Sumulyap si Jacob kay Matilda sa pagkagulantang. “Matilda, magaling ka ba sa law firm?”Humagikgik si Paul at sinabi, “Tito, huwag mong maliitin ang ina ko. Sa totoo lang, isa rin siyang Ph.D. na nagtapos sa Yale. Nagkakilala sila ng ama ko sa Master’s School sa Yale at nagpakasal pagkatapos. Sa kalaunan, nagtatag ng law firm ang ama ko at palaging nandoon ang ina ko para tulungan siya. Kung hindi dahil sa ina ko, hindi magiging madali ang career ng ama ko.”Pagkatapos, nagbuntong hininga siya, “Sayang lang at hindi pa ako magaling para pamahalaan ang law firm nang sarili ko, kaya kailangan ko ng tulong ng ina ko.”Humagikgik si Matilda, “Anak, magaling na ang nagawa mo. Sana ay lumaki ka sa lalong madaling panahon at pamahalaan mo nang buo ang kumpanya, para ma-enjoy ko na ang pagreretiro ko.”Hindi niya mapigilang magbuntong hininga, “Ngayong nakabalik na ako sa Oskia at sa Aurous Hill, ang pinakamalaking pangarap ko ay hindi ang simulan ang negosyo natin dito, ngunit i-enjoy nan
Masaya ang naging tanghalian nila sa Shangri-La. Parehong nasiyahan sina Jacob at Matilda. Medyo masama ang pakiramdam niya pagkatapos mamatay ng asawa niya pero mukhang lumiwanag na ang langit ngayon.Malugod din si Paul na makitang masaya ang ina niya.Para naman kay Charlie, naawa siya sa kanyang biyenan na lalaki.Ang dahilan ay walang iba kundi sobrang perpekto ni Matilda para sa kanya. Hindi niya maisip kung ano ang mangyayari kung babalik sa Aurous Hill ang isang maganda, elegante, at mayamang babae. Kukuha siya ng maraming atensyon, lalo na ang panliligaw ng ibang mayamang matandang lalaki, at magreresulta ito ng problema para kay Jacob.Medyo pagod na sina Matilda at Paul pagkatapos bumiyahe nang matagal papuntang Oskia. Kaya, pagkatapos magtanghalian, hinatid na nina Jacob at Charlie silang dalawa sa kwarto nila sa Shangri-La.Nagulantang ulit si Jacob dahil nag check in sina Matilda at Paul sa isang napakarangyang executive suite.Ang executive suite sa Shangri-La ay p
Biglang lumingon si Jacob kay Charlie at tinanong nang nag-aalala, “Charlie, sa tingin mo ba ay uuwi pa ang biyenan na babae mo?”Kumunot ang noo ni Charlie nang hindi mapalagay. “Pa, anong gusto mong sabihin ko? Sabihin ko ba na oo o hindi?”Nagulantang si Jacob at sinabi nang nahihiya, “Hey, ‘wag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Alam ko na hindi ka rin kuntento sa biyenan na babae mo tulad ko, tama?”Lumingon si Charlie sa kanya sa gulat at sinabi, “Pa, wala akong sinabi!”Tumingin nang nag-aalinlangan si Jacob sa kanya at sinabi, “Sa atn lang naman, hindi mo na kailangan itong itago sa akin. Wala naman dito si Claire, pwede nating sabihin ang gusto natin, tama ba ako?”Alam ni Charlie ang iniisip ng kanyang biyenan na lalaki.Naghahanap siya ng kasosyo niya.Ayaw niyang umuwi si Elaine, pero gusto ni claire na mahanap ang kanyang ina sa lalong madaling panahon.Kaya, may nabuong pagtatalo sa pagitan ng ama at anak niya at ang iskor ngayon ay 1:1. Si Charlie ang walang kinikiling
Kailanman ay hindi naisip ni Charlie na magiging kontrabida ang kanyang biyenan na lalaki, pero naiintindihan niya ang nararamdaman niya.Dahil, ang babae ay ang unang mahal niya na mahigit dalawang dekada na niyang hindi nakita at ngayong perpekto pa rin. Kung siya si Jacob, hindi niya rin ito hahayaang masira o magulo.Bukod ito, si Elaine ay parang isang malakas na bomba na may timer. Sa sandaling sinimulan ito, sobrang lakas ng magiging pagsabog niya, katumbas nito ang pagsabog ng isang nuclear bomb.Kaya, walang mali na maging maingat siya.Pero, hindi niya alam na nasa detention center si Elaine ngayon, naghihirap nang sobra sa marahas na torture. Mananatili siya sa impyerno na iyon hangga’t hindi siya pinapayahang umalis ni Charlie.Pag-uwi nila, kakauwi lang din ni Claire. Balisa siyang naglakad papunta sa kanya at tinanong, “Mahal, pumunta ka ba sa police station? Anong sinabi ng pulis? May balita ba sila tungkol kay mama?”Maputla si Claire at nag-aalala. “Sinabi sa aki
Kahit na alam ni Claire na marahil ay ideya ito ng Papa niya, hindi niya maiwasang madismaya.Mabilis na tinanong ni Charlie, “Mahal, saan ka pupunta mamaya?”Sumagot si Claire, “Makikipagkita ako sa mga kaibigan ni mama at sa mga beauty salon na madalas nilang binibisita para sa kanilang facial at spa.”Nagmadali si Jacob at sinabi, “Ah, Claire, hindi ako aalis ngayong araw. Inimbita ko ang kaibigan ko para maghapunan ngayong gabi. Gusto niyang magluto para sa atin, kaya kailangan kong ihanda ang mga sangkap at linisin ang bahay natin.”Tinanong nang nagdududa ni Claire, “Pa, hindi ba’t nagtanghalian ka na kasama ang kaibigan mo ngayon lang? Bakit gusto mo siya ulit makita ngayong gabi?”Nilinis ni Jacob ang kanyang lalamunan at nagpaliwanag, “Tanghalian ay tanghalian, at kumain kami sa restaurant. Pumunta sila dito mula sa States, kabutihang loob natin na imbitahan sila sa bahay natin at kumain ng lutong-bahay nang magkasama. Isa itong mabuting paraan para aliwin ang mga kaibiga
Samantala, sa Aurous Hill Detention Center.Pinapanood na lang ni Elaine ang mga preso na tapusin ang mga tanghalian nila, at dalawang tanghalian na ang naubos ni Jennifer, naramdaman niya na tila ba may sumaksak sa kanyang puso, sobrang hirap para sa kanya na panoorin ito.Mahigit 24 oras na siyang hindi kumakain, nabugbog nang marahas, at pinwersang matulog buong gabi sa nagyeyelo at malamig na banyo. Nahihilo na siya sa gutom at malapit na siyang bumagsak.Pero, hindi siya naglakas-loob na magpakita ng sama ng loob dahil bubugbugin lang siya ulit ni Jennifer.Dahil kaunti lang ang ganang kumain ni Lady Wilson, nabusog na siya sa kalahati ng kanin sa lunch box.Naglakad siya nang banayad kay Elaine dala-dala ang natirang lunch box sa kanyang kamay, iwinagayway ito sa harap niya, at tinanong nang nakangisi, “Hoy, hindi ka pa kumakain nang isang gabi at isang araw, gutom ka na ba? Siguradong mahirap ito, tama? Gusto mo bang kumagat nang dalawa?”Sumulyap si Elaine sa matandang ba
Sumigaw si Lady Wilson, “Wendy, pumunta ka dito, dalhin natin ang masamang babaeng ito sa banya at lininasan natin ang pagkain sa ulo niya gamit ang malamig na tubig! Baka pagsamantalahan niya habang nakatalikod tayo at kainin niya ito nang hindi tayo nakatingin! Ayokong mangyari ito!”Umiyak sa takot si Elaine, “Hindi! Halos taglamig na ngayon! Papatayin mo ako mo ako kung huhugasan mo ang ulo ko gamit ang malamig na tubig!”Si Jennifer, na pinapanood ang eksena, ay sinabi nang galit, “Tigilan mo na ang kalokohan mo! Kung may maririnig pa akong salita sa’yo, papaliguan kita gamit ang malamig na tubig pagkatapos kang linisan ng matandang babae!”Umiyak sa sobrang takot si Elaine habang kinaladkad siya nina Lady Wilson at Wendy sa banyo.Pagkatapos, agad siyang hinila ni Wendy papunta sa ilalim ng grupo at binukan ito nang hindi nag-aalangan!Tumalsik ang malamig na tubig sas ulo ni Elaine, agad nanigas ang utak niya at sinundan ito ng matinding sakit mula sa lamig na nagpanginig s
“Ano?!”Tumili si Claire sa gulat, “Maganda, elegande, mabuti ang ugali, perpektong pagkatao. Ang mas mahalaga, wala na siyang asawa, isang mayaman na walang asawa… Siya na ang pinakabihirang bachelorette sa kategorya ng mga di gaano katandang babae, hindi ba?!”Tumango si Charlie at sinabi sa seryosong tono, “Oo, isa nga siyang bachelorette, pero para hindi siya mukhang tita, mukha lang siyang ate.”Nasorpresa si Claire at tinanong, “Talaga? Mga gaano katanda?”Sumagot si Charlie, “Mga tatlumpu’t pito o walong taon, apatnapu sa pinakamataas.”“Seryoso?!”Napanganga si Claire sa sobrang gulat at hindi siya makapaniwala. Bihira lang siyang makakita ng 50 taong gulang na babae na mukhang 10 taon na mas bata.Hindi ba’t medyo hindi ito kapani-paniwala kahit na sa isang artista?Tumango nang matatag si Charlie. “Hindi ako nagbibiro, sobrang bata nga ng hitsura niya at maganda siya. Kilala mo si Catherine Zeta-Jones, tama? Mas mukhang bata si Tita Hall at mas maganda sa kanya.”Nag
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango
Bukod dito, pupunta siya sa Aurous Hill para bantayan si Mr. Chardon. Ang ibig sabihin ay wala siyang pagkakataon na maging tamad sa mga darating na araw. Kahit na ayaw niya, hindi siya nangahas na antalain ito at mabilis na umalis sa ilalim ng gabi.Nagbayad siya ng malaki para bumili ng isang kotse mula sa hotel owner at naglakbay mula sa maliit na siyudad papunta sa siyudad ng Yakutsk sa Russian Far East.Samantala, dinala ni Zachary ang isa pang jade ring na kinuha niya kay Terry at isang bank card na may mahigit one million US dollars para magsaya sa pinakamalaking nightclub sa Aurous Hill. Napapalibutan siya ng mga magagandang dalaga habang nag-eenjoy siya habang umiinom hanggang makuntento siya.May mga mahal na alak sa harap ni Zachary na may isang bote ng champagne na mahigit 10 o 20 thousand dollars. Ang mas maganda dito ay lampas 1000 thousand dollars.Bukod dito, ilang maganda at dalagang babae ang nakapalibot kay Zachary, pinupuri siya sa lahat ng posibleng paraan. Ang
Naing malungkot nang sobra ang kalooban ni Ruby nang marinig ang mga sinabi ng British Lord.Totoo, tulad nga ito ng hula niya. Palaging alam ng British Lord ang lokasyon ng mga great earl. Ang mas nakakatakot pa ay kayang analisahin ng British Lord ang kilos ng lahat ayon sa oras, lokasyon, at impormasyon na mayroon sa lokal na internet.Ang ibig sabihin ay sa buong buhay niya, marahil ay hindi niya matakasan ang kontrol ng British Lord.Kahit na ginagawa ng mga great earl ang mga misyon sa matagal na panahon nang hindi nag-uulat, may lason pa rin sila na ginawa ng British Lord sa katawan nila.Pero, ang mga tao tulad nila ay may mas mahabang buhay, kaya nagtakda ang British Lord ng mas mahabang oras para inumin nila ang antidote. Habang ang iba ay kailangan uminom ng antidote kada dalawang linggo, tatlong buwan, o kalahating taon, ang mga great earl ay kailangan lang inumin ang antidote kada tatlong taon.Pero anong pagkakaiba ang kayang gawin ng tatlong taon? Kung mga saranggol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi