Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng text kay Jasmine: [Master Wade, huwag mo sanang isapuso ang nangyari kanina. Hangga’t nandito ang pamilya Moore, hindi magiging mapangahas ang pamilya Webb.]Ngumiti si Charlie at sumagot: [Syempre, ayos lang sa akin, mga payaso lang sila sa sirko.]Meanwhile, nakaupo sina Donald at Sean sa mga VIP seat sa kabilang banda.Tumingin si Sean kay Jasmine, pagkatapos kay Charlie, at nakita niya na nakatingin silang dalawa sa kanilang mga cellphone. Kapag binababa ito ni Jasmine, pinupulot ito ni Charlie, at kapag binababa niya ito, pupulutin ulit ni Jasmine ang kanya. Halata na nagpapalitan sila ng mensahe.Habang pinapanood niya ito, mas lalo siyang nabalisa. Nagpadala pa siya ng friend request kay Jasmine sa Facebook, pero ginawa niyang private ang profile niya!Sa totoo lang, bihira lang siya sumagot kapag nagcha-chat siya.Gayunpaman, habang pinapanood niya ang madalas na pagcha-chat niya kay Charlie ngayon, sobrang bilis niya at palaging suma
Nanginig sa tuwa si Sean nang maisip niya na papatayin si Albert ngayong gabi!Tama ang ama niya, si Don Albert ang baril ni Charlie sa Aurous Hill!Kung gusto nilang atakihin si Charlie, dapat ay tanggalin muna nila ang kanyang baril!Hindi lamang nila dapat tanggalin ang baril niya, ngunit kailangan din nilang kumuha ng sarili nilang baril!Sa ganitong paraan, ang baril na ito ang magiging daan ng pamilya Webb sa Aurous Hill sa hinaharap!Sa oras na iyon, pagbabayaran ni Charlie ang pangiinsulto sa kanila at pagnanais sa babae ni Sean!Magbabayad din ang pamilya Quinton at ang pamilya White dahil hindi sila kumampi sa pamilya Webb!Tumingin si Donald kay Sean at sinabi nang payak, “Dapat mong matutunan na kumalma at maglabas ng walang ekspresyon na hitsura, huwag mong ilabas nang madali ang totoong emosyon mo sa mukha mo at sa kilos mo.”Mabilis na tinanggal ni Sean ang kanyang ngisi. “Okay, Pa, naiintindihan ko!”“Mabuti.” Tumango si Donald, ipinagpaliban na ang tungkol kay
Pagkatapos ng tatlong anak, naglakad sina Jasmine at Reuben sa entablado, lumuhod kay Lord Moore, at ibinigay ang kanilang mga regalo.Pagkatapos ay inanunsyo ni Oscar:“Ag pinakamatandang apong lalaki, si Reuben, ay nagbigay ng isang pares ng jadeite ornaments, may halagang 80 milyon.”“Ang pinakamatandang apong babae, si Jasmine Moore, ay nagbigay ng painting, The Blinding Samson na gawa i Rembrandt, may halagang 70 milyon.”Pagkatapos ng pamilya, isa-isang umabante ang mga bisita at nagbigay ng mga regalo.Kahit na ang mga regalo ng bisita ay hindi kasing mahal ng mga regalo ng miyembro ng pamilya Moore, medyo malaki pa rin ang halaga nila na nasa 10 hanggang sa 30 milyon.Sunod, sina Donald at Sean ang tumayo. Maingat na hinawakan ni Sean ang regalo at naglakad siya papunta kay Lord Moore kasama ang kanyang ama.Sa daan niya, sumulyap nang mapanghamak si Sean kay Charlie.Ibibigay na niya ang napakahalagang piraso ng tunay na painting ni Vermeer, at ito ang pinakamahal na r
Sa opinyon ni Sean, naniniwala na siya na walang mabibigay si Charlie, ang pabigat na talunan, na maikukumpara sa painting ni Vermeer!Kaya, napagtanto niya na mananalo siya nang malaki laban kay Charlie at siya rin ang mananalo sa kung sinong gumulat sa mga bisita at nagpahanga kay Lord Moore.Dahil, sa tingin ni Sean, si Charlie ay isang walang kwentang talunan lang na piniling ikasal sa pamilya ng asawa niy0a, imposible na magkaroon siya ng isang magandang regalo, kaya kahit ano pang regalo niya, hindi ito maikukumpara sa mahal na painting na niregalo niya kay Lord Moore!Kaya, umirap siya, “Lolo Moore, narinig ko na medyo matagal nang nanloloko si Master Wade gamit ang feng shui, marahil ay malaking pera na ang naipon niya sa scam niya. Taya ko na ang regalo niya sa’yo ay may halagang daang-daang milyon, o marahil ay bilyon pa!”Pagkatapos, umirap siya kay Charlie, “Ang painting na ibinigay ko ay may halagang 400 milyon lang, naniniwala ako na mas mahal pa ang regalo mo kaysa s
Ngumiti si Charlie sa kanya at nagkunwaring walang alam at nilabas niya ang isang maliit na kahon ng kahoy sa kanyang bulsa.Binili niya ang kahon sa kalye sa halagang limang dolyar. Binili niya ito dahil inisip niya na hindi angkop na direktang ilagay ang pill sa bulsa niya o ibalot ito sa napkin.Hindi maitago ni Sean ang kanyang pangmamata nang makita niya ang kahon na gawa sa kahoy at umirap siya, “Letse, ano iyan? Binili mo ba sa kalye ‘yan sa halagang sampung dolyar?”Ngumiti si Charlie. “Tama ka nang kalahati. Oo, binili ko ito sa kalye, pero limang dolyar lang hindi sampu.”Napanganga sa gulat ang lahat sa sinabi ni Charlie!Sineryoso niya man lang ba si Lord Moore?Paano siya pumunta sa kaarawan ni Lord Moore dala-dala ang isang limang dolyar na kahon?!Kahit na may laman ang kahon, marahil ay basura lang ito, tama?Hindi siya maglalagay ng mahal na bagay sa loob ng isang pangit na kahon.Kaya, kinutya ng lahat si Charlie.Kahit si Reuben ay tinakpan ang kanyang bibi
Walang sino man ang mag-aakala na ang isang 80-year-old na si Lord Moore ay luluhod talaga sa harap ni Charlie!Karaniwan, kapag nasa 80 years old na ang isang tao, marahil ay patay na ang kanyang mga magulang at nakatatanda. Walang sino man, kahit ang Diyos, ay magkakaroon ng karapatan na paluhurin siya sa harap niya.Bukod dito, si Lord Moore ang pinuno ng pamilya Moore! Ang pinakamalaki at pinaka prominenteng pamilya sa Aurous Hill!Talagang lumuhod ang 80-year-old na pinuno nila sa isang binatang nasa dalawampung taong gulang!Talagang pambihira ito at kakaiba!Nagulantang din si Sean.Ano?!Talaga bang lumuhod ang matandang lalaki na ito para lang sa isang piraso ng enhancement pill?Dapat sinabi mo nang mas maaga!Pwede kong gamitin ang 400 milyong dolyar na painting ni Vermeer para bumili ng mga enhancement pill, sapat na ito para tumagal hanggang sa 200th birthday mo!Hindi ko man lang hiniling sa iyo na lumuhod ka sa akin, ang gusto ko lang ay makasal kay Jasmine!S
Akala ni Sean na nawala na sa isip ang matandang lalaki na ito o nauntog siya nang malakas, kung hindi, bakit siya luluhod at yuyuko kay Charlie?!Si Lord Moore ang pinakamatandang tao dito ngayon. Kahit na ang pamilya Webb ay nasa mas mataas na antas kaysa sa pamilya Moore pagdating sa social class pyramid, ang kapangyarihan at kayamanan ng ama niya ay mas mababa sa pamilya Moore, bukod dito, nakatatanda si Lord Moore.Para naman sa mga bisita, marami sa kanila ang mula sa karaniwan at higit sa karaniwang pamilya, pero mahigit 100 milyon pa rin ang halaga nila.May nag-iisang talunan lang sa bulwagan na ito, at iyon ay si Charlie!Pero, piniling lumuhod ni Lord Moore sa harap ng talunan nito at yumuko pa sa kanya!Bakit?!Anong mayroon kay Charlie na wala siya?!Bakit lumuhod nang mapagpakumbaba si Lord Moore kay Charlie?!Sa ibang salita, ibibigay niya ang apong babae niya sa talunan na ito, hindi ba?!Nalungkot nang sobra si Sean at nainis nang maisip niya ito!Kung hindi
Sobrang saya ni Lord Moore nang matanggap niya ang Rejuvenating Pill, at gusto niya agad itong inumin sa sandaling natanggap niya ito.Dahil, nakita na niya ang mahiwagang epekto nito kay Anthony pagkatapos niyang gamitin ang pill, kaya nag-aalala siya nang sobra na masira niya ito nang mahawakan niya ito.Ang tanging paraan lang para maging panatag ang kalooban niya ay kainin ito!Dahil sinabi na ni Charlie, tumango si Lord Moore at sinabi nang masaya, “Sige, Master Wade, iinumin ko na ito ngayon!”Pagkatapos, maingat niyang inilagay ang pill sa kanyang bibig at nilunok ito!Habang natutunaw ang pill sa tiyan niya, naramdaman niya na naging daloy ito ng init na sumugod sa mga katawan at ugat niya, pinainit ang katawan niya, at pinasigla ang bawat cell sa kanyang katawan. Tila ba bumalik siya sa mga taong nagbibinata siya, sobrang bata ng pakiramdam niya at masigla.Tulad ni Anthony, naramdaman ni Lord Moore na pinapasigla ang bawat parte ng katawan niya ng pill sa punto na lumil
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro