Medyo nainis si Donald sa sagot niya.Akala niya na papayag si Lord Moore sa kasal nang hindi nag-aatubili at agad niyang tatanggapin ang anak niya bilang kanilang manugang.Gayunpaman, paulit-ulit na tinanggihan ni Lord Moore ang kanyang panukala sa kasal!Napuno na kahihiyan at pagkalito ang isipan ni Donald.Nainis din si Sean at sinabi, “Lord Moore, bakit ayaw mong ikasal si Jasmine sa akin? Ang pamilya Webb ang nangungunang pamilya sa South Region. Kahit sa bansang ito, gaano karaming tao ang mangangahas na sabihin na mas magaling sila kaysa sa akin, kay Sean Webb?”Ngumiti nang marahan si Lord Moore at sinabi, “Syempre, sobrang galing at maginoo si Young Master Webb, pero hindi mo kayang pwersahin ang pakiramdam na lumaki sa wala. Kaya mong dalhin ang kabayo sa tubig, pero hindi mo siya kayang painumin.”Para kay Lord Moore, mahirap sa kanya na maging sobrang maligasgas sa mag-ama na walang malinaw na kaalaman sa bagay na ito, kaya, nagpaliguy-ligoy na lang siya at binigyan
Tumango nang kaunti si Lord Moore habang tumingin sa isa’t isa sina Donald at Sean.Nakikita ni Sean ang gustong sabihin ng ama niya sa mga mata niya—sinasabi niya na lapitan niya mismo si Jasmine tungkol sa panukala sa kasal.Pagkatapos ng ilang sandali, pumasok si Jasmine sa bahay. Nasorpresa siya nang kaunti nang makita niya sina Donald at Sean sa kanyang bahay, gayunpaman, mabilis siyang kumalma at binati sila nang magalang.Ngumiti si Donald at sinabi, “Hi, Jasmine. Pinag-uusapan ka pa lang namin ng lolo mo.”Tinanong ni Jasmine sa sorpresa, “Pinag-uusapan ako? Maaari ko bang malaman kung bakit?”Tumingin nang matindi si Sean kay Jasmine at sinabi, “Jasmine, magkakilala na tayo simula noong bata pa tayo, kaya maituturing tayo na kalahating musmos na magkasintahan, tama? Bukod dito, ilang dekada nang magkaibigan ang mga pamilya natin, kaya nais naming patibayin ito gamit ang kasal. Kaya, hiniling ko sa ama ko na pumunta at mag-alok ng panukala sa kasal sa lolo mo, at sinabi ni
“Sino ba siya?!”Nainis at nabalisa si Sean. “Pa, kahit ano pa, sa mga binata sa South Region, walang mas magaling sa akin! Isa lang siyang talunan! Kahit ang dragon sa langit ay kailangan huminto kapag nasa paligid ako!”Pagkatapos, lumubog ang mukha niya habang sinabi, “Hindi ba’t sumosobra na ang matandang lalaki? Karangalan na gusto kong pakasalan si Jasmine! Sino ba sila para maliitin ako!”Sinabi nang payak ni Donald, “Sean, huwag mong kalimutan na nanatili tayo sa pamilya Moore. May tainga ang mga pader. Paano mo ipapaliwanag ang sarili mo kapag narinig nila ang sinabi mo? Hindi mo ito mababawi.”Sinara ni Sean ang bibig niya sa gulat.Nagbuntong hininga si Donald, nabigo nang kaunti. “Bata, palagi kang ganito. Masyadong mainipin. Sa susunod, dapat ay kalmado ka at matatag.”“Pasensya na, pa. Hindi ako nag-isip nang tuwid.”“Palaging matalino at maingat si Lord Moore sa buong buhay niya, kung hindi, hindi siya makakapagtatag ng isang malaki at iba-ibang negosyo ng pamilya
”Class reunion?” Sinabi nang mapanghamak ni Elaine, “Mga matatandang mamamatay na tao na kayo, bakit gusto mong magkaroon ng class reunion? Hindi mo pa ba naririnig na ang class reunion ay isang dahilan lang para mag-date ang mga dating magkasintahan!”“Diyos ko, manahimik ka!” Sinabi ni Jacob, “Mga lalaki lang ang pupunta sa reunion, wala kaming inimbita na babaeng kaklase.”“Talaga?” Kumunot ang noo ni Elaine sa hindi paniniwala.“Oo, talaga! Ikaw dapat ang mayroong pinakamalawak na kaalaman sa klase namin. Kaunti lang ang mga babaeng estudyante sa klase namin, at lahat sila ay nasa ibang bansa ngayon. Kaya, mga lalaki lang ang pupunta sa reunion.”“Hindi, hindi ako naniniwala! Hindi ka pwedeng pumunta!” Sumigaw si Elaine. “Siguadong kikitain mo ang dati mong kasintahan! Sa tingin mo ba ay hindi ko alam!”Nagulantang si Charlie. May romantikong kwento ng pag-ibig ba ang biyenan niyang lalaki dati?“Anong dating kasintahan? Mga lalaking kaibigan lang ito!”Suminghal nang mapang
Natakot si Jacob sa malakas na ungol ni Elaine, pero inayos niya ang sarili niya at sinabi, “Ang isang diretsyong paa ay walang takot sa isang tabinging sapatos!”Tumingin nang masama si Elaine sa kanya at sinabi, “Ah, ayoko nang makipag-usap sa’yo. Sige, lalabas na ako para maglaro ng mahjong.”Pagkatapos ay tumayo siya at inabot ang kamay niya kay Jacob habang sinabi, “Ibigay mo ang susi ng kotse mo!”“Ano? Bakit kailangan mo ang kotse ko sa mahjong mo? Gusto kong gamitin ito mamaya!”Inikot ni Elaine ang mga mata niya at sinabi nang mapanghamak, “Bakit? Gusto mo bang ipagyabang ito sa mga kaibigan mo? Imposible! Ibigay mo ang susi ng kotse, bilis!”Nagbuntong hininga nang malungkot si Jacob at pinasa sa kanya ang susi ng kotse habang sinabi, “Mag-ingat ka sa pagmamaneho, huwag mong gasgasan ito.”“Argh, manahimik ka! Kung gagalitin mo ulit ako, ilalagay ko sa kanal ang kotse mo!”Nabalisa nang sobra si Jacob, pero naramdaman ni Elaine na nakapaghiganti na siya. Sinuot niya an
Naglabas ng ekspresyon na nanghihingi ng tawad si Hannah at sinabi, “Elaine, nandito talaga ako para humingi ng tawad sa iyo…”Nilinis niya ang kanyang lalamunan at nagpatuloy, “Oo, palagi kitang minamaliit dati. Hindi lang ako bastos sa iyo, pero madalas din kitang sinisiraan sa harap ni Mama. Alam ko na ang mga pagkakamali ko ngayon at nagsisi na ako dito. Kaya, nandito akok para sabihin sa’yo ang tapat kong paghingi ng tawad.”Pagkatapos, namula ang mukha niya habang kinagat niya ang mga labi niya at yumuko nang malalim kay Elaine.Nagulantang si Elaine. Akala niya na nandito ang sira-ulo para makipag-away sa kanya, pero sa hindi inaasahan, humingi siya ng tawad at yumuko sa harap niya!Hinanda na niya ang sarili niya sa pambabatikos, pero hindi na niya alam ang gagawin ngayong naging mapagpakumbaba ang kalaban niya sa halip na lumaban.Nang makita ni Hannah na nanatiling tahimik si Elaine, nilabas niya ang pinakamagaling na madrama niyang pagpapanggap at lumuhod sa sahig, umii
Isang bakas ng ilaw ang kuminang sa mga mata ni Elaine!Nag-aalala siya dahil mawawalan na siya ng madaling kalaban kapag umalis na si Summer sa bansa, kaya sobrang nagpapasalamat siya kay Hannah na nakahanap siya ng isa para sa kanya!Bukod dito, inakala niya na mas mayaman kay Summer ang taong ito dahil ilang libo lang ang kaya niyang mapanalunan kay Summer, pero ang babaeng ito ay natatalo nang sampung beses sa isang araw!Mahilig siyang makipaglaro ng mahjong sa mga taong may malalim na bulsa pero hindi magagaling. Kaya niyang kumita sa mga laro!Kung makikipagtulungan siya kay Hannah at makikipagkasundo sa mga palihim na senyas, siguradong mananalo sila!Nang maisip niya ito, natuwa siya nang sobra at nasabik!Pera ang pinakaimportante sa kanya sa punto na siguradong ipagpapalit niya ang mga magulang niya sa pera!Naging sobrang interesado siya nang marinig ang alok ni Hannah!Nang makita ang pagkasabik sa mga mata ni Elaine, sinabi nang nagmamadali ni Hannah sa mahinang b
Tinitigan ni Jacob nang ilang sandali ang lalaking nakatayo sa harap niya bago siya tumawa at sinabi sa sorpresa, “Diyos ko, ikaw ba ‘yan, Eric? Erick Shaw? Wow, halos 30 taon na tayong hindi nagkita! Tingnan mo ang sarili mo, sobrang talino at gwapo! Siguradong maganda na ang buhay mo, huh!”Umiling si Eric. “Nah, wala ako kumpara sa’yo, Jacob. Tulad ng sinasabi ng mga kabataan ngayon, ikaw ay isang rich kid sa kanto…”Dati ay isang marangal na pamilya ang pamilya Wilson.Sa mga panahon na iyon, nasa kalakasan si Lord Wilson, at kumita siya ng unang palayok ng ginto nang unang beses siyang sumugod sa negosyo, pagkatapos ay nagkaroon din siya ng mataas na reputasyon. Kaya, maganda ang buhay ni Jacob dahil sa kanyang ama. Ang baon niya dati ay marahil mas malaki pa sa pinagsama-samang baon ng kalahating klase.Dahil dito, nakuha niya ang atensyon ni Elaine sa ibang klase.Humagikgik nang nahihiya si Jacob sa sinabi ng kanyang kaibigan, pero bago pa siya makapagsalita, isang di gaan
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara