Walang masabi ulit si Caden. Sinabi ni Charlie, “Bakit hindi mo isulat ang martial arts mental cultivation method ng Taoist Sect at ipakita ito sa akin, at makikita ko sa isang tingin kung kumpleto ba ito o hindi.”Namutla ang mukha ni Caden, at nalungkot siya habang sinabi, “Master Wade, sabihin mo lang kung gusto mo ang martial arts mental cultivation method ng Taoist Sect, at isusulat ko ito agad para sayo. Hindi mo na ako kailangan lokohin na parang isang bata…”Habang nagsasalita siya, ipinaliwanag niya nang tapat, “Hindi ako nag-aalangan na ibahagi sayo ang martial arts mental cultivation method namin. Nag-aalala lang ako na hindi ko mahaharap ang mga ninuno ko sa hinaharap kung kakalat sa mga tagalabas ang martial arts mental cultivation method sa hinaharap…”Suminghal si Charlie at sinabi, “Sinasabi mo na tapat ka sa akin pero namimiss mo pa rin ang mga ninuno mo. Hipokrito ka talaga!”Mabilis na kinaway ni Caden ang kanyang kamay at sinabi, “Master Wade, mali ang pagkakain
Nang marinig ito ni Caden, nabigla siya nang kaunti at ngumisi habang sinabi, “Master Wade, magaling ka talagang magbiro. Kahit na mas mababa nang sobra ang lakas ko kumpara sayo, naabot ko na ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm dahil sa biyaya mo…”Nagpanggap si Charlie na nasorpresa siya at tinanong, “Gano’n ba? Bakit hindi ko nakikita na nakapasok ka na sa Great Perfection Realm ng Illuminating Realm?”Ngumiti si Caden at sinabi, “Makakalimutin ka talaga, Master Wade. Nakalimutan mo na ba binigyan mo ako ng isang pill?”Tumango si Charlie at sinabi, “Naaalala ko na binigyan kita ng isang pill, pero naabot mo ba ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm?”Hindi naintindihan ni Caden ang mga sinabi ni Charlie at medyo nangamba siya. Tinanong niya lang, “Master Wade, galit… galit ka ba sa akin? Sa totoo lang, handa akong manatili dito sa tabi mo kung ayaw mo akong pabalikin sa United States…”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Hindi, Master Howton, mali ang pagka
Sinabi nang napakaseryoso ni Charlie, “Master Howton, mali ata ang pagkakaintindi mo sa akin. Hindi ko talaga pinababa ang cultivation level mo.” Pagkasabi nito, sadyang nagpanggap si Charlie na parang may naalala siya, sinampal ang kanyang noo, at sinabi, “Pasensya na, Master Howton. Marahil ay ang problema ay nasa kotse ko. May espesyal na gamit ang kotse ko. Unti-unting isasara ng kotse na ito ang mga meridian ng pasahero sa passenger seat, at bababa nang bababa ang cultivation level ng pasahero. Kaya, payo ko na lumabas ka nang mabilis sa kotse para hindi na bumaba pa ang cultivation level mo.”Malapit na talagang umiyak si Caden. Sobrang pangit ng ekspresyon niya habang nagmakaawa, “Master Wade, huwag mo na sana akong asarin. Hindi ako tatlong taong gulang na bata, kaya paano ako maniniwala sa ganitong kalokohan?”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Hindi ka talaga naniniwala sa akin?”Tumango nang desperado si Caden at sinabi, “Hindi talaga ako naniniwala dito!”Ngumiti nang b
Nang makita ni Caden na paalis na si Charlie, nagmakaawa siya nang hindi namamalayan, “Master Wade, huwag kang magmadaling umalis! Master Wade, alam ko na ngayon na mali ako. Bigyan mo sana ako ng isa pang pagkakataon para makabawi ang pagkakamali ko!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Tingnan mo ang sinasabi mo! Anong mali sa pagsunod sa utos ng mga ninuno mo? Huwag mong itanggi ang sarili mo o maging mapagmataas. May mga kailangan pa akong gawin, kaya aalis muna ako. Sa susunod na lang tayo mag-usap.”Hindi nangahas is Caden na hayaan si Charlie na umalis nang gano’n lang. Dahil, hindi ba’t mawawala ang apat na meridian niya nang direkta kung aalis talaga si Charlie at hindi niya siya kikilalanin sa hinaharap?! Kaya, binuksan niya na lang ang pinto ng kotse habang sinabi niya nang may luha at sipon sa ilong niya, “Master Wade, hindi madali ang cultivation! Bigyan mo sana ako ng isa pang pagkakataon para sa mabuting ugali ko sa pagsisisi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “P
Hindi alam ni Caden ang kahulugan ng pagsara ni Charlie sa meridian niya. Ang alam niya lang ay hindi siya pwedeng umalis nang desperado. Sa isang tiyak na sandali, naisip niya pa na tawagan ang lola ni Charlie para hilingin sa kanya na lumaban sa ngalan ng hustisya para sa kanya.Pero, pagkatapos itong pag-isipan, pakiramdam niya na hindi talaga dapat siyang gumawa ng padalos-dalos na kilos. Dahil, sinabi na sa kanya ni Charlie na huwag ibunyag ang pagkakakilanlan niya sa kanyang lola. Kung gagalitin ni Caden si Charlie at sadya niyang gagawin ang ganitong krimen, kahit hindi na bangggitin ang apat na meridian, ngunit baka patayin pa siya ni Charlie sa sandaling iyon.Pagkatapos mag-isip nang sobra, si Caden, na malungkot, ay naramdaman na kailangan niyang humanap ng paraan para mahingi ang patawad ni Charlie. Ito lang ang nag-iisang paraan para maibalik ang orihinal na cultivation niya.Naalala niya na sinabi ni Charlie na dadalhin niya siya sa Champ Elys Resort, kaya tumayo siya
Mas lalong naagrabyado si Caden sa pag-aalala at mga tanong ng taxi driver. Kilala siyang tao sa Oskian community sa North America at maraming tao, kasama na ang mga mataas na opisyal at noble, ay hinahangaan at sinasamba siya.Hinding-hindi niya inaakala na aapihin siya ni Charlie sa punto na umiiyak na siya pagkatapos niyang pumunta sa Aurous Hill. Mas lalo siyang nalungkot at naagrabyado sa ganitong uri ng pagkakaiba.Ang pinakananakit sa kanya ay hindi ang mga paghihirap na naranasan niya hanggang ngayon ngunit ang katotohanan na wala siyang magawa kundi sumakay sa taxi nang umiiyak para hanapin si Charlie para humingi ng tawad at magsisi para sa mga kasalanan niya pagkatapos niyang maghirap nang sobra kanina lang.Ito ang bunga at kapalaran kapag ginalit mo ang isang tao na hindi mo dapat galitin. Naintindihan din ni Caden na ang dahilan kung bakit siya pinaparusahan ni Charlie nang ganito ay dahil nagalit si Charlie sa mga maliliit na plano niya.Kung iisipin, sobrang mahalag
Pagkatapos isara ang hot spring resort sa publiko, pinalitan ni Isaac ang mga tao dito ng sarili niyang mga tauhan. Nagpadala rin si Albert ng maraming pinagkakatiwalaan na tauhan niya para bantayan ang lugar na ito para siguraduhin na walang tagalabas ang papasok sa lugar na ito.Ang security guard na kausap ni Charlie ay isa sa mga tauhan ni Albert. Binaba ni Charlie ang bintana ng kotse niya at tinanong nang nakangiti, “Pagmamay-ari ko ang buong resort, kaya hindi ba’t may karapatan akong pumasok?”Dahil binaba lang nang kaunti ni Charlie ang bintana ng kotse sa simula, hindi nakita nang malinaw ng security guard ang mukha ni Charlie. Nang binaba ni Charlie ang bintana ng kotse, nabigla agad siya at sinabi nang nangangamba, “Master Wade, ikaw pala ito! Hindi ko alam na ikaw ang nagmamaneho ng kotse. Pasensya na talaga at hinarangan kita kanina. Patawarin mo sana ako…”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Ayos lang. Ginagawa mo rin ang trabaho mo, at magaling ang ginagawa mo.”Agad
Nang marinig ni Albert ang mga sinabi ni Charlie, tinanong niya habang may nasorpresang ekspresyon, “Hindi natin siya papapasukin? Master Wade, hindi ba’t dinala mo ang trainer dito para maging pamilyar siya sa lugar kung saan siya magtatrabaho? Kung gano’n, bakit hindi mo siya papapasukin? Hindi ko talaga maintindihan…”Humagikgik si Charlie at sinabi nang kaswal, “Medyo ignorante siya, akya dapat maparushan siya sa pagiging ignorante niya. Kung hindi, hindi natin alam kung paano siya kikilos nang hindi angkop sa hinaharap.”Naintindihan agad ito ni Albert at sinabi nang nakangiti, “Naiintindihan ko, Master Wade! Huwag muna natin siya pansinin sa ngayon! Ililibot kita para tingnan muna ang lugar at ipapaalam ko sayo ang ilang ideya ko para sa pag-aayos dito. Ipaalam mo sa akin kung may kahit anong kailangan ka at gustong idagdag, at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para gawin ito.”Tumango si Charlie at sinabi kay Albert, “Tara na!”Samantala, dumating na ang taxi na sinakyan n