Tiningnan ni Arlo ang kanyang kapatid habang may mga namumulang mga mata at nagmakaawa sa sobrang mapagpakumbabang tono, “Silas, bilang kapatid mo, nagmamakaawa ako sayo na sana ay ilibingmo ang asawa at anak ko kasama ko dahil inalagaan kita simula noon. Kahit kailan ay hindi ako humingi ng tulong sayo sa buhay na ito, at ito ang huling hiling ko bago ako mamatay…”Umiling si Silas at sinabi nang kalmado, “Kuya, kung nasa Naples tayo, gagalangin ko ang hiling mo at ililibing ka at ang pamilya mo kahit na wala kang sinabi, pero nasa Cyprus tayo ngayon, at hindi ko pwedeng dalhin ang bangkay mo sa eroplano. Hindi hahayaan ng airport na pumasok o lumabas sa bansa ang isang bangkay.”Walang masabi si Arlo at sinabi, “Silas, kung gano’n, gawin mong abo ang bangkay ko at ibalik mo ang mga abo ko para ilibing kasama ang pamilya ko!”Tumanggi nang walang ekspresyon si Silas, “Imposible iyon. Saan ko susunungin ang katawan mo sa ganitong sitwasyon? Mauuna ang Cyprus police dito bago masunog
Samantala, naghahanap pa rin si Mr. Chardon ng mga bakas ni Vera sa Eastcliff at hindi pa siya handa na umalis agad sa Aurous Hill. Iniimbestigahan pa rin ni Mr. Zorro ang New York pero wala pa siyang progreso. Para naman kay Miss Dijo, kararating niya lang sa Far East.Nakatanggap silang tatlo ng isang meeting notice mula sa British Lord sa parehong oras, kaya pumasok agad silang tatlo sa communication software at hinintay na lumitaw ang British Lord.Bago lumitaw ang British Lord, hindi nila nakita na pumasok si Mr. Jothurn sa communication software, kaya nagbiro si Mr. Zorro, “Kung hindi magmamadali si Mr. Jothurn at kokonekta sa communication software natatakot ako na mapaparusahan siya pagkatapos pumasok ng British Lord!”Sinabi nang kaswal ni Mr. Chardon, “Sa tingin ko ay may iniimbestigahan na mahalagang bagay si Mr. Jothurn, kaya siguradong maiintindihan ng British Lord kung mahuhuli siya kung may mahalagang bagay talaga na kasangkot.”Nanatiling tahimik si Ruby at mukhang
Natakot nang sobra ang tatlong great earl nang marinig nila ang mga sinabi ng British Lord. Nang binanggit ng British Lord na namatay si Mr. Jothurn kanina lang, akala nila na may nakasalubong siya na mas malakas na eksperto, pero napagtanto nial ngayon na namatay si Mr. Jothurn sa isang close-defense missile.Sa una ay akala nila na may kaunting tao lang sa mundong ito na kaya silang saktan kaya pwede silang maging mga mapanupil na hari, pero bigla nilang napagtanto ngayong araw na ang mga tinatawag na cultivation level nila ay walang saysay kumpara sa mga malalaking armas.Si Mr. Zorro, na nasa New York, ay tinanong nang kinakabahan, “British Lord, sinong gagamit ng mga close-defense missile para patayin si Mr. Jothurn? Maaari ba na ang opisyal na Cyprus military ito?”Sinabi ng British Lord sa mababang boses, “Hindi. Ang katawan ni Mr. Jothurn pati na rin ang mga artillery shell at shell casing mula sa close-defense missile ay nahanap sa paligid ng base ng mga dead soldier sa Cyp
“Ni-recruit sila?!” Sinabi ni Mr. Chardon, “Kahit ano pa ang sitwasyon, kailangan na tuloy-tuloy silang makakuha ng antidote mula sa British Lord kung gusto nilang mabuhay. Anong benepisyo ang makukuha nila kung kakampi sila sa kalaban? Sa sandaling naubos ang antidote na binigay ng Section Ambassador, mamamatay ang lahat. Handa bang mamatay ang libo-libong tao na ito para lang labanan ang Qing Eliminating Society?!”Tinanong ni Mr. Zorro, “Maaari ba na may paraan ang kalaban para tanggalin ang lason sa katawan nila?”Sinabi agad ng British Lord sa malamig na boses, “Imposible ito! Walang kahit sino sa mundong ito na kayang tanggalin ang lason sa katawan nila!”Sinabi ni Mr. Chardon, “Sobrang kakaiba nito! Kahit na tapat talaga ang mga taong ito sa Qing Eliminating Society dahil sa antidote o dahil sa pamilya nila, siguradong gagawin nila ang lahat ng makakaya nila para lumaban para sa Qing Eliminating Society. Kung pumasok talaga ang kabila sa base ng mga dead soldier, lalaban sila
Pagkatapos itong sabihin, idinagdag niya, “British Lord, dahil magaling ang kabila sa paggamit ng mga close-defense missile, naniniwala ako na posible na hindi sila mga martial artist, lalo na mga eksperto na na-master ang Reiki. Malaki ang posibilidad na mga sundalo sila na sinanay nang mabuti!”Binulong ng British Lord, “Mga sundalo? Kung ginawa talaga ito ng isang sundalo, kaninong sundalo ito?”Sinabi ni Ruby, “Wala akong ideya kung kaninong sundalo ito, pero sa tingin ko ay pwede tayong magsimula sa mga bakas na kaugnay sa close-defense missile.”Humuni ang British Lord bilang sagot at sinabi, “Ipagpatuloy mo.”Nagpatuloy si Ruby, “Katitingin ko lang ng impormasyon tungkol sa armas na ito. Kahit na nakamamatay nang sobra ang armas na ito, hindi ito talaga isang sopistikadong armas at gamit at maituturing lang ito bilang unang henerasyon ng mga modernong armas na may kasaysayan na ilang dekada. Ang mga parametro ng mga kasalukuyang close-defense missile ay ilang beses na mas ma
Kasunod ang utos ng British Lord, ang buong Qing Eliminating Society ay pumasok sa panahon ng hindi pagiging aktibo sa unang pagkakataon.Ganap na namahinga agad ang limang Military Governor ng limang Military Governor Office. Bukod sa copper refinery sa Turkey, ang ibang mga dead soldier at Armed Calvary Guards ay hindi pwedeng lumabas sa mga base nila. Ang lahat ng miyembro na naglilibot sa buong mundo ay pansamantala ring itinigil ang ugnayan sa mga nakakataas nila.Simula ngayon, ang tatlong great earl lang ng Qing Eliminating Society ang gumagawa ng misyon para sa British Lord. Hinahanap pa rin ni Mr. Chardon ang kinaroroonan ni Vera sa Oskia at naghahandang pumunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang mga bakas tungkol kay Charlie. Iniimbestigahan ni Mr. Zorro ang mga black market sa buong mundo para maghanap ng mga bakas ng AK630 close-defense missile, at pinunan ni Miss Dijo ang puwang para kay Mr. Chardon para hanapin si Vera sa Far East.Kinabukasan pagkatapos mamatay ni B
Ang kondisyon para sa British Lord na hayaan silang mamatay nang handa para sa British Lord ay bigyan ng kalayaan ang mga pamilya nila pagkatapos nilang mamatay.Para sa mga taong ito, mamamatay pa rin sila sa kalaunan kung walang antidote, kaya mas mabuti na mamatay sila at bigyan ng pagkakataon ang pamilya nila kaysa mamatay lang nang ganito.Sa totoo lang, iba ang mga taong ito sa mga Armed Calvary Guards at dead soldier. Mga tauhan sila ni Ezra. Nang dinala sila ni Ezra sa opisina, wala sa pamilya nila ang sumama sa kanila, o pwedeng sumama sa kanila.Pinasan nila ang aspeto ng pagsira sa sarili nilang buhay sa sandaling pumasok sila sa opisina. Kailangan nilang maging tagapagpatupad ng pagsira sa sarili nila kapag kailangan sirain ang lugar na ito.Ang dahilan kung bakit ito inayos ng British Lord ay para makumpleto nila ang pagpapatiwakal sa lalong madaling panahon at tanggalin ang lahat ng panganib sa sandaling may malaking problema sa isang tiyak na base ng mga dead soldier
Sobrang init ng panahon sa Aurous Hill sa kalagitnaan ng Agosto.Abala si Charlie sa pag-uudyok kay Albert na i-renovate ang Champs Elys Resort sa nakaraang dalawang araw. Hindi na siya nag-abala o nagtanong tungkol sa mga pangyayari na kaugnay as Qing Eliminating Society at Middle East.Wala ring oras si Charlira para kausapin si Caden sa nakaraang dalawang araw. Pero, sobrang aktibo pa rin ni Caden at pinapunta niya ang chief disciple niya mula pa sa United States. Balak niyang ipasa ang posisyon bilang head ng Taoist Sect sa harap ni Charlie at gumawa ng isang malinaw na linya sa Taoist Sect para mapangako niya ang katapatan niya nang buong puso kay Charlie.Naghihintay nang balisa si Caden sa labas ng Aurous Airport sa sandaling ito. Kalahating oras na nahuli ang flight na hinihintay niya.Nang naiinip na si Caden, sa wakas a na-update na ang flight information sa malaking screen ng airport, at sa wakas ay dumating na ang flight na hinihintay ni Caden.Pagkatapos maghintay ng
Kahit na may parehong titulo ang Taoist at Buddhist abbot, may sobrang magkaibang gampanin sila. Ang Buddhist abbot ang may pinakamataas na posisyon at kapangyarihan sa templto at siya ang namamahala sa mga gawain ng templo, habang ang pangunahing responsibilidad ng Taoist abbot ay ipangaral ang mga banal na kasulatan. Ang Taoist abbot ay parang isang senior professor sa Taoist temple, pero ang taong may pinakamataas na kapangyarihan sa pamamahala ay ang overseer.Si Mr. Chardon, na may suot na Taoist robe, ay tumingala sa gate ng Cohmer Temple nang ilang sandali, pagkatapos ay pumasok sa gate.Ang buong Cohmer Temple ay nahahati sa tatlong courtyard, na tinatawag na front, middle, at back. Bukas lang ang front yard sa mga mananampalataya at peregrino. May ilang hall dito, lalo na ang Trinity Hall, na inilaan para sa Three Supreme Gods ng Taoism.Ang middle at back yard ay ang mga panloob na lugar ng Cohmer Temple kung saan nakatira at nag-aaral ng Taoism ang mga abbot at ang mga di
Sinabi nang seryoso ni Jacob, “Zachary, ayokong magtunog magaspang, pero dapat mahalin mo ang kahit anong trabaho na kukunin mo. Kung gusto mo ang antique business, dapat ay may etika ka ng isang propesyonal.”Tumango si Zachary at sinabi, “Hindi ba’t ito ay dahil gusto ko munang kumita ng ilang pera? Hindi pa huli para sa akin na paunlarin ang etika ko ng isang propesyonal pagkatapos kong kumita ng ilang pera. Dahil, hindi ba’t may kasabihan na dapat bumili ang isang tao ng ticket pagkatapos sumakay sa bus?”Kumulot ang mga labi ni Jacob sa panghahamak, tumingin sa stall ni Zachary, umiling, at sinabi, “Oh, mas lalo kang paatras kapag nagtatrabaho ka. Nakikita ko na peke ang bawat bagay sa stall mo.”“Oo, tama ka.” Sinabi nang masigasig ni Zachary, “Mr. Jacob, matalas talaga ang paningin mo para sa mga produkto. Hindi makakatakas sa mga mata mo ang mga magagandang bagay, at gano’n din para sa mga peke.”Ngumiti si Jacob, pinulot ang Thunderstrike wood sa gitna ng stall, tiningnan
Hindi niya mapigilang isipin, ‘Mukhang hindi ko kayang itapon ang antique business na ito. Kalahati ng kasiyahan ko ay galing sa lugar na ito… Pwede akong pumunta dito at magsaya paminsan-minsan kung hindi ako abala sa trabaho ko kay Don Albert sa hinaharap.’Masayang gumagawa ng plano si Zachary sa kanyang isipan nang isang pamilyar at malugod na boses na may halong bakas ng sorpresa ang narinig niya, “Oh, Zachary, kailan ka bumalik para magtayo ulit ng isang stall?”Tumingin si Zachary at sinabi nang may magalang na ekspresyon, “Oh, Mr. Jacob! Medyo matagal na kitang hindi nakikita!”Ang taong nagsalita ay walang iba kundi ang biyenan na lalaki ni Charlie, si Jacob.Kahit na si Jacob na ang vice president ng Calligraphy and Painting Association, ang pagmamahal niya para sa mga antique ay gano’n pa rin tulad ng dati.Kailan lang, hindi maayos ang pakiramdam niya pagkatapos niyang matalo sa pag-ibig, kaya medyo matagal siyang hindi pumunta dito.Bumalik nang kaunti ang kalooban n
Kahit na mahigpit ang hiling ni Zachary, sumang-ayon nang sabay ang dalawang lalaki nang maisip nila ang malaking kita.Direkta si Zachary at nagpadala ng 30 thousand dollars sa kanilang dalawa gamit ang QR pay habang sinabi, “Tratuhin niyo ang pera na ito bilang maagang bayad ko para sa sampung araw na labor fee niyo. Kung maglalakas-loob kayong maging tamad sa sampung araw na iyon, huwag niyo akong sisihin sa pagiging walang awa!”Tinapik ni Landon ang kanyang dibdib nang walang pag-aatubili at nangako, “Huwag kang mag-alala, Mr. Zachary. Magsusuot pa ako ng adult diaper para bantayan nang mga paparating na tao para sayo dahil direkta ka! Mas gugustuhin kong maihi sa pantalon ko kaysa umalis sa puwesto ko!”Ipinahayag din agad ni Terry ang posisyon niya habang sinabi, “Makasisiguro ka, Mr. Zachary. Hinding-hindi kita bibiguin kahit na hindi ako kumain o uminom ng buong araw!”“Okay.” Tumango si Zachary, pagkatapos ay nilabas ang dalawang jade ring mula sa kanyang bulsa at binigay
Si Landon, na nasa gilid, ay sinabi rin nang nagmamadali, “Mr. Zachary, kunin mo rin ako! Wala akong ibang kalamangan bukod sa pagiging masunurin! Siguradong susundin ko ang mga utos mo at gagawin ko ang kahit anong ipagawa mo basta’t maisasamo mo ako!”Ipinahayag din ng ibang tao ang katapatan nila kay Zachary. Sa opinyon nila, dahil handa si Zachary na isuko ang posisyon niya bilang katiwala ni Don Albert, pinapatunayan nito na siguradong nakahanap siya ng mas magandang paraan para kumita ng pera. Binanggit din ni Zachary na ang bagong daan na ito para kumita ng pera ay may mga kinalaman sa antique, kaya hindi lang magaling si Zachary dito, ngunit pamilyar din ang lahat dito. Kaya, gustong makihati ng lahat kay Zachary.Sinabi nang kalmado ni Zachary sa sandaling ito, “Kayong lahat, kababalik ko lang sa Antique Street at hindi ko pa naaayos nang ganap ang bagong negosyo. Hindi ako makakagamit ng maraming tao sa unang yugto nito, kaya kukunin ko muna sina Landon at Terry para simula
“Tama. Zachary, hindi ba’t mas mabuti para sayo na magtrabaho at sundan si Don Albert para mag-enjoy sa buhay kaysa paglaruan ang mga bagay-bagay sa Antique Street?”Isang babae na nagbebenta ng pekeng tansong barya ay sinabi nang nakangiti, “Zachary, maaari bang nagkamali ka nang ilang beses at pinaalis ka ni Don Albert?”Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang kaswal, “Huwag mo nang banggitin ang mga bagay na ito. Balak kong bumalik dito at itayo ulit ang stall ko.”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya sa lalaki na naunang bumati sa kanya at sinabi, “Landon Diggor, pinahiram ko sayo ang orihinal na stall ko nang libre pagkatapos kong umalis dati. Dahil bumalik na ako ngayon, dapat mong ibalik ang posisyon na iyon sa akin.”Kinaway agad ng lalaking nagngangalang Landon ang kanyang kamay at sinabi, “Hindi, hindi, hindi ko iyon magagawa. Zachary, pagkatapos mong umalis, sinabi mo na hindi ka na babalik sa Antique Street, kaya binigay mo ang stall na iyon sa akin. Dapa
Hinukay ni Zachary ang tatlong mahiwagang instrumento na binigay ni Charlie sa kanya mula sa mabahong lupa sa tabi ng palikuran gamit ang isang pala sa kanyang kamay.Ang tatlong mahiwagang instrumento na ito ay nilibing nang magkakasama kasama ang nabubulok at mabahong laman loob ng baboy. Mayroong masangsang na amoy sa sandaling hinukay ang mga mahiwagang instrumento.Pinisil ni Zachary ang kanyang ilong at kinuha ang tatlong mahiwagang instrumento mula sa lupa, pagkatapos ay maingat na tinanggal ang dumi sa paligid ng mga mahiwagang instrumento gamit ang isang malambot ng brotsa at pinunasan sila nang maingat gamit ang isang tuyong tuwalya. Pagkatapos ay nilagay niya ang mga mahiwagang instrumento sa ilalim ng ilong niya at inamoy sila nang masigasig.Sa sandaling ito, kumupas na ang malansang amoy ng dugo. Ayon sa dating karanasan ni Zachary sa pagbebenta ng mga antique, ang amoy na ito ay sobrang lapit na sa amoy ng isang bagong jade na hinukay mula sa mga bagong libingan.Ang
Pagkatapos magsalita ni Merlin, si Keith, na may malaking progreso sa kondisyon niya sa nakaraang ilang araw at unti-unting bumabalik ang memorya, ay biglang sinabi nang may seryosong ekspresyon, “Tama si Merlin! Dati ay masyadong madali nating tinatanggihan ang lahat ayon sa kutob natin. Iyon ang dahilan kung bakit hindi natin nahanap si Charlie kahit maraming taon na ang lumipas! Minsan, kapag ginagawa natin ang mga bagay-bagay, kailangan nating maghandang labanan ang sarili nating kutob!”Tumango si Christian at sinabi, “Pagkatapos ng aksidente ng ate ko, naghanap tayo saglit sa Aurous Hill pero hindi natin nahanap si Charlie. Ang naging kutob natin sa sandaling iyon ay baka umalis si Charlie sa Aurous Hill. Simula noon, palagi nating hinahanap si Charlie sa labas ng Aurous Hill, pero walang naging resulta sa dalawampung taon na paghahanap. Marahil ay hindi umalis si Charlie sa Aurous Hill sa una pa lang!”Nanahimik saglit si Kaeden at biglang tumingala at kumunot ang noo habang s
Tinanong nang nagmamadali ni Kaeden, “Anong sinabi ni Miss Jasmine?”Sumagot si Christian, “Hindi niya ako binigyan ng malinaw na sagot. Sinabi niya na gusto niya itong pag-isipan. Sa tingin ko ay gusto niya muna itong i-report sa benefactor natin at hingin ang opinyon niya.”Sinampal ni Kaeden ang mga hita niya at sinabi, “Oh, Christian! Kalahating oras siguro ang biyahe mo pabalik dito. Sumagot na ba si Miss Jasmine?”Sinabi ni Christian, “Hindi pa.”Medyo nabigo si Kaeden at bumuntong hininga habang sinabi, “Mukhang wala siguro sa Aurous Hill ang benefactor natin…”Tumango si Christian at sinabi, “Gano’n din ang naiisip ko. Kung matatagalan siyang sumagot, sa tingin ko ay mataas ang posibilidad na wala sa Aurous Hill ang benefactor natin.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Christian, “Habang kausap ko si Miss Jasmine, binanggit niya rin na umalis sa Aurous Hill ang benefactor natin. Iniisip ko kung patuloy bang nanatili sa ibang bansa ang benefactor natin pagkatapos ng nangyari sa