Pagkatapos marinig ang mga utos ni Charlie, sinabi ni Porter nang walang pag-aatubili, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para ayusin ito bago dumating ang kabila. Pagdating ng oras, pupunta mismo ako sa copper mine para pamahalaan ito at siguraduhin na wala na siyang pagkakataon na makabalik!”Sinabi ni Charlie, “Okay. Siya nga pala, Porter, may isa pa akong utos para sayo. Dahil malapit nang gawin ang plano na pabagsakin ang base, payo ko na mas mabuting maaga na nating palikasin ang mga tao.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Charlie, “Sa sandaling magduda ang kabila na may mali sa base na ito o gustong pumunta sa base na ito para maghanap ng mga bakas, gagamitin lang nila ang lupa bilang pasukan. Magpapaputok tayo at papatyin siya sa unang pagkakataon, kaya hindi na kailangan ng mga dead soldier at ng mga pamilya nila na manatili sa underground.”“Payo ko na maghanda ka ng isang cargo ship ngayon at ilikas ang lahat ng dead soldier at ang p
Pagkasabi nito, bumuntong hininga siya at idinagdag, “Ah, Mr. Jothurn, may dalawang daan tayo na pwedeng kunin. Pwede natin imbestigahan kung paano umalis si Vera sa Northern Europe o alamin kung paano naglaho ang mga Armed Calvary Guard na ipinadala natin sa Northern Europe. Magiging mapagbigay ako at hahayaan kitang pumili sa dalawang daan na ito.”Ang lalaking nasa driver’s seat ay si Mr. Jothurn, isa sa four great earls ng Qing Eliminating Society. Ang pangalan niya ay Brody Orlen.Hinimas ni Brody ang manibela, tinikom ang mga labi niya, at sinabi, “Mga babaeng muna. Hahayaan muna kitang pumili, Miss Dijo!”Pagkatapos nito, hindi niya mapigilang tuksuhin, “Miss Dijo, huwag mo akong kalimutan kung magiging Marchioness Dijo ka o Lady Excellence Dijo sa hinaharap!”Ang babaeng nasa passenger seat ay si Ruby Chain, na kilala rin bilang Miss Dijo, isa sa four great earls.Kahit na babae si Ruby, sobrang lakas niya at lumaban para sa British Lord sa mga unang taon nito. Kaya, itina
Alam ni Ruby ang layunin ni Brody. Palagi niyang sinasabi ang mga bagay tulad ng ‘Mga babae muna’ sa harap niya para magmukha siyang maginoo, pero ayaw niya talaga malugi.Masyadong tamad si Ruby para mag-abala sa kanya at ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa kanya. Hahayaan niyang imbestigahan niya ang Armed Calvary Guards dahil gusto niya itong gawin. Dahil hindi siya nag-aabala na makakuha ng karangalan, mas mabuti na samantalahin niya ang pagkakataon an ito para maglakbay at maranasan ang buhay.Kaya, sinabi niya kay Brody, “Mr. Jothurn, dahil pinili mo nang imbestigahan ang Armed Calvary Guards, maghiwalay na tayo dito. Swertehin ka sana.” Pagkasabi nito, binuksan niya ang pinto ng kotse at lumabas sa kotse.Sinabi nang nagmamadali ni Brody, “Miss Dijo, walang mga nayon o tindahan dito, kaya bakit ka lumabas sa kotse? Bakit hindi tayo pumunta sa Bergen nang magkasama? Pupunta ako sa Bergen Airport para maghanap ng mga bakas, at pwede kang pumunta sa port para maghanap ng m
Nagsimualng lumikas nang tahimik ang mga dead soldier at ang mga pamilya nila mula sa copper mine sa Cyprus. Isa-isa silang sumakay sa mga speed boat papunta sa karagatan kung saan hinihintay sila ng inayos na cargo ship.Sa unti-unting paglikas ng mga dead solder, sinimulan ng blasting team ang plano na pabagsakin ang base at nagsimulang suriin ang lahat ng blasting point sa buong copper mine.Simula noong inalok ni Charlie ang plano na pabagsakin ang base, gumawa sila ng maraming blasting point dito, at ang bawat blasting point ay kinalkula nang maingat. Sa sandaling binigay ang utos, lalagyan nila ng mga bomba ang mga blasting point na ito para pasabugin ang buong underground copper mine sa isang iglap.Dahil sa mga pagbabago na ginawa sa copper mine pra sa mga dead soldier, ang panloob na espasyo nito ay mas malaki kumpara sa isang ordinaryong copper mine. Kaya, kapag pinasabog ang ibaba ng copper mine, guguho ang buong lupa, at ang lalim ng pagguho nito ay nasa dose-dosenang me
Kahit na may mga nangyayaring lihim na kilos sa Middle East, kalmado pa rin ang lahat sa Aurous Hill.Pagkatapos ng kasal nina Sheldon at Yashita, isa-isang umalis ang mga bisita mula sa pamilya Schulz na pumunta sa kasal nila.Bumalik nang nag-aalangan si Lord Schulz sa Madagascar, at naghanda na rin si Jaime na bumalik sa southwest para ipagpatuloy ang peregrinasyon niya.Dahil nagpasya si Sheldon na tumira sa Aurous Hill, pansamantala pa rin siyang nakatira sa villa ng pamilya Harker pagkatapos ikasal. Sa parehong oras, dahil naibalik na ang kalayaan niya, nagsimula na rin siyang maghanap ng isang angkop na bahay sa Aurous Hill kasama si Yashita.Hindi umalis si Vera sa courtyard sa Scarlet Pinnacle Manor. Ginugol niya ang karamihan ng oras niya sa pagpipinta bukod sa pagkain, pag-inom ng tsaa, at pagbabasa ng mga libro.Nilagay sa sala ng first floor ang kahoy na lamesa na pinabili niya kay Madam Marilyn para pintahan. Nagkaroon na ng hugis ang isang painting na nasa tatlo at
“Walang hindi ligtas tungkol dito.” Sinabi nang seryoso ni Vera, “Wala silang magagawa. Kahit na mag-isip sila ng isang buong taon, imposible para sa kanila na isipina na pagkatapos nila akong muntik mahuli, pupunta ako sa Aurous Hill para mag-aral sa isang unibersidad sa halip na maghanap ng tagong lokasyon para magtago. Nakakasorpresa ito nang sobra para sa kanila.”Bumuntong hininga si Mr. Raven at sinabi nang magalang, “Miss, patawarin mo sana ako kung lampas na ako sa limitasyon ko. Magandang ideya talaga na magtago ka sa Scarlet Pinnacle Manor, pero maraming tao kang makikita kung pupunta ka sa university. Kahit na mga estudyante sila, mapanganib pa rin basta’t nagpapakita ka!”Tumango si Vera at sinabi, “Naiintindihan ko ang dahilan mo, pero wala na akong ibang paraan ngayon. Pantasya lang talaga para sa akin na labanan ang Qing Eliminating Society sa resources at lakas na kaya kong tipunin ngayon. Ayokong magtago sa buong buhay ko, kaya ang pagkakataon ko lang para baguhin an
Nanigas ang katawan ni Caden sa kaba nang marinig niya ang boses ni Charlie. Umabante siya para batiin si Charlie nang makita niya siyang pumasok at lumuhod sa layo ng dalawa o tatlong metro mula kay Charlie habang sinabi nang nagpapasalamat, “Salamat sa suporta mo, Master Wade!”Pagkatapos makatanggap ng pill kay Charlie, tagumpay na nakapasok si Caden sa Great Perfection Realm ng Illuminating Realm na matagal na niyang pinapangarap pagkatapos ng maikling pagsasanay.Nang lumuhod si Caden sa harap ni Charlie, kinuha nito ang atensyon ng maraming pasyente na nandoon para makita ang doktor. Iniisip nila kung bakit lumuluhod ang matandang lalaki sa isang binata.Umiling nang walang magawa si Charlie, umabante, at tinulungan si Caden na tumayo habang binulong, “Huwag mo akong tawaging Master Wade o lumuhod sa harap ko sa harap ng mga tagalabas sa hinaharap.”Inisip ni Caden na nagiging magalang si Charlie sa kanya, kaya sinabi niya nang nagmamadali, “Master Wade, nagpakita ka ng malak
Sinabi nang walang bahala ni Charlie, “Tingnan mo ang sarili mo sa salamin. Abot tainga ang ngiti mo.”Nagmamadaling binaba ni Caden ang salamin sa tabi niya at nakita na nakangiti nga siya nang masamang-masama. Mabilis niyang pinigilan ang ngiti niya at sinabi nang hindi akma, “Pasensya na, Master Wade. Nawalan ako ng kontrol…” Pagkatapos itong sabihin, para tanggalin ang hiya niya, tinanong niya nang mabilis, “Master Wade, saan mo ako dadalhin?”Sinabi ni Charlie, “Dadalhin kita para tingnan ang lugar kung saan ka magtatrabaho sa hinaharap.”“Lugar kung saan ako magtatrabaho?” Nasorpresa si Caden at tinanong nang hindi nag-iisip, “Anong klaseng trabaho ang mayroon ka para sa akin, Master Wade?”Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Magtatrabaho ka bilang isang tainer sa Aurous Hill sa mga susunod na panahon. May lugar na ako, at magpapadala ako ng isang batch ng mga estudyante sayo sa loob ng ilang araw. Ikaw ang magiging responsable sa pagtulong sa akin sa pagtuturo ng martial arts sa
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni