Ang kondisyon para sa British Lord na hayaan silang mamatay nang handa para sa British Lord ay bigyan ng kalayaan ang mga pamilya nila pagkatapos nilang mamatay.Para sa mga taong ito, mamamatay pa rin sila sa kalaunan kung walang antidote, kaya mas mabuti na mamatay sila at bigyan ng pagkakataon ang pamilya nila kaysa mamatay lang nang ganito.Sa totoo lang, iba ang mga taong ito sa mga Armed Calvary Guards at dead soldier. Mga tauhan sila ni Ezra. Nang dinala sila ni Ezra sa opisina, wala sa pamilya nila ang sumama sa kanila, o pwedeng sumama sa kanila.Pinasan nila ang aspeto ng pagsira sa sarili nilang buhay sa sandaling pumasok sila sa opisina. Kailangan nilang maging tagapagpatupad ng pagsira sa sarili nila kapag kailangan sirain ang lugar na ito.Ang dahilan kung bakit ito inayos ng British Lord ay para makumpleto nila ang pagpapatiwakal sa lalong madaling panahon at tanggalin ang lahat ng panganib sa sandaling may malaking problema sa isang tiyak na base ng mga dead soldier
Sobrang init ng panahon sa Aurous Hill sa kalagitnaan ng Agosto.Abala si Charlie sa pag-uudyok kay Albert na i-renovate ang Champs Elys Resort sa nakaraang dalawang araw. Hindi na siya nag-abala o nagtanong tungkol sa mga pangyayari na kaugnay as Qing Eliminating Society at Middle East.Wala ring oras si Charlira para kausapin si Caden sa nakaraang dalawang araw. Pero, sobrang aktibo pa rin ni Caden at pinapunta niya ang chief disciple niya mula pa sa United States. Balak niyang ipasa ang posisyon bilang head ng Taoist Sect sa harap ni Charlie at gumawa ng isang malinaw na linya sa Taoist Sect para mapangako niya ang katapatan niya nang buong puso kay Charlie.Naghihintay nang balisa si Caden sa labas ng Aurous Airport sa sandaling ito. Kalahating oras na nahuli ang flight na hinihintay niya.Nang naiinip na si Caden, sa wakas a na-update na ang flight information sa malaking screen ng airport, at sa wakas ay dumating na ang flight na hinihintay ni Caden.Pagkatapos maghintay ng
Ang normal na proseso ay bumalik nang magkasama ang kasalukuyang head at ang tagapagmana sa dojo ng Taoist Sect at isagawa ang engrandeng seremonya sa harap ng mga disipulo ng Taoist Sect para magbigay galang sa mga ninuno ng Taoist Sect. Pagkatapos nito, mamanahin ng bagong head ang posisyon sa harap ng ibang disipulo at ninuno.Pero, gustong pasayahin ni Caden si Charlie ngayon, kaya ayaw niyang bumalik sa United States para ipasa ang posisyon bilang leader sa kanyang tagapagmana.Bukod dito, may sarili siyang iniisip, at iyon ay hayaang makita ni Charlie ang pagpapasa niya ng posisyon kay Sonia bilang leader ng Taoist Sect. Ito lang ang paraan para masigurado niya na hindi magdududa si Charlie sa kanya.Ito rin ang dahilan kung bakit niya pinapunta si Sonia dito mula pa sa United States.Kahit na hindi alam ni Sonia kung ano ang balak ng kanyang master, hindi na siya nagtanong bilang respeto para sa kanyang master. Dahil din sa respeto para sa kanyang master kaya hindi niya sady
May balak si Charlie na gamitin si Caden. Kahit na hindi masyadong malakas si Caden, sinanay at na-master na niya ang unang chapter ng Taoist Sect Hanbloom Method. Bukod dito, napakaraming taon na itong sinasanay ni Caden, kaya sigurado si Charlie na marahil ay ang pang-unawa niya sa panimula ng Taoist Sect Hanbloom Method ay lampas pa sa kanya.Minsan, marahil ay hindi ang pinakamalakas na tao ang angkop para maging guro. Kahit na sabihan ang isang top student na may Ph.D. na ituro ang unang grado sa elementary school, marahil ay hindi niya alam kung paano ipaintindi sa mga estudyante ang tinuturo niya sa kanila.Pero, ang isang guro na nagtuturo na ng mga estudyante sa elementarya ng deka-dekada ay may mayaman na karanasan at iba’t ibang kakaibang pananaw at pamamaraan. Kaya, sobrang bilis niyang matutulungan ang mga estudyante sa elementarya na maintindihan ang tinuturo niya at kung ano ang mga pangunahing punto.Sa opinyon ni Charlie, si Caden ay ganitong uri ng guro sa elementa
Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Okay, umakyat tayo. Kung gano’n, pwede ko nang masaksihan ang seremonya kung saan ipapasa mo ang posisyon bilang leader ng Taoist Sect sa tagapagmana mo.”Tumango nang paulit-ulit si Caden at humingi ng tawad, “Hindi kamangha-mangha ang seremonya para sa isang maliit na sect tulad namin. Mater Wade, sana ay hindi ka masyadong mapangitan dito pagkatapos itong makita.”Sinabi nang walang bahala ni Charlie, “Hindi iyon mangyayari. Mas maganda kung mas simple. Kung masyadong malakas ang pakiramdam ng ritwal, mawawala ang orihinal na diwa nito.”Tumango si Caden at yumuko habang sinabi, “Master Wade, tama ka. Hindi kailangan na masyado itong gawing engrande.”Pagkatapos itong sabihin, nag-atubili siya saglit bago sinabi kay Charlie, “Master Wade, pwede ba akong humingi ng pabor sayo?”Tumango si Charlie at sinabi, “Sabihin mo.”Sinabi nang hindi akma ni Caden, “Master Wade, ang mga ipapaman ng leader ng Taoist Sect ay ang token ng leader, ang
Alam ni Caden na balak siyang tuksuhin ni Charlie, pero hindi siya nangahas na magpakita ng kahit anong pagsuway o makaramdam ng kahit anong sama ng loob. Wala siyang nagawa kundi tumawa na lang at ngumiti habang sinabi, “Salamat, Master Wade… Salamat, Master Wade…”Para sa kanya, isang sakuna na bumalik sa antas ng isang four-star martial artist. Malaking karangalan na ngayong handa si Charlie na ibalik siya sa antas ng isang six-star martial artist. Hindi dapat siya magmadali at maghintay nang matiyaga para ipahayag ang sarili niya at magpakita ng maayos na asal kay Charlie para mas maagang bumalik ang cultivation niya.Dati ay ginamit ni Charlie nang Reiki para isara ang apat na meridian ni Caden. Madali lang ito para kay Charlie, pero talagang imposible para kay Caden na sirain ang harang na ito. Kaya, kinaway lang nang bahagya ni Charlie ang kanyang kama at madaling binuksan ang dalawang nakasarang meridian ni Caden.Agad naramdaman ni Caden ang dulas ng mga meridian niya at hu
Kaya, sinabi niya kay Caden, “Master, nakikita ko na halos magkasing edad kami ni Mr. Wade. Hindi dapat maging makaluma ang mga batang tao tulad namin…”Hindi mapigilang sabihin ni Caden nang may pangamba, “Sonia, hindi mo dapat balewalain si Master Wade!”Medyo nagalit din si Sonia at sinabi, “Master, kalayaan mo na tawaging ‘master’ ang iba kung gusto mo, pero gano’n din ako.”Hindi mapigilan ni Caden na pagalitan siya, “Sonia, huwag kang maging bastos!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Master Howton, tama si Miss Letterman. Dapat kusang gawin ang ganitong uri ng bagay. Anong saysay kung pupuwersahin mo siya?”Ngumisi si Caden at sinabi nang nagmamadali, “Tama ka, Master Wade. Kung gano’n, tatawagin ka na lang ni Sonia na Mr. Wade tulad ng gusto niya.”Si Sonia, na nasa gilid, ay nasorpresa at medyo hindi nasiyahan nang makita niyang binababa ng master niya ang sarili niya at nagiging mapagpakumbaba sa harap ni Charlie.Sa opinyon niya, noon pa man ay sobrang marangal na ng mast
Walang masabi si Caden sa sumunod na tanong ni Sonia. Hindi niya masabi sa kanyang disipulo na ang dahilan kung bakit pinili niyang tumira sa Aurous Hill ay dahil gusto niyang manatili dito para pagsilbihan at sundan si Charlie.Kaya, sinabi niya na lang kay Sonia, “Sonia, buong puso ko nang inilaan ang sarili ko sa pagiging master ng Taoist Sect sa loob ng napakaraming taon. Ngayong matanda na ako, gusto ko na lang mag-relax. Maganda ang tanawin si Aurous Hill, at may magandang klima rin ito, kaya nagustuhan ko ito nang sobra. Balak kong manatili dito at tingnan kung mapapaangat ko ang cultivation ko.”Kumunot ang noo ni Sonia at tinanong, “Master, ginugol mo na ang mahigit kalahati ng oras mo sa seklusyon sa loob ng napakaraming taon. Hindi ba’t nasa seklusyon ka rin noong pinalabas ka ni Lady Acker? Dati, sinabi mo sa akin na babalik ka sa seklusyon pagkatapos iligtas ang pamilya ni Lady Acker, pero pumunta ka sa Aurous Hill nang walang sinasabi. Bakit bigla mong gustong isuko ang
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang