Si Jasmine ang pinakamagandang kandidato bilang asawa ng anak niya!Medyo nag-alangan si Donald at nahirapang magpasya nang maisip niya ito.Kasunod ng mapanglaw na katahimikan ni Donald, naging tahimik ang kapaligiran dahil walang umiimik.Palihim na sinuntok ni Reuben ang mga buko niya sa pagkabalisa nang makita niya ang eksenang ito.Kung mag-aaway ang dalawang pamilya at gagawa ng malaking gusto o sa pinakamalala, makipaglaban sa isa’t isa, siguradong malaki ang magiging masamang epekto nito sa pamilya Moore!Ang pinakamahalaga, hindi na mapapakasalan ni Jasmine si Sean!Kung hindi siya pakakasalan ni Jasmine, hindi magiging matibay ang posisyon niya bilang tagapagmana sa hinaharap.Kahit na maing pinuno siya ng pamilya, marahil ay magkaroon ng bahagi si Jasmine sa pamana ng pamilya!Determinado siya na huwag panatilihin si Jasmine sa pamilya Moore, kaya, talagang tutol siya sa pagpapakasal nina Jasmine at Charlie at tumira siya sa bahay nila!Kaya, tumayo siya nang nagmam
Naglakad ang grupo ng tao papunta sa banquet hall kung saan magsisimula ang pagdiriwang ng kaarawan.Nakipag-usap si Lord Moore kay Charlie bago siya umupo sa pangunahing upuan.Ang nakaupo sa tabi niya ay ang kanyang pinakamatandang anak na lalaki, pangatlong anak na lalaki, at ang pang-apat na anak na lalaki.Sa pangalawang henerasyon ng pamilya Moore, ang ama ni Reuben ang pinakamatandang anak na lalaki, at ang ama ni Jasmine ang pangalawang anak, pero maaga siyang namatay, kaya, si Jasmine na lang ang pumalit sa linyang ito.Para naman sa pamilya ng pangatlo at pang-apat na anak, mga bata pa sila at ang mga anak nila ay malabata pa o nasa elementarya pa lang, kaya, hindi sila maituturing na kompetisyon sa pamana.Ang lahat ng bisita ay umupo na sa kanilang mga lamesa.Umupo si Charlie kasama ang pamilya Quinton, pamilya White, si Albert, at iba pa.Sina Donald at Sean ay nakaupo kasama ang ilang lokal na pamilya. Abala ang ibang pamilya sa pagsipsip sa kanila, at pumalibot s
Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng text kay Jasmine: [Master Wade, huwag mo sanang isapuso ang nangyari kanina. Hangga’t nandito ang pamilya Moore, hindi magiging mapangahas ang pamilya Webb.]Ngumiti si Charlie at sumagot: [Syempre, ayos lang sa akin, mga payaso lang sila sa sirko.]Meanwhile, nakaupo sina Donald at Sean sa mga VIP seat sa kabilang banda.Tumingin si Sean kay Jasmine, pagkatapos kay Charlie, at nakita niya na nakatingin silang dalawa sa kanilang mga cellphone. Kapag binababa ito ni Jasmine, pinupulot ito ni Charlie, at kapag binababa niya ito, pupulutin ulit ni Jasmine ang kanya. Halata na nagpapalitan sila ng mensahe.Habang pinapanood niya ito, mas lalo siyang nabalisa. Nagpadala pa siya ng friend request kay Jasmine sa Facebook, pero ginawa niyang private ang profile niya!Sa totoo lang, bihira lang siya sumagot kapag nagcha-chat siya.Gayunpaman, habang pinapanood niya ang madalas na pagcha-chat niya kay Charlie ngayon, sobrang bilis niya at palaging suma
Nanginig sa tuwa si Sean nang maisip niya na papatayin si Albert ngayong gabi!Tama ang ama niya, si Don Albert ang baril ni Charlie sa Aurous Hill!Kung gusto nilang atakihin si Charlie, dapat ay tanggalin muna nila ang kanyang baril!Hindi lamang nila dapat tanggalin ang baril niya, ngunit kailangan din nilang kumuha ng sarili nilang baril!Sa ganitong paraan, ang baril na ito ang magiging daan ng pamilya Webb sa Aurous Hill sa hinaharap!Sa oras na iyon, pagbabayaran ni Charlie ang pangiinsulto sa kanila at pagnanais sa babae ni Sean!Magbabayad din ang pamilya Quinton at ang pamilya White dahil hindi sila kumampi sa pamilya Webb!Tumingin si Donald kay Sean at sinabi nang payak, “Dapat mong matutunan na kumalma at maglabas ng walang ekspresyon na hitsura, huwag mong ilabas nang madali ang totoong emosyon mo sa mukha mo at sa kilos mo.”Mabilis na tinanggal ni Sean ang kanyang ngisi. “Okay, Pa, naiintindihan ko!”“Mabuti.” Tumango si Donald, ipinagpaliban na ang tungkol kay
Pagkatapos ng tatlong anak, naglakad sina Jasmine at Reuben sa entablado, lumuhod kay Lord Moore, at ibinigay ang kanilang mga regalo.Pagkatapos ay inanunsyo ni Oscar:“Ag pinakamatandang apong lalaki, si Reuben, ay nagbigay ng isang pares ng jadeite ornaments, may halagang 80 milyon.”“Ang pinakamatandang apong babae, si Jasmine Moore, ay nagbigay ng painting, The Blinding Samson na gawa i Rembrandt, may halagang 70 milyon.”Pagkatapos ng pamilya, isa-isang umabante ang mga bisita at nagbigay ng mga regalo.Kahit na ang mga regalo ng bisita ay hindi kasing mahal ng mga regalo ng miyembro ng pamilya Moore, medyo malaki pa rin ang halaga nila na nasa 10 hanggang sa 30 milyon.Sunod, sina Donald at Sean ang tumayo. Maingat na hinawakan ni Sean ang regalo at naglakad siya papunta kay Lord Moore kasama ang kanyang ama.Sa daan niya, sumulyap nang mapanghamak si Sean kay Charlie.Ibibigay na niya ang napakahalagang piraso ng tunay na painting ni Vermeer, at ito ang pinakamahal na r
Sa opinyon ni Sean, naniniwala na siya na walang mabibigay si Charlie, ang pabigat na talunan, na maikukumpara sa painting ni Vermeer!Kaya, napagtanto niya na mananalo siya nang malaki laban kay Charlie at siya rin ang mananalo sa kung sinong gumulat sa mga bisita at nagpahanga kay Lord Moore.Dahil, sa tingin ni Sean, si Charlie ay isang walang kwentang talunan lang na piniling ikasal sa pamilya ng asawa niy0a, imposible na magkaroon siya ng isang magandang regalo, kaya kahit ano pang regalo niya, hindi ito maikukumpara sa mahal na painting na niregalo niya kay Lord Moore!Kaya, umirap siya, “Lolo Moore, narinig ko na medyo matagal nang nanloloko si Master Wade gamit ang feng shui, marahil ay malaking pera na ang naipon niya sa scam niya. Taya ko na ang regalo niya sa’yo ay may halagang daang-daang milyon, o marahil ay bilyon pa!”Pagkatapos, umirap siya kay Charlie, “Ang painting na ibinigay ko ay may halagang 400 milyon lang, naniniwala ako na mas mahal pa ang regalo mo kaysa s
Ngumiti si Charlie sa kanya at nagkunwaring walang alam at nilabas niya ang isang maliit na kahon ng kahoy sa kanyang bulsa.Binili niya ang kahon sa kalye sa halagang limang dolyar. Binili niya ito dahil inisip niya na hindi angkop na direktang ilagay ang pill sa bulsa niya o ibalot ito sa napkin.Hindi maitago ni Sean ang kanyang pangmamata nang makita niya ang kahon na gawa sa kahoy at umirap siya, “Letse, ano iyan? Binili mo ba sa kalye ‘yan sa halagang sampung dolyar?”Ngumiti si Charlie. “Tama ka nang kalahati. Oo, binili ko ito sa kalye, pero limang dolyar lang hindi sampu.”Napanganga sa gulat ang lahat sa sinabi ni Charlie!Sineryoso niya man lang ba si Lord Moore?Paano siya pumunta sa kaarawan ni Lord Moore dala-dala ang isang limang dolyar na kahon?!Kahit na may laman ang kahon, marahil ay basura lang ito, tama?Hindi siya maglalagay ng mahal na bagay sa loob ng isang pangit na kahon.Kaya, kinutya ng lahat si Charlie.Kahit si Reuben ay tinakpan ang kanyang bibi
Walang sino man ang mag-aakala na ang isang 80-year-old na si Lord Moore ay luluhod talaga sa harap ni Charlie!Karaniwan, kapag nasa 80 years old na ang isang tao, marahil ay patay na ang kanyang mga magulang at nakatatanda. Walang sino man, kahit ang Diyos, ay magkakaroon ng karapatan na paluhurin siya sa harap niya.Bukod dito, si Lord Moore ang pinuno ng pamilya Moore! Ang pinakamalaki at pinaka prominenteng pamilya sa Aurous Hill!Talagang lumuhod ang 80-year-old na pinuno nila sa isang binatang nasa dalawampung taong gulang!Talagang pambihira ito at kakaiba!Nagulantang din si Sean.Ano?!Talaga bang lumuhod ang matandang lalaki na ito para lang sa isang piraso ng enhancement pill?Dapat sinabi mo nang mas maaga!Pwede kong gamitin ang 400 milyong dolyar na painting ni Vermeer para bumili ng mga enhancement pill, sapat na ito para tumagal hanggang sa 200th birthday mo!Hindi ko man lang hiniling sa iyo na lumuhod ka sa akin, ang gusto ko lang ay makasal kay Jasmine!S
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl