Sobrang kuntento si Donald sa ugali ni Cain. Tumango siya nang bahagya bago siya pumasok sa Heaven Springs.Inutusan na ni Albert ang mga empleyado ng Heaven Springs na gawin ang lahat ng paghahanda at mga pagkain sa handaan sa gabing yon. Sa parehong oras, maaga ring dumating ang lahat ng taong inimbita sa handaan, at matagal na nilang hinihintay si Donald.Sina Albert, Graham, at Zeke ay may parehong pakikitungo sa pamilya Webb. Hindi sila nandito para puriin si Donald o humingi ng pabor sa kanya, pero wala rin silang balak na kalabanin siya at ang pamilya Webb.Ito ang dahilan kung bakit nila tinanggap ang imbitasyon ng pamilya Webb ngayong gabi.Sa totoo lang, pinag-isipan na nilang tatlo ang lahat. Nagkita pa sila nang pribado at pinag-usapan ang bagay na ito. Nagpasya sila na bigyan ng kaunting respeto ang pamilya Webb at maging magalang kay Donald, pero susundin pa rin nila ang utos ni Charlie.Para naman sa ibang pinuno ng pamilya, pumunta lang sila sa handaan ngayong gabi
Gayunpaman, walang pakialam si Albert sa paghaharap nila ni Cain. Nang makita niya ang nakamamatay na ekspresyon sa mukha ni Cain, tumingin lang nang malamig si Albert kay Cain at sinadyang hawakan ang kanyang noo.Nanginig sa galit si Cain nang makita niya na hinawakan ni Albert ang kanyang noo.Pero, nanginig lang siya sa galit dahil hindi siya nangahas na sigawan o aksyunan si Albert.Dahil, alam ni Cain na mas malakas nang sobra si Albert kumpara sa kanya. Bukod dito, si Donald na mismo ang nagsabi na nasa probasyon pa rin siya dahil hindi pa siya kwalipikado na maging aso ng pamilya Webb.Sobrang hindi mapalagay si Cain nang maisip niya ito.Anong klaseng mundo ito? Bakit kailangan niya pa ng probasyon at sumailalim ng pagsubok para lang maging aso ng iba?Gayunpaman, titiisin niya ang probasyon kung kailangan niya. Hangga’t maipapasa niya ang probasyon, siguradong maganda ang kalalabasan para sa kanya. Kapag dumating ang oras na iyon, may sapat na lakas na siya para kalaban
Nang kaharap nila ang biglaan tanong ni Donald, ngumiti nang kaunti si Zeke at sinabi, “Mr. Webb, totoong ipinangako na namin ang katapatan namin sa iba. Kaya, mahihirapan kami nang sobra na mangako ng katapatan sa pamilya Webb. Sana ay maintindihan mo ang mga paghihirap namin at mapatawad kami…”Bahagyang hinawakan ni Graham ang kanyang ilong at sinabi, “Intensyon ko rin ang mga intensyon ni Mr. White.”Tumingin si Donald kay Albert at tinanong, “Paano ka naman, Don Albert?”Ngumiti si Albert at sinabi, “Isa lang akong walang pangalan sa mga matataas na tao, isang boss lang ng mga gang. Pero, ang bagay na pinakabinibigyan ko ng pansin ay ang salitang ‘katapatan’. Tinatrato na ako nang sobrang buti ng taong pinangakuan ko ng katapatan, kaya, hindi ko siya tatalikuran at aasa sa iba.”Hindi mapigilang sumimangot ni Donald sa sandaling ito. Hindi niya inaasahan na magiging determinado ang tatlo.Hindi niya talaga maintindihan kung bakit sila mangangako ng katapatan sa pamilya Moore.
Sumagot nang walang pakialam si Donald, “Hindi ko sinasabi na tulungan mo akong kalabanin ang pamilya Moore. Kailan lang ay nahulog ang anak ko kay Jasmine, at gusto niyang pakasalan si Jasmine mula sa pamilya Moore. Pero, narinig ko na may mahal nang iba si Jasmine. Kaya talagang malulugod ako kung matutulungan niyo akong hanapin ang pagkakakilanlan ng lalaking mahal ni Jasmine. Kung matutulungan niyo akong hanapin ang binatang ito, siguradong bibigyan ko kayo ng malaking gantimpala!”Tumingin agad sila Zeke sa isa’t isa.Kung sinasabi ni Donald na interesado na si Jasmine sa iba, naniniwala sila na ang taong ito ay walang iba kundi si Mr. Wade….Pero, syempre imposible na sabihin nila kay Donald ang tungkol kay Charlie o kahit banggitin ang pangalan niya sa kanya.Sa sandaling ito, tinanong nang masigasig ni Cain, “Mr. Webb, gusto mo bang patayin ko ang taong ito sa sandaling nahanap ko siya?”Iwinagayway ni Donald ang kanyang kamay habang sinabi, “Hindi ko na kailangan ng tulon
Nang malaman ni Donald na nasa Aurous Hill si Anthony, nasabik siya nang sobra.Matagal na niyang narinig ang tungkol sa pambihirang kakayahan ni Anthony sa medisina. Dahil kayang gamutin ni Anthony ang hindi dapat nagagamot na high paraplegia, siguradong hindi imposible para sa kanya na gamutin ang isang kakaibang sakit na kailan lang nakuha ng kanyang pangalawang anak, si Kian.Habang iniisip niya ito, sobrang ganda ng pakiramdam niya. Pagkatapos, lumingon siya at tumingin kay Sean bago sinabi, “Maghanda ka ng malaking regalo! Pupunta tayo sa Serene World Clinic para kitain si Dr. Simmons bukas nang umaga!”Tumango lang si Sean at sinabi, “Okay, pa. Gagawin ko na ang lahat ng preparasyon.”“Okay,”sumagot si Donald habang isang bihirang ngiti ang lumitaw sa mukha niya. Sobrang relaxed niya at mas maginhawa nang sinabi niya, “Sa tingin ko ay mas mabuti kung sabay-sabay nating malulutas ang lahat ng problemang ito. Una, maaari tayong humanap ng gamot para sa nakababatang kapatid mo
Hindi mapigilang mag-alala nang kaunti ni Albert nang maisip niya ito.Nakikita niya na talagang kinamumuhian ni Donald ang nakalaban ni Kian. Bukod dito, malinaw na sobrang galit siya at naiinis sa lalaking mahal ni Jasmine.Kung ang dalawang bagay na ito ay nakatuon sa dalawang magkaibang tao, siguradong mas malala pa sa kamatayan ang kapalaran nila. Sa mga mata ni Donald, kailangang mamatay ng dalawang taong ito.Kung ang dalawang bagay na ito ay sa iisang tao lang, naniniwala si Albert na siguradong gagawin ng pamilya Webb ang lahat ng makakaya nila para patayin at sirain ang taong ito.Kaya, hindi niya mapigilang mag-alala nang kaunti kay Charlie.Kahit na alam niya na sobrang lakas at magaling si Charlie, nag-aalala pa rin siya na maraming problemang haharapin si Charlie kapag nakalaban niya ang isang makapangyarihan at maimpluwensyang pamilya tulad ng pamilya Webb.Pagkatapos maghapunan, hinatid ng lahat si Donald at ang anak niya, si Sean, sa ground floor ng Heaven Spring
Nagpapawis nang sobra si Aurora at humihingal sa pagod sa sandaling ito.Natapos na niya ang ilang set ng ehersisyo na pinlano niya para sa kanyang sarili. Pagkatapos niyang matapos mag ehersisyo, maingat niyang inoberbahan ang sarili niya sa malaking salamin sa harap niya.Sa totoo lang, sobrang ganda ng katawan ni Aurora.Dahil madalas siyang nag-eehersisyo, sobrang impis at maskulado ang katawan niya, at mas maganda ang linya ng katawan niya at hugis nito kumpara sa kahit sinong ordinaryong tao.Sa sandaling ito, may suot na masikip na damit si Aurora at isang pares ng yoga pants na niyayakap ang kanyang baywang, balakang, at mga binti habang tinatali niya ang kanyang buhok sa isang malinis na ponytail. Sobrang ganda niya!Habang hinahangaan niya ang katawan niya sa salamin, ang tumatakbo lang sa isip niya ay tungkol kay Charlie.Habang iniisip niya si Charlie, bigla siyang nahiya nang sobra at namula agad.Palaging siyang sinasabihan ng ama niya na humanap ng paraan para map
”Hay nako!” Hindi mapigilang magbuntong hininga nang malakas ni Graham. “Medyo malaki ang gulong dinala mo kay Mr. Wade ngayon! Ngayon, nandito ang pamilya Webb para hanapin siya! Tinitipon ni Donald ang lahat ng pinuno ng mga makapangyarihan at prestihiyosong pamilya sa Aurous Hill para tulungan siyang humanap ng impormasyon tungkol kay Mr. Wade!”“Ano?!” Nag-panic si Aurora, at sinabi niya agad, “Pa, hahanapan ba ng mali ng pamila Webb si Mr. Wade?”Sumagot si Graham, “Gustong patayin ng pamilya Webb si Mr. Wade!”Umiyak nang balisa si Aurora, at sinabi niya nang nagmamadali, “Pa, nangyari ang lahat ng ito dahil sa akin. Pwede mo bang sabihin sa pamilya Webb na ang dahilan kung bakit naging ganito si Kian ay dahil sa akin?! Ayokong madamay si Mr. Wade dahil sa akin…”“Talaga bang mangmang ka?!” Hindi mapigilang magbuntong hininga ni Graham at sinabi, “Sa tingin mo ba talaga ay mga makatuwirang tao ang pamilya Webb? Dahil nagkaroon ng ganitong sakit si Kian dahil kay Charlie, sa t
“Haha!” Biglang hindi napigilan ni Sonia na matawa nang marinig niya ang mga sinabi ni Caden.Nang marinig ni Caden ang tawa ni Sonia, namula ang mukha niya sa galit, at tinanong niya nang paulit-ulit, “Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?”Nakita ni Sonia ang nakamamatay na tingin sa mga mata ni Caden, kaya mabilis niyang pinigilan ang tawa niya at yumuko habang sinabi, “Pasensya na, Master, pero hindi ko talaga ito mapigilan…”Pagkatapos nito, sinabi niya nang seryoso, “Pero mas swerte pa rin ako kumpara sayo. Kahit na sinara rin ni Mr. Wade ang mga meridian ko, hindi niya binaba ang cultivation level ko…”Kinuskos ni Caden ang mga sentido niya, kinaway ang kanyang mga kamay, at sinabi, “Kalimutan mo na. Sabihin mo na lang kay Master Wade ang totoo kapag nakita mo siya mamaya. Sasabihin ko rin sa kanya ang saloobin ko. Kapag opisyal na nagsimula ang training bukas, gagamitin ko ang mga praktikal na kilos ko para ipahayag ang saloobin ko sa kanya pagdating ng oras…”Tumango si So
May medyo nahihiyang ekspresyon si Caden habang sinabi niya, “Sinabi ko na sayo na ang dahilan kung bakit nawala ko ang medicine cauldron ay dahil sa mga masasamang motibo ko. Sa totoo lang, may isa pa akong bagay na hindi sinabi sayo…”Tinanong ni Sonia, “Ano ito?”Yumuko si Caden at sinabi nang malungkot, “Sa una ay balak ni Master Wade na tanggapin ako bilang disipulo niya, at gusto niyang sundin ko ang utos niya. Tapat niya pa akong binigyan ng isang pill, na nagpaangat sa cultivation ko para maabot ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm…”Sinabi nang nasorpresa ni Sonia, “Great Perfection Realm ng Illuminating Realm?! Mater, naabot… naabot mo na ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm?! Bakit hindi ko narinig na binanggit mo ito nakaraan?”“Ah…” Sinabi ni Caden sa sobrang kahihiyan, “Naabot ko nga ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm bago ka dumating. Gusto ni Master Wade na ibunyag ko ang martial arts mental cultivation method ng Taoist Sect, pe
Saglit na walang nasabi si Caden sa mga sinabi ni Sonia.Sa totoo lang, alam niya na kahit na nagsikap siya nang sobra para sa buong Taoist Sect sa nakaraang ilang dekada, hindi niya matanggal ang responsibilidad na nawala niya ang medicine cauldron.Dahil, isa itong kayamanan ipinaman sa libo-libong taon at tatlumpu’t siyam na henerasyon. Ayos lang kung tahimik itong naglaho. Magsisisi siya nang kaunti at makokonsensya sa maikling panahon, pero unti-unting gagaan ang pakiramdam niya makalipas ang matagal na panahon.Pero, ang problema ay matagal nang alam ng disipulo niya ang tungkol sa medicine cauldron, at kung sasabihin niya sa ibang miyembro ng Taoist Sect ang totoo, magiging habang buhay na makasalanan talaga siya sa sect.Kaya, naiintindihan ni Caden kung bakit ayaw ni Sonia na kunin ang sisi para sa kanya.Pero, nasa mahirap na sitwasyon talaga si Caden ngayon. Itinanggi ni Sonia na siya ang ika-apatnapung leader ng Taoist Sect, at walang duda na siya pa rin ang leader ng
Sa daan paangat sa bundok, tinanong siya ni Caden, “Sonia, anong sinabi mo sa mga miyembro ng Taoist Sect? Paano mo sila napa sang-ayon na pumunta dito nang napakabilis?”Sa totoo lang, ang ibig sabihin ni Caden ay kakuha lang ni Sonia ang posisyon bilang leader ng Taoist Sect, kaya malabo para sa lahat ng tao sa Taoist Sect na tanggapin nang buo ang pagkakakilanlan niya bilang leader ng Taoist Sect sa loob lang ng ilang araw, lalo na ang makumbinsi at sundin ang mga utos niya.”Hindi tanga si Sonia, kaya sinabi niya nang direkta, “Master, nang bumalik ako, hindi ko sinabi sa kanila na pinasa mo sa akin ang posisyon bilang leader ng Taoist Sect.”Tinanong ni Caden sa sorpresa, “Ano? Hindi mo sinabi sa kanila?”Ngumuso si Sonia at sinabi, “Bakit ko ito sasabihin sa kanila? Kung sasabihin ko ito sa kanila, maiimpluwensyahan ko pa rin ba sila?”Sinabi ni Caden, “Jusko! Huwag mong sabihin na sinabi mo sa kanila na ideya ko na ilipat ang Taoist Sect sa Aurous Hill?!”Tumango si Sonia
Hindi lang kayang pataasin ng medicine cauldron ang bisa ng gamot, ngunit kaya rin nito pabilisin ang totoong oras ng paggawa nito ng limang beses.Sa ganitong paraan, mababawasan nang sobra ang gagamitin na pisikal na lakas at Reiki ni Charlie.Pagkatapos punuin ang mga likido, pansamantalang nilagay ni Charlie ang mga likido sa mga mid-level villa at balak na niyang bumalik sa siyudad.Sa hindi inaasahan, nakatanggap siya ng tawag mula kay Caden nang lalabas na siya. Sinabi nang magalang ni Caden sa kabilang linya, “Master Wade, may kailangan akong i-report sayo. Naistorbo ba kita ngayon?”Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Master Howton, sabihin mo lang kung may sasabihin ka.”Sinabi ni Caden, “Master Wade, ang disipulo ko, si Sonia, ay dumating na sa Aurous Hill kasama ang mahigit dalawang daang tao mula sa Taoist Sect…”Ngumiti si Charlie at tinanong, “Gano’n ba? Kailan sila dumating?”Sinabi nang nagmamadali ni Caden, “Master Wade, katatawag lang ni Sonia sa akin, at kapapaso
Habang isa-isang dumating ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies, dumating din ang mga miyembro ng Harker para mag-report sa Champs Elys Resort sa ilalim ng pangunguna ni Rosalie.Dumating din sina Nanako at Aurora sa parehong oras at nasa parehong grupo sila ni Rosalie.Bukod dito, dahil halos sabay-sabay silang nag-check, magkakatabi rin ang mga kwarto nila.Nagreserba si Albert ng isang room para sa kanya sa tabi ni Isaac para hindi sila mahirapan. Ang dahilan kung bakit nila gustong tumira sa tabi ng isa’t isa ay dahil kilala nila nang sobra ang isa’t isa. Sa isang dako, may magandang relasyon sila at pamilyar sila sa isa’t isa. Sa kabilang dako, marahil ay sila lang ang mga baguhan sa training na ito na walang kahit anong pundasyon sa martial arts, kaya kung mas malapit ang tirahan nila sa isa’t isa, mas madalas silang makakapag-usa at mapapagaan ang loob ng isa’t isa.Sa mga sinabi ni Albert, mabuting magkaibigan sila kahit na ang ranggo nilang dalawa ay nasa dulo ng kahit an
Kinuha na ni Albert ang trabaho bilang direktor ng admissions office sa Champs Elys Resort. Ginawa na niya ang buong preparasyon para tanggapin ang mga bagong estudyante. Hindi lang na naghanda siya ng pang araw-araw na gamit para sa bawat estudyante, ngunit naghanda pa siya ng mga training uniform at mga panulat para sa lahat para sa pag-aaral nila.Ang training uniform na inihanda ni Albert ay gawa sa mga sobrang sopistikadong materyales na sobrang komportable kapag isinuot. Para bigyan-diin ang pagkakapare-pareho, sinabihan pa ni Albert ang tao na gumawa ng mga gawang-kamay na burda ng isang dahon sa kaliwang itaas ng training uniform.Habang iniisip ang logo para sa burda, nilagay ni Albert ang mga katangian ng kultura sa Oskia. Pakiramdam niya na walang mas angkop kaysa sa dahon ng ginkgo para isagisag ang tradisyonal na kultura sa Oskia. Dahil, ang kabuuang pakiramdam ng ganitong training uniform na may nakaburda na dahon ng ginkgo ay sobrang natatangi talaga sa kultura ng Oski
Naiintindihan ni Rosalie ang ibig sabihin ni Charlie.Kahit na sobrang bihira ng mga eight-star martial artist, isa lang ito sa mga istasyon kung saan huminto saglit ang mabilis na tren ni Charlie. Swerte siya na nakasakay sa tren na ito, pero wala siyang masyadong oras para pahalagahan ang tanawin sa istasyon na ito dahil mabilis na pupunta sa sunod na istasyon ang tren.Ang susunod na istasyon ay ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm!Alam ni Rosalie na marami na siyang nasabing pasasalamat, pero namutla at nanghina rin siya sa harap ng pabor na ipinapakita ni Charlie sa kanya, kaya lumuhod siya sa isang tuhod, pinagdaup ang mga kamay niya nang matatag, at sinabi nang determinado, “Siguradong ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko, Mr. Wade!”Tumango nang nakangiti si Charlie.Namula na ang mga mata ni Holden dahil sa sabik.Naiintindihan niya mula sa mga sinabi ni Charlie na patuloy na tataas ang cultivation ni Rosalie. Sobrang bata pa ni Rosalie, kaya sa tuloy-tuloy
Pinagdaup ni Holden ang mga kamay niya habang tumingin siya kay Charlie at sinabi, “Mr. Wade, nagsasanay pa rin si Rosalie sa seklusyon, at wala sa Aurous Hill sina Sheldon at Yashita. Sana ay ayos lang sayo na nabigo ang pamilya nila na lumabas para batiin ka.”Tumango si Charlie at tinanong siya, “Umalis sina Aunt Yashita at Sheldon nang magkasama?”Sinabi ni Holden, “Oo. Pumunta silang dalawa sa Europe para sa honeymoon nila, ilang araw na ang nakalipas, at ilang araw pa bago sila bumalik.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Holden, “Nag-eensayo pa rin si Rosalie sa basement, at wala pa akong oras para ipaalam ito sa kanya.”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Lord Harker, kumuha ka sana ng tao para paakyatin si Rosalie. May kailangan akong sabihin sa inyo ni Rosalie ngayong araw.”Tinawag agad ni Holden ang isa sa mga apo niya at sinabi, “Paakyatin mo si Rosalie sa sala. Sabihin mo sa kanya na nandito si Mr. Wade!”Pagkatapos itong sabihin, sinabi nang magalang ni Holden kay C