Kinabukasan ng umaga.Pumunta si Claire sa kanyang opisina pagkatapos mag-almusal.Nakaupo si Jacob sa sala, nagtatampo at nagpipigil ng galit. Tumingin siya nang tahimik at mapanghamak kay Elaine nang pumasok siya sa sala.Nang maisip niya ang dalawang milyong dolyar na natalo ni Elaine sa mahjong niya, nasunog agad ang galit sa loob niya.Kaunti lang ang pera niya. Ang dalawang milyong dolyar ay ang ipon nila sa mga nakaraang taon, kasama na ang pera na kinita niya sa pagbebenta ng mga antigo, pero ngayon, nawala na ang lahat ng ito.Sa totoo lang, naramdaman ni Jacob na dapat siyang bumalik sa dati niyang gawi at makipagkalakalan ulit sa Antique Street, kaya, tinawagan niya si Zachary para ibenta ang mga antigo niya.Naglabas ng isang nahihiyang ngiti si Elaine sa kanyang mukha nang makita niya si Jacob, nakokonsensya siya at nagsisisi, pero tinrato siya ni Jacob na tila ba wala siya doon.Hindi siya nangahas na magreklamo tungkol dito, kaya humarap siya kay Charlie at sinumb
“Oh?! Isang sobrang yamang kliyente?” Tinanong ni Elaine sa sorpresa.“Oo, may appointment kami mamayang tanghali.”“Magaling!” Tumili sa saya si Elaine at sinabi, “Bilisan mo at pumunta ka na! Kumita ka ng maraming pera, mas mabuti kung malaki ang kikitain mo para makabili ng mga kagamitan sa bahay!”“Hmm, titingnan ko ang magagawa ko.”Sa totoo lang, planado na ito ni Charlie. Balak niyang maglabas ng dalawang milyon sa kanyang bank card para bumili ng mga kagamitan at sabihin na nanggaling ito sa feng shui na trabaho niya.Ayaw na niyang patirahin ang asawa niya sa sira-sirang bahay na ito. Bukod dito, isang pader lang ang pagitan nila sa kwarto ni Elaine, kailangan pa nilang gumamit ng iisang banyo. Medyo nakakainis at nakakairita na ito ngayon.Kung lilipat sila sa villa, mapupunta sa kanila ang isang palapag at sa ibang palapag mapupunta sina Jacob at Elaine. Sa ganitong paraan, mas bihira na silang magkasalubong at mag-away sa daan.Kaya, nagsinungaling siya tungkol sa fe
Bago pa dumating si Charlie sa Heaven Springs, kumalat na ang pahayag ng pamilya Moore sa buong Aurous Hill at kahit sa matataas na lipunan sa South Region.Walang nag-aakala na ang pamilya Moore, ang numero unong pamilya sa Aurous Hill, ay kakalabanin nang lantaran ang pamilya Webb, ang numero unong pamilya sa Sudbury.Mukhang may mangyayaring nakakasabik.Sina Tyler at Reuben naman, ay nagalit nang marinig nila ang balita.Anong tumatakbo sa isipan ni Lord Moore?!Maituturing na maliit na bagay noong nagalit si Lord Moore kay Donald sa handaan kahapon. Kaya pa nila itong pag-usapan nang pribado at linawin ang hindi nila pagkakaintindihan sa hinaharap.Pero, ngayong lantaran nang hinamon ng matandang lalaki ang pamilya Webb, ang ibig sabihin ay idineklara na nila sa publiko na sinira na nila ang lahat ng relasyon sa pamilya Webb, sa totoo lang, naging magkalaban na sila!Hindi mapigilang magreklamo nina Tyler at Reuben, “Tanda, bakit?! Kahit na gusto mong kumuha ng pabor kay Ch
Sinabi nang mabilis ni Jasmine, “Master Wade, palagi kang nirerespeto ni Lolo, mangyaring ikaw ang umupo sa main seat.”Nag-alangan saglit si Charlie. Pagkatapos, tumango siya at sinabi, “Okay. Salamat sa karangalan.”Pagkatapos, umupo siya sa main seat.Sinabi nang mabait ni Albert habang mabagal umaatras palabas ng pinito, “Master Wade, Lord Moore, Miss Moore, mangyaring mag-enjoy kayo sa tanghalian niya, lalabas na ako!” Lumabas siya sa kwarto at sinara ang pinto.Sa sandaling tatlo na lang sila sa kwarto, kinuha ni Lord Moore ang kulay gintong bank card sa bulsa ng kanyang damit at ibinigay ito nang mabait kay Master Wade. “Master Wade, salamat sa bihirang regalo na ibinigay mo sa akin kahapon, talagang nagpapasalamat ako! Inihanda ko ang card na ito blang maliit na tanda ng pasasalamat ko, may isang bilyon na laman ito. Mangyaring tanggapin mo ito.”Sumulyap si Charlie sa card. “Lord Moore, may sapat na pera na ako. Mangyaring kunin mo lang ang card.”Sinasabi niya ang totoo
Pagkatapos ng tanghalian, tinanggihan ni Charlie ang alok ni Jasmine na ihatid siya pauwi. Nagpaalam siya kay Jasmine at kay Lord Moore sa entrancec ng Heaven Springs, pagkatapos ay naglakad siya papunta sa Construction Bank na matatagpuan malapit sa restaurant.Nang nasa banko na siya, inilipat niya ang 998 milyon sa card ni Lord Moore papunta sa kanyang sariling account at umuwi na siya dala-dala ang card na may laman na dalawang milyong dolyar.Sa bahay, kakakain lang nina Jacob at Elaine ng inorder nila.Nang pumasok si Charlie sa bahay, sumugod si Elaine na parang isang asong sinasalubong ang kanyang amo at tinanong, “Hey, Charlie, kamusta ang trabaho? Kumita ka ba ng pera?”Tumango si Charlie at sinabi nang payak, “Kaunti.”“Magkano ang ‘kaunti’?” Sinabi nang balisa ni Elaine, “Bilis, ilabas mo ang pera ngayon din!”Nilabas ni Charlie ang card at sinabi, “May dalawang milyon sa card na ito.”“Dalawang milyon?!” Nagulat nang sobra si Elaine at lumaki nang sobra ang mga mata
Nagkunwari si Charlie na hindi niya nakita ang masamang tingin niya. Lumingon siya at sinabi, “Pa, gamitin mo ang pera para bumili ng kagamitan sa bahay para makalipat na tayo sa villa sa lalong madaling panahon.”“Sige!” Maingat na nilagay ni Jacob ang card sa kanyang bulsa at tinanong, “Mabuti kong manugang, ano ang password?”“Itetext ko mamaya.”“Sige! Pupunta na ako sa banko ngayon at ililipat ko na ang pera sa card ko. Dapat maitabi ang pera na ito. Tandaan mo na i-text mo sa akin ang password.”“Okay. Mauna ka na, itetext ko ito sa’yo mamaya.”Habang nakatayo sa gilid na parang isang taong hindi nakikita, nagalit si Elaine.Anong ibig sabihin ba ni Charlie? Bakit hindi niya na lang sabihin ang password sa harap niya? Sinasadya niya ba na hindi ito ipaalam sa kanya? P*ta!Tama, ayaw ni Charlie na ipaalam ito sa kanya. Alam niya kung gaano siya kasama. Dahil maaari niyang nakawin ang pera nang tahimik, mas mabuti nang maging maingat.Nagbihis si Jacob at umalis na. Natangg
Nagalit agad si Elaine nang binantaan nanaman siya ni Jacob ng divorce, pero hindi niya malabas ang galit niya. Kailangan niyang pigilan ang galit niya ang tiisin ang banta.Siya ang matatalo dahil sa lahat ng pera na niwala niya.Kaya, sa sandaling ito, kailangan niya munang tiisin si Jacob at hintayin ang pagkakataon na makaganti sa kanya.Nagbuntong hining siya at sinabi, “Mahal, tama ka, sobrang mahal talaga ng spa. Dapat pala tayong mag-ipon ng pera para sa ating pamilya.”Nang makita ang malambot na bahagi niya, naluwagan si Jacob at nasiyahan pa nang kaunti.Sa napakaraming taon, hindi niya natalo si Elaine. Sa totoo lang, sa tuwing magkaiba ang opinyon niya sa mga sinabi ni Elaine, siguradong papagallitan siya ni Elaine.Pero, kung titingnan ngayon, mukhang sinimulan na si Elaine na makipagkasundo sa kanya.Kung palagi niyang ipapakita ang marahan at walang imik na parte niya, magiging maganda ito!Pero, hindi maiwasan ni Jacob na maging maingat. Buong buhay nang domina
Naalala ni Elaine na noong pinalitan ni Jacob ang kanyang cellphone, inutusan niya siya gamit ang kanyang mapagmataas na toono, na ilagay ang fingerprint niya sa security setting ng cellphone niya, para matingnan niya ito kahit kailan. Ang ibig sabihin ba ay binura niya ang mga fingerprint niya?!Kinagat ni Elaine ang kanyang ngipin sa galit.Letse, nagiging maingat na ang lalaking iyon sa kanya!Itinabi niya ang kanyang galit, sinubukan niyang buksan ang cellphone gamit ang code.Dati, hindi lang ang fingerprint ang nilagay niya, ngunit alam niya rin ang anim na numero para buksan ang cellphone niya.Pero, pagkatapos ilagay ang passcode na alam niya, sinabi ng cellphone na mali ang passcode!Kumunot ang noo ni Elaine sa pagkalito at sinubukan ulit, pero mali pa rin ito!Nag-aalab na siya sa galit ngayon!P*ta, Jacob ang matandang aso! Binura niya ang fingerprint niya at pinalitan ang password niya!Alam niya na ba na susubukan kong kunin ang cellphone niya para ilipat ang per
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro