Share

Kabanata 810

Author: Lord Leaf
Nilagay agad ni Elaine ang anibersaryo ng kasal nina Charlie at Claire sa ATM.

Sinabi ng screen, “Hello, honorable Citibank Supreme VIP member, your password is incorrect, you have one attempt left today.”

“Letse!” Minura ni Elaine. “Mali nanaman? P*ta, may isang pagkakataon na lang ako…”

Balisa siyang pumapadyak, pero, biglang may pumasok sa kanyang isipan. Maaari ba na sariling kaarawan ito ni Charlie?

Sabik siyang subukan ito, pero bigla niyang naalala na hindi niya alam kung kailan ang kaarawan niya. Nahihiya niyang nilabas ang kanyang cellphone at tinawagan si Claire.

Tinanong niya nang nagmamadali sa sandaling may sumagot sa tawag, “Claire, kailan ang kaarawan ni Charlie?”

Tinanong nang nagdududa ni Claire, “Ma, bakit gusto mong malaman?”

Alam niya na palaging minamaliit ng ina niya si Charlie, kaya hindi niya maintindihan kung bakit bigla niya gustong malaman ang kaarawan ni Charlie.

Sinabi ni Elaine, habang nahihiya, “Ah, erm, binigyan tayo ng villa ni Charlie, hindi ba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 811

    Tinitigan ni Elaine ang mga numero sa ATM, nagulat siya at nagulo ang isipan niya!Naramdaman niya na parang gumuguho na ang mundo sa paligid niya.Masiglang tumitibok ang kanyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit may dalawampung bilyon si Charlie sa kanyang account!“Imposible! Paano ito posible! Dalawampung bilyon! Baliw ba ako o si Charlie? Saan siya nakakuha ng napakalaking pera?”Nanginginig nang sobra ang mga kamay ni Elaine. Dalawampung bilyon! Hindi dalawang daang dolyar, hindi dalawang milyong dolyar, ngunit dalawampung bilyon!Kailanman ay hindi siya nanaginip na may ganitong pera siya sa kanyang buhay!Saan nakuha ni Charlie ang ganito kalaking pera? Niloko niya ba si Bill Gates nang hindi nila nalalaman?Sa sandaling iyon, ang unang naisip niya ay tawagan si Charlie at tanungin ang tungkol sa pera.Pero sa sumunod na segundo, umiling siya nang malakas. “Hindi! Hindi ko siya pwedeng tawagan! Malalaman niya na ninakaw ko ang card niya!”Ang dapat niyang gawin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 812

    ’Oo, ako si Elaine. Ang istilo ko ay parang isang buhawi, kahit saan ako pumunta, wala akong iiwan na kahit ano!’Hawak-hawak nang mahigpit ang kanyang card, sabik at determinado siyang pumasok sa bangko.Isang masiglang dalaga ang lumapit sa kanya sa sandaling pumasok siya, “Hello, paano kita matutulungan? Hayaan mong bigyan kita ng numero.”Iwinagayway ni Elaine ang black card sa kanyang kamay at sinabi nang sabik, “Gusto kong maglipat ng pera!”Nagulantang ang dalaga nang makita niya ang card!Ang lahat ng staff ng Citibank ay dumalo sa professional training bago sila magtrabaho. Sa isa sa mga klase nila, mayroong bahagi na dedikado sa pagpapaliwanag tungkol sa black card!Ang black card ang pinaka eksklusibong card ng Citibank. Limitado lang ito sa isang daang card sa buong mundo at may lima lang sa bansang ito!Ang lahat ng may-ari ng black card ay isang super VIP customer ng Citibank na maaaring mag-enjoy ng lubos na respeto at galang na galing sa mga top executive ng kahi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 813

    Nakaramdam ng luwag at aliw si Elaine nang marinig niya ang sagot ni Dorian.Para ordinaryong tao pala ang mga ATM!Hahaha, kapag sinabing ordinaryong tao, ang ibig sabihin niya ba ay ang mga mahihirap na tao? Haha!Tama siya. Malapit na siyang maging sobrang yamang babae na may bilyon-bilyon, paano niya hahayaan ang marangal na sarili niya na gumawa ng transaksyon sa harap ng ATM tulad ng mga hampaslupa na iyon?Ngumisi nang matagumpay si Elaine habang inayos niya ang kanyang sarili at sinabi, “Hindi na masama, Lee, magaling ka!”“Ah, sobrang walang anuman!” Sinabi nang magalang ni Dorian, “Gusto mong magpadala, tama ba ako? Ako mismo ang tutulong sa iyo.”Umupo siya sa tapat ni Elaine at binuksan niya ang computer sa VIP room.Nang bumukas ang computer, tinanong niya, “Ma’am, anong account at gaano kalaki ang gusto mong ipadala?”Nilabas ni Elaine ang kanyang card, ibinigay ito sa kanya kasama ang black card, at sinabi, “Ipadala mo ang 21.9 bilyon mula sa black card na ito pa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 814

    Pagkatapos, sinabi agad ni Dorian, “Nakatanggap na ako ng paalala dito na nagsasabing nailipat na ang pera.”Mabilis na binuksan ni Elaine ang mobile banking app sa kanyang cellphone para tingnan ito. Sumimangot siya nang naiinis at tinanong, “Bakit hindi ko pa ito natatanggap?”“Ah, huwag kang mag-alala, ito ay 21.9 bilyon. Kapag kasangkot ang napakalaking pera, paulit-ulit na kailangang kumpirmahan ng banking system ang transaksyon at iulat din ito sa headquarters para sa pag-file, kaya medyo matatagalan bago makumpleto ang paglipat.”Sinabi ni Elaine sa inis. “Jusko, binibiro mo ba ako? Kailangan kong maghintay? Gaano katagal ako kailangan maghintay?!”“Hindi ako sigurado, marahil ay sampu-sampung minuto o baka umabot pa ng isang araw.”“Jusko, bakit sobrang tagal nito? Bilis at pilitin mo ang system na bilisan ito o uutusan ko ang Citibank na tanggalin ka!”“Hindi ko ito makokontrol, desisyon ito ng mga tao sa headquarters. Wala akong magagawa kahit na idemanda mo ako sa kort

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 815

    Si Charlie, na palaging kalmado at matatag, ay hindi mapigilang magulantang nang makita niya ang mensahe!May kabuuang 21.9 bilyon sa black card niya na Citibank.Kasama na dito ang sampung bilyon na binigay ni Stephen sa kanya.Pagkatapos, nandoon ang sampung bilyon na nakuha niya mula kay Masao Kobayashi, at isang bilyon na nakuha niya kay Jiro Kobayashi pagkatapos mamatay ng ama niya.Mayroon din siyang natanggap na isang bilyon kay Lord Moore na hindi niya alam kung paano gagamitin, kaya inilagay niya ang pera sa kanyang card.Kaya, may dalawampu’t dalawang bilyon pa siyang balance sa kanyang account. Pero hindi niya masyadong ginastos ang pera, mayroon lang 21.9 bilyon kasama na ang ilang sampu-sampung milyong.Pero ngayon, may nagpadala ng 21.9 bilyon! Sino ang gumawa nito?!Ang unang inisip niya ay ang pamilya Wade.Nagpasya ba sila na kunin ang kanyang card dahil ayaw niyang bumalik sa pamilya pagkalipas ng maraming panahon?Hindi, hindi sobrang labo na mangyari ito. B

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 816

    ”Okay.” Lumuwag na ang pakiramdam ni Charlie.Dalawang minuto pagkatapos niyang ibaba ang tawag, nakatanggap siya ng isa nanamang text message na nagsasabing, “Dear Mr. Charlie Wade, a total of $21,900,000,000.00 has been credited to your black card account at 15:06 today.”Sa wakas ay kumalma na si Charlie ngayong bumalik na ang pera niya.Pagkatapos, isa nanamang seryosong tanong ang lumitaw sa kanyang isipan.Ninakaw ni Elaine ang kanyang card, sinubukan ang kanyang password at nakita ang nakakagulat na balance sa kanyang card.Paano kung malalaman ito ni Claire? Paano niya ito mapapaliwanag sa kanya?!Mas lalong naging nakakapangilabot ang ekspresyon ni Charlie.‘Elaine, sobrang tagal kong tiniis ang masamang ugali mo sa akin dahil magulang ka ni Claire, pero naglalaro ka ng apoy ngayong araw.’‘Hindi kita pakakawalan nang madali ngayong araw!’Naging determinado siya at tinawagan niya si Isaac.Sa sandaling sinagot ang tawag niya, umalingawngaw ang magalang na boses ni I

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 817

    Natakot si Dorian sa banta ni Elaine at sinabi niya nang walang magawa, “Pwede kitang tulungang tingnan ang progreso, pero kung naulat na ang transaksyon sa headquarters, wala na akong magagawa.”Kinagat ni Elaine ang kanyang ngipin sa inis. Isinaboy niya ang kape sa mukha ni Dorian at sumigaw, “Bilisan mo kung gano’n! Ano pang ginagawa mo dito! Nagmamadali ako!”Sumigaw si Dorian sa sakit. Buti na lang, hindi masyadong mainit ang kape, kung hindi, napaso na siya nang malala.Nagalit siya nang sobra at nabalisa sa sandaling iyon, pero hindi siya nangahas na kalabanin ang tinatawag na VIP, kaya sinabi niya nang mapagpakumbaba, “Mangyaring maghintay ka nang ilang sandali, titingnan ko na ang progreso ng transaksyon ngayon.”Pagkatapos, naglog-in siya sa system at sinabi sa sorpresa, “Oh? Kakaiba. Sinasabi ng system na na-cancel ang transaksyon at naibalik ang pera.”“Ano? Saan nabalik ang pera?”“Sa black card mo, nasa account mo ito ngayon.”“Ano?!” Itinaas ni Elaine ang kanyang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 818

    Tumili nang natataranta si Elaine, “Hindi, hindi sa akin ang card, sa manugang ko ito at ang pangalan niya ay Charlie Wade! Siguradong hindi lang tayo nagkakaintindihan!”Sinabi nang malamig ng officer, “Ang card na ito ay peke na ginawa ng isang grupo ng mga kriminal sa ibang bansa kasama ang sobrang high-tech na koponan! Ginamit nila ito para dayain ang mga bangko ng mga malalaking pera! Dalawang taon na naming iniimbestigahan ang malaking transnational case na ito na kasama ang International Criminal Police Organization na ipinagawa ng dalawampu’t tatlong bansa, at ngayon nahuli ka na namin! Nandito na ang ebidensya, ano pang gusto mong sabihin?!”Naghnigal si Elaine sa sobrang gulat, nasiraan siya ng loob!Peke ba ang card?!Hindi nakapagtataka!Sobrang imposible na magkaroon ng ganito kalaking pera sa account si Charlie na isang talunan!Ang lahat ng ito ay isang scam! Isang fraud!Ang mas mahalaga, mukhang sangkot ang card sa isang malaking transnational na kaso?!Isang s

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status