Sumugod si Kian at sinipa at sinuntok ang driver!Sumigaw sa sakit ang driver, pero ayaw na niyang galitin pa si Kian, kaya, itinaas niya na lang ang kanyang kamay para protektahan ang sarili niya sa mga suntok. Nang hindi na niya ito matiis, mabilis niyang itinaas ang kanyang pantalon at tumakbo palabas ng banyo, hindi man lang siya nag-abala na punasan ang pwetan niya.Sumigaw si Kian sa likod niya, “Hoy, hoy, p*ta! Huwag kang maglakas-loob na tumakbo sa akin! Babaliin ko ang binti mo!”Sa sandaling humakbang siya, bigla siyang nahilo at sinabi nang mahina, “Ah letse…”Alam niya na dumating nanaman ang oras!Sa isang iglap, napalitan ang kamalayan ni Kian Webb ng nakakadiring hangarin. Masiglang kumurap ang mga mata niya nang makita niya ang mabahong dumi na hindi na-flush ng driver. Bumalik siya sa inidoro, umupo, pinulot ang dumi, at inilagay ito sa kanyang bibig...Tumingin nang nalilito ang ilang katulong nang makita nilang tumatakbo palabas ang driver sa banyo habang hawak
Pitumpung tao mula sa Sudbury ang matiyagang nilibot ang Aurous Hill, hindi nila pinalampas ang kahit anong lugar.Pero, wala silang nahanap na bakas tungkol sa kinaroroonan nina Cain at Marcus.Sa totoo lang, nasa kotse si Cain at ang pamilya niya, palabas ng Aurous Hill at mabilis na nagmamaneho papuntang hilaga.Madaling mahuli ang isda sa planggana, pero sobrang hirap hanapin ng isda sa isang lawa!Si Marcus ang nagmamaneho sa kalagitnaan ng gabi, mabilis na tumatakbo ang marangyang Mercedes Benz sa kalsada. Biglaan, tumunog ang cellphone ni Cain.Tumawag ang kapit-bahay ni Cain. May maganda silang relasyon dahil palagi silang lumalabas at nag-iinuman.Bago sila umalis, tinawagan niya ang kanyang kapit-bahay at sinabihan siya na tingnan kung may kakaibang nangyayari sa paligid ng bahay niya. Kaya, nang tumawag ang kapit-bahay niya sa oras na ito, naisip ni Cain na siguradong may nangyayari sa bahay niya.Totoo nga, sa sandaling sinagot niya ang tawag, sinabi nang mahina ng l
Si Tyler, ang ama ni Reuben, ay nagulantang din nang makita niya ito. Mas malungkot siya kaysa kay Reuben.Bilang malinaw na tagapagmana, ang pinakamalaking kinatatakutan niya ay mabubuhay nang sobrang tagal ang ama niya.Ang Kangxi Emperor ng Qing Dynasty ay namuno nang 61 na taon, at si Yinreng, ang anak ng unang asawa ng emperor, ay naging crown prince sa apatnapung taon. Sa huli, nainip na ang crown prince sa pagmamana at hinamon ang kanyang ama na bumaba sa kanyang trono.Dahil nakay Lord Moore pa rin ang karamihan ng kapangyarihan sa pamilya, kung mas matagal siyang mabubuhay, mas lalong magiging miserable si Tyler.Kung mabubuhay pa nang sampung taon ang matandang lalaki, nasa 70 taong gulang na siya, paano niya pa mapapamunuan ang pamilya?Posible pa na mauuna siyang mamatay bago ang ama niya...Nalungkot si Tyler nang maisip niya ito.Si Jasmine naman, ay malugod habang pinapanood niya ang kanyang lolo na mas lalong sumisigla at lumulusog.Dahil nakita niya na nagpapak
Kinabukasan ng umaga.Pumunta si Claire sa kanyang opisina pagkatapos mag-almusal.Nakaupo si Jacob sa sala, nagtatampo at nagpipigil ng galit. Tumingin siya nang tahimik at mapanghamak kay Elaine nang pumasok siya sa sala.Nang maisip niya ang dalawang milyong dolyar na natalo ni Elaine sa mahjong niya, nasunog agad ang galit sa loob niya.Kaunti lang ang pera niya. Ang dalawang milyong dolyar ay ang ipon nila sa mga nakaraang taon, kasama na ang pera na kinita niya sa pagbebenta ng mga antigo, pero ngayon, nawala na ang lahat ng ito.Sa totoo lang, naramdaman ni Jacob na dapat siyang bumalik sa dati niyang gawi at makipagkalakalan ulit sa Antique Street, kaya, tinawagan niya si Zachary para ibenta ang mga antigo niya.Naglabas ng isang nahihiyang ngiti si Elaine sa kanyang mukha nang makita niya si Jacob, nakokonsensya siya at nagsisisi, pero tinrato siya ni Jacob na tila ba wala siya doon.Hindi siya nangahas na magreklamo tungkol dito, kaya humarap siya kay Charlie at sinumb
“Oh?! Isang sobrang yamang kliyente?” Tinanong ni Elaine sa sorpresa.“Oo, may appointment kami mamayang tanghali.”“Magaling!” Tumili sa saya si Elaine at sinabi, “Bilisan mo at pumunta ka na! Kumita ka ng maraming pera, mas mabuti kung malaki ang kikitain mo para makabili ng mga kagamitan sa bahay!”“Hmm, titingnan ko ang magagawa ko.”Sa totoo lang, planado na ito ni Charlie. Balak niyang maglabas ng dalawang milyon sa kanyang bank card para bumili ng mga kagamitan at sabihin na nanggaling ito sa feng shui na trabaho niya.Ayaw na niyang patirahin ang asawa niya sa sira-sirang bahay na ito. Bukod dito, isang pader lang ang pagitan nila sa kwarto ni Elaine, kailangan pa nilang gumamit ng iisang banyo. Medyo nakakainis at nakakairita na ito ngayon.Kung lilipat sila sa villa, mapupunta sa kanila ang isang palapag at sa ibang palapag mapupunta sina Jacob at Elaine. Sa ganitong paraan, mas bihira na silang magkasalubong at mag-away sa daan.Kaya, nagsinungaling siya tungkol sa fe
Bago pa dumating si Charlie sa Heaven Springs, kumalat na ang pahayag ng pamilya Moore sa buong Aurous Hill at kahit sa matataas na lipunan sa South Region.Walang nag-aakala na ang pamilya Moore, ang numero unong pamilya sa Aurous Hill, ay kakalabanin nang lantaran ang pamilya Webb, ang numero unong pamilya sa Sudbury.Mukhang may mangyayaring nakakasabik.Sina Tyler at Reuben naman, ay nagalit nang marinig nila ang balita.Anong tumatakbo sa isipan ni Lord Moore?!Maituturing na maliit na bagay noong nagalit si Lord Moore kay Donald sa handaan kahapon. Kaya pa nila itong pag-usapan nang pribado at linawin ang hindi nila pagkakaintindihan sa hinaharap.Pero, ngayong lantaran nang hinamon ng matandang lalaki ang pamilya Webb, ang ibig sabihin ay idineklara na nila sa publiko na sinira na nila ang lahat ng relasyon sa pamilya Webb, sa totoo lang, naging magkalaban na sila!Hindi mapigilang magreklamo nina Tyler at Reuben, “Tanda, bakit?! Kahit na gusto mong kumuha ng pabor kay Ch
Sinabi nang mabilis ni Jasmine, “Master Wade, palagi kang nirerespeto ni Lolo, mangyaring ikaw ang umupo sa main seat.”Nag-alangan saglit si Charlie. Pagkatapos, tumango siya at sinabi, “Okay. Salamat sa karangalan.”Pagkatapos, umupo siya sa main seat.Sinabi nang mabait ni Albert habang mabagal umaatras palabas ng pinito, “Master Wade, Lord Moore, Miss Moore, mangyaring mag-enjoy kayo sa tanghalian niya, lalabas na ako!” Lumabas siya sa kwarto at sinara ang pinto.Sa sandaling tatlo na lang sila sa kwarto, kinuha ni Lord Moore ang kulay gintong bank card sa bulsa ng kanyang damit at ibinigay ito nang mabait kay Master Wade. “Master Wade, salamat sa bihirang regalo na ibinigay mo sa akin kahapon, talagang nagpapasalamat ako! Inihanda ko ang card na ito blang maliit na tanda ng pasasalamat ko, may isang bilyon na laman ito. Mangyaring tanggapin mo ito.”Sumulyap si Charlie sa card. “Lord Moore, may sapat na pera na ako. Mangyaring kunin mo lang ang card.”Sinasabi niya ang totoo
Pagkatapos ng tanghalian, tinanggihan ni Charlie ang alok ni Jasmine na ihatid siya pauwi. Nagpaalam siya kay Jasmine at kay Lord Moore sa entrancec ng Heaven Springs, pagkatapos ay naglakad siya papunta sa Construction Bank na matatagpuan malapit sa restaurant.Nang nasa banko na siya, inilipat niya ang 998 milyon sa card ni Lord Moore papunta sa kanyang sariling account at umuwi na siya dala-dala ang card na may laman na dalawang milyong dolyar.Sa bahay, kakakain lang nina Jacob at Elaine ng inorder nila.Nang pumasok si Charlie sa bahay, sumugod si Elaine na parang isang asong sinasalubong ang kanyang amo at tinanong, “Hey, Charlie, kamusta ang trabaho? Kumita ka ba ng pera?”Tumango si Charlie at sinabi nang payak, “Kaunti.”“Magkano ang ‘kaunti’?” Sinabi nang balisa ni Elaine, “Bilis, ilabas mo ang pera ngayon din!”Nilabas ni Charlie ang card at sinabi, “May dalawang milyon sa card na ito.”“Dalawang milyon?!” Nagulat nang sobra si Elaine at lumaki nang sobra ang mga mata
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro