Magarang ilaw at palamuti ang nagpaliwanag sa mamahaling mansyon ng pamilya Wilson.Sapagkat ngayong gabi ay ipinagdiriwang ang ika-70 kaarawan ni Lady Wilson, ang pinuno ng pamilya Wilson.Ang kanyang mga apo at mga asawa nito ay lumapit sa kanya upang ibigay ang kanilang mga mamahaling regalo.“Lola, narinig ko na gusto niyo raw po ng Chinese tea. Kung saan-saan po ako naghanap upang mabili itong isang daang taong gulang na Pu’er tea na may presyong kalahating milyong dolyar upang iregalo sa inyo.” “Lola, isa ka matapat na Buddhist. Itong estatwa ni Buddha ay inukit mula sa tunay na Hetian jade, ito ay nagkakahalaga ng $700,000…”Habang nakatingin sa mga regalong nakabalot nang maayos sa kanyang harapan, si Lady Wilson ay masayang tumawa. Ang paligid ay nabalot ng kasiyahan at kapayapaan.Matapos ang ilang saglit ay biglang dumating ang pinakamatandang manugang ni Lady Wilson na si Charlie Wade at nagsabing, “Lola, maaari mo ba akong pahiramin ng ilang milyong dolyar? Si Mrs.
Sampung bilyong dolyar?! Nagulat si Charlie. Dilat ang kanyang mga mata at ang kanyang bibig ay nakanganga. Alam niya na napakayaman ng kanyang lolo, ngunit dati, masyado pa siyang bata upang maunawaan ang konsepto ng pera. Alam niya lang na ang pamilya Wade ay isa sa pinakamayamang pamilya sa Eastcliff, maging sa bansa, pero hindi siya sigurado sa kanilang buong kayamanan. Ngayon, nalaman na niya. Kung ang sampung bilyong dolyar ay maliit na pera lang, ang ibig sabihin ay mas malaki pa sa isang trilyong dolyar ang buong kayamanan ng pamilya Wade! Sa totoo lang, sa sandalling ito, siya ay naantig at bumigay nang kaunti. Gayunpaman, nang maisip niya ang namatay niyang mga magulang at kung paano naging parte ng dahilan ang kanyang lolo sa kanilang pagkamatay, alam niya na hindi niya siya mapapatawad nang madali. Nang maramdaman ang kanyang pagkabigo, sinabi nang mabilis ni Stephen, “Young Master, ikaw ay isang miyembro ng pamilya Wade, kaya sayo ang pera. Bukod dito, kung ii
Kinabukasan, pagkatapos maghain ng almusal, sumakay si Charlie sa kanyang iskuter papunta sa opisina ng Emgrand Group.Ipinarada niya ang kanyang iskuter sa gilid ng paradahan ng Emgrand. Sa sandaling pinatay niya ang kanyang iskuter, isang itim na Bently ang mabagal na pumarada sa harap ng kanyang lugar.Tumingala siya nang hindi sinasadya at nakita ang magnobyo na papalabas ng kotse.Ang lalaki ay may suot na may tatak na amerikana, gwapo, at matalino sa paningin. Samantala, ang babae ay mabulaklak ang suot. Kahit na matingkad, matatawag siyang maganda.Ang babae ay si Wendy Wilson, ang pinsan ni Claire, at ang lalaki ay ang kanyang nobyo, si Gerald White.Hindi alam ni Charlie kung bakit sila nandito, pero alam niya na ang pinakamabisang paraan upang makalayo sa gulo ay lumayo sa kanila.Gayunpaman, kapag mas sabik siyang magtago sa kanila, mas malaki ang tyansa na makita siya nila.Napansin siya ni Wendy sa sulok ng kanyang mga mata. Sinigaw niya nang malakas, “Hoy, Char
Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ni Charlie si Doris.Inaamin niya na si Doris ay isang napakaganda at nakakaakit na babae!Siya ay humigit-kumulang dalawampu’t pito o walong gulang na may payat ngunit malaman na katawan, nakakaakit na itsura, at mayroong napaka-mature at marangal na pag-uugali.Habang nakaupo sa harap ng mesa ni Doris, nagsimula si Charlie, “Hindi ako madalas pupunta sa opisina, kaya gusto kong alagaan mo ang kumpanya para sakin. At saka, pakitago ang aking tunay na pagkakakilanlan sa publiko.”Alam ni Doris na si Mr. Wade, na nakaupo sa harap niya, ay nagmula sa pambihirang pamilya Wade. Para sa isang kilalang pamilya tulad ng sa kanila, ang Emgrand Group ay isa lamang pangkaraniwang negosyo, kaya normal lang sa kanya na hindi ito pamahalaan. Kaya naman ay mabilis niyang sinabi, “Sige po. Mr. Wade, sabihan mo lang ako kung may kailangan ka, at tutulungan po kita.”Sa sandaling ito, isang sekretarya ang kumatok sa pinto at sinabi, “Miss Young, isang lalaki
Ang dalawang anunsyong inilabas ng Emgrand Group ay yumanig sa buong Aurous Hill na parang isang malakas na lindol.Nang malaman ng pamilya Wilson ang pagbabago sa mga posisyon sa loob ng Emgrand Group, nasagot ang kanilang katanungan kung bakit nahinto ang kanilang pakikipagtrabaho sa pamilya White. Mukhang ang bagong may-ari ng Emgrand ay hindi iniisip ang pamilya White.Balik tayo sa punto, sino si Mr. Wade? Binili niya ang Emgrand Group na nagkakahalaga ng ilang daang bilyong dolyar nang ganun-ganun na lang—napakamakapangayarihang tao niya, hindi ba? Kahit ang pinakamayamang tao sa Aurous Hill ay hindi kayang gawin ‘yon.Sa isang iglap, maraming mayayamang pamilya ay desididong gumawa ng aksyon. Gusto nila magkaroon ng maganda koneksyon sa misteryosong si Mr. Wade habang sa kabila ng kanilang mga isipan ay ninanais nilang ipakasal ang kanilang anak na babae sa kanya.Bukod pa rito, ang anunsyong tungkol sa Emgrand Group’s investment na dalawang bilyong dolyar para sa pag
Ang anunsyo ni Claire ay nagpadala ng isang alingawngaw sa buong silid, ang lahat ay napanganga sa sobrang gulat.Inisip ng lahat na wala na sa kaisipan si Claire!Ito ang pinakapangit na oras upang tumayo at magpasikat! Bukod sa malungkot na pagkabigo, wala na siyang ibang makukuha!Ang Emgrand Group ang pinakamalaking kumpanya sa Aurous Hill at ang pamilya Wilson ay wala kundi isang hamak na langgam lamang sa kanila! Kung sino man ang tatanggap ng hamon ay mabibigo lamang!Hindi maiwasanag mangutya nang sarkastiko si Harold, “Claire, sa tingin mo ba ay makakakuha ka ng kasunduan mula sa Emgrand Group?”Nagpatuloy si Wendy na may pangungutyang tono pagkatapos ng kanyang kapatid na lalaki, “Claire, sino ka ba sa tingin mo, ano ang tingin mo sa Emgrand Group? Ang pagiging walang ingat at hindi makatwiran mo ay magpapahiya lamang sa atin, ang pamilya Wilson!”Nagdagdag pa ang isang tao, “Tama si Wendy! Kung siya ay papaalisin ng Emgrand Group, magiging katawa-tawa ang pamilya natin sa Au
Nang makitang kinukutya si Charlie ng kanyang mga magulang, nagbuntong-hininga si Claire at sinabi, “Pa, Ma, huwag niyong sisihin si Charlie para dito. Ito ang aking ideya. Ayoko nang maliitan nila ang ating pamilya. Hindi pa ba sapat ang pagdudusa natin sa mga nagdaang taon?” Sinabi nang ina ni Claire, “Kahit na, hindi mo dapat kinuha ang ganitong gawain. Hindi lang ikaw, kahit pa pumunta ang iyong lola, hindi siya papansinin!” Mayroong mapait na ngiti si Charlie habang pinakikinggan ang pagtatalo. Pupusta siya na ang kanyang mga supladong biyenan ay hindi maniniwala na siya ang totoong nagmamay-ari ng Emgrand Group.Sa sandaling ito, mayroong katok sa pinto.“Papunta na…” Naglabas nang malalim na bugtong-hininga si Elaine habang siya ay naglakad sa pinto at binuksan ito. Nilipat ni Charlie ang kanyang tingin sa pinto at nakita ang isang batang lalaki na may suot na Armani habang nakatayo sa pinto. Ang lalaki ay kahanga-hanga at kaakit-akit na may relong Patek Philippe sa kanyang
Kinabukasan, dinala ni Claire ang dokumento na puno ng panukala na hinanda niya buong gabi at pumunta sa opisina ng Emgrand kasama si Charlie. Habang nakatayo sa harap ng 100 na palapag na gusali, biglang naramdaman ni Claire na ang kanyang puso ay malalim at walang laman. Paano makikipagtulungan ang isang kamangha-manghang kumpanya tulad ng Emgrand sa pamilya Wilson? Hindi pa sinasabi na naghahangad sila ng tatlumpung milyong dolyar na kontrata. Ito ay parang isang pulubi na lumapit sa isang mayaman na lalaki upang manghingi ng tatlumpung milyong dolyar na barya. Talagang katawa-tawa. Gayunpaman, nangako siya sa kanyang lola at tinanggap ang hamon sa harap ng lahat, kaya dapat niya itong gawin kahit anong mangyari… Nang maramdaman ang kanyang pagkabalisa, hinaplos nang malmabing ni Charlie ang kanyang ulo at sinabi, “Mahal, huwag kang mag-alala, magpatuloy k lang, kaya mo yan. Magtiwala ka sa akin.” Nalulungkot na nagbuntong-hininga si Claire at binulong, “Sige, sana nga! Hintay
Sinabi ni Lady Acker, “28 na si Charlie ngayong taon. Marahil ay may apo na tayo sa tuhod pagkatapos siyang mahanap.”Natulala si Keith, pagkatapos ay tumango siya bago tumingin nang blangko sa labas ng bintana nang hindi na nagsasalita.Tinanong ni Merlin si Lady Acker sa mahinang boses, “Aunt Holly, mas naging seryoso ba ang kondisyon ni Uncle Keith?”Tumango si Lady Acker at sinabi, “Mukhang medyo lumala ang kondisyon niya kaysa dati. Gumamit ako ng mahigit kalahati ng oras ko habang gising para ipaliwanag sa kanya nang paulit-ulit ang sitwasyon, pero mukhang nakakalimutan niya ang lahat ng ito pagkatapos tumalikod.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Lady Acker, “Ito rin ang dahilan kung bakit ako nagmamadaling pumunta sa Aurous Hill. Natatakot ako na kung papatagalin ko pa ito, hindi na siya maaalala ni Keith kahit na makita namin si Charlie.”Bumuntong hininga si Merlin at inisip, ‘Hay… May dakilang kapangyarihan si Charlie na kahit ako ay kayang iligtas, kaya siguradong
Inimpake ni Merlin ang ilang simpleng damit at supply sa hapon sa United States at umalis sa Houston papunta sa New York gamit ang Gulfstream business jet na ipinadala ng mga Acker.Sa gabi nag-ayos ng flight si Christan para kay Merlin mula sa New York papunta sa Aurous Hill. Pagkatapos bumaba ni Merlin sa New York, direkta siyang nilipat sa passenger plane ng mga Acker papunta sa Aurous hill.Kahit na sila Keith, Holly, at Christian lang mula sa mga Acker ang pupunta sa Aurous Hill, sinamahan sila ng maraming mga kasambahay, assistant, katulong, at halos isang daang magagaling na bodyguard.Kaya, nag-ayos si Christian ng isang private jet na binago mula sa isang Boeing 748. Ang ganitong malaking eroplano ay hinati sa dalawang antas. Ang itaas ay isang maliit na sala na may dalawang kwarto, at ang ibaba ay may mahigit isang daang standard business class seat pati na rin ang isang resting room para sa mga shift crew.Nang dumating si Merlin sa New York, kakukumpleto lang ng mga Ack
Tinawagan niya agad si Charlie. Gabi na sa Aurous Hill, at nanonood sa telebisyon si Charlie sa salama sa unang palapag kasama ang pamilya niya.Nang makita ni Charlie na tumawag si Merlin, lumabas siya sa bakuran at sinagot ang tawag.Sinabi ni Merlin sa kabilang linya, “Mr. Wade, pinapapunta ako ng tito mo sa Aurous Hill kasama siya at ang lolo at lola mo. Ang layunin ay maghanap ng mga bakas tungkol sayo. Aalis kami ngayong gabi. Pumayag na ako sa hiling nila, kaya iniisip ko kung may mga utos ka ba para sa akin?”Hindi nasorpresa si Charlie nang marinig ang mga sinabi ni Merlin. Dahil, nang pumunat siya sa Willow Manor kasama si Caden ilang araw na ang nakalipas, alam niya na malapit nang pumunta ang pamilya ng lola niya sa Aurous Hill.Kaya, sinabi niya kay Merlin, “Pwede mo silang tulungan sa pag-iimbestiga tulad ng dati. Ako na ang bahala sa lahat ng bakas sa Aurous Hill, pero kailangan mong makipag-usap sa akin nang maaga at ipaalam sa akin kung saan ka magsisimula.”Sinab
Tumango rin sina Kaeden at Lulu sa pagsang-ayon.Sinabi nang masaya ni Lady Acker, “Mabuti naman. Simula ngayon, hangga’t hindi nasisira ang Qing Eliminating Society, ang mga tao lang na pwedeng gumawa ng desisyon para sa lahat ng malalaking bagay sa pamilya natin ay ako, si Keith, at kayong apat na magkakapatid. Ang mga anak ng mga Acker na wala pang dalawampu’t apat na taon ay hindi pwedeng mangialam, o pwedeng pagkatiwalaan nang ganap ang kahit sinong tagalabs.”Tumango ang lahat. Inaprubahan ng lahat ang mga kilos ni Lady Acker sa mahalagang oras na ito.Pagkatapos ay sinabi ni Lady Acker kay Christian, “Christian, pakitawagan si Merlin at tingnan mo kung ano ang ginagawa niya ngayon. Kung may oras siya, papuntahin mo siya sa Aurous Hill kasama natin. Bukod kay Nana, si Merlin lang ang tagalabas na tao na mapagkakatiwalaan ko sa ngayon. Walang mas magaling maghanap ng tao kaysa sa kanya, kaya siguradong malaki ang maitutulong niya kung makakasama siya sa atin.”Sinabi agad ni C
Matagal nang alam ng mga Acker na gustong pumunta ni Lady Acker sa Aurous Hill. Bukod dito, inaprubahan na ng buong pamilya ang desisyon niya.Pagkatapos maranasan ang sakuna na halos umubos sa pamilya nila, nawalan ng interes ang mga Acker sa career, pera, at katayuan, at umaasa sila na gawin ang lahat ng makakaya nila para makabawi sa mga pagkukulang nila sa buhay nila sa hinaharap.Ang pinakamalaking pagsisisi para sa mga Acker ay ang pagkamatay ni Ashley, at kasunod nito ay ang kinaroroonan ni Charlie.Hindi na maaayos ang pagkamatay ni Ashley, at ang tanging bagay kung saan sila makakabawi ngayon ay ang mahanap si Charlie.Lalo na at mas nagiging seryoso ang Alzheimer’s disease ni Lord Acker. Ayaw ng mga Acker na mahanap si Charlie sa hinaharap kung saan tuluyan nang nakalimutan ni Lord Acker si Charlie.Bilang taong namamahala sa mga panloob na gawain ng pamilya Acker, nagpadala si Christian ng mga tauhan para bumili ng mga villa sa Willow Manor sa Aurous Hill. Sa parehong o
Pinaalalahanan siya ni Isaac, “Sinabi ni Master Howton na tandaan natin na huwag lampasan ang antas ng pag-eensayo pagdating sa martial arts, at dapat unti-unti at matatag tayong mag-ensayo. Nasa pag-aaral ng teorya pa lang tayo bago matutong magmaneho. Kailangan muna natin matutunan ang teorya at pagkatapos ay pumasok sa kotse para mag-ensayo. Medyo maganda talaga ito dahil natututo tayo sa bawat hakbang.”Humagikgik si Albert at sinabim, “Gusto kong magkaroon ng tagumpay sa lakas ko sa lalong madaling panahon. Pagdating ng oras, ipapakita ko ang mga kakayahan ko sa mga tauhan ko at ipapaalam ko sa kanila na bata pa rin ako!”Umabante si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Mukhang may mas maayos na pang-unawa si Mr. Cameron kaysa kay Albert.”Nang mapansin ng dalawang lalaki na papalapit si Charlie, sinabi nila nang mabilis at magalang, “Master Wade! Young Master!”Tumango nang bahagya si Charlie sa kanilang dalawa at sinabi, “Matagal ang paglalakbay sa martial arts, kaya partikula
Nang makita ni Caden na alas otso na, humingi siya ng paumanhin mula kina Charlie at Porter at pagkatapos ay naglakad sa harap ng lahat, kaharap sila.Itinaas ni Caden ang kanyang kamay at hinawakan ang mahabang balbas niya bago sinabi nang malakas, “Kayong lahat, maligayang pagdating sa unang martial arts conference na inorganisa ni Master Wade! Ako si Caden Howton, ang tatlumpu’t siyam na leader ng Taoist Sect, at swerte akong matanggap ang pagpapahalaga ni Master Wade, kaya nandito ako para magturo ng martial arts sa inyong lahat. Sa mga daraan na panahon, ituturo ko ang natutunan ko sa buong buhay ko nang walang pag-aatubili, at sana ay magkaroon ako ng progreso kasama kayo!”Pumalakpak nang malakas ang mga estudyante na nakatayo sa harap niya sa sandaling natapos siya magsalita.Hinintay ni Caden na tumigil ang palakpakan bago siya nagpatuloy, “Sa leksyon na ito, ituturo ko ang lahat ng laman ng unang chapter ng Taoist Sect Hanbloom Method nang walang tinatago. Dahil sobrang de
Kahit ano pa ang karaniwang lakas ni Caden, pagkatapos sanayin ang Taoism ng maraming taon, nakatipon na si Caden ng pambihirang tindig at kilos. Bukod dito, parang nasa kalahating-indibidwal na estado siya ng maraming taon bilang isang Taoist. Kulang sa sustansya ng katawan niya sa punto na kasing payat na niya ang isang panggatong, at nagmukhang sobrang lakas ng payat na katawan niya dahil sa tuloy-tuloy na pag-eensayo niya ng martial arts, binibigyan nito ang mga tao ng pakiramdam ng pagiging misteryoso. Mas lalo pang naging mataas ang pakiramdam ng pagiging maharlika niya dahil sa mahaba at puting balbas niya.Pambihira ang temperamento niya sa larangan ng metaphysics at kahit sa larangan ng sining.Halimbawa, iisipin ng lahat na medyo nakakabagot kung wala man lang siyang balbas sa larangan ng isang direktor, pintor, o kahit manghuhula. Kung may malaking balbas siya, maghihiyawan ang mga tao kahit na nagpinta lang siya ng ilang guhit sa kanvas gamit ang isang paintbrush.Si Cad
Hanamg nag-uusap sila, maraming tao sa likod nila ang bumabati kay Charlie. Lumingon silang tatlo at nakita na naglalakad nang magkasama sina Charlie at Porter. Yumuyuko nang magalang ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies at mga miyembro ng Harker kay Charlie.Tumango si Charlie sa lahat bilang sagot. Mabilis na kumaway si Aurora kay Charlie at sinabi nang masaya, “Hello, Master Wade!”Ngumiti si Charlie sa kanya. Hindi niya napansin si Sonia, na nasa kabila. Sa halip, dumiretso siya sa kanilang tatlo at tinanong nang nakangiti, “Ano ang pakiramdam niyo tungkol sa lugar na ito? Sanay na ba kayong tumira dito?”Ngumiti si Aurora at sinabi, “Medyo maganda ito! Maayos ang kwarto at masarap ang pagkain!”Pagkatapos nito, ngumiti siya agad habang sinabi kay Charlie, “Master Wade, pinag-uusapan namin ang martial arts kanina. Sinabi sa amin ni Rosalie na mas mabilis kaming makakapasok sa landas ng martial arts dahil ininom namin ang pill na binigay mo sa amin. Totoo ba ito?”Tumango si