”Alam ni Jacob na hindi niya pwedeng kulitin siya dahil handa naman siyang umuwi at maghapunan kasama si Matilda para sa kanya, kaya sinabi ni
Tumango si Matilda at sinabi, “Hindi gano’n kamahal ang 100 milyon, pero hindi ko ito maintindihan, paano nakayanan ni Jacob na bumili ng villa dito ayon sa kasalukuyang sitwasyon niya?”Ngumiti si Paul at sinabi, “Ah, ikaw ang magtatanong nito sa kanya kung gano’n.”Ngumiti rin si Matilda. “Hmm, marahil ay tinatago niya ang liwanag niya sa ilalim ng balde.”Nag-isip nang ilang sandali si Paul at sinabi, “Sa totoo lang, mabait na lalaki si Tito Wilson, pero hindi ko masasabi na may kahit anong ilaw siyang matatago, sa totoo lang, sa tingin ko ay wala rin siyang balde.”Tinanong nang mausisa ni Matilda, “Anong ibig mong sabihin?”Sumagot si Paul, “Wala, naramdaman ko lang na medyo kakaiba ito, iyon lang.”Tumawa nang magaan si Matilda at sumagot, “Okay, tama na. Dapat ay maging masaya ako para sa dati kong kaibigan dahil nakatira siya sa isang mahal na villa. Para naman sa ibang bagay, wala na tayong dapat pakialaman tungkol dito.”Tumango nang tapat si Paul. “Oo, ma, tama ka.”
Sa oras na ito, dinala na ni Jacob si Matilda at ang kanyang anak, si Paul lampas sa courtyard.Sa sandaling nagkita sila, nagulat talaga si Claire sa hitsura ni Matilda. Narinig na niya kay Charlie na kamangha-mangha ang ugali at hitsura ni Matilda pero hindi niya talaga inaasahan na ganito ito kaganda.Sa parehong oras, hindi maiwasan ni Claire na mainggit nang kuanti kay Matilda.Dahil, kamangha-mangha talaga para sa isang babae na panatilihin ang magandang antas ng kanyang ugali at hitsura nang tumuntong na siya sa eda na limampu o pataas.Nasopresa rin nang kaunti si Matilda nang makita niya si Claire. Hindi niya talaga inaasahan na magiging sobrang ganda at namumukod tangi ang anak nina Jacob at Elaine.Sa sandaling ito, si Paul, na nakatayo sa tabi ni Matilda, ay nagulantang din nang kaunti. Nasorpresa talaga siya sa kagandahan at ugali ni Claire.Nagmamadali silang ipinakilala ni Jacob sa isa’t isa. “Matilda, ito ang anak na babae ko, si Claire.”Pagkatapos, tumingin uli
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango
Bukod dito, pupunta siya sa Aurous Hill para bantayan si Mr. Chardon. Ang ibig sabihin ay wala siyang pagkakataon na maging tamad sa mga darating na araw. Kahit na ayaw niya, hindi siya nangahas na antalain ito at mabilis na umalis sa ilalim ng gabi.Nagbayad siya ng malaki para bumili ng isang kotse mula sa hotel owner at naglakbay mula sa maliit na siyudad papunta sa siyudad ng Yakutsk sa Russian Far East.Samantala, dinala ni Zachary ang isa pang jade ring na kinuha niya kay Terry at isang bank card na may mahigit one million US dollars para magsaya sa pinakamalaking nightclub sa Aurous Hill. Napapalibutan siya ng mga magagandang dalaga habang nag-eenjoy siya habang umiinom hanggang makuntento siya.May mga mahal na alak sa harap ni Zachary na may isang bote ng champagne na mahigit 10 o 20 thousand dollars. Ang mas maganda dito ay lampas 1000 thousand dollars.Bukod dito, ilang maganda at dalagang babae ang nakapalibot kay Zachary, pinupuri siya sa lahat ng posibleng paraan. Ang
Naing malungkot nang sobra ang kalooban ni Ruby nang marinig ang mga sinabi ng British Lord.Totoo, tulad nga ito ng hula niya. Palaging alam ng British Lord ang lokasyon ng mga great earl. Ang mas nakakatakot pa ay kayang analisahin ng British Lord ang kilos ng lahat ayon sa oras, lokasyon, at impormasyon na mayroon sa lokal na internet.Ang ibig sabihin ay sa buong buhay niya, marahil ay hindi niya matakasan ang kontrol ng British Lord.Kahit na ginagawa ng mga great earl ang mga misyon sa matagal na panahon nang hindi nag-uulat, may lason pa rin sila na ginawa ng British Lord sa katawan nila.Pero, ang mga tao tulad nila ay may mas mahabang buhay, kaya nagtakda ang British Lord ng mas mahabang oras para inumin nila ang antidote. Habang ang iba ay kailangan uminom ng antidote kada dalawang linggo, tatlong buwan, o kalahating taon, ang mga great earl ay kailangan lang inumin ang antidote kada tatlong taon.Pero anong pagkakaiba ang kayang gawin ng tatlong taon? Kung mga saranggol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi