Walang masabi si Caden sa sumunod na tanong ni Sonia. Hindi niya masabi sa kanyang disipulo na ang dahilan kung bakit pinili niyang tumira sa Aurous Hill ay dahil gusto niyang manatili dito para pagsilbihan at sundan si Charlie.Kaya, sinabi niya na lang kay Sonia, “Sonia, buong puso ko nang inilaan ang sarili ko sa pagiging master ng Taoist Sect sa loob ng napakaraming taon. Ngayong matanda na ako, gusto ko na lang mag-relax. Maganda ang tanawin si Aurous Hill, at may magandang klima rin ito, kaya nagustuhan ko ito nang sobra. Balak kong manatili dito at tingnan kung mapapaangat ko ang cultivation ko.”Kumunot ang noo ni Sonia at tinanong, “Master, ginugol mo na ang mahigit kalahati ng oras mo sa seklusyon sa loob ng napakaraming taon. Hindi ba’t nasa seklusyon ka rin noong pinalabas ka ni Lady Acker? Dati, sinabi mo sa akin na babalik ka sa seklusyon pagkatapos iligtas ang pamilya ni Lady Acker, pero pumunta ka sa Aurous Hill nang walang sinasabi. Bakit bigla mong gustong isuko ang
Mas lalong nahiya si Caden. Mabilis siyang umubo nang dalawang beses at sinabi, “Sonia, ang dahilan kung bakit ko inimbita si Master Wade ay dahil may malalim kaming pagkakaibigan. Pangalawa, nakatira rin si Master Wade sa Aurous Hill…”Hindi talaga naniwala si Sonia sa mga sinabi ni Caden at sinabi niya nang malamig, “Master, simula nang pumasok ako, napansin ko na sobrang galang mo kay Mr. Wade. Naniniwala ako na ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta sa Aurous Hill ay dahil balak mong ipasa sa akin dito ang posisyon bilang leader ng Taoist Sect at gusto mong patunayan ang katapatan mo kay Mr. Wade, tama?”Hindi inaasahan ni Caden na magiging tumpak si Sonia. Namula ang kanyang mukha habang sinabi, “Sonia, sa totoo lang, ginugol ko ang halos buong buhay ko sa Taoist Sect, at gusto ko nang gawin ang isang bagay para sa sarili ko ngayon. Kung itinuturing mo pa rin ako bilang master mo, huwag mo na ako pahirapan pa, at huwag ka na humingi ng paliwanag. Mananatili ako sa Aurous Hill p
“Medicine cauldron?!” Nagulat saglit si Caden nang marinig niya ang tanong ni Sonia.Nalito siya nang sobra habang inisip niya, ‘Paano nalaman ni Sonia ang tungkol sa medicine cauldron? Hindi ba’t sinabi ng master ko sa simula na ang leader lang ng Taoist set ang makakaalam sa sikretong ito at hindi dapat sabihin sa kahit sino ang sikreto na ito? Bakit niya sasabihin kay Sonia ang tungkol dito?!’Nang maisip niya ito, sadya siyang nag paligoy-ligoy at tinanong, “Sonia, saan mo narinig ang tungkol sa medicine cauldron na ito? Bakit wala akong alam tungkol dito?”Sumimangot si Sonia, at medyo nagalit ang tono niya habang sinabi, “Master, dati, sinabi sa akin ng master mo na may kayamanan sa Taoist Sect. Sinabi niya sa akin na isa itong medicine cauldron na may mga mahimalang epekto. Sinabi niya na ang leader lang ng Taoist Sect ang kwalipikadong manahin ang kayamanan na ito. Dahil nagpasya ka nang ipasa sa akin ang posisyon bilang leader ng Taoist Sect, dapat ay ipasa mo rin ang medic
Galit na sinabi ni Sonia, “Master, anong pinagkaiba mo at sa isang ama na nawalan ng anak na lalaki at sinabihan ang pamilya niya na ‘Magpanggap tayo na hindi tayo nagkaroon ng anak na lalaki’ pagkatapos niyang umuwi? Sa tingin mo ba ay angkop iyon?!”May sobrang nahihiyang ekspresyon si Caden. Wala siyang nagawa kund lakasan ang loob niya at sabihin, “Wala na nga ang medicine cauldron, at wala akong paraan para makuha ulit ito. Anong gusto mong gawin ko?”Kinwestiyon siya ni Sonia, “Kailangan kong malaman kung nasaan ang medicine cauldron at kung nakanino ito!”Iniwasan ni Caden ang tingin niya at nag-atubili habang sinabi, “Sonia… Dahil wala na ang medicine cauldron, ano pang punto ng pagkapit mo at pagtatanong sa akin tungkol dito? Ang dapat mong gawin ngayon ay dalhin ang token ng leader at bumalik sa Taoist Sect para gawin ang mga tungkulin mo bilang leader ng Taoist Sect!”Patuloy nangatwiran si Sonia sa kanya, “Dahil pinasa mo na sa akin ang posisyon bilang leader ng Taoist
“Ikaw!” Hindi inaasahan ni Sonia na direktang tatanggihan ni Charlie ang alok niya.Si Sonia, na hindi pa tinatanggihan ng kahit sino dati ay hindi mapigilang tanungin si Charlie nang hindi nasisiyahan, “Mr. Wade, hindi ko alam kung paano napunta sayo ang kayamanan ng Taoist Sect, pero naniniwala ako na nakuha mo siguro ito gamit ang kasuklam-suklam na paraan.”Ngumisi si Charlie at sinabi, “Miss Letterman, medyo makasarili kung agad kang manghuhusga kahit na hindi mo alam ang nangyari. Hindi ba’t malalaman mo kung nakuha ko ba nang patas o hindi ang medicine cauldron kung tatanungin mo lang ang master mo tungkol dito?”Si Caden, na nasa gilid, ay sinabi nang nagmamadali, “Sonia, huwag kang maging bastos kay Master Wade! Nakuha ni Master Wade ang medicine cauldron sa tuwid na paraan! Sa totoo lang, ako ang kusang nagbigay nito kay Master Wade!”Nagalit si Sonia at tinanong siya, “Master, pagmamay-ari ng Taoist Sect ang medicine cauldron, at binabantayan mo lang ito para sa Taoist S
Nang maisip ito ni Sonia, sinabi niya agad, “Mr. Wade, hindi ako magsisinungaling sayo, pero kaya kitang bigyan ng mapagbigay na pabuya basta’t handa kang ibenta ang medicine cauldron na ito sa akin. Masisiguro nito na hindi mo na kailangan mag-alala sa pagkain at damit mo sa buong buhay mo!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Miss Letterman, pwede kang mag-alok ng bid. Titingnan ko kung mapagbigay ka talaga.”Tumingin si Sonia kay Charlie at sinabi nang mayabang, “Kung handa mong ibenta sa akin ang medicine cauldron, kaya kitang bayaran ng 100 million US dollars ngayon din!”Sa opinyon ni Sonia, malaking pera na para kahit sino ang 100 million US dollars. Para sa karamihan, sobrang laking numero ito na hindi man lang nila papangarapin. Kaya, akala niya na sobrang tapat na alok na ito.Pero, pagkatapos marinig ni Charlie ang alok, ngumiti lang siya nang kaunti at sinabi, “Miss Letterman, hindi ko inaasahan na medyo mapagbigay ka.”Sinabi nang walang ekspresyon ni Sonia, “Hanggang ngay
Ngumiti sa pilyong paraan si Charlie at sinabi, “Alam ko kung nagyayabang ka ba o hindi sa sandaling sinubukan ko ito.”Kumunot ang noo ni Sonia at tinanong, “Anong ibig mong sabihin?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Miss Letterman, bakit hindi mo buksan ang kamay mo para mabasa ko ang palad mo?”“Bastos!” Pinagalitan nang mahigpit ni Sonia si Charlie, “Hindi ko naisip na bukod sa pagiging magaling sa pagsasalita, may mga maruruming kaisipan ka rin!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Miss Letterman, mali ang pagkakaintindi mo sa akin. Hindi ko balak na pagsamantalahan ka. Gusto ko lang suriin kung nagyayabang ka ba nang sinabi mo na hinding-hindi ka magkakaroon ng utang na loob sa iba!”Suminghal nang malamig si Sonia, nagngalit, at sinabi, “Hinding-hindi ako magyayabang tungkol dito!”Tumango si Charlie at sinabi, “Miss Letterman, kung gano’n, bakit hindi mo buksan ang kamay mo at malalaman natin ang resulta sa loob ng isang minuto.”Inabot nang galit ni Sonia ang kanyang kamay sa
SA una ay hindi bumalik ang diwa ni Sonia sa realidad ng pag-angat sa Great Perfection Realm ng Illuminating Realm sa isang iglap, kaya nakatulala pa rin siya at hindi niya maisip kung ano ang ibig sabihin ni Charlie nang sinabi niya ang mga salitang ito.Bago pa siya magkaroon ng reaksyon, si Caden, na nasa gilid, ay biglang tumingin kay Sonia at sinabi, “Sonia… b-bakit naging five-star martial artist ka ulit?!”Ang gulat na sigaw na ito ay parang isang palanggana ng malamig na tubig na gumising nang tuluyan kay Sonia.Doon niya lang napagtanto na nagbago ulit ang cultivation level niya sa napakaikling panahon. Bumalik siya sa pagiging isang five-star martial artist mula sa pagiging isang eksperto sa Great Perfection Realm ng Illuminating Realm.Nagulat si Sonia at hindi niya maisip kung paano nagawang baguhin ni Charlie ang cultivation niya sa isang iglap!Dito niya rin napagtanto na ang lampas sa imahinasyon niya ang lakas ni Charlie!Agad niyang naramdaman na parang wala siya
Tumango si Mr. Chardon, bumuntong hininga, at sinabi, “156 years old na ako ngayong taon.”“156 years old?” Sinabi ni Samadius habang may mapaghangad na tingin sa kanyang mukha, “Hindi ka man lang mukhang 156 years old…”Sinabi nang kalmado ni Mr. Chardon, “Ito ang mga benepisyo pagkatapos ma-master ang Reiki. Tatlong siglo na akong nabubuhay; ang 19th, 20th, at 21st century. Hindi na ako magkakaroon ng pagsisisi sa buhay kung aabot ako ng 22nd century.”Nabigla si Samadius. Lumuhod ulit siya at yumuko sa harap ni Mr. Chardon habang nagmakaawa, “Master Coldie, pakiusap at ituro mo sana sa ako ang paraan ng pagpapahaba ng buhay! Kung papayag ka, handa akong sundan ka sa buong buhay ko para magamit mo! Susundin ko ang lahat ng hiling mo nang walang pag-aatubili!”Mahigit pitumpung taon na simula noong pumasok si Samadius sa Taoist Sect, at sa sandaling ito, nasa parehong estado siya ni Mr. Chardon noong unang umalis siya sa Cohmer Temple.Buong araw siyang nag-eensayo ng Taoism at g
Sa mga nagdaang taon, bumalik siya nang ilang beses sa Oskia gamit ang iba’t ibang pagkakakilanlan, pero kahit kailan ay hindi siya bumalik sa Cohmer Temple.Ito ay dahil ayaw niyang malaman ng mga disipulo niya sa Cohmer Temple na nadiskubre na niya ang paraan ng mahabang buhay.Sa opinyon niya, dumaan siya sa lahat ng uri ng paghihirap bago siya sa wakas nakapasok sa landas ng Taoism, kaya hindi dapat malaman ng kahit sinong nakakakilala sa kanya ang sikreto na ito, kasama na ang mga tao sa Cohmer Temple.Pinili niyang pumunta sa Cohmer Temple ngayong araw dahil wala siyang mahanap na kahit anong bakas tungkol sa kinaroroonan ni Vera pagkatapos ng mahabang panahon.Patuloy siyang inuudyok ng British Lord na pumunta sa Aurous Hill. Kaya niyang antalain ito ng tatlo hanggang limang araw pero hindi tatlo hanggang limang buwan. Ayon sa ugali ng British Lord, siguradong bibigyan niya siya ng dalawa o tatlong araw na lang, kaya walang nagawa si Mr. Chardon kundi humanap ng mga katulong
Sinundan ni Mr. Chardon ang binatang Taoist priest sa reception hall sa middle yard ng Cohmer Temple. Ito ang reception room sa Cohmer Temple na ginagamit para aliwin ang mga abbot at overseer mula sa ibang Taoist temple o peregrino na may malaking ambag sa Taoist temple.Pagkatapos sabihan si Mr. Chardon na maghintay dito, nagmamadaling tumakbo ang binatang Taoist priest para i-report ito sa kanyang master.Sa Cohmer Temple, karamihan ng tao na nananatili sa front yard nang matagal ay ang mga junior Taoist priest na may medyo mababang kwalipikasyon, kaya naatasan sila na panatilihin ang kaayusan ng mga turista at mga mananampalataya sa yard habang naglilinis, inaayos ang mga istatwa ng templo, at inaayos ang mga alay.Kaya, kung gustong i-report ng binatang Taoist priest ang balita sa overseer, kailangan patong-patong ang daan ng mensahe, at ang dami ng antas ng paglilipat ay higit sa inaasahan ng binatang Taoist priest.Makalipas ang dalawampung minuto, isang matandang lalaki na
Kahit na may parehong titulo ang Taoist at Buddhist abbot, may sobrang magkaibang gampanin sila. Ang Buddhist abbot ang may pinakamataas na posisyon at kapangyarihan sa templto at siya ang namamahala sa mga gawain ng templo, habang ang pangunahing responsibilidad ng Taoist abbot ay ipangaral ang mga banal na kasulatan. Ang Taoist abbot ay parang isang senior professor sa Taoist temple, pero ang taong may pinakamataas na kapangyarihan sa pamamahala ay ang overseer.Si Mr. Chardon, na may suot na Taoist robe, ay tumingala sa gate ng Cohmer Temple nang ilang sandali, pagkatapos ay pumasok sa gate.Ang buong Cohmer Temple ay nahahati sa tatlong courtyard, na tinatawag na front, middle, at back. Bukas lang ang front yard sa mga mananampalataya at peregrino. May ilang hall dito, lalo na ang Trinity Hall, na inilaan para sa Three Supreme Gods ng Taoism.Ang middle at back yard ay ang mga panloob na lugar ng Cohmer Temple kung saan nakatira at nag-aaral ng Taoism ang mga abbot at ang mga di
Sinabi nang seryoso ni Jacob, “Zachary, ayokong magtunog magaspang, pero dapat mahalin mo ang kahit anong trabaho na kukunin mo. Kung gusto mo ang antique business, dapat ay may etika ka ng isang propesyonal.”Tumango si Zachary at sinabi, “Hindi ba’t ito ay dahil gusto ko munang kumita ng ilang pera? Hindi pa huli para sa akin na paunlarin ang etika ko ng isang propesyonal pagkatapos kong kumita ng ilang pera. Dahil, hindi ba’t may kasabihan na dapat bumili ang isang tao ng ticket pagkatapos sumakay sa bus?”Kumulot ang mga labi ni Jacob sa panghahamak, tumingin sa stall ni Zachary, umiling, at sinabi, “Oh, mas lalo kang paatras kapag nagtatrabaho ka. Nakikita ko na peke ang bawat bagay sa stall mo.”“Oo, tama ka.” Sinabi nang masigasig ni Zachary, “Mr. Jacob, matalas talaga ang paningin mo para sa mga produkto. Hindi makakatakas sa mga mata mo ang mga magagandang bagay, at gano’n din para sa mga peke.”Ngumiti si Jacob, pinulot ang Thunderstrike wood sa gitna ng stall, tiningnan
Hindi niya mapigilang isipin, ‘Mukhang hindi ko kayang itapon ang antique business na ito. Kalahati ng kasiyahan ko ay galing sa lugar na ito… Pwede akong pumunta dito at magsaya paminsan-minsan kung hindi ako abala sa trabaho ko kay Don Albert sa hinaharap.’Masayang gumagawa ng plano si Zachary sa kanyang isipan nang isang pamilyar at malugod na boses na may halong bakas ng sorpresa ang narinig niya, “Oh, Zachary, kailan ka bumalik para magtayo ulit ng isang stall?”Tumingin si Zachary at sinabi nang may magalang na ekspresyon, “Oh, Mr. Jacob! Medyo matagal na kitang hindi nakikita!”Ang taong nagsalita ay walang iba kundi ang biyenan na lalaki ni Charlie, si Jacob.Kahit na si Jacob na ang vice president ng Calligraphy and Painting Association, ang pagmamahal niya para sa mga antique ay gano’n pa rin tulad ng dati.Kailan lang, hindi maayos ang pakiramdam niya pagkatapos niyang matalo sa pag-ibig, kaya medyo matagal siyang hindi pumunta dito.Bumalik nang kaunti ang kalooban n
Kahit na mahigpit ang hiling ni Zachary, sumang-ayon nang sabay ang dalawang lalaki nang maisip nila ang malaking kita.Direkta si Zachary at nagpadala ng 30 thousand dollars sa kanilang dalawa gamit ang QR pay habang sinabi, “Tratuhin niyo ang pera na ito bilang maagang bayad ko para sa sampung araw na labor fee niyo. Kung maglalakas-loob kayong maging tamad sa sampung araw na iyon, huwag niyo akong sisihin sa pagiging walang awa!”Tinapik ni Landon ang kanyang dibdib nang walang pag-aatubili at nangako, “Huwag kang mag-alala, Mr. Zachary. Magsusuot pa ako ng adult diaper para bantayan nang mga paparating na tao para sayo dahil direkta ka! Mas gugustuhin kong maihi sa pantalon ko kaysa umalis sa puwesto ko!”Ipinahayag din agad ni Terry ang posisyon niya habang sinabi, “Makasisiguro ka, Mr. Zachary. Hinding-hindi kita bibiguin kahit na hindi ako kumain o uminom ng buong araw!”“Okay.” Tumango si Zachary, pagkatapos ay nilabas ang dalawang jade ring mula sa kanyang bulsa at binigay
Si Landon, na nasa gilid, ay sinabi rin nang nagmamadali, “Mr. Zachary, kunin mo rin ako! Wala akong ibang kalamangan bukod sa pagiging masunurin! Siguradong susundin ko ang mga utos mo at gagawin ko ang kahit anong ipagawa mo basta’t maisasamo mo ako!”Ipinahayag din ng ibang tao ang katapatan nila kay Zachary. Sa opinyon nila, dahil handa si Zachary na isuko ang posisyon niya bilang katiwala ni Don Albert, pinapatunayan nito na siguradong nakahanap siya ng mas magandang paraan para kumita ng pera. Binanggit din ni Zachary na ang bagong daan na ito para kumita ng pera ay may mga kinalaman sa antique, kaya hindi lang magaling si Zachary dito, ngunit pamilyar din ang lahat dito. Kaya, gustong makihati ng lahat kay Zachary.Sinabi nang kalmado ni Zachary sa sandaling ito, “Kayong lahat, kababalik ko lang sa Antique Street at hindi ko pa naaayos nang ganap ang bagong negosyo. Hindi ako makakagamit ng maraming tao sa unang yugto nito, kaya kukunin ko muna sina Landon at Terry para simula
“Tama. Zachary, hindi ba’t mas mabuti para sayo na magtrabaho at sundan si Don Albert para mag-enjoy sa buhay kaysa paglaruan ang mga bagay-bagay sa Antique Street?”Isang babae na nagbebenta ng pekeng tansong barya ay sinabi nang nakangiti, “Zachary, maaari bang nagkamali ka nang ilang beses at pinaalis ka ni Don Albert?”Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang kaswal, “Huwag mo nang banggitin ang mga bagay na ito. Balak kong bumalik dito at itayo ulit ang stall ko.”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya sa lalaki na naunang bumati sa kanya at sinabi, “Landon Diggor, pinahiram ko sayo ang orihinal na stall ko nang libre pagkatapos kong umalis dati. Dahil bumalik na ako ngayon, dapat mong ibalik ang posisyon na iyon sa akin.”Kinaway agad ng lalaking nagngangalang Landon ang kanyang kamay at sinabi, “Hindi, hindi, hindi ko iyon magagawa. Zachary, pagkatapos mong umalis, sinabi mo na hindi ka na babalik sa Antique Street, kaya binigay mo ang stall na iyon sa akin. Dapa