Hindi alam ni Caden ang kahulugan ng pagsara ni Charlie sa meridian niya. Ang alam niya lang ay hindi siya pwedeng umalis nang desperado. Sa isang tiyak na sandali, naisip niya pa na tawagan ang lola ni Charlie para hilingin sa kanya na lumaban sa ngalan ng hustisya para sa kanya.Pero, pagkatapos itong pag-isipan, pakiramdam niya na hindi talaga dapat siyang gumawa ng padalos-dalos na kilos. Dahil, sinabi na sa kanya ni Charlie na huwag ibunyag ang pagkakakilanlan niya sa kanyang lola. Kung gagalitin ni Caden si Charlie at sadya niyang gagawin ang ganitong krimen, kahit hindi na bangggitin ang apat na meridian, ngunit baka patayin pa siya ni Charlie sa sandaling iyon.Pagkatapos mag-isip nang sobra, si Caden, na malungkot, ay naramdaman na kailangan niyang humanap ng paraan para mahingi ang patawad ni Charlie. Ito lang ang nag-iisang paraan para maibalik ang orihinal na cultivation niya.Naalala niya na sinabi ni Charlie na dadalhin niya siya sa Champ Elys Resort, kaya tumayo siya
Mas lalong naagrabyado si Caden sa pag-aalala at mga tanong ng taxi driver. Kilala siyang tao sa Oskian community sa North America at maraming tao, kasama na ang mga mataas na opisyal at noble, ay hinahangaan at sinasamba siya.Hinding-hindi niya inaakala na aapihin siya ni Charlie sa punto na umiiyak na siya pagkatapos niyang pumunta sa Aurous Hill. Mas lalo siyang nalungkot at naagrabyado sa ganitong uri ng pagkakaiba.Ang pinakananakit sa kanya ay hindi ang mga paghihirap na naranasan niya hanggang ngayon ngunit ang katotohanan na wala siyang magawa kundi sumakay sa taxi nang umiiyak para hanapin si Charlie para humingi ng tawad at magsisi para sa mga kasalanan niya pagkatapos niyang maghirap nang sobra kanina lang.Ito ang bunga at kapalaran kapag ginalit mo ang isang tao na hindi mo dapat galitin. Naintindihan din ni Caden na ang dahilan kung bakit siya pinaparusahan ni Charlie nang ganito ay dahil nagalit si Charlie sa mga maliliit na plano niya.Kung iisipin, sobrang mahalag
Pagkatapos isara ang hot spring resort sa publiko, pinalitan ni Isaac ang mga tao dito ng sarili niyang mga tauhan. Nagpadala rin si Albert ng maraming pinagkakatiwalaan na tauhan niya para bantayan ang lugar na ito para siguraduhin na walang tagalabas ang papasok sa lugar na ito.Ang security guard na kausap ni Charlie ay isa sa mga tauhan ni Albert. Binaba ni Charlie ang bintana ng kotse niya at tinanong nang nakangiti, “Pagmamay-ari ko ang buong resort, kaya hindi ba’t may karapatan akong pumasok?”Dahil binaba lang nang kaunti ni Charlie ang bintana ng kotse sa simula, hindi nakita nang malinaw ng security guard ang mukha ni Charlie. Nang binaba ni Charlie ang bintana ng kotse, nabigla agad siya at sinabi nang nangangamba, “Master Wade, ikaw pala ito! Hindi ko alam na ikaw ang nagmamaneho ng kotse. Pasensya na talaga at hinarangan kita kanina. Patawarin mo sana ako…”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Ayos lang. Ginagawa mo rin ang trabaho mo, at magaling ang ginagawa mo.”Agad
Nang marinig ni Albert ang mga sinabi ni Charlie, tinanong niya habang may nasorpresang ekspresyon, “Hindi natin siya papapasukin? Master Wade, hindi ba’t dinala mo ang trainer dito para maging pamilyar siya sa lugar kung saan siya magtatrabaho? Kung gano’n, bakit hindi mo siya papapasukin? Hindi ko talaga maintindihan…”Humagikgik si Charlie at sinabi nang kaswal, “Medyo ignorante siya, akya dapat maparushan siya sa pagiging ignorante niya. Kung hindi, hindi natin alam kung paano siya kikilos nang hindi angkop sa hinaharap.”Naintindihan agad ito ni Albert at sinabi nang nakangiti, “Naiintindihan ko, Master Wade! Huwag muna natin siya pansinin sa ngayon! Ililibot kita para tingnan muna ang lugar at ipapaalam ko sayo ang ilang ideya ko para sa pag-aayos dito. Ipaalam mo sa akin kung may kahit anong kailangan ka at gustong idagdag, at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para gawin ito.”Tumango si Charlie at sinabi kay Albert, “Tara na!”Samantala, dumating na ang taxi na sinakyan n
Biglang tumunog ang cellphone niya sa sandaling ito. Kahit na masama ang loob niya, nilabas niya pa rin ang cellphone niya para tingnan ito. Pagkatapos itong tingnan, pakiramdam niya na tila ba mas lumaki ang hinaing niya. Ito ay dahil tawag ito mula sa lola ni Charlie.Tiningnan ni Caden ang pangalan ng tumawag at hindi niya makontrol ang pagtulo ng mga luha niya.Pero, pinigilan niya pa rin ang kagustuhan niyang umiyak, pinindot ito para sagutin, at sinabi sa medyo paos na boses, “Lady Acker…”Tinanong ni Lady Acker sa sorpresa mula sa kabilang linya, “Master Howton, mukhang pagod na pagod ka. May nangyari ba?”Pinunasan ni Caden ang mga luha niya, pilit na ngumiti, at sinabi, “Ayos lang ako, matanda lang ako at may mahinang resistensya, kaya nagkalagnat ako. Marahil ay magiging okay na ako sa loob ng ilang araw.”Gumaan ang pakiramdam ni Lady Acker at sinabi, “Naghahanda na ang mga Acker na umalis para pumunta sa Aurous Hill. Master Howton, gaano katagal ka mananatili sa Aurous
Pagkatapos ay nagmaneho paalis si Charlie, at si Caden, na matagal nang naghihintay sa sangandaan ng kalsada, ay nakita sa malayo na umaandar ang BMW ni Charlie. Kaya, mabilis siyang tumayo at tumakbo papunta sa gilid ng kalsada, pilit na ngumiti, at hinintay na dumating si Charlie.Samantala, nakita rin ni Charlie si Caden mula sa malayo. Sa totoo lang, nahulaan na ni Charlie na pupunta si Caden at siguradong hihintayin niya siya dito.Kaya, nang nagmaneho siya, sadya siyang bumagal, huminto sa tabi ni Caden, binaba ang bintana ng kotse, at sinabi nang nakangiti, “Master Howton, bakit nandito ka? Nandito ka ba para sa mga hot spring?”Nagmamadaling sinabi ni Caden sa mahinang boses, “Master Wade, hinihintay… hinihintay kita dito.”May mapaglarong ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha habang tinanong sa pagka-aliw, “Hinihintay ako? Bilisan mo na dapat at maghanda ka na bumalik sa United States. Bakit hinihintay mo ako dito?”Nagmamadaling nagmakaawa si Caden, “Master Wade, alam k
May tatlong volume at dalawampu’t pitong chapter sa kumpletong bersyon ng Taoist Sect Hanbloom Method na may kabuuan na halos limampung libong salita. Pero, ang sinulat ni Caden sa papel ay mahigit isang libong salita lang, kaya inisip niya na ito lang ang unang chapter ng unang volume.Ang unang chapter sa Taoist Sect Hanbloom Method ay isang kumpletong panimulang paraan na tinuturo sa mga tao kung paano mag-cultivate ng martial arts mula sa simula, kung paano pakiramdaman ang kanilang elixir field at meridian, at kung paano baguhin nang unti-unti ang essential qi nila gamit ang paghinga para unti-unting mabuksan ang mga meridian nila.#Kahit na binigyan ni Charlie si Aurora ng ilang inner family boxing technique tulad ng Four Elephant Palm sa simula, ang ganitong uri ng inner family boxing technique ay kaya lang paangatin ang kakayahan ng martial artist sa pakikipaglaban. Isa itong combat technique at hindi mental cultivation method na kayang pataasin ang cultivation ng isang tao.
Si Caden, na gustong mag-kompromiso, ay nagulantang dahil sa mga sinabi ni Charlie!Nang unang sinabi ni Charlie na hindi kumpleto ang Taoist Sect Hanbloom Method, nagalit nang kaunti si Caden. Dahil, sa libo-libong taon, naniwala ang mga leader ng Taoist Sect na may kumpletong set ng martial arts mental cultivation method ang sect na ito. Proud na proud silang lahat sa abilidad ng sect na magkaroon ng isang kumpletong set ng martial arts mental cultivation method at sobrang taas pa ng tingin nila sa sarili nila dahil dito.Pagkatapos, pagkatapos makinig sa analohiya ni Charlie, bigla niyang napagtanto na hindi nagsasabi ng kalokohan si Charlie! Marahil ay maliit na bahagi lang ng Taoist Sect Hanbloom Method ang nasa Taoist Sect nila tulad ng sinabi ni Charlie.Nang maisip ito, tinanong niya sa sorpresa, “Master Wade, ang dahilan siguro kung bakit mo ito sinabi ay dahil may mas komprehensibong Taoist Sect Hanbloom Method ka sa mga kamay mo, tama?”Humagikgik si Charlie sa aliw at s
Kahit na mahigpit ang hiling ni Zachary, sumang-ayon nang sabay ang dalawang lalaki nang maisip nila ang malaking kita.Direkta si Zachary at nagpadala ng 30 thousand dollars sa kanilang dalawa gamit ang QR pay habang sinabi, “Tratuhin niyo ang pera na ito bilang maagang bayad ko para sa sampung araw na labor fee niyo. Kung maglalakas-loob kayong maging tamad sa sampung araw na iyon, huwag niyo akong sisihin sa pagiging walang awa!”Tinapik ni Landon ang kanyang dibdib nang walang pag-aatubili at nangako, “Huwag kang mag-alala, Mr. Zachary. Magsusuot pa ako ng adult diaper para bantayan nang mga paparating na tao para sayo dahil direkta ka! Mas gugustuhin kong maihi sa pantalon ko kaysa umalis sa puwesto ko!”Ipinahayag din agad ni Terry ang posisyon niya habang sinabi, “Makasisiguro ka, Mr. Zachary. Hinding-hindi kita bibiguin kahit na hindi ako kumain o uminom ng buong araw!”“Okay.” Tumango si Zachary, pagkatapos ay nilabas ang dalawang jade ring mula sa kanyang bulsa at binigay
Si Landon, na nasa gilid, ay sinabi rin nang nagmamadali, “Mr. Zachary, kunin mo rin ako! Wala akong ibang kalamangan bukod sa pagiging masunurin! Siguradong susundin ko ang mga utos mo at gagawin ko ang kahit anong ipagawa mo basta’t maisasamo mo ako!”Ipinahayag din ng ibang tao ang katapatan nila kay Zachary. Sa opinyon nila, dahil handa si Zachary na isuko ang posisyon niya bilang katiwala ni Don Albert, pinapatunayan nito na siguradong nakahanap siya ng mas magandang paraan para kumita ng pera. Binanggit din ni Zachary na ang bagong daan na ito para kumita ng pera ay may mga kinalaman sa antique, kaya hindi lang magaling si Zachary dito, ngunit pamilyar din ang lahat dito. Kaya, gustong makihati ng lahat kay Zachary.Sinabi nang kalmado ni Zachary sa sandaling ito, “Kayong lahat, kababalik ko lang sa Antique Street at hindi ko pa naaayos nang ganap ang bagong negosyo. Hindi ako makakagamit ng maraming tao sa unang yugto nito, kaya kukunin ko muna sina Landon at Terry para simula
“Tama. Zachary, hindi ba’t mas mabuti para sayo na magtrabaho at sundan si Don Albert para mag-enjoy sa buhay kaysa paglaruan ang mga bagay-bagay sa Antique Street?”Isang babae na nagbebenta ng pekeng tansong barya ay sinabi nang nakangiti, “Zachary, maaari bang nagkamali ka nang ilang beses at pinaalis ka ni Don Albert?”Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang kaswal, “Huwag mo nang banggitin ang mga bagay na ito. Balak kong bumalik dito at itayo ulit ang stall ko.”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya sa lalaki na naunang bumati sa kanya at sinabi, “Landon Diggor, pinahiram ko sayo ang orihinal na stall ko nang libre pagkatapos kong umalis dati. Dahil bumalik na ako ngayon, dapat mong ibalik ang posisyon na iyon sa akin.”Kinaway agad ng lalaking nagngangalang Landon ang kanyang kamay at sinabi, “Hindi, hindi, hindi ko iyon magagawa. Zachary, pagkatapos mong umalis, sinabi mo na hindi ka na babalik sa Antique Street, kaya binigay mo ang stall na iyon sa akin. Dapa
Hinukay ni Zachary ang tatlong mahiwagang instrumento na binigay ni Charlie sa kanya mula sa mabahong lupa sa tabi ng palikuran gamit ang isang pala sa kanyang kamay.Ang tatlong mahiwagang instrumento na ito ay nilibing nang magkakasama kasama ang nabubulok at mabahong laman loob ng baboy. Mayroong masangsang na amoy sa sandaling hinukay ang mga mahiwagang instrumento.Pinisil ni Zachary ang kanyang ilong at kinuha ang tatlong mahiwagang instrumento mula sa lupa, pagkatapos ay maingat na tinanggal ang dumi sa paligid ng mga mahiwagang instrumento gamit ang isang malambot ng brotsa at pinunasan sila nang maingat gamit ang isang tuyong tuwalya. Pagkatapos ay nilagay niya ang mga mahiwagang instrumento sa ilalim ng ilong niya at inamoy sila nang masigasig.Sa sandaling ito, kumupas na ang malansang amoy ng dugo. Ayon sa dating karanasan ni Zachary sa pagbebenta ng mga antique, ang amoy na ito ay sobrang lapit na sa amoy ng isang bagong jade na hinukay mula sa mga bagong libingan.Ang
Pagkatapos magsalita ni Merlin, si Keith, na may malaking progreso sa kondisyon niya sa nakaraang ilang araw at unti-unting bumabalik ang memorya, ay biglang sinabi nang may seryosong ekspresyon, “Tama si Merlin! Dati ay masyadong madali nating tinatanggihan ang lahat ayon sa kutob natin. Iyon ang dahilan kung bakit hindi natin nahanap si Charlie kahit maraming taon na ang lumipas! Minsan, kapag ginagawa natin ang mga bagay-bagay, kailangan nating maghandang labanan ang sarili nating kutob!”Tumango si Christian at sinabi, “Pagkatapos ng aksidente ng ate ko, naghanap tayo saglit sa Aurous Hill pero hindi natin nahanap si Charlie. Ang naging kutob natin sa sandaling iyon ay baka umalis si Charlie sa Aurous Hill. Simula noon, palagi nating hinahanap si Charlie sa labas ng Aurous Hill, pero walang naging resulta sa dalawampung taon na paghahanap. Marahil ay hindi umalis si Charlie sa Aurous Hill sa una pa lang!”Nanahimik saglit si Kaeden at biglang tumingala at kumunot ang noo habang s
Tinanong nang nagmamadali ni Kaeden, “Anong sinabi ni Miss Jasmine?”Sumagot si Christian, “Hindi niya ako binigyan ng malinaw na sagot. Sinabi niya na gusto niya itong pag-isipan. Sa tingin ko ay gusto niya muna itong i-report sa benefactor natin at hingin ang opinyon niya.”Sinampal ni Kaeden ang mga hita niya at sinabi, “Oh, Christian! Kalahating oras siguro ang biyahe mo pabalik dito. Sumagot na ba si Miss Jasmine?”Sinabi ni Christian, “Hindi pa.”Medyo nabigo si Kaeden at bumuntong hininga habang sinabi, “Mukhang wala siguro sa Aurous Hill ang benefactor natin…”Tumango si Christian at sinabi, “Gano’n din ang naiisip ko. Kung matatagalan siyang sumagot, sa tingin ko ay mataas ang posibilidad na wala sa Aurous Hill ang benefactor natin.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Christian, “Habang kausap ko si Miss Jasmine, binanggit niya rin na umalis sa Aurous Hill ang benefactor natin. Iniisip ko kung patuloy bang nanatili sa ibang bansa ang benefactor natin pagkatapos ng nangyari sa
Patuloy na naghintay si Christian ng tawag mula sa assistant ni Jasmine habang pabalik siya sa Willow Manor. Alam niya na sobrang tapat ng mga kondisyon na inalok niya kay Jasmine ngayong araw, at siguradong hihingi ng utos si Jasmine sa benefactor niya bago siya bigyan ng malinaw na sagot.Pero, hindi niya alam kung nasaan ba ang benefactor niya sa ngayon. Hindi niya alam kung nasa Aurous Hill ba siya o Oskia.Kaya, hula ni Christian na kung nasa Oskia o kahit Aurous Hill ang benefactor niya, siguradong tatawagan siya ni Jasmine sa lalong madaling panahon at ire-report ito sa kanya. Pagkatapos ay kukuha ng tao si Jasmine para sagutin siya nang mabilis kung papayag ba siya sa mga kondisyon siya.Kung mabilis na darating ang sagot, marahil ay nasa Aurous Hill ang benefactor niya.Pero, hindi pa rin sumagot si Jasmine kay Christian kahit pagkatapos niyang dumating sa Willow Manor. Nang nakauwi siya, agad itinigil ng mga miyembro ng pamilya Acker ang mga ginagawa nila at lumapit sa ka
Hinatid ni Jasmine si Christian papunta sa pinto ng kanyang opisina at pagkatapos ay sinabihan ang assistant niya na ihatid si Christian pababa habang bumalik siya sa opisina at tinawagan si Charlie.Inulat ni Jasmine ang lahat ng binanggit ni Christian kay Charlie sa tawag. Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Jasmine, hindi mapigilang ngumiti ni Charlie at sabihin, “Mukhang medyo tapat nga ang tito ko. Kung magagawa ang kolaborasyon sa pagitan ng Moore Group at mga Acker, marahil ay dumoble o tumaas pa nang sobra ang market value ng Moore Group sa loob ng susunod na taon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Charlie, “Bukod dito, ang mga ideya ng tito ko sa pag-unlad ng healthcare sa Aurous Hill ay halos katulad ng dati kong plano. Sa kasalukuyang abilidad ko, kung gusto kong tulungan ang Aurous Hill na pataasin ang impluwensya nito sa ibang bansa at akitin ang mas maraming kapital, ang pinakamagandang paraan ay ang healthcare. Kung magagawa ito nang maayos, marahil ay abutin ng ilang tao
Sa normal na sitwasyon, mahirap para sa iba na magkaroon ng pagkakataon na makakuha ng share sa kahit anong proyekto na ginagawa ng mga Acker kahit na magmadali silang bumili ng mga shares gamit ang pera.Bukod dito, kahit na ang ilang proyekto ng mga Acker ay bukas sa mga panlabas na investment, hindi lahat ay makakakuha ng investment share. Noon pa man ay mahigpit na ang mga Acker sa pagpili ng mga business partner nila, at hindi makakapag-invest ang isang tao kahit na may pera sila, basta’t hindi pasok ang asset ng mga taong iyon sa pamantayan.Bukod dito, kung gustong mag-invest ng mga tagalabas sa mga proyekto ng mga Acker, katumbas ito sa pag-iinvest sa isang wealth management fund. Kahit na makuha nila ang pagkakataon, kailangan nilang magbayad ng tiyak na porsyento ng management fee sa mga Acker, na ang trader, at ang management fee na ito ay dapat umabot ng 25 percent sa pinakamababa.Kung isa itong proyekto na may halagang 10 billion US dollars at inalok ng mga Acker ang 4