Bago pa dumating si Charlie sa Heaven Springs, kumalat na ang pahayag ng pamilya Moore sa buong Aurous Hill at kahit sa matataas na lipunan sa South Region.Walang nag-aakala na ang pamilya Moore, ang numero unong pamilya sa Aurous Hill, ay kakalabanin nang lantaran ang pamilya Webb, ang numero unong pamilya sa Sudbury.Mukhang may mangyayaring nakakasabik.Sina Tyler at Reuben naman, ay nagalit nang marinig nila ang balita.Anong tumatakbo sa isipan ni Lord Moore?!Maituturing na maliit na bagay noong nagalit si Lord Moore kay Donald sa handaan kahapon. Kaya pa nila itong pag-usapan nang pribado at linawin ang hindi nila pagkakaintindihan sa hinaharap.Pero, ngayong lantaran nang hinamon ng matandang lalaki ang pamilya Webb, ang ibig sabihin ay idineklara na nila sa publiko na sinira na nila ang lahat ng relasyon sa pamilya Webb, sa totoo lang, naging magkalaban na sila!Hindi mapigilang magreklamo nina Tyler at Reuben, “Tanda, bakit?! Kahit na gusto mong kumuha ng pabor kay Ch
Sinabi nang mabilis ni Jasmine, “Master Wade, palagi kang nirerespeto ni Lolo, mangyaring ikaw ang umupo sa main seat.”Nag-alangan saglit si Charlie. Pagkatapos, tumango siya at sinabi, “Okay. Salamat sa karangalan.”Pagkatapos, umupo siya sa main seat.Sinabi nang mabait ni Albert habang mabagal umaatras palabas ng pinito, “Master Wade, Lord Moore, Miss Moore, mangyaring mag-enjoy kayo sa tanghalian niya, lalabas na ako!” Lumabas siya sa kwarto at sinara ang pinto.Sa sandaling tatlo na lang sila sa kwarto, kinuha ni Lord Moore ang kulay gintong bank card sa bulsa ng kanyang damit at ibinigay ito nang mabait kay Master Wade. “Master Wade, salamat sa bihirang regalo na ibinigay mo sa akin kahapon, talagang nagpapasalamat ako! Inihanda ko ang card na ito blang maliit na tanda ng pasasalamat ko, may isang bilyon na laman ito. Mangyaring tanggapin mo ito.”Sumulyap si Charlie sa card. “Lord Moore, may sapat na pera na ako. Mangyaring kunin mo lang ang card.”Sinasabi niya ang totoo
Pagkatapos ng tanghalian, tinanggihan ni Charlie ang alok ni Jasmine na ihatid siya pauwi. Nagpaalam siya kay Jasmine at kay Lord Moore sa entrancec ng Heaven Springs, pagkatapos ay naglakad siya papunta sa Construction Bank na matatagpuan malapit sa restaurant.Nang nasa banko na siya, inilipat niya ang 998 milyon sa card ni Lord Moore papunta sa kanyang sariling account at umuwi na siya dala-dala ang card na may laman na dalawang milyong dolyar.Sa bahay, kakakain lang nina Jacob at Elaine ng inorder nila.Nang pumasok si Charlie sa bahay, sumugod si Elaine na parang isang asong sinasalubong ang kanyang amo at tinanong, “Hey, Charlie, kamusta ang trabaho? Kumita ka ba ng pera?”Tumango si Charlie at sinabi nang payak, “Kaunti.”“Magkano ang ‘kaunti’?” Sinabi nang balisa ni Elaine, “Bilis, ilabas mo ang pera ngayon din!”Nilabas ni Charlie ang card at sinabi, “May dalawang milyon sa card na ito.”“Dalawang milyon?!” Nagulat nang sobra si Elaine at lumaki nang sobra ang mga mata
Nagkunwari si Charlie na hindi niya nakita ang masamang tingin niya. Lumingon siya at sinabi, “Pa, gamitin mo ang pera para bumili ng kagamitan sa bahay para makalipat na tayo sa villa sa lalong madaling panahon.”“Sige!” Maingat na nilagay ni Jacob ang card sa kanyang bulsa at tinanong, “Mabuti kong manugang, ano ang password?”“Itetext ko mamaya.”“Sige! Pupunta na ako sa banko ngayon at ililipat ko na ang pera sa card ko. Dapat maitabi ang pera na ito. Tandaan mo na i-text mo sa akin ang password.”“Okay. Mauna ka na, itetext ko ito sa’yo mamaya.”Habang nakatayo sa gilid na parang isang taong hindi nakikita, nagalit si Elaine.Anong ibig sabihin ba ni Charlie? Bakit hindi niya na lang sabihin ang password sa harap niya? Sinasadya niya ba na hindi ito ipaalam sa kanya? P*ta!Tama, ayaw ni Charlie na ipaalam ito sa kanya. Alam niya kung gaano siya kasama. Dahil maaari niyang nakawin ang pera nang tahimik, mas mabuti nang maging maingat.Nagbihis si Jacob at umalis na. Natangg
Nagalit agad si Elaine nang binantaan nanaman siya ni Jacob ng divorce, pero hindi niya malabas ang galit niya. Kailangan niyang pigilan ang galit niya ang tiisin ang banta.Siya ang matatalo dahil sa lahat ng pera na niwala niya.Kaya, sa sandaling ito, kailangan niya munang tiisin si Jacob at hintayin ang pagkakataon na makaganti sa kanya.Nagbuntong hining siya at sinabi, “Mahal, tama ka, sobrang mahal talaga ng spa. Dapat pala tayong mag-ipon ng pera para sa ating pamilya.”Nang makita ang malambot na bahagi niya, naluwagan si Jacob at nasiyahan pa nang kaunti.Sa napakaraming taon, hindi niya natalo si Elaine. Sa totoo lang, sa tuwing magkaiba ang opinyon niya sa mga sinabi ni Elaine, siguradong papagallitan siya ni Elaine.Pero, kung titingnan ngayon, mukhang sinimulan na si Elaine na makipagkasundo sa kanya.Kung palagi niyang ipapakita ang marahan at walang imik na parte niya, magiging maganda ito!Pero, hindi maiwasan ni Jacob na maging maingat. Buong buhay nang domina
Naalala ni Elaine na noong pinalitan ni Jacob ang kanyang cellphone, inutusan niya siya gamit ang kanyang mapagmataas na toono, na ilagay ang fingerprint niya sa security setting ng cellphone niya, para matingnan niya ito kahit kailan. Ang ibig sabihin ba ay binura niya ang mga fingerprint niya?!Kinagat ni Elaine ang kanyang ngipin sa galit.Letse, nagiging maingat na ang lalaking iyon sa kanya!Itinabi niya ang kanyang galit, sinubukan niyang buksan ang cellphone gamit ang code.Dati, hindi lang ang fingerprint ang nilagay niya, ngunit alam niya rin ang anim na numero para buksan ang cellphone niya.Pero, pagkatapos ilagay ang passcode na alam niya, sinabi ng cellphone na mali ang passcode!Kumunot ang noo ni Elaine sa pagkalito at sinubukan ulit, pero mali pa rin ito!Nag-aalab na siya sa galit ngayon!P*ta, Jacob ang matandang aso! Binura niya ang fingerprint niya at pinalitan ang password niya!Alam niya na ba na susubukan kong kunin ang cellphone niya para ilipat ang per
Galit na kinagat ni Elaine ang kanyang ngipin dahil kay Jacob habang binuksan niya ang kanyang mobile banking app. Nakalog-in na siya sa kanyang mobile banking app para ipadala sa sarili niyang account ang dalawang milyong dolyar na ibinigay ni Charlie kay Jacob.Sa sandaling nanghingi ng password ang mobile banking app, nilagay ni Elaine ang kaarawan ni Matilda bilang password at agad siyang nakalog-in!Sa sandaling ito, may $2,027,232.15 si Jacob sa kanyang bank account.Kasama dito ang dalawang milyong dolyar na ibinigay sa kanya ni Charlie at ang dalawampung libong dolyar na ibinigay sa kanya ni Charlie para ilibre ang mga kaibigan niya sa hapunan kahapon. Nakay Jacob pa rin ang dalawampung libong dolyar dahil hindi siya gumastos sa gabing iyon.Ang natitirang pitong libong dolyar ay ang sariling ipon ni Jacob!Agad pumunta si Elaine sa funds transfer option bago niya inilagay ang sarili niyang bank account information at nilagay niya ang $2,027,232.15 sa transfer amount. Nagp
Tinanong nang nagmamadali ni Claire si Charlie kung saan nanggaling ang dalawang milyong dolyar.Sumagot si Charlie, “Sa pagtingin ng Feng Shui.”Nasorpresa nang sobra si Claire at tinanong, “Ano? Kumita ka ng dalawang milyong dolyar sa pagtingin ng Feng Shui? Hindi ba’t medyo hindi na ito kapani-paniwala?”Sumagot si Charlie, “Hindi ba’t mas hindi kapani-paniwala na bibigyan ako ng villa ng pamilya White?”Walang masabi si Claire dahil hindi niya masagot ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling ito, sinabi ni Charlie, “Mahal kong asawa, alam kong nag-aalala ka pero makasisiguro ka. Nalutas ng mayamang lalaki na tinulungan ko sa Feng Shui ang isang malaking problema at sakuna na kaharap niya. Tinulungan ko rin siya nang hindi direkta na kumita ng sampu-sampung milyong dolyar. Kaya, sa tingin ko ay makatwiran lang na nakatanggap ako ng dalawang milyong dolyar sa kanya.”Sa wakas ay naluwagan na nang kaunti si Claire at tinanong, “Binigay mo ba kay Papa ang dalawang milyong dolyar?”
Bukod dito, pupunta siya sa Aurous Hill para bantayan si Mr. Chardon. Ang ibig sabihin ay wala siyang pagkakataon na maging tamad sa mga darating na araw. Kahit na ayaw niya, hindi siya nangahas na antalain ito at mabilis na umalis sa ilalim ng gabi.Nagbayad siya ng malaki para bumili ng isang kotse mula sa hotel owner at naglakbay mula sa maliit na siyudad papunta sa siyudad ng Yakutsk sa Russian Far East.Samantala, dinala ni Zachary ang isa pang jade ring na kinuha niya kay Terry at isang bank card na may mahigit one million US dollars para magsaya sa pinakamalaking nightclub sa Aurous Hill. Napapalibutan siya ng mga magagandang dalaga habang nag-eenjoy siya habang umiinom hanggang makuntento siya.May mga mahal na alak sa harap ni Zachary na may isang bote ng champagne na mahigit 10 o 20 thousand dollars. Ang mas maganda dito ay lampas 1000 thousand dollars.Bukod dito, ilang maganda at dalagang babae ang nakapalibot kay Zachary, pinupuri siya sa lahat ng posibleng paraan. Ang
Naing malungkot nang sobra ang kalooban ni Ruby nang marinig ang mga sinabi ng British Lord.Totoo, tulad nga ito ng hula niya. Palaging alam ng British Lord ang lokasyon ng mga great earl. Ang mas nakakatakot pa ay kayang analisahin ng British Lord ang kilos ng lahat ayon sa oras, lokasyon, at impormasyon na mayroon sa lokal na internet.Ang ibig sabihin ay sa buong buhay niya, marahil ay hindi niya matakasan ang kontrol ng British Lord.Kahit na ginagawa ng mga great earl ang mga misyon sa matagal na panahon nang hindi nag-uulat, may lason pa rin sila na ginawa ng British Lord sa katawan nila.Pero, ang mga tao tulad nila ay may mas mahabang buhay, kaya nagtakda ang British Lord ng mas mahabang oras para inumin nila ang antidote. Habang ang iba ay kailangan uminom ng antidote kada dalawang linggo, tatlong buwan, o kalahating taon, ang mga great earl ay kailangan lang inumin ang antidote kada tatlong taon.Pero anong pagkakaiba ang kayang gawin ng tatlong taon? Kung mga saranggol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau