Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Eliam, “Bukod dito, hindi kailanman naisip ng ama ko na umalis sa Qing Eliminating Society. Nakita niya lang ang mensahe ko at gusto niya akong kontakin. Bukod dito, wala siyang ginawa na kahit ano para biguin ang Qing Eliminating Society, kaya palaging sobrang ligtas siya.”Tinanong siya ni Charlie, “Ang dahilan ba kung bakit ayaw umalis ng iyong ama sa Qing Eliminating Society ay dahil tapat na tagasuporta siya ng Qing Eliminating Society, o dahil pinupuwersa siya ng lason ng Qing Eliminating Society?”Sinabi ni Eliam, “Ang pangunahing dahilan ay ang lason at ang nakababatang kapatid na lalaki at kapatid na babae ko. Walang lunas sa lason, kaya basta’t aalis ang kahit sino sa Qing Eliminating Society at hindi makakakuha ng supply gamot, siguradong mamamatay siya sa loob ng kalahating buwan. Bukod dito, ayon sa karaniwang gawi ng Qing Eliminating Society, papatayin ng Qing Eliminating Society ang mga nakababatang kapatid ko kung pagtataksilan n
Nilagay ni Charlie nang hindi namamalayan ang kanyang kamay sa kanyang bulsa sa sandaling ito. Hindi niya pa rin alam kung ano ang gamit ng singsing na binigay sa kanya ni Vera, pero palagi niya itong itinatabi malapit sa kanya dahil natatakot siya nam ay mangyari dito o mawawala niya ito.Ang dahilan kung bakit pinapahalagahan nang sobra ni Charlie ang singsing na ito ay hindi dahil mahalaga ito, ngunit dahil nag-invest siya ng maraming Reiki dito. Kung magiging puwersa ang Reiki na iyon, katumbas ito ng pagtatrabaho nang sobra para sa singsing na ito ng tatlong taon at may utang ito na sahod nang hindi nagbabayad ng kahit piso.Kaya, hindi kaya ni Charlie na patakasin ang bagay na ito sa kontrol niya.Medyo gumaan ang pakiramdam ni Charlie pagkatapos kumpirmahin na nasa bulsa niya pa rin ang singsing, at hindi niya mapigilang isipin ang babaeng nagngangalang Vera.Hindi niya maisip kung ano ang espesyal sa singsing na ito at ng babaeng iyon sa punto na pinapahalagahan sila nang s
Ngumiti nang bahagya si Eliam at sinabi, “Parang kapatid ko na ang ama mo, kaya hindi mo kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Huwag kang mag-alangan na tawagan ako kung kailangan mo ang tulong ko sa kahit ano sa hinaharap.”Pagkasabi nito, nilabas niya ang business card niya at binigay ito kay Charlie.Tinanggap ni Charlie ang business card gamit ang dalawang kamay at sinabi, “Salamat, Uncle Eliam!”Ngumiti si Eliam at kinaway ang kanyang kamay, pagkatapos ay tiningnan ang oras at sinabi, “Charlie, maggagabi na, at kailangan ko pang bumalik sa Eastcliff. Tatapusin natin ang usapan dito ngayong araw, pero sisiguraduhin ko na ipapaalam ko agad sayo kung may balita sa hinaharap.”Yumuko nang bahagya si Charlie at sinabi, “Salamat, Uncle Eliam. Ipapaalam ko rin agad sayosa sandaling may kahit anong balita.”Tumango si Eliam at sinabi nang seryoso, “Tawagan mo ako kung pupunta ka sa Eastcliff kapag libre ka.”“Okay!”***Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Eliam, pinabalik ni C
Hindi mapigilang mag-alala ni Charlie nang maisip niya ito. May kasiguraduhan at kumpiyansa pa rin siya na kaya niyang talunin ang isa sa mga great earl mula sa Qing Eliminating Society, pero natatakot siya na wala siyang tsansang manalo kung dalawang great earl ang lilitaw sa harap niya sa parehong oras.Bukod dito, kumpiyansa si Charlie na kaya niya silang talunin kung wala silang paghahanda at umatake sila sa Aurous Hill. Pero kung lilitaw ang four great earl mula sa Qing Eliminating Society sa harap ng Ten Thousand Armies o base ng mga dead soldier sa Cyprus, walang pagkakataon na manalo si Porter o kahit ang master niya, si Pilos, laban sa kanila.Marahil ay direkta pa silang putulan ng ulo ng kabila!Bukod dito, alam ni Charlie na ang grupo ng mga Armed Calvary Guards na humuli kay Vera sa una pa lang ay ipinadala sa base ng mga dead soldier sa Cyprus. Kung guston maghanap ng mga bakas ng Qing Eliminating Society tungkol sa kanya, sa dalawang direksyon lang ito hahantong. Ang
Nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Porter na nasa Syria. Nang kumonekta ang tawag, tinanong nang magalang ni Porter, “Mr. Wade, ano ang mga utos mo para sa akin?”Tinanong siya ni Charlie, “Porter, kaya mo bang kunin ang mga pinakamalakas na life detection system kasama na pero hindi limitado sa military-grade life detection radar, infrared, at thermal imaging equipment?”Sinabi ni Porter, “Mr. Wade, ang infrared detection equipment at thermal imaging equipment ay mga pamantayang gamit para sa lahat ng espesyal na sundalo sa Ten Thousand Armies. Para naman sa life detection system, medyo pangkalahatan ito, kaya iniisip ko kung ano ang karaniwang pangangailangan mo para sa system na ito?”Ipinaliwanag ni Charlie, “Wala rin akong masyadong alam sa military equipment, pero gusto kong tulungan mo ako na magawa nito ang isang tungkulin.”Sumagot agad si Porter, “Pakisabi lang, Mr. Wade, at tatandaan ko muna ito.”Sinabi ni Charlie, “Una sa lahat, gusto ko ng isang
Hindi natatakot si Charlie sa four great earls ng Qing Eliminating Society. Nag-aalala siya na ang Syria at Cyprus, ang dalawang lugar na hindi niya mabantayan dahil malayo ito, ay biglang aatakhin ng mga taong ito balang araw. Lalo na ang Cyprus.Ang mga kapalaran ng mga dead soldier na iyon at Armed Calvary Guards pati na rin ang mga pamilya nila ay isa nang trahedya, kaya kung may madidiskubreng kakaiba ang four great earls na iyon, siguradong magkakaroon sila ng isang kalunos-lunos na sakuna.Kaya, kailangan ni Charlie na maghanda nang maaga si Porter, lalo na para sa Cyprus. Kung susundan ng kalaban ang kilos ni Vera, siguradong ang Cyprus ang destinasyon na hindi nila kakalimutang puntahan. Ang layunin ni Charlie ay samantalahin ni Porter ang oras para lagyan ng mga close-defense missile ang Cyprus para maatake nila nang lubusan ang kabila at pasabugin siya sa sandaling kumatok siya sa pinto nila. Pagkatapos ay gagawin nila ang dating plano na pabagsakin ang base, tulad ng p
Naintindihan din ni Porter ang plano ni Charlie, kaya sinabi niya agad, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade, maghahanap ako ng paraan para bilhin agad ang mga close-defense missile at bubuwagin ang mga close-defense missile at ipapadala sila sa copper mine para doon ulit buuin.”Narinig ni Charlie ang mahalagang punto sa mga salita niya at sinabi niya, “Porter, ang posibleng bakas lang sa buong plano ay ang mga close-defense missile! Kahit na sirain natin ang buong copper mine, imposible na maglaho ang mga bakas sa copper mine. Sa sandaling pinaputok ang mga close-defense missile, kailangan natin umatras nang mabilis. Natatakot ako na walang sapat na oras para sa inyo na tanggalin ang mga close-defense missile. Bukod dito, walang saysay kahit na may oras para tanggalin ang mga close-defense missile dahil imposible na linisin ang mga natirang daang-daang shell na pinaputok sa isang segundo. Kaya, kung mag-iimbestiga ang cleaning committee para sa Qing Eliminating Society, siguradong malala
Pagkatapos marinig ang mga utos ni Charlie, sinabi ni Porter nang walang pag-aatubili, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para ayusin ito bago dumating ang kabila. Pagdating ng oras, pupunta mismo ako sa copper mine para pamahalaan ito at siguraduhin na wala na siyang pagkakataon na makabalik!”Sinabi ni Charlie, “Okay. Siya nga pala, Porter, may isa pa akong utos para sayo. Dahil malapit nang gawin ang plano na pabagsakin ang base, payo ko na mas mabuting maaga na nating palikasin ang mga tao.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Charlie, “Sa sandaling magduda ang kabila na may mali sa base na ito o gustong pumunta sa base na ito para maghanap ng mga bakas, gagamitin lang nila ang lupa bilang pasukan. Magpapaputok tayo at papatyin siya sa unang pagkakataon, kaya hindi na kailangan ng mga dead soldier at ng mga pamilya nila na manatili sa underground.”“Payo ko na maghanda ka ng isang cargo ship ngayon at ilikas ang lahat ng dead soldier at ang p
Kahit na mahigpit ang hiling ni Zachary, sumang-ayon nang sabay ang dalawang lalaki nang maisip nila ang malaking kita.Direkta si Zachary at nagpadala ng 30 thousand dollars sa kanilang dalawa gamit ang QR pay habang sinabi, “Tratuhin niyo ang pera na ito bilang maagang bayad ko para sa sampung araw na labor fee niyo. Kung maglalakas-loob kayong maging tamad sa sampung araw na iyon, huwag niyo akong sisihin sa pagiging walang awa!”Tinapik ni Landon ang kanyang dibdib nang walang pag-aatubili at nangako, “Huwag kang mag-alala, Mr. Zachary. Magsusuot pa ako ng adult diaper para bantayan nang mga paparating na tao para sayo dahil direkta ka! Mas gugustuhin kong maihi sa pantalon ko kaysa umalis sa puwesto ko!”Ipinahayag din agad ni Terry ang posisyon niya habang sinabi, “Makasisiguro ka, Mr. Zachary. Hinding-hindi kita bibiguin kahit na hindi ako kumain o uminom ng buong araw!”“Okay.” Tumango si Zachary, pagkatapos ay nilabas ang dalawang jade ring mula sa kanyang bulsa at binigay
Si Landon, na nasa gilid, ay sinabi rin nang nagmamadali, “Mr. Zachary, kunin mo rin ako! Wala akong ibang kalamangan bukod sa pagiging masunurin! Siguradong susundin ko ang mga utos mo at gagawin ko ang kahit anong ipagawa mo basta’t maisasamo mo ako!”Ipinahayag din ng ibang tao ang katapatan nila kay Zachary. Sa opinyon nila, dahil handa si Zachary na isuko ang posisyon niya bilang katiwala ni Don Albert, pinapatunayan nito na siguradong nakahanap siya ng mas magandang paraan para kumita ng pera. Binanggit din ni Zachary na ang bagong daan na ito para kumita ng pera ay may mga kinalaman sa antique, kaya hindi lang magaling si Zachary dito, ngunit pamilyar din ang lahat dito. Kaya, gustong makihati ng lahat kay Zachary.Sinabi nang kalmado ni Zachary sa sandaling ito, “Kayong lahat, kababalik ko lang sa Antique Street at hindi ko pa naaayos nang ganap ang bagong negosyo. Hindi ako makakagamit ng maraming tao sa unang yugto nito, kaya kukunin ko muna sina Landon at Terry para simula
“Tama. Zachary, hindi ba’t mas mabuti para sayo na magtrabaho at sundan si Don Albert para mag-enjoy sa buhay kaysa paglaruan ang mga bagay-bagay sa Antique Street?”Isang babae na nagbebenta ng pekeng tansong barya ay sinabi nang nakangiti, “Zachary, maaari bang nagkamali ka nang ilang beses at pinaalis ka ni Don Albert?”Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang kaswal, “Huwag mo nang banggitin ang mga bagay na ito. Balak kong bumalik dito at itayo ulit ang stall ko.”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya sa lalaki na naunang bumati sa kanya at sinabi, “Landon Diggor, pinahiram ko sayo ang orihinal na stall ko nang libre pagkatapos kong umalis dati. Dahil bumalik na ako ngayon, dapat mong ibalik ang posisyon na iyon sa akin.”Kinaway agad ng lalaking nagngangalang Landon ang kanyang kamay at sinabi, “Hindi, hindi, hindi ko iyon magagawa. Zachary, pagkatapos mong umalis, sinabi mo na hindi ka na babalik sa Antique Street, kaya binigay mo ang stall na iyon sa akin. Dapa
Hinukay ni Zachary ang tatlong mahiwagang instrumento na binigay ni Charlie sa kanya mula sa mabahong lupa sa tabi ng palikuran gamit ang isang pala sa kanyang kamay.Ang tatlong mahiwagang instrumento na ito ay nilibing nang magkakasama kasama ang nabubulok at mabahong laman loob ng baboy. Mayroong masangsang na amoy sa sandaling hinukay ang mga mahiwagang instrumento.Pinisil ni Zachary ang kanyang ilong at kinuha ang tatlong mahiwagang instrumento mula sa lupa, pagkatapos ay maingat na tinanggal ang dumi sa paligid ng mga mahiwagang instrumento gamit ang isang malambot ng brotsa at pinunasan sila nang maingat gamit ang isang tuyong tuwalya. Pagkatapos ay nilagay niya ang mga mahiwagang instrumento sa ilalim ng ilong niya at inamoy sila nang masigasig.Sa sandaling ito, kumupas na ang malansang amoy ng dugo. Ayon sa dating karanasan ni Zachary sa pagbebenta ng mga antique, ang amoy na ito ay sobrang lapit na sa amoy ng isang bagong jade na hinukay mula sa mga bagong libingan.Ang
Pagkatapos magsalita ni Merlin, si Keith, na may malaking progreso sa kondisyon niya sa nakaraang ilang araw at unti-unting bumabalik ang memorya, ay biglang sinabi nang may seryosong ekspresyon, “Tama si Merlin! Dati ay masyadong madali nating tinatanggihan ang lahat ayon sa kutob natin. Iyon ang dahilan kung bakit hindi natin nahanap si Charlie kahit maraming taon na ang lumipas! Minsan, kapag ginagawa natin ang mga bagay-bagay, kailangan nating maghandang labanan ang sarili nating kutob!”Tumango si Christian at sinabi, “Pagkatapos ng aksidente ng ate ko, naghanap tayo saglit sa Aurous Hill pero hindi natin nahanap si Charlie. Ang naging kutob natin sa sandaling iyon ay baka umalis si Charlie sa Aurous Hill. Simula noon, palagi nating hinahanap si Charlie sa labas ng Aurous Hill, pero walang naging resulta sa dalawampung taon na paghahanap. Marahil ay hindi umalis si Charlie sa Aurous Hill sa una pa lang!”Nanahimik saglit si Kaeden at biglang tumingala at kumunot ang noo habang s
Tinanong nang nagmamadali ni Kaeden, “Anong sinabi ni Miss Jasmine?”Sumagot si Christian, “Hindi niya ako binigyan ng malinaw na sagot. Sinabi niya na gusto niya itong pag-isipan. Sa tingin ko ay gusto niya muna itong i-report sa benefactor natin at hingin ang opinyon niya.”Sinampal ni Kaeden ang mga hita niya at sinabi, “Oh, Christian! Kalahating oras siguro ang biyahe mo pabalik dito. Sumagot na ba si Miss Jasmine?”Sinabi ni Christian, “Hindi pa.”Medyo nabigo si Kaeden at bumuntong hininga habang sinabi, “Mukhang wala siguro sa Aurous Hill ang benefactor natin…”Tumango si Christian at sinabi, “Gano’n din ang naiisip ko. Kung matatagalan siyang sumagot, sa tingin ko ay mataas ang posibilidad na wala sa Aurous Hill ang benefactor natin.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Christian, “Habang kausap ko si Miss Jasmine, binanggit niya rin na umalis sa Aurous Hill ang benefactor natin. Iniisip ko kung patuloy bang nanatili sa ibang bansa ang benefactor natin pagkatapos ng nangyari sa
Patuloy na naghintay si Christian ng tawag mula sa assistant ni Jasmine habang pabalik siya sa Willow Manor. Alam niya na sobrang tapat ng mga kondisyon na inalok niya kay Jasmine ngayong araw, at siguradong hihingi ng utos si Jasmine sa benefactor niya bago siya bigyan ng malinaw na sagot.Pero, hindi niya alam kung nasaan ba ang benefactor niya sa ngayon. Hindi niya alam kung nasa Aurous Hill ba siya o Oskia.Kaya, hula ni Christian na kung nasa Oskia o kahit Aurous Hill ang benefactor niya, siguradong tatawagan siya ni Jasmine sa lalong madaling panahon at ire-report ito sa kanya. Pagkatapos ay kukuha ng tao si Jasmine para sagutin siya nang mabilis kung papayag ba siya sa mga kondisyon siya.Kung mabilis na darating ang sagot, marahil ay nasa Aurous Hill ang benefactor niya.Pero, hindi pa rin sumagot si Jasmine kay Christian kahit pagkatapos niyang dumating sa Willow Manor. Nang nakauwi siya, agad itinigil ng mga miyembro ng pamilya Acker ang mga ginagawa nila at lumapit sa ka
Hinatid ni Jasmine si Christian papunta sa pinto ng kanyang opisina at pagkatapos ay sinabihan ang assistant niya na ihatid si Christian pababa habang bumalik siya sa opisina at tinawagan si Charlie.Inulat ni Jasmine ang lahat ng binanggit ni Christian kay Charlie sa tawag. Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Jasmine, hindi mapigilang ngumiti ni Charlie at sabihin, “Mukhang medyo tapat nga ang tito ko. Kung magagawa ang kolaborasyon sa pagitan ng Moore Group at mga Acker, marahil ay dumoble o tumaas pa nang sobra ang market value ng Moore Group sa loob ng susunod na taon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Charlie, “Bukod dito, ang mga ideya ng tito ko sa pag-unlad ng healthcare sa Aurous Hill ay halos katulad ng dati kong plano. Sa kasalukuyang abilidad ko, kung gusto kong tulungan ang Aurous Hill na pataasin ang impluwensya nito sa ibang bansa at akitin ang mas maraming kapital, ang pinakamagandang paraan ay ang healthcare. Kung magagawa ito nang maayos, marahil ay abutin ng ilang tao
Sa normal na sitwasyon, mahirap para sa iba na magkaroon ng pagkakataon na makakuha ng share sa kahit anong proyekto na ginagawa ng mga Acker kahit na magmadali silang bumili ng mga shares gamit ang pera.Bukod dito, kahit na ang ilang proyekto ng mga Acker ay bukas sa mga panlabas na investment, hindi lahat ay makakakuha ng investment share. Noon pa man ay mahigpit na ang mga Acker sa pagpili ng mga business partner nila, at hindi makakapag-invest ang isang tao kahit na may pera sila, basta’t hindi pasok ang asset ng mga taong iyon sa pamantayan.Bukod dito, kung gustong mag-invest ng mga tagalabas sa mga proyekto ng mga Acker, katumbas ito sa pag-iinvest sa isang wealth management fund. Kahit na makuha nila ang pagkakataon, kailangan nilang magbayad ng tiyak na porsyento ng management fee sa mga Acker, na ang trader, at ang management fee na ito ay dapat umabot ng 25 percent sa pinakamababa.Kung isa itong proyekto na may halagang 10 billion US dollars at inalok ng mga Acker ang 4